CHAPTER 6: Pompyang

171 4 0
                                    

CHAPTER 6: Pompyang

Charie’s POV

**Makalipas ang tatlong taon.

“Anak, magtatransfer ka na sa Asuncion High.”

“Ano kamo Pa?”

“Lilipat ka na ng school. Sa AH kana mag-aaral.”

“Pakiulit nga po Ma.”

“Uulitin ko pa? Dagukan nalang kaya kita? Oh kaya bombahin ko ng pambomba ng inidoro yang tainga mo para marinig mo sinasabi ng Tatay mo? Ano? Kunin ko na ba nak?”

“Ay hindi na pala. Narinig ko nga eh. Kadiri ka Ma. Aish. Bakit po ako lilipat?”

“Eh kasi nakaipon naman na kami ng Papa mo, tsaka para deretso na rin pag-graduate mo. Kasi sa Asuncion University ka na rin naman magka-College.”

“Wow! May budget. Hindi naman kayo siiguro nagnakaw ng pera sa mga pinagtatrabahuhan niyo para makapag-aral ako no?”

“T*nga. Ano ka? Espesyal? Haha! Inipon talaga yon ng Papa mo. Kaya gagastos kami ng malaki para makonsensya ka at pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Kaya manahimik ka na lang dyan at mag-aral.”

“Opo. Ahaha!”

Asuncion High? Kelan naman patapos na ko ng High School tsaka pa ko pinalipat.

Asuncion High. Asuncion. Parang pamilyar. Nebermaynd.

***

*Fast forward.*

1st day ko na bilang 4th year High School.

Asuncion High. Ang laki.

Pumasok na ko sa loob.

Wow! Mas malaki.

Ano nga ulit section ko? Ay tama. E-3. Tunong ET. Parang kokey lang. Hmp. Anyway. Eto na.

“Uhm. Miss excuse me. San po yung room ng E-3?” tanong ko sa isang inosenteng babaeng napadaan lang sa harap ko.

Maliit siya. Mga hanggang balikat ko lang. Maganda. Mukhang siyang batang kilos dalaga. Mukha ring matalino.

“Ay. Ikaw siguro yung bago naming classmate! Dun yung room natin! Maaga pa mamaya ka na pumasok. Tara samahan mo muna ako sa Canteen. Ako pala si Mei. Bago ka dito no? Ngayon ka lang napadpad sa AH? Ang laki no? Ganyan din reaksyon ko nung una akong pumasok dito eh. Ay nako masaya dito! Lalo na sa E-3! Magugulo yung mga tao dun parang laging may wrestling match. May royal rumble. Ay hindi pala mga takas pala sa Zoo mga kaklase natin. Pero wag kang mag-alala hindi naman sila nangangagat. Mababait naman sila. Ano nga pala pangalan mo?”

O_O

Akala ko hindi na siya matatapos sa kakasalita.

Ang daldal. Haha!

“Charie. Charie Louise Engki. Oo ngayon lang ako napadpad dito. Bagong salta.”

“Bagong salta? Bakit? Taga probinsya ka ba? Taga bundok? Ngayon lang nakarating ng Maynila?”

-__- Mukha lang akong taong unggoy. Pero hindi naman ako nanggaling sa kweba.

“Dito ako sa Maynila ipinanganak at lumaki. Ang ibig kong sabihin. Dito sa AH. Bagong salta. Hindi pa ko napasok dito. Isang beses pa lang. Sobrang tagal na ‘non. 3 taon na rin haha!”

“Talaga?” tinignan niya ako ng parang kinikilig.. Eh?

“Ano yun?”

“Sino namang dahilan ng pagpunta mo dito noon? Boyfriend mo?”

Asungot and Engot: A small ForeverWhere stories live. Discover now