CHAPTER 11: Pakilala

144 2 0
                                    

CHAPTER 11: Pakilala

Rain’s POV

Nagpalingon lingon ako, tinitignan ko kung sang posible spot ang pwedeng puntahan.

Ok. Nakita ko na.

After 10 minutes nag signal na sila na mag-start na, naghiwa hiwalay na ang mga participants. Kami rin ni Engot nagstart na maglakad.

“Hand me the map.”

Inabot niya naman sakin yung mapa, tinignan ko yung location sa mapa nung lugar na nakita ko kanina, at tama nga ako, may daan dun.

“Dun tayo.” Tinuro ko kay Engot yung nakita kong daan kanina, sumunod naman kagad siya sakin.

Tahimik lang kami habang binabagtas ang madamo at bako bakong daan. Habang naglalakad kami napansin kong may kakaiba kay Engot ngayon.

“Hoy.”

“May pangalan ako.”

“Engot.”

“Galing. Tsk. Ano?” –siya

“Bat ang tahimik mo?”

“Pake mo ba?” ang sungit

“Tsk. Pangit na masungit. Yuck.”

“Ewan ko sayo. Kung wala kang sasabihing maganda wag ka nalang magsalita.”

“Ikaw, kung hindi ka maganda wag kang magsungit. Ano ngang problema mo?”

“Wala!”

Tapos niya kong sigawan iniwan niya na ako at naglakad na ng mabilis. Alam niya naman ba ang pupuntahan niya? Nasakin ang mapa. Tsk.

Nakarating na kami sa unang spot, kinuha ko yung camera na nakasabit sa leeg ko, at kinunan na ng picture si Engot, kahit na nakatalikod siya sakin, pakiramdam ko kasi ayaw niya muna ng kausap kaya hinayaan ko nalang.

Dire-diretso lang siya sa kakalakad. Parang lutang si Pangit.

Nakarating na rin kami sa second spot, katulad nung una, since tuloy-tuloy lang siya sa kakalakad, pinicturan ko na lang siya kahit na nakatalikod siya.

Nakalampas na siya sa second spot, sige pa rin siya sa lakad, napapagod na ko ah! Pero ayun si Engot! Wala pa ring imik.

Sinundan ko nalang kung saan siya pupunta hanggang sa...

*boogsh*

“Hoy Engot!” tumakbo ako papalapit sa kanya.

Napaupo kasi siya, tas bigla niyang hinawakan yung mukha niya.

“Anong nangyari sayo?” hinawakan ko siya sa braso

“Ayos ka lang ba?”

Tinignan niya ko, nagulat ako.

Umiiyak siya.

“Hoy bakit ka umiiyak?!”

“Wala!” tumayo na siya, at naglakad na ulit

Eh? Anong problema niya? Nababaliw na ba to? Umiiyak ng walang dahilan?

Nakita ko na yung third spot kaso si Engot lumiko kaya ako nalang nagtake ng picture, syempre kasama ako.

Mabilis lang kasi nawala kagad si Engot, lumiko ako dun sa nilikuan niya. Nakita ko naman siya kagad, kaso...

“Hoy ano ba!” binato niya bigla dun sa may malaking bato yung maliit na bag niya, nandun yung cellphone at yung flashlight!

Tumakbo ako at tinignan yung laman nung bag, at tama nga! NASIRA YUNG CELLPHONE AT FLASHLIGHT!

TInignan ko si Engot, at nagulat din siya, tumayo ako at nilapitan siya.

Asungot and Engot: A small ForeverWhere stories live. Discover now