CHAPTER 30: Break-up

150 4 0
                                    

CHAPTER 30: Break-up

Charie’s POV

“GISING!! GISING GISING GISING!!”

Maaga akong gumising at nag ayos ng sarili.. Parang hindi nga ako nakatulog eh.. Kakaisip. Bago sakin yun, bago para sa isang Engot ang mag isip. Haha..

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Asungot at tinatalunan ko yun kama niya para gumising na siya..

“Engot naman! Ang aga pa eehhh!!” sabi niya sabay hatak sakin sa tabi niya tapos niyakap ako..

Shiyet! Naiiyak ako! Pero eto na to eh, sisimulan ko na.. Phew! Kayanin mo Charie Please. Para kay Vincent..

Niyakap ko rin siya at pinaghahahalikan sa buong mukha.

“Haha! Puro laway mo na ako!”

“Gumising ka na kasi!! Alis tayo! Dali na!”

Tinignan niya ako..

“Hindi ba natin dadalawin si Vincent?”

“Gusto mo dun nalang ako kay Vincent?”

“Subukan mo.”

Tumayo na siya at kumuha ng damit. Haha! Maliigo na agad. Ang lakas ko talaga kay Asungot!

Bigla akong napatitig sa pinto na pinasukan niya.. Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit sibrang sakit? Wala pa namang nangyayari. Pero parang mabibiyak na yung puso ko sa sobrang kirot.. Vincent.. Asungot..

Hinintay ko lang siyang matapos sa pagligo, inayos ko na yung mga gamit niya, total kabisado ko naman na kung ano yung lagi niya lang dinadala pag lumalabas siya eh..

Paglabas niya sa banyo hinanap niya yung mga gamit niya.. kaya tinawag ko siya..

“Eto na, dala ko na. Ok na. Taralets!”

“Excited ah. Anong meron?” Ngumiti siya at lumapit na sakin. Ang gwapo talaga nitong lalaking to. Sarap mahalin!

Sinabihan ko na sila Mei kanina pa na hindi kami sasabay ni Asungot sa kanila sa pagkain. Sabi ko ikamusta nalang din nila kami kay Vincent..

“San ba tayo pupunta Engot?” tanong niya habang naglalakad kami ng magkahawak ang mga kamay..

“Basta. Tiwala ka lang sakin. Hindi tayo maliligaw.”

Kaninang 5am kasi napagdesisyunan ko ng bumangon at naabutan ko si Manang yung katiwala ng bahay na naghahanda na ng almusal, tinanong ko siya kung saan pwedeng mamasyal dito sa lugar nila bukod dun sa mga napuntahan na namin kahapon.. At nagulat ako sa dami ng sinabi niya. Binigyan niya pa ako ng mapa, at listahan ng mga pwede at magandang bilhin..

Dinala ko si Asungot, muna sa isang kainan.. Maliit lang siya pero malinis at maganda yung pagkakaayos o yung concept ng kainan.. Hindi siya basta kainan dahil ang warm nung lugar, parang ang sarap kumain. Ang sarap tambayan. May tumutunog din na love songs ng International Singers pero ang tumutunog eh parang pang choir ang boses. Mura pa ang mga pagkain.. Bumili kami ni Asungot ng Mami.. Mejo malamig kasi sa labas, at sumakto yung Mami sa klima..

“Wooh, grabe ang sarap nito!” –ako

Sabay pahid ko sa pawis ko sa noo. Ang sarap nung Mami! D’best!

“Ang sarap nga sobra.. Ang sarap ng ganito..” Sabi niya habang nakatingin sakin at hawak sa kamay ko..

“I love you..” –ako

Mejo nagulat siya dahil minsan lang ako mag I love you sa kanya na ako yung nauuna..

“I love you more..” sabi niya..

Asungot and Engot: A small ForeverWhere stories live. Discover now