CHAPTER 28: Heartache

158 4 0
                                    

CHAPTER 28: Heartache

Charie’s POV

“Ugh! Why does it always has to be Louise?!”

Pagkatapos kong marinig ang linyang yun mula kay Ethina umalis na ako sa tapat ng kwarto ni Vincent at bumalik sa kwarto ko.. Hindi ko alam kung nakatulog ako pero masakit ang ulo ko kinabukasan..

Ano ba kasi yung pinag-usapan nila? Tungkol saan yun?

“Goodmorning..”

Bati ni Asungot sakin sabay halik sa noo ko.. Nandito na kaming lahat sa lamesa at handa na para mag almusal.. Lahat nandito na maliban kay---

“Wala si Ethina sa kwarto niya..” –Jade

“A-ah baka lumabas lang nagpahangin..” – Vincent

Tinitigan ko si Vincent.. Alam niya kung nasan si Ethina, ayaw niya lang sabihin..

“Ano ba yan, kakain na eh..” –Mei

Nagumpisa na kaming kumain kahit wala si Ethina..

“Nakatulog ka ba ng maayos kagabi Engot?”

Nasan na kaya si Ethina? Ok lang kaya siya? Si Vincent at si Ethina.. Ano kayang nangyari sa kanila?

“Huy Engot!”

“H-ha?”

“Anong ha? Tinatanong kita kung nakatulog ka ng maayos kagabi. Bakit lutang ka? Ok ka lang ba?” tapos hinawakan niya ako sa noo..

“Ok lang ako..” dapat ko bang sabihin kay Asungot yung narinig ko? Tingin ko wag muna..

Pagkatapos naming kumain nagsipaghanda na kami para sa paglibot..

~~

Pumunta kami sa Iba’t ibang lugar.. Sa Park.. Sa Perya.. Sa parang palengke.. Grabe parang ang sarap tumira dito, lahat ng kailangan mo nandito na.. May nadaanan din kaming eskwelahan.. Tabi tabi na yung Elementary, High School, at state University.. Ang payapa..

Habang naglalakad kami sa parang maliit na burol may natanaw akong bahay na malaki, na malawak din at may malaking garden.. May mga nagalalarong matatanda sa Garden.. Parang mga bata na naglalaro lang sa labas ng bahay..

“Jade ano yun?”

“Ah.. yun ba..?”

Napangiti si Jade habang tinitignan din yung mga Lolo, Lola, at yung iba mga nasa Middle Age lang..

“Vinchy Rehabillitaion Yan.. Para sa mga may Mental Disability..”

Rehabillitaion Center? Tapos sa di kalayuan ay may Hospital, tapos Chapel.. Ang galing..

Binalikan ko ng tingin yung Center.. Gusto kong pumasok dyan.. Parang ang saya kasi nila..

“Masaya ka ba Engot?” hinawakan niya ng mas mahigpit yung kamay ko..

“Hmm.. Masayang masaya..”

Pagkatapos naming maglibot sa buong bayan, umuwi na rin kami para makapagpahinga.. Ang sabi nung katiwala nila Jade, madami pa daw pwedeng puntahan dito sa lugar nila.. Mukha lang daw simple ang buong bayan pero napakarami mo pang pwedeng mapuntahan. Nakakatuwa naman.. Sa totoo lang pangarap kong tumira sa ganitong lugar, yung simple buhay sa tahimik na bayan? Kasama yung lalaking mahal mo? At yung mga anak niyo? Wow. Heaven yun.

Pagkadating na pagkadating namin sa Bahay nila Jade, nahiga agad si Mei sa Sofa, si Jade naman tinulungan yung katiwala na maghanda ng Merienda..

Kami ni Asungot naupo lang sa tabi..

Asungot and Engot: A small ForeverOn viuen les histories. Descobreix ara