CHAPTER 8: Nanghihina ako..

177 3 0
                                    

CHAPTER 8: Nanghihina ako..

Rain’s POV

“Eh ano namang drama mo at dinala mo ako dito? May balak ka bang gawing masama sa akin?”

Teka—ano daw?!

“Mandiri ka nga!”

“Ahahaha! E bakit mo nga ako dinala dito?”

Bakit nga ba?

“A-ano—“

“Hep hep! Bago mo sagutin yan. Pa-CR muna ako. Kanina pa nag-aalboroto tyan ko. Napasama yung kain ko ng marami kanina ahaha!”

Tinakpan ko yung ilong ko.

“Yuck! Kaya pala ang baho! Kadiri ka! Magkakalat ka pa dito!”

“Kaya nga makiki-CR eh! Arte nito! Parang hindi ka nadudumi!”

Namula ata ako! Kadiri naman kasi tong pangit na to eh!

“Pumasok ka na nga don!” sabay turo ko sa may Restroom.

5 minutes.

10 minutes.

15 minutes.

*PPPRRSSSSHHHHH* (Flush yan haha!)

“Wah! Sakses!!” - Engot

“Baho.”

“Che! Haha! So mabalik tayo sa tanong ko. Bakit mo ko dinala dito aber? Crush mo ko no?”

Binigyan ko siya ng isang malaking poker face.

“Oo na. Hindi na nga eh. Haha! Eh bakit nga kasi?”

“Wala. I just want to confirm na ikaw yung pangit na Engot na nakilala ko years ago.”

“Ok. Ako nga. Masaya ka na? Sapukin kita dyan eh. Makapangit na Engot feeling close lang?”

“Hindi ka maganda ok? Wag mo kong artehan ng ganyan. Tsk.”

“Okaayy! Ahaha! Tara balik na tayo sa room.”

Nauna na siyang lumabas sakin. Inilovk ko lang yung office tapos lumabas na rin ako. Err—may something akong nararamdaman. Parang abnormal heart beat? Bakit kaya?

“Ow—“ napaatras ako, si Engot nakatayo lang siya sa tapat ng office. Nakatingin sa malayo.

Tinignan ko kung saan siya nakatingin.

“Anong tinitignan mo?”

“Ayun.” Tinuro niya yung lalaking nakayuko habang sinisigawan ng umiiyak na babae.

“Oh anong meron? Kilala mo sila?”

Umiling si Engot.

“Yung lalaking yun. Schoolmate ko siya. Mas nauna siyang lumipat dito. Narinig ko na Girlfriend niya yang babae.”

“BREAK NA TAYO!” narinig naming sigaw nung babaeng umiiyak. Ang lakas ‘non ah.

“Oh, break na sila.”

“Bago siya lumipat dito. Hindi yan ang Girlfriend niya.”

“Huh? What do you mean?”

“Hindi ko sinasadya pero napapansin ko siya ‘non sa school. Isa? Dalawa? Buwan. Minsan linggo nga lang ang inaaabot bago siya magkaron ng bagong Girlfriend.”

“ow. Eh baka gwapo. Eh parang ok lang naman sa kanya.”

Nakita kong pagkaalis nung babae parang huminga ng malalim yung lalaki tapos biglang ngumiti ng nakakaloko.

Asungot and Engot: A small ForeverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant