THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

Por GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " Más

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 17 - Rivalry

3.9K 198 1
Por GarnetSiren

SAIYAN'S POV :

Alam kong hindi masusundo si Sigrid ng kaniyang mga kaibigan so here i am, Kasalukuyang nagmamaneho papunta sa bahay nila.

Pinuna din ni Mommy ang maaga kong paggising pero isa lang ang naging sagot O should i say, palusot ko. 'May kailangan kasi akong gawin sa School, Mom.' Mabuti nalang at kahit papaano ay nakalusot.

Gusto ko ring makausap si Sigrid para tanungin kung bakit parang mas close pa sila ngayon ni Kenshi na mortal niyang kaaway kaysa sa aming dalawa na kahit papaano ay naunang naging malapit -not so close.

I parked my car in front of their house. Nakita ko na kaagad si Lola Maurita na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa bakuran nila at kaagad di siyang lumingon sa gawi ko nang maramdaman ang presensiya ko.

Sigrid is really a lucky one to have them. To have a grandparents Like Lolo Gaudencio and Lola Maurita in her life. Sobrang babait na mga tao kaya hindi ko alam kung kanino namana ni Sigrid ang kaniyang katarayan.

Naglakad ako palapit kay Lola Maurita na ngiting-ngiti naman habang sinasalubong ako. "Good morning, Lola." Bati ko sa kaniya sabay mano.

"Magandang umaga rin, Saiyan." Nakangiting bati ni Lola Maurita sa 'kin. "Bakit ang aga mo namang napadpad dito sa amin bata ka?" Tanong niya na pinasadahan pa ako ng mapanuring tingin.

I chuckled. "Ano kasi, Lola, ahm .. inagahan ko na ho talaga ang gising ko para madaanan ko si Sigrid at maisabay ko na siya sa pagpasok sa School." Nahihiyang paliwanag ko.

"Ganoon ba? Salamat sa malasakit mo sa apo ko, Hijo." Nakangiting wika ni Lola Maurita.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa ko 'to samantalang hindi naman kami magkaibigan ni Sigrid.

"Wala ho 'yon, Lola." Sabi ko.

"E nag-almusal ka na ba? Gusto mo bang magkape muna? Ibibili nalang kita ng pandesal para- "

"Chill, Lola. Natataranta ka na naman." Natatawang sabi ko. "Nag-almusal na ho ako kaya 'wag niyo na ho akong intindihin." dagdag ko. "Nasaan na nga ho pala si Sigrid, Lola?" Tanong kong sumulyap pa sa loob ng bahay nila.

"Nakabihis na rin siguro 'yun kaya mabuti pa'y puntahan mo nalang siya sa loob, Hijo."

"Si Lolo Gaudencio po?" Tanong ko dahil hindi ko pa siya nakikita.

"Maaga silang umalis ng kumpare niya para ibenta ang mga kalakal nila, Hijo."

"Gano'n ho ba?" Tumango si Lola. "Sige po, titingnan ko muna si Sigrid, 'la." paalam ko.

"Siya sige. Puntahan mo na para bilisan ang kilos at ng makapasok na rin kayo."

"Opo."

Tinalikuran ko na si Lola Maurita. Pumasok ako sa bahay nila pero hindi ko kaagad nakita si Sigrid.

"Sig?" Tawag ko sa kaniya. "Sigrid?" Hindi siya sumasagot. "Papasok na ako sa kuwarto mo!" Wala pa ring Sigrid na nagsalita kaya huminga ako ng malalim at humakbang papasok ng kaniyang kuwarto. "Anak ng tokwa." Iiling-iling na sambit ko nang madatnan ko si Sigrid na himbing na himbing pa rin ang tulog at nakanganga pa.

Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko ang tawa ko. Lumapit ako sa higaan niya at saka umupo sa tabi niyang natutulog.

Gamit ang dulo ng kaniyang buhok, sinundot sundot ko ang kaniyang ilong habang pigil na pigil sa pagtawa.

"Uhmm .." Ungol niya na tinakpan pa ng unan ang mukha niya nang maramdaman niya sigurong may sumusundut-sundot sa ilong niya. "Geezz! Lolo naman e. Limang minuto nalang po, please?" Nakapikit pa rin ang mga mata niya habang nakikiusap sa akala niyang Lolo niya na walang iba kundi ako. "Lolo - Saiyan?!" Bumalikwas siya ng upo nang pagmulat niya ng kaniyang mata ay mukha ko kaagad ang nabungaran niya. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka?" Patanong kong tugon. "Kaso pagdating ko dito, ang sarap sarap pa ng tulog mo kasi nakanganga ka pa." Sabi ko na hindi na rin napigilan pa ang aking tawa.

Mas natawa pa ako nang bigla niyang takpan ng kamay niya ang kaniyang bibig.

"Huwag ka ngang tumawa!"

i raised my hands in the air. "Alright. Hindi na-pfft." Tumalikod ako dahil hirap akong pigilin ang tawa ko kapag nakatingin ako sa itsura niya. "Ehemm.." Tumikhim ako para kalmahin ang sarili ko. "Hindi na. Hindi na talaga ako tatawa." Sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

"Hindi ka na tatawa pero nakatalikod ka sa 'kin? ginagago mo ba ako? Gusto mong ipakain kita kay Majin buu?!"

"Baka Majin Boo?"

"Majin Buu. But generally spelled as Majin Boo and rendered as Djinn-Boo." Mataray niyang sabi. "Kaya Majin Buu, Majin Boo O Djinn-Boo pa man ang itawag sa kaniya, iisa pa rin ang katauhan niya at hindi mo na mababago ang nakatakda." Mahabang paliwanag ni Sigrid.

"Anong nakatakda?"

"Na ikaw at Siya ay iisa."

"The heck?!"

"Kaya mag-diet ka baka puwede pang mabago ang nilalaman ng propesiya." Natatawang aniya.

"Sigrid."

Tiningnan ko siya ng masama saka lumapit ng lumapit sa kaniya habang siya palayo ng palayo sa 'kin.

"Alam mong masama akong - "

"Aayyy!!!"

"HAHAHAHA!!" Humagalpak ako ng tawa ng mahulog siya sa sahig sa kakaatras niya makalayo lamang sa 'kin. "HAHAHA! You- fuck! HAHAHA!" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa kakatawa ko. "Dammit! HAHA! You look like a fucking frog!" Tinuturo ko pa siya kahit masamang masama na ang tingin sa 'kin. "Karma is real, Sig. Tsk Tsk." Nakangising sabi ko.

"Buwiset ka! Ang sakit ng puwitan ko ng dahil sa 'yo!"

Tumayo siya at saka pinulot ang kaniyang unan at walang anu-ano'y ibinato niya 'to sa 'kin pero tinawanan ko lang.

"Hindi ko kasalanang bumagsak ka sa sahig, okay? Sabi ko nga Karma is- Araayy!" hinampas niya ako ng unan kaya nasaktan ako. Ang lakas e. "Kailangan mo na rin sigurong mag-diet para sa susunod na bumagsak ka, hindi na gaanong masakit kasi hindi ka na mabigat at- Araayy!"

"Hindi ka ba talaga titigil?!"

"Anong nangyayari dito?" Nagulat kami pareho ni Sigrid nang biglang pumasok si Lola Maurita sa kuwarto. "Bakit ka sumisigaw, Sigrid?"

"Kasi po- "

"Nagagalit ho si Sigrid sa 'kin kasi ginising ko siya, Lola." Putol ko kay Sigrid. Baka kasi mamaya ako na naman ang palabasin niyang masama sa Lola niya kaya inunahan ko na. Mahirap na.

"Hindi- "

"Tumahimik ka, Sigrid." Pigil ni Lola Maurita kay Sigrid. "At bakit hindi ka pa naliligo? Hindi ka na nahiya dito kay Saiyan na maagang gumising para lang masundo ka?"

"Hindi ko naman po sinabing gumising siya ng maaga para- "

"Aba't sumasagot ka pa ha! Maligo ka na ro'n!" Galit na si Lola pero nagawa ko pang ngisihan si Sigrid.

"O-opo .."

Kinuha ni Sigrid ang kaniyang tuwalya saka lumabas ng kuwarto niya pero tinapunan muna ako ng nakakamatay na tingin.

Kumilos naman si Lola Maurita para ligpitin ang magulong higaan ng Manang niyang apo.

"Saiyan, pagpasensiyahan mo na sana ang katarayan ng aking apo ha? Ikaw na ang bahalang umunawa sa kaniya."

"Huwag mong intindihin 'yun, Lola. Nauunawaan ko ho ang katarayan niya." Sabi ko na nginitian pa siya.

Kaso napapatulan ko ho siya ..

"Salamat, Hijo."

Nginitian ko si Lola Maurita. "Sige po. Hintayin ko nalang si Sigrid sa kotse, 'la."

"Sige, sige. Mabilis lang namang maligo 'yun."

Kaya pala hindi nagbabago itsura niya.

"Sige po."

Tinalikuran ko si Lola Maurita at Lumabas na ng kuwarto ni Sigrid saka nagtuluy-tuloy na palabas ng kanilang bahay. Pagdating ko sa labas ay nadatnan ko si Kenshi na nakapikit at nakapamulsa habang nakasandal sa kotse niyang nakaparada sa tabi ng kotse ko.

Anong ginagawa ng mokong dito?

"Kenshi?"

"Hmm?" Nakapikit pa rin ang mokong.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Sinusundo si Manang." Suwabeng sagot niya. "Ikaw? anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na sa wakas ay minulat na ang kaniyang mga mata. "Don't tell me na narito ka para sunduin rin si Manang?"

I nodded. "Gano'n na nga."

"So," Pinagkrus niya ang dalawang braso niya sa dibdib. "Close na pala kayo ni Manang kung gano'n?"

"Sort of." Sumandal din ako sa kotse ko. "E kayo? Magkaaway kayong dalawa 'di ba? Bakit parang ang bilis naman yatang mag-iba ang ihip ng hangin kaya ngayon ay sinusundo mo na rin siya?" Nakangising tanong ko.

Tumawa bigla si Kenshi pero bago pa man niya ako masagot, dumating na si Manang na halatang hindi pa gaanong nakakapag-ayos ng sarili dahil gusut-gusot pa ang basa niyang buhok habang ang Blouse niyang uniform ay hindi pa nakabutones sa bandang ibaba.

Ang bilis namang maligo? Wala pa yatang sampung minuto.

"Ayusin mo nga 'yang itsura mo, Manang." Nakabusangot na sabi ni Kenshi dahilan para mapatingin sa kaniya si Sigrid.

"Oh?! Pati ba naman ikaw nandito?"

"Yup!" Hinablot ni Kenshi ang bag ni Sigrid saka ibinato sa backseat ng kaniyang kotse. "Para sunduin ka kaya," Binuksan ng mokong ang pinto ng passenger seat. "Sumakay ka na."

"Hindi puwede kasi- "

"Tama." Putol ko kay Sigrid saka ko binuksan ang pinto ng passenger seat ng kotse ko. "Ako ang nauna kaya dito ka sumakay." Nakangiting sabi ko.

"Hindi siya puwedeng sumakay sa kotse mo kasi- "

"Bakit naman hindi siya puwedeng sumakay sa kotse ni Saiyan?" Nagulat kaming tatlo sa biglaang pagsulpot ng Lola ni Sigrid.

"Kasi po, ahm.." Halatang walang maisip na palusot si Kenshi kaya napakamot nalang ang mokong sa kaniyang ulo. "Kasi may dadaanan pa ho si Saiyan sa kanila." Biglang sabi ni Kenshi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah gano'n ba?"

"Gano'n na nga ho, Lola." agarang tugon ni Kenshi. "Kaya sa akin nalang po sasabay si Sigrid para hindi na maabala pa itong si Saiyan." painosente pang ngumiti ang Mokong.

Fuck you, Guttierez!

"E kung may dadaanan ka pa pala sa inyo, aba'y dapat sigurong lumarga ka na, Hijo." Wika ni Lola Maurita sa 'kin. "Para makarating ka kaagad sa inyo at nang hindi ka mahuli sa pagpasok sa eskwelahan mamaya."

"Oo nga, Bro." Gatong pa ng magaling kong kaibigan. "Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala kay Sigrid."

Hudas Barabas!

"Sasabay nalang ako para matulungan ka- "

"Huwag na." Pigil ni Kenshi kay Sigrid. "Mahihirapan ka lang saka kaya na ni Saiyan 'yun. Hindi naman siguro mabigat kung ano mang bagay ang dadaanan niya sa kanila." Paliwanag pa nito. Ang sarap batukan ng hinayupak na 'to. "Tama ba ako, Bro? Kaya mo na 'yun 'di ba?" Baling niya sa 'kin na ngumisi pa.

May araw ka rin loko.

"Yeah. Kaya ko na 'yun, Sig." Walang ganang sabi ko. "Mauna na po ako, Lola. Pasensiya na po kung hindi ko na maisasabay si Sigrid." Buwisit kasi 'tong asungot na kaibigan ko.

"Ayos lang 'yun, Saiyan. Sige na, Hijo. Lumarga ka na. Mag-ingat ka sa daan ha?"

"Opo. Salamat po."

Hindi ko na tiningnan ang dalawa dahil umikot na ako sa driver side at sumakay saka humarurot paalis na masamang masama ang mood.

KENSHI'S POV :

Sumisipol-sipol pa ako habang nagmamaneho patungong HIS. Kasama ko sa kotse si Sigrid na masamang masama ang mukha.

"According to my research, ang pagsimangot raw ay- "

"Shut up, Shokoy!" Bulyaw niya sa 'kin. "Bakit mo ginawa 'yun?"

"Ano na naman bang ginawa ko?" inosenteng tanong ko.

"Gumawa ka ng kuwento para mapaalis mo si Saiyan at para sa 'yo ako sasabay."

"What?!" Kunwari'y gulat ako sa sinabi niya. "Hindi totoo 'yan, Manang. Nako- "

"Huwag ka ngang sinungaling!" Namumuro na 'tong nerd na 'to kakabulyaw sa 'kin e.

"Bakit big deal 'yun sa 'yo?" iritadong tanong ko. "May something ba kayo si Saiyan?"

"At ang dumi din naman talaga niyang utak mo ano? Naunang dumating sa bahay si Saiyan at naghintay ng matagal kaya dapat sa kaniya ako sasabay pero dahil dumating ka at - "

"So ano? First come, First serve. Gano'n?" Putol ko sa kaniya. "Let me just remind you, Garcia. Yaya kita. At alam mo ba na ang mga Yaya, sa Amo nila sila naninirahan para bantayan ang mga alaga nila?"

"Ah? So, gusto mong manirahan din ako sa inyo para mabantayan kita? Para pakainin kita? Para paliguan kita tapos- "

"Puwede rin." Putol ko ulit sa kaniya. "Manirahan ka sa amin at Pakainin mo ako." Kitang kita ko kung paano nagbago ang kulay ng mukha niya. "Tapos paliguan mo ako- "

"Shut up!"

I chuckled. "You look flushed, why?"

"Pervert ka!"

Humalakhak ako. "Paano naman ako naging pervert? Kapag pinaliguan mo ako, ikaw ang may makikita kaya ikaw ang - "

"Puwede bang kung wala ka namang magandang sasabihin manahimik ka nalang?!" Singhal niya sa 'kin. "Mas okay pa talagang kasama si Saiyan kaysa sa katulad mong abnormal na Shokoy."

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis pero natitiyak kong hindi sa pagtawag niya sa 'kin ng abnormal na shokoy ang dahilan.

"Mas matino kasing kausap si Saiyan kumpara sa 'yo na puro naman kalokohan ang alam." Dagdag pa niya.

"May gusto ka ba sa kaibigan ko?" Wala sa sariling tanong ko.

"Oo naman. Matagal na. Lagi kaya niya akong nililigtas tapos - "

"Too much info, Garcia." I cut her off, irritatedly. "Sapat na 'yung sagot mong OO dahil hindi naman ako nanghihingi ng karagdagang paliwanag."

Sinimangutan niya ako. "KJ."

"Totoo naman e."

"Bakit kasi hindi mo nalang aminin na nagseselos ka."

"What the fuck are you talking about?!" Nagtaasan na yata lahat ng balahibo ko sa katawan sa kaniyang sinabi. "Anong nagseselos? Bakit ako magseselos? Sino ka ba?"

"Tsk. 'Sino ka ba?!'" Ginaya pa ako. "Wow! Hanep 'yung tanong mo ah. Bigat mo Tsong!" Inirapan niya ako.

"Tama naman 'yung tanong ko 'di ba? Sino ka ba? Sino ka ba sa buhay ko para magselos ako? You're not even my fucking friend, Signerd. You're just my goddamn Nanny!" Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses ko.

"I'm sorry.. " Nakatungong sambit ni Manang. "Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko alam na seseryosohin mo naman pala 'yung sinabi ko." aniya sa mahinang boses. "Hindi nga pala tayo magkaibigan kaya hindi rin kita dapat binibiro kaya pasensiya na. Hindi na mauulit. Ilulugar ko na ang sarili ko. Pangangatawanan ko na ang pagiging Yaya ko sa 'yo."

Hindi ko siya pinansin. Hindi ako nagsalita at itinuon nalang ang buong atensyon ko sa Kalsada. Naiinis ako. Naiinis ako sa babaeng 'to.

--

To Be Continued ..

Seguir leyendo

También te gustarán

551K 27.3K 55
The Badass Babysitter Volume 3, the final kick 04/02/2020 - 06/17/2021
878K 9K 57
Si Cassie ay isang NBSB. No Boyfriend Since Birth. So pano niya ipo-portray ang isang role na kung saan maiinlove siya sa kanyang bestfriend kung hin...
2.2K 118 21
Rain Anne Sudalga 17 years old who can hide on what was the truth.Gusto niyang palaging sinasarili ang problema pero darating ang isang tao na makaka...
53.4K 853 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: