Can't live without you (BL)

By Eisenchan

527K 22K 2.7K

*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok... More

CAST
Chapter 1: My Ex-E-O
Chapter 2: Not a total Stranger
Chapter 3: Ex's and Oh's
Chapter 4: Double Trouble
Chapter 5: Kiss me gently
Chapter 6: Gimme more
Chapter 7: Elevator Trouble
Chapter 8: He ate my heart
Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses
Chapter 10: Make you feel my love
Chapter 11: I, My, Me, Mine
Chapter 12: Gotta be you
Chapter 13: You belong with me
Chapter 14: Love me like you do
Chapter 15: I'm with you
Chapter 16: Into the new world
Chapter 17: Déjà vu
Chapter 18: You're so gay
Chapter 19: I wish for you
Chapter 20: Dramarama
Chapter 21: Don't know what to do
Chapter 22: Kill this love
Chapter 23: Kick it
Chapter 24: Hope Not
Chapter 25: Love Shot
Chapter 26: We belong
Preview: Ice X Fire
AMTR & Upcoming stories

Epilogue

9.1K 438 76
By Eisenchan


Bas as Eisen


Eisen's POV

Matagal kong inantay ang sandaling magpopropose ng kasal sa akin si Jethro. Yung panahon na maayos na ang kalagayan naming dalawa at wala na kaming iintindihin kundi ang aming relasyon. Masarap sabihin na sa wakas ay magiging ganap na kaming mag-asawa. Dito na nga papasok ang kasabihan na "Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy". Hindi man tanggap ng karamihan ang aming relasyon ay ang importante ay nagmamahalan kaming dalawa. Nakakasiguro naman ako na wala kaming tinatapakang ibang tao sa pagmamahalang ito. Siguro, exception si Celestine pero wag nga siya, siya yung nanira. Ngayon ko rin napatunayan kung gaano ako kamahal ni Jethro. Kahit na hindi ko siya mabigyan ng anak ay hindi niya pa rin ako iniwan at heto may nabuo na kaming isang pamilya.

Matapos kong sagutin ang proposal sa akin ni Jethro ay kaagad kaming nagtungo sa Taiwan para magpakasal. Simple lang ang naging kasal namin dahil ang habol lang namin ay maging legal ang aming pag-iisang dibdib. Isa na akong ganap na Wells hindi dahil sa step brother ko siya kundi dahil asawa ko na siya. Kasabay ng pagpalit ko ng apelyido ay ang pagpalit din ng apelyido ni Demi mula sa Lau na naging Wells. Iilang tao lang ang dumalo para masaksihan ang kasal namin sa Taiwan dahil ang engrandeng kasal ay gaganapin sa pilipinas.

Napagpasiyahan naming ikasal sa beach kung saan pagmamay-ari ng mga Wells. Yung lugar kung saan kami na stranded ni Jethro matapos niyang kunin ang aking virginity. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko yun. Uulitin namin dito ang kasal dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin legal sa pinas ang same-sex marriage. Uulitin lang namin dito para masakshihan ng karamihan ang aming pag-iisang dibidb kung saan maraming tao ang dadalo. Sa dami ng mga imbitado ay hindi ko na alam kung papano ko sila makakausap sa araw ng aming kasal.

Ngayon ang araw na aming pinakahihintay. Ang araw kung saan mangangako kami sa harap ng maraming tao at sa diyos na magmamahalan kaming dalawa hanggang sa pinakahuling hininga ng aming buhay. Nakuha namin ang mayor ng maynila para maisakatuparan ang aming kasal. Nakakatuwa lang isipin na kahit may asawa't anak na siya ay nanatiling bukas ang kaniyang isipan sa ganitong uri ng pag-iisang dibdib. Ayon pa sa kaniya ay naniniwala siyang may karapatan ang bawat isa na maging masaya sa taong pinili nilang makasama sa pang habang buhay.

Beach wedding ala Greece ang ambiance ng tema ng wedding. Lahat ng mga dumalo ay nakasuot ng puting damit o kaya pastel blue na kulay na mismong pinili ni Catherine. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil siya mismi ang nagprisenta na mag oorganize ng aming kasal. Naging mahigpit pagdating sa security si Ringo dahil ayaw niyang magaya kay Celestine ang magiging kasal namin kaya kahit sa dagat ay may mga palutang-lutang na mga speed boats kung saan nakabantay ang security guards. Isa na rin sa dahilan kung bakit mahigpit ang security dahil may iilang sikat na celebrities ang dadalo sa kasal at may mga politicians din na dapat mapanatili ang kanilang security.

Sobrang kabado ako kagabi habang iniisip ko ang magiging kasal namin ni Jethro dito sa pinas. Hindi ko mapaliwanag kung bakit at ayoko namang maging nega na baka may mangyaring masama. Baka siguro napaparanoid lang ako sa mga pinagdaanan naming dalawa. May tiwala naman ako kay Ringo na mapapanatili niyang safe ang kasal at nariyan rin si Tristan para magsabi sa akin kung may magtatangkang sirain ang isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay ko.

Kay tagal kong inantay ang sandaling ito kaya ngayon heto ako inaantay ko ang maikasal sa taong pinakamamahal ko. Nakatayo ako sa lilkuran habang naglalakad na ang iba sa gitna na nakaayon sa pagkakasunod-sunod ng prusisyon. Wala na kaming mga magulang ni Jethro kaya siya na mismo ang nauna sa paglakad. Habang naglalakad siya ay nagsimula nang kumanta ang nakuha naming singer para sa kasalang ito. Hindi nga ako makapaniwala na mapapapyag namin siya at ayun na nga nagsimula siyang kumanta nang maglakad si Jethro.

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang yong tinig wari ko'y di marinig
Pagkat namamangha pag kausap ka...

Sinundan siya ng mga loko-lokong groomsmen na sina Alexandre, Josh, Jean, Jules, Lance at Gunter. Sumunod sa kanilang paglakad ay ang mga bridesmaid ko kuno. Feeling bride talaga ako sa araw na to kahit na hindi ako nakasuot ng gown. Naglakad sina Bylthe na naging matalik kong kaibigan at business partner habang nasa Macao ako, si Grace na kasintahan na ngayon ni Alexandre, si Carole na asawa ni James, si Preila na hugutera kong secretarya, si Hanni na akala kong nag back-out na at magbabantay na lang sa laot at si Sam. Isa sa mga sorpresa sa akin ni Jethro ang pagsama ni Sam dito sa aking kasal. Nabigyan siya ng permiso na makadalo sa kasal ko. Matagal ko nang napatawad si Sam sa mga ginawa niya sa amin dati kaya naman masaya akong makakita ng mga kamag-anak ko na dadalo sa aking kasal.

Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka......

Hindi naman mapigil ng karamihan ang matuwa sa mga cute na batang naglalakad sa gitna. Ang anak nila James at Carol na si Briene ang naging flower girl namin sa kasal. Sobrang cute ng bata na to, para siyang character sa mga Barbie movies. Si Johan ang naging ring bearer namin dapat silang dalawa ni Demi kaso masyado pang bata si Demi kaya si Johan na lang gumawa nito. Matapos nilang makalapit sa pinaka altar ay ako naman ang sumunod. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa wakas matutupad na ang aking pangarap. Sobra akong natouch nang marinig ko ang kanta habang ako ay unti-unting naglalakad sa gitna habang si Jethro ay nag-aangtay sa akin sa dulo.

Hindi naman ganun kagarbo ang suot ko dahil naaayon pa rin ito sa beach wedding na tema ng kasal. Nakasuot ako ng white long sleeve na sobrang nipis, nakatupi ito hanggang sa aking siko at nakatuck-in sa loob ng shorts na blue. Nakasuot pa ako ng low-cut na gladiator sandals na kulay brown. Mukhang mas aattend ako ng Coachella imbes na ikasal. Si Catherine kasi ang pumili nito na para daw bumagay sa tema ng kasal namin na may pag Greece ang motif. Blue and white ang suot ng mga tao pati na rin ang mga designs hanggang sa table clothings. Medyo naiilang ako sa flower crown na may wedding veil na suot ko. Ang mga bulaklak ay kulay blue at white din. Ewan ko ba nakakailang lang talaga maglakad dahil para bang pag may umapak ng veil ko ay mahihila pati ang ulo ko sa higpit ng pagkakakapit.

O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas......

At heto na nga ang pinakakaantay kong sandali ang maglakad sa gitna habang kumakanta si Ate Reg. Nakakainis itong si Jethro, nakangiti siya sa akin habang ako ay naglalakad pero yung mga mata niya ay namumula na para bang pinipigilang umiyak. Bigla ko tuloy iniwas ang aking mata dahil baka pagnaiyak ako ay mag-iyakan na lang kaming dalawa sa harap ng maraming tao. Binagalan ko talaga ang paglalakad para masulit ko ang bayad sa talent fee ni Ate Reg. Pwera biro gusto ko lang talagang namnamin ang sandaling ito habang papalapit ako sa taong mahal ko sa araw ng aming kasal.

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka .....

Nasa harapan na ako ni Jethro habang nagpupunas siya ng munting luha sa kaniyang mata. Alam kong sobrang saya niya para sa aming dalawa. Nakakapagtaka lang kasi hindi naman siya ganito ka emotional nong ikasal kami sa Taiwan. Siguro nadala siya sa pagbirit ni Ate Reg. Mas lalo siyang gumwapo sa aking paningin dahil sa suot niyang polo na kulay pastel blue at loose pants na kulay puti. Hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit at kahit hindi pa kami nagbibigay ng vow sa isa't isa ay nagmouthing na siya kaagad sa akin ng 'I love you'.

Pangarap ko
Ang ibigin ka....

Tanging pagngiti nang kay tamis lang ang nagawa kong tugon sa kaniya. Ayokong maging emotional kaya pinipilit kong wag maluha. Nagsimula ang na ang kasal pero may mga sandaling magkakatinginan kami ni Jethro at magngingitian na parang mga sira. Para bang mga teenagers na dumadaan sa ligawan na sa simpleng ngitian lang ay sobra-sobrang kilig ang nararamdaman. May mga pagkakataong hinahawakan niya ang aking kamay nang mahigpit at hahalikan ito. Hanggang sa sumapit ang sandali na kailangan na naming magbitaw ng pangako sa isa't isa.

"Eisen, Hyacinth, Hon and finally after this official na pagiging mag-asawa nating dalawa. Hindi kana maiilang kapag tatawagin kitang asawa ko sa harap ng maraming tao. Kahit na hindi pa tayo ikinasal at wala pa tayong anak ay alam mong minahal kita na higit pa sa isang magkasintahan dahil sa simula pa lang ay alam kong ikaw ang taong gusto kong makasama hanggang sa huli. I promise na hinding hindi kita ipagpapalit kanino man. Hinding hindi ako mambabae dahil baka putulin mo si.." natigilan siya sa pagsasalita dahil alam niyang may mga bata pero ang mga taong nakagets ay biglang nagtawanan.

"But seriously hinding hindi na ako makakahanap ng taong mamahalin ko na higit pa sayo. Nangangako ako na sasamahan kita mula ngayon hanggang sa ating pagtanda. I already told you this pero uulitin ko na I can't live without you because I really love you, Eisen. Please wear this ring as a symbol of my love." nakangiti niyang sabi habang nanggigilid ang mga luha sa kaniyang mata. Naluha na din ako kaya pinupunasan ko ang aking mga mata habang sinusuot niya ang singsing sa aking kaliwang kamay.

Matapos niyang masuot ang singsing sa aking kamay ay siya ring pagpunas niya sa mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Nang lingunin ko sina Johan at Demi ay nag-iiyakan na rin. Wala pa siguro silang naiintindihan sa mga nangyayari. At ngayon naman ay ang aking pagkakataon na magbitaw ng aking pangako.

"Jethro, masaya ako na natupad na sa wakas ang pangrap ko simula pa lang ng mga bata pa tayo. Hindi ko man lubusang maalala pero alam kung naaalala mo kung gaano kit aka gusto noong mga bata pa lang tayo. Madalas akong umiiyak sa tuwing kasama mo si Sam at hinihiling ko kay Daddy noon na ikasal tayong dalawa. At heto na nga tinupad mo ang pangarap ko. Tinupad mo ang pangarap ko na ibigin ka. Tinupad mo pangarap ko na sa pang habang panahon ay ikaw ay makasama. Wala na akong mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama ng ating mga anak at magkasama hanggang sa ating pagtanda. Nangangako ako na magiging mabuting asawa sayo at magulang sa dalawa nating anak. Sasamahan ka sa hamon ng buhay at hinding hindi bibitaw sa kung ano man o sino man ang susubok sa ating pagmamahal. Mahal na mahal kita Jethro. Kaya suotin mo ang singsing na to bilang tanda ng walang hanggang pagmamahal ko sayo" masaya kong sabi habang hawak-hawak ang singsing. Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Jethro nang matapos akong magsalita. Habang sinusuot ko sa kaniya ang singsing ay panay ang punas niya sa kaniyang mata.

"Throughout this ceremony, Eisen and Jethro have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other. They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings." Sabi ni mayor habang binabasa ang kaniyang sasabihin sa isang maliit na card. Panay ang pagrub ni Jethro sa ibabaw ng aking kamay gamit ang kaniyang hinlalaki. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka saya at sana sa mga susunod pang mga taong pagsasama naming dalawa ay maging ganito siya kasaya.

"Therefore, it is my pleasure to now pronounce them as partners for life. You may seal this union with a kiss" dugtong ni mayor at sa sobrang pananabik ni Jethro sa sandaling ito ay kaagad niya akong hinalikan. Sobrang tamis ng kaniyang halik na nagbibigay ng hindi ko maipaliwanag na saya sa aking damdamin. Habang magkadikit ang aming mga labi ay walang humpay na palakpakan at hiwayan mula sa mga saksi sa aming pag-iisang dibdib.

Matapos ang kasal ay sumakay kami ni Jethro sa isang speed boat na may mga dekorasyon ng bulaklak na magkahalong blue at white. Nakakatuwang mabasa sa likod ng speed boat ang signage na 'Just married'. Napakalandi nito ni Jethro at gusto pa akong buhat buhat habang pasampa kami ng speed boat muntikan na tuloy kaming matumba nang ma-out balance siya. Kung nagkataon ay basang basa ako dahil muntikan na niya akong maihagis sa tubig. Nang makasakay kaming dalawa sa speed boat ay kumaway muna kami sa mga taong pasakay na sa yacht pabalik sa mansion kung nasaan ang reception ng kasal. Nang makapagpaalam ay kaagad pinaandar ni Jethro ang speed boat at nagtungo sa lugar kung saan wala akong ideya kung saan nga ba.

Narating namin ang isang lugar kung saan maganda ang spot para matanaw ang sunset. Mabuti ang lagay ng dagat kaya hindi masyadong maalon. Yakap-yakap niya ako habang ako ay nakaupo sa mga hita niya. Nakapatong ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking balikat habang mahigpit ang kaniyang kapit sa aking mga kamay. Masaya kami habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw kahit na kapwa kaming tahimik. Kahit na walang sabihin ang bawat isa ay alam namin kung gaano namin ka mahal ang isa't isa. Ang bawat kwento ay parang araw na may simula at may hangganan. Magsisimula sa pagsikat hanggang sa paglubog. Bawat paglubog ay may bagong kinabukasang magsisimula. Bagong kwento, bagong hamon pero walang hanggang pagmamahalan.


THE END










Continue Reading

You'll Also Like

190K 6.4K 38
Marami tayong kinaiinisang bagay sa mundo pero wala nang mas nakakainis pa sa taong nambwibwisit sayo araw-araw. Paano kung isang araw malaman mong n...
165K 6.2K 81
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Isang baklang ubod ng kagandahan, kasungitan, kasupladahan, lahat-lahat na. At isang binata na ubod ng kagwapuhan, n...
244K 7.7K 73
Paano kung mahulog ka sa isang taong hindi naman dapat? Paano kung mangyari ang hindi dapat mangyari? Paano kung ang taong minahal mo ay isang pagkak...
467K 19.7K 74
Si Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kani...