Can't live without you (BL)

By Eisenchan

533K 22.2K 2.7K

*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok... More

CAST
Chapter 1: My Ex-E-O
Chapter 2: Not a total Stranger
Chapter 3: Ex's and Oh's
Chapter 4: Double Trouble
Chapter 5: Kiss me gently
Chapter 6: Gimme more
Chapter 7: Elevator Trouble
Chapter 8: He ate my heart
Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses
Chapter 10: Make you feel my love
Chapter 11: I, My, Me, Mine
Chapter 12: Gotta be you
Chapter 13: You belong with me
Chapter 14: Love me like you do
Chapter 15: I'm with you
Chapter 16: Into the new world
Chapter 17: Déjà vu
Chapter 18: You're so gay
Chapter 19: I wish for you
Chapter 20: Dramarama
Chapter 21: Don't know what to do
Chapter 22: Kill this love
Chapter 23: Kick it
Chapter 24: Hope Not
Chapter 26: We belong
Epilogue
Preview: Ice X Fire
AMTR & Upcoming stories

Chapter 25: Love Shot

9.6K 529 83
By Eisenchan

A/N: Pabago bago ng POV sana wag kayong malito at mag-ingat sa pagbasa.

Roxanne as Hanni

Suk-won as Ringo


Eisen's POV

Ang dami ko nang pinagdaanan sa buhay na masasakit at malulungkot na pangyayari. Kahit papano ay kinaya ko hanggang ngayon. May mga taong patuloy na nagpapalakas ng aking loob kaya nakakakaya kong harapin ang bawat hamon sa aking buhay. Bawat taong nagdaan sa aking buhay ay nagbigay ng aral at alaala sa akin. Bawat kasiyahan at kalungkutan ay may kabuluhan sa buhay ng tao. Hindi tayo pwedeng maging masaya lang at hindi rin pupwedeng habang buhay ay malungkot ka. Kailangan parin ng balanse sa buhay. Sabi nila may taong nakalaan sa bawat isa na magiging katuwang mo sa buhay para balansehin ang kasiyahan at kalungkutan. Huli ko mang napagtanto pero alam kong si Jethro ang nakalaan para sa akin. Siya yung nagbibigay ng balanse sa buhay ko. Siya yung nagpapasaya sa tuwing nalulungkot ako. Pero papano magiging balanse ang buhay ko kapag wala na siya?

Nakakatawang isipin na nangako pa kami sa isa't isa dati na kung may mamatay man sa aming dalawa ay hinding hindi kami iiyak sa araw ng libing. Hindi ko pa siniseryoso ang mga sinabi niya sa akin dahil hindi ko kayang isipin na mauuna siyang mawala sa mundong ito. Nangako ako sa kaniya na hindi ako iiyak sa araw ng libing niya kapag siya ay namatay na. Pero tangina lang, sino ba naman ang kayang magpigil ng luha kung sa huling sandali ay makikita mo ang taong pinakamamahal mo na ililibing na sa ilalim ng lupa? Tumingin ako sa langit at huminga ng malamin. Kaya ko to, alam kong kaya ko to. Nangako ako kay Jethro na hinding hindi ako iiyak.

Lumayo ako saglit sa kabaong. Habang nag-aalay sila ng bulaklak at nagsasabi ng kanilang huling mensahe bago siya ilibing. Inaalalayan ako ni Lance kahit na nakaupo na ako upuan. Sa kaliwa ko naman ay si Gunter na patuloy na nagpapaypay. Makulimlim ang kalangitan na umaayon sa aking nararamdaman. Mahangin naman sa mga oras na to pero nahihirapan pa rin akong huminga. Ilang beses ko nang hinahampas ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay naninikip ito sa bawat sandali nandito ako. Dumating ang sandali na ako na lang ang inaantay na mag-alay ng bulaklak at magbigay ng huling mensahe para kay Jethro. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad patungo sa kaniyang kabaong. Nakahawak sa aking mga kamay si Gunter at Lance para alalayan ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kaniyang kabaong.

"Ayan ahhh... tinupad ko yung pangako ko sayo. Hindi ako umiiyak ngayon dahil yun ang gusto mo. Sabi mo di ba kapag umiyak ako hindi ka matatahimik sa kabilang buhay. So ayan hindi ako umiiyak at hindi ako iiyak para sa katahimikan mo" huminga ako nang malalim. Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil alam kong ilang sandali lang ay babagsak na ang mga luha ko na hindi dapat mangyari. Habang pinipigilan ko ang pag-iyak ay bigla na lang may yumakap sa aking likuran.

"Let it out Eisen!" sabi ni Catherine habang nakasandal ang kaniyang pisngi sa aking likuran at umiiyak. Hinati ko ang mga bulaklak na ibinigay sa akin ni Lance. Dalawang kamay ko na ang may hawak ng mga bulaklak ngayon.

"Ang daya mo" sabi ko sabay bato ng mga bulaklak mula sa kaliwang kamay ko. Napalakas ang bato ko kaya rinig na rinig mo ang paghampas ng mga bulaklak sa ibabaw ng kaniyang kabaong. Ibabato ko pa sana yung nasa kanang kamay ko pero napigilan ako ni Lance. Napigilan niya ang kamay ko sa pagbato pero hindi ko nagawang pigilan ang luha na kanina ko pa gustong ilabas.

"Napakadaya mo! Nangako ka sa akin na magsasama tayo hanggang sa pagtanda. Nangako ka sa akin na bubuo tayo ng sarili nating pamilya. Ako ang magiging mommy at ikaw ang magiging daddy. Naaalala mo ba nang sabihin mo sa akin na magkakaroon tayo ng maraming anak kahit na hindi ako mabubuntis? At sabi mo pa na mananatili ako sa bahay para pagsilbihan ka at ang mga anak natin. Gusto mo pang gabayan ko sila at palakihin ng maayos. Gusto mong nasa bahay lang ako dahil ayaw mong may tumingin sa aking iba dahil natatakot kang may makita akong mas hihigit pa sayo. Pero di ba sinabi ko sayo nang paulit-ulit na maraming taong hihigit sa kagwapuhan mo, sa talino mo, sa kayamanan mo pero walang taong hihigit pa sayo dito sa puso ko dahil ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay" tumigil ako para punasan ang mga luha na tila gripong ayaw tumigil sa pagpatak.

"Nangako ka sa akin na papakasalan mo ko. Nangako ka sa akin na magsasama tayo. Nangako ka na magiging masaya ako kapag ikaw ang pinili ko. Pero para saan ang mga pangako na yun kung wala ka na?" tuluyan nang bumigay ang aking mga tuhod at napaluhod na ako habang umiiyak.

"Jethroooooooo" pinikit ko ang aking mga mata habang nagsusumamo na sana hindi na lang siya namatay, na sana hindi siya nadamay sa kamalasan ko.

-THE END-













CHAROOOOOT!!!!!!!






"Eisen!" pagtawag sa akin ni Terence habang inuuga ang kanang balikat. Hindi ko siya pinapansin at nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang ako ay lumuluha.

"Eisen!" muli niyang pagtawag at sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang pagkakauga niya sa akin.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa ibabaw ng kama. Tumingin ako sa paligid, ilang segundo bago ko napagtanto na nasa ospital pala ako. Nang lumingon ako sa aking kanan ay nakita ko si Terence na nakatayo sa tabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa at pangamba. Wala akong pakialam kung papano ako napunta dito at kung ano ang mga nangyari kanina dahil ang gusto kong malaman ay.

"Nasan si Jethro? Ligtas ba siya ha?" tanong ko kay Terence at mukhang wala pa siya sa sarili niya.

"Kamusta na baa ng lagay mo? Ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo?" tanong niya at mabilis akong napailing na nagdulot ng munting pagkahilo sa akin.

"Sagutin mo ang tanong ko! Nasan si Jethro?" hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses ko dahil natatatakot ako na magkatotoo ang panaginip ko.

"Ligtas si Jethro pero may mga tinamo siyang injury kaya nagpapahinga pa rin siya hanggang ngayon" sabi niya at tinitigan ko lang siya para sabihin ang detalye.

"Ahh.. Room 312" sabi niya nang makuha niya ang ibig kong sabihin. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan at nagmamadaling bumaba sa kama.

"Hey Eisen wait, antayin muna natin ang doctor bago ka bumangon" pagpigil sa akin ni Terence pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglabas sa pinto.

Room 301 ang aking kwarto. Siguro nasa bandang dulo ang kwarto ni Jethro kaya naman sinundan ko lang ang pagkakasunod-sunod ng mga numerong nakalagay sa bawat kwarto. May nakasalubong pa akong isang nurse na nagsabing huwag daw akong tumakbo. Hindi ko siya pinansin at nagmadali pa rin akong nagtungo kung saan ang kwarto ni Jethro. Gustong gusto ko siya makita, gustong gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamiss, kaya nang marating ko ang kwarto niya ay dahan-dahan koi tong binuksan. Bawat sandali nang pagbukas ko ng pinto ay para bang bumagal ang sandali. Unti-unti kong nakikita ang mukha niya na nakangiti. Masaya siya pero hindi dahil sa akin. Nakita ko kung gaano siya kasaya nang makita ang anak niya. Sa loob ng kwarto ay kasama niya ang kaniyang anak at nagkakatuwaan sila. Saka ko lang din napansin na naroon si Celestine sa gilid. Nagtatawanan sila na para bang masayang pamilya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng inggit. Nang mapansin ni Jethro ang pagbukas ko ng pinto ay tanging paghingi ko ng tawad ang nasabi ko. Mabilis kong sinara ang pinto kahit na tinawag niya ang pangalan ko ng ilang beses.

Hindi ako umaasa na hahabulin niya ako dahil sa kalagayan niya ngayon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para ipagpatuloy pa ang nararamadaman ko para sa kaniya. Mukhang masaya na siya sa pamilya na meron siya ngayon. Kasal na lang ang kulang para mabuo na nila ang pamilyang pinapangarap niya. May ama, ina at anak na bubuo ng pamilyang matagal niya nang hinahangad. Napabuntong hininga ako nang makauopo sa upuan sa tabi ng hallway. Maya-maya pa ay may tumabi sa aking lalaki. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino ang taong to.

"Report!" ang tangi kong sinabi at nagsimula na siyang magsalita.








Jethro's POV

Hindi pa rin ako mapakali at gusto kong tumayo sa hinihigaan ko pero nakakaramdam pa rin ako ng matinding pagkahilo dahil sa mga nangyari. Ano kayang iniisip ni Eisen sa mga sandaling to? Gustong gusto ko siyang makausap, hindi ko alam kung bakit siya biglang umalis matapos niyang buksan ang pintuan kanina. Hindi kaya nagseselos siya dahil nandito si Celestine? Lalong sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko kung ano bang maling nagawa ko para maging ganun ang reaksyon niya. Pinikit ko ang aking mata para alalahanin ang mga nangyari.

Gumising ako kahapon na sobrang sakit ng ulo dahil kulang sa tulog. Naubos ang magdamag ko kakaisip kung bakit bigla na lang umalis si Eisen matapos nang may mangyari sa amin sa banyo. Hindi ko alam kung nadala lang ba siya o sadyang hindi na niya ako gusto kaya hindi na niya tinuloy ang naumpisahan naming dalawa. Kaya naman kinakabukasan ay nagtungo ako sa opisina niya para pag-usapan kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Bago pa man ako makapasok sa opisina niya ay nagkasalubong pa kami ni Terence na mukhang papunta rin sa opisina ni Eisen.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin nang makarating kami sa harap ng opisina ni Eisen.

"I'm going to ask you the same question" sabi ko habang nakasarkastikong ngiti.

"Well I am board member here and I work as consultant for Hyacinth that's why I'm here. How about you?" sabi niya habang inaayos ang necktie.

"I have a business with him" matipid kong sagot habang inaayos ang buhok.

"What kind of business?" tanong pa niya.

"Well it's none of your business" sagot ko at pumasok na ako sa loob ng opisina ni Eisen.

Bumungad sa akin ang kaniyang secretary na nagtatanong kung anong appointment ba ang meron ako sa kaniya. Hindi ko siya masyadong pinansin dahil nakatutok ang aking mata sa kay Eisen at sa taong kausap niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakikita ko kung gaano kasaya si Eisen habang kausap niya ang lalaking to.

"Let me guess, may gusto ka pa rin sa kaniya?" komento ni Terence habang nakatingin pa rin ako kila Eisen.

"Sino bang nagsabi sayong hindi ko na siya gusto?" naiinis kong sagot. Ano bang meron sa lalaking to at bakit tuwang tuwa siya habang kausap siya ni Eisen?

"Magugustuhan mo pa rin ba siya kung nakikipaglaro na siya sa iba?" tanong ni Terence at napalingon ako sa kaniya.

"What do you mean?" tanong ko at ngumiti siya sa akin habang pinapat niya ang balikat ko.

"That guy is his boy toy for almost 3 years" sagot niya habang umiiling ang ulo.

"At okay lang sayo yun?" tanong ko at lumapit siya sa akin.

"Tinanggap ko siya kung ano siya at kaya ko siyang mahalin kahit maging ano pa siya" sagot niya habang inaakbayan niya ako. Ginalaw ko ang aking balikat para maalis ang kaniyang kamay at nilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tenga.

"Ang ibig sabihin niyan ay hindi mo kayang i-satisfy ang sexual needs niya dahil kapag ako ang kasama ni Eisen ay hindi niya nagagawang maghanap ng iba" bulong ko at mahina niya akong tinulak palayo sa kaniya. Hindi ko napigilang mapangiti dahil bakas sa mukha ni Terence ang pagkainis.

Hindi nagtagal at natapos na ding mag-usap ang dalawa. Habang naglalakad siya ay tinititigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka imposibleng ipagpalit ako ni Eisen sa isang kagaya niya. Di hamak na mas gwapo ako at mas hot kumpara sa kaniya. Malamang ay nagpapanggap lang ito na boy toy ni Eisen para pagselosin ako. Bago pa man makalabas si Eisen ng kaniyang opisina ay pinilit kong makuha ang kaniyang atensyon. Pilit niyang iniiwasan ang tingin ko at hindi siya sumasagot sa mga sinasabi ko.

Hindi ako tumigil sa kakasunod sa kaniya hanggang sa makulit ko siyang kausapin ako. Sinabi kong interesado ako na maging board member pero nauhan ako ng kumag na Terence na yun. Balita kong bakante ang position ng Head of Marketing kaya sinabi kong mag-aapply ako dun. Walang pinagbago tong asawa ko, nagsusungit para iwasan ang tingin ko. Habang tumatagal ay lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili kong angkinin siya dahil sa bawat sandaling kami ay magkasama ay para bang mababaliw ako kapag hindi ko siya nahahagkan at nayayakap.

Habang kami ay nasa loob ng elevator ay bigla na lang bumilis ang pagbagsak nito. Sa biglaang pagbaba nito ay tumama ang aking ulo sa bakal na hawakan ng elevator. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ko ang pagdugo nito. Nang tumigil ang pagbagsak ng elevator ay naging maingat kaming dalawa sa pagkilos dahil maaaring bumagsak muli ang elevator kapag gumalaw kami ng husto. Kahit na nasa delikadong kalagayan ay nagawa ko pa ring lumapit kay Eisen. Nakakatuwa lang na maramdaman ko na nag-aalala pa rin siya para sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil kahit papano ay mamatay akong masaya kung may mangyayari mang masama sa amin. Pero hinihiling ko na sana ay walang mangyaring masama kahit kay Eisen man lang. Halos ibalot ko ang aking katawan sa kaniya para maprotektahan siya kung sakali mang bumagsak ang elevator.

"Grabe hon, nasa peligro na tayong dalawa pero nagawa mo pa ring makatulog" sabi ko nang mapansin kong nakatulog si Eisen. Hindi ako sigurado kung nakatulog nga siya o nawalan ng malay pero mas mabuti na to dahil hindi siya makakaramdam ng matinding sakit.

Ang buong akala ko ay katapusan na namin iyon pero bigla na lang bumukas ang pinto ng elevator sa harapin namin ni Eisen. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang lalaking sinasabi na boy toy ni Eisen. Sumenyas siya na iabot sa akin si Eisen nang dahan-dahan. Kalahati lang ng elevator ang pwedeng daanan dahil nasa pagitan ng dalawang floor ang pwesto nito. Kinailangan ko pang dumapa para maiabot sa kaniya si Eisen. Bawat minuto ay importante dahil buhay namin ang nakasalalay dito. Bawat simpleng galaw ko ay nagbibigay ng kakaibang tunog sa elevator na tila babagsak ito. Maingat kong inabot si Eisen sa taong ito at nagawa niyang mabuhat si Eisen na walang hirap.

"Please ingatan mo siya at pasiyahin mo siya para sa akin" sabi ko sa lalaking nasa harap ko habang pinipilit ang pagngiti. Nakakapanghinayang lang na hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos kay Eisen. Unti-unti nang bumababa ang elevator at alam kong imposible nang maligtas ako dahil isang galaw lang ay derecho na ang bagsak ko nito. Pumikit ako dahil tanggap ko na ang mangyayari sa akin at sana lang ay hindi ako pahirapan nang husto bago ako bawian ng buhay.

"Magkano ba ang handa mong ibayad?" narinig kong sabi niya. Napadilat ako nang magsalita dahil hindi yun ang inaasahan kong salita na marinig bago man lang ako mamatay. Naramadaman ko na lang na hinawakan niya ang magkabila kong braso at walang hirap na hinatak palabas ng elevator. Sa bilis ng pagkakahila niya sa akin ay bumagsak ako sa sahig. Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig ay ang pagbagsak ng elevator. Rinig na rinig ang lakas nang pagkakabagsak nito. Sobrang sakit ng pakiramdam ko nang maramdaman ko ang pananakit ng aking tuhod. Masama ang aking pagbagsak kaya ramdam ko na may nabali sa aking buto.

"Hindi ako tumatanggap ng utos sa patay na kliyente" sabi ng lalaki at tumalikod siya habang bitbit ang katawan ni Eisen na wala pa ring malay. Ilang minuto rin ang lumipas bago may makapansin ng kalagayan ko at saka naidala sa hospital.

At ngayon nasa hospital ako nagpapahinga. Ayun sa doctor ay nagkaroon ng fracture ang tuhod ko pero hindi naman ganun kalala. Aabutin pa ng isang buwan bago ako makalakad nang maayos. Gustong gusto kong makita si Eisen pero papano ko siya pupuntahan kong ako mismo ay hindi makaalis dito sa aking higaan. Malabo ring mangyari na siya ang pumunta sa akin matapos niyang makita ako kasama si Johan at si Celestine na magkasama. Anong gagawin ko?




Eisen's POV

"Let the operation begin!" ang nasabi ko nang marinig ko ang lahat mula kay Tristan. Hindi ko hahayaang malagay ang namin ni Jethro sa peligro nang walang ginagawang aksyon. Gusto ko pa sanang makipaglaro pero kailangan ko nga atang makipagtuos nang maaga sa mga demonyo. Nilapit ko ang aking kaliwang kamay kay Tristan at kaagad niyang inabot sa akin ang cellphone ko. Mabilis kong dinial ang number ni Catherine para tawagan siya.

"Hi Cath, ready ka na ba?" sabi ko nang masagot niya ang aking tawag. Sinabi ko sa kaniya ang detalye at mabilis naman niya itong nakuha.

Tumingin ako sa oras halos mapatalon ako nang makita kong lagpas na pala ako ng labing limang minuto. Tiyak nag-aalala na si Demi sa akin.

Jethro's POV

Isang buwan din ang lumipas nang makalakad ako nang maayos. Kahit isang beses ay hindi man lang ako nagawang dalawin ni Eisen. Nakikibalita lang ako Lance tungkol sa kalagayan niya. Ilang beses ko rin siyang tinawagan sa kaniyang cellphone pero hindi siya sumasagot. Mukhang wala na talagang pag-asa sa aming dalawa. Marahil mali kami ng akala ni Lance pero sabi ni Lance ay magtiwala lang ako sa kaniya at ituloy namin ang plano. Hindi ko alam kung anong gulo itong pinasok ko pero kapag nagkamali ay malaki ang magiging kabayaran nito.

Si Celestine ang nag-asikaso ng lahat para sa aming kasal. Mula sa simabahan, sa susuotin, sa reception at kung ano-ano pa ay siya ang nag-abala. Nagsabi na ako na pwede namang i-move ang kasal pero nagpumilit siya na ituloy ito kahit pa daw nakawheel chair ako sa araw na yun. Wala akong masyadong alam sa mga mangyayari sa kasal at hinayaan ko na lang siya ang mag-asikaso nito. Mabuti na lang at nariyan si Johan at hindi naging boring ang isang buwan kong pamamalagi sa bahay. At ngayon naghahanda ako para sa Bachelor Party na hinanda ni James. Hindi ko alam kung bakit nagawa pa nilang maghanda ng ganitong party para sa akin eh sila din tong may ayaw na ikasal ako kay Celestine. Hindi ko alam kung tinotorture ako ng mga kapatid ko o gusto lang talaga nila akong pagtripan.






Eisen's POV

Isang buwan ko ring pinaghandaan ang araw na to. Nakaplantsa na ang lahat ng plano, ang kailangan ko lang gawin ay isa katuparan ang mga ito. Hinding hindi ko hahayaang maging masaya ang mga taong nanakit sa akin at sumira sa relasyon namin ni Jethro. Hindi ko mapigilang mainis sa tuwing maaalala ko ang ginawa nila sa akin.

"Hey babe, if hindi mo kaya pwede naman nating itigil to" sabi sa akin ni Catherine. Hinawakan niya ang aking kamay na may hawak na letter. Hindi ko rin napansin na nalukot ko na ang letter na hawak ko.

"No, ready na ako!" sabi ko at niyakap niya ako nang mahigpit.

Bago namin marating ang lugar kung saan gaganapin ang Bachelor Party ni Jethro ay may nakasalubong kaming isang babae na nakabihis pang pokpok. Ang ibig kong sabihin ay bihis ng isang stripper. Nagtinginan kami ni Catherine at mabilis naming napagtanto na ito ang babaeng hinire nila para magperform para sa party.

"Kami na ang bahala" sabi ko sa babaeng stripper sabay abot ng pera na dinukot ko mula sa aking bag. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka tumawa.

"Sa tingin mo pera lang ang pinunta ko dito?" sabi niya at gaya ng ginawa niya ay tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Balita ko na yung mayamang business man ang malapit na ikasal. Crush ko yun, kaya naman gusto ko man lang siya matikman bago siya ikasal" dugtong pa ng pokpok na babae habang tumatawa. Hindi ko akalain na kaya niyang tanggihan ang bayad ko na P20,000 cash at may ibang balak pa pala ang bruha na to. Nagulat na lang ako nang biglang umabante sa harapan si Hanni na parehas ko ng bihis.

"Nakikita mo to?" sabi ni Hanni na habang inaalog ang dibdib niya. Napangiwi ako habang tinitingnan ang ginagawa niya.

"Sampu kami dito at kayang kaya ka naming lunuring lahat gamit nito!" pagbabanta ni Hanni. Ang nakakatawa pa ay maging si Catherine at ang mga kasama niyang shalang models ay nakahawak din sa kanilang dibdib. Naumay ako to the 9th power. Imbes na sa dibdib ako humawak, napahawak ako sa aking bibig dahil pakiramdam ko ay maduduwal ako sa pinaggagawa ng mga babaeng to.

Nasindak naman sa mga dyoga ang babae kaya kaagad niyang kinuha ang pera mula sa aking kamay. Malaking tulong si Catherine para mapagtagumpayan ko ang planong to. May kasama lang naman kaming pitong international models at lima sa kanila ay hindi nakakaintindi ng tagalog. Kaya nang makita nilang nakahawak sa dibdib si Catherine ay nagsihawakan din sa kanilang dibdib ang mga gaga. Hirap na hirap akong maglakad dahil sa outfit na pinasuot sa akin ni Catherine. Kailangan daw kasi in character ako sa pagiging stripper at dapat yung outfit ko ay pang stripper talaga as in pang puta. Ipit na ipit si junjun sa suot ko. Hindi ako sanay mag-ipit dahil hindi ko naman kinakailangang gawin yun. Suot-suot ko ang 5 inches na hills na para bang isang maling hakbang ko lang ay mababalian ako ng binti. Halos hindi ko rin makilala ang aking sarili sa make-up na nilagay nila sa akin na pinaresan ng itim at mahabang wig na may bangs.

"We're here" sabi ni Catherine at hinawakan niya ang aking kamay. Huminga ako nang malalim at bigla na lang bumukas ang pinto.







Jethro's POV

Hindi pa nagsisimula ang main event ng gabi pero mukhang kompleto na ang gabi ko dahil sa kalokohan ng mga kasama ko. Masaya akong makasamang muli ang mga kapatid ko. Nandito rin ang magkasintahan si Lance at Gunter. Swabe na ang kwentuhan at asaran kanina pero naupo ang lahat nang sabihin ni James na handa na daw ang main event. Kaniya kaniyang pwesto sa couch ang mga siraulo habang ako ay nakaupo sa gitna para daw sa main event. Sinakyan ko na lang ang trip nila dahil hindi rin naman ako maaakit sa babaeng hinanda nila.

Ilang sandali pa at tuluyan nang namatay ang ilaw. Tanging disco lights ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto. Bigla na lang nagbukas ang pintuan at may pumasok na isang babae. Hindi ko maipagkakaila na maganda ang hubog nito at matangkad siya na para bang super model. Sobrang kinis ng legs niya at malulusog ang dibdib. Lumapit siya sa akin pero tanging paghawak lang sa pisngi ko ang ginawa niya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa half-mask na suot niya. Takang taka ako nang lumapit siya sa mga kapatid ko at saka sumayaw. Bigla na lang may sumunod pang isang babae, ang pagkakaalam ko ay isa lang ang hinire na stripper sa party na to pero nagulat ako nang magsunod sunod ang pagpasok ng mga babae. Gaya nang nauna ay humaplos lang sila sa pisngi ko. Hanggang sa may isang babae na lumapit sa akin at naupo sa lap ko. Bago ko siya matitigan nang husto ay kaagad niyang nilapit ang mukha niya sa aking kaliwang pisngi. Dinilaan niya ang aking panga hanggang sa umabot siya sa aking tenga at kinagat ito habang ginigiling niya ang pwet niya sa hinaharap ko. Hindi ako makapaniwalang tinagasan agad ako sa ginawa niya kaya naman hinawakan ko siya sa magkabilang braso para makita nang maayos ang mukha niya. Kahit na may mascara at mahabang buhok ay hindi akong nagkakamali na asawa ko ang nasa ibabaw ng mga hita ko.

"Eis-" bago ko pa man mabanggit ang kaniyang pangalan ay hinalikan niya ako sa aking labi. Hinawakan ko siya sa kaniyang ulo para hindi kaagad siya makakalas sa aming halikan. Isang buwan akong naghintay para muling maranasan ang kaligayang katulad nito. Kahit nakahawak na ako sa kaniyang ulo ay nakagawa pa rin siya ng paraan para kumalas sa aming halikan.

Tumayo siya at gamit ang kaniyang middle finger ay sinisenyasan niya akong sumunod sa kabilang kwarto. Masyadong abala ang mga loko sa panonood sa mga babaeng nasa harapan nila at hindi nila napansin na lumipat na kami ni Eisen sa kabilang kwarto. Para akong asong ulol na sunod-sunuran kay Eisen sa loob ng kwarto. Balak ko sanang hubarin ang aking damit pero pinigilan niya akong gawin ito. Pinaupo niya ako sa isang upuan at siya'y umupo sa lap ko habang hinuhubad ang pang-itaas kong damit. Nagsimula kaming maghalikan na para bang ayaw naming maghiwalay. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya binuhat ko siya at hiniga sa kama. Marahas kong hinubad ang kaniyang damit at mabilis na sinunggaban ang kaniyang namumulang nipple. Halos mabaliw siya sa pagsipsip ko sa magkabila niyang utong. Panay ang ungol niya habang sinasabunutan ang aking buhok.

Ilang sandali pa ay siya na mismo ang pumaibabaw sa akin. Nilaro niya ang aking utong gamit ang kaniyang kaliwang kamay habang ang kaniyang bibig ay patuloy sa pagsipsip sa kabila kong utong. Malaya niyang hinihimas ang aking tiyan hanggang sa umabot ang kanang kamay niya sa loob ng aking brief. Lalong nagwala ang alaga ko nang maramdaman niya ang kamay ni Eisen. Sa sobrang pagkasabik ko ay ako na mismo ang naghubad ng aking pantalon kasama ang aking brief. Bumalik ang kaniyang paghalik sa aking labi habang ang kaniyang kamay ay nagsimulang magtaas baba sa aking alaga. Impit na ungol ang nagawa ko sa tuwing itataas baba niya ang kaniyang kamay. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumigil at may hinagis na pulang papel sa akin.

"What's this?" ang tanong ko. Nakita ko na lang na nagsuot siya ng robe at kumindat sa akin.

"Eisen wait!" bago pa man ako makatayo ay nagawa na niyang lumabas ng kwarto. Nasuntok ko ang pader sa inis ko. Iniwan na naman niya akong tigang.




Eisen's POV

Bukas na magaganap ang kasal ni Jethro at Celestine. Inaasahan ko namang hindi ako bibigyan ni Celestine ng invitation dahil alam kong natatakot siyang matalo ko siya sa ganda sa araw mismo ng kasal niya. Muntikan ko nang hindi mapigilan ang sarili nang muntikang may mangyari sa amin ni Jethro sa Bachelor Party niya. Kinailangan ko pang maligo na may kasamang yelo sa tub para lang humupa ang init na nararamadam ko noong gabing yun. Hindi madali sa akin ang pigilan ang sarili sa sex lalo na kung si Jethro ang kasama ko. Mabuti na lang at nagawa ko siyang takasan at umayon pa rin ang lahat sa plano.

"Sa tingin mo pupunta siya mamayang gabi?" tanong ni Hanni. Papunta kami ngayon sa isang hotel kung saan nakapagbook ako ng room para sa aming dalawa ni Jethro.

"Walang makakatiis sa charm naming mga Fuentes" sagot ko kay Hanni at ngumiti lang siya. Pero sa totoo lang ay hindi rin ako ganun ka sigurado kung makakapunta nga siya mamaya.

"Naihanda na namin ang lahat kanina kaya wala na po kayong dapat ipag-alala" dugtong pa niya at tumango lang ako biglang pagsang-ayon.

Nang makarating kami sa hotel ay kaagad akong nagtungo sa room na nakareserve para sa amin ni Jethro. Alam kong naihanda na lahat nina Hanni at Ringo kaya wala na dapat akong ikabahala. Hinatid ako ni Hanni hanggang sa pinto at nang makapasok ako ay umalis na rin siya. Nakakapagtaka lang na andilim sa loob kaya kinapa ko ang switch ng ilaw. Bago ko pa man mahawakan ang switch ay bigla na lang may humila sa akin. Sisigaw na sana ako pero nagawa niyang takpan ang aking bibig. Naging marahas siya sa paghila sa akin hanggang sa maitulak niya ako sa ibabaw ng kama. May liwanag na nagmumula sa lamp sa tabi ng kama kaya kitang kita ko ang pagmumukha ni Jethro na pawisan maging ang kaniyang suot na polo ay may namumuong pawis. Tatayo sana ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong kamay at pumaibabaw sa akin.

"Bakit mo ginagawa sa akin to?" tanong niya na may halong panggilgil.

"Anong ibig mong sabihin?" pagmamaang-maangan ko.

"Itong mga kalokohang to! Bakit mo kailangang pumunta sa Bachelor Party ko at magpanggap na stripper para lang akitin ako? Bakit kailangan mo akong papuntahin sa hotel na to kahit na alam mong ikakasal na ako bukas?" tanong niya habang patuloy na pumapatak ang kaniyang pawis at tumutulo na ito sa akin.

"Gusto ko lang kasing matikman ka bago ka man lang ikasal" sabi ko habang nakangiti at saka kinagat ang labi.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Mahal mo pa ba ako?" tanong niya at iniwas ko ang aking tingin sa kaniya dahil malalaman niya lang na nagsisinungaling ako kapag sinagot ko ang tanong niya. Matagal siyang nag-antay ng sagot mula sa akin pero hindi ako sumagot at nanatiling tahimik habang iniiwas ang tingin sa kaniya.

"Okay, mukhang sex na lang naman ang magiging habol natin sa isa't isa. Sige pagbibigyan na kita" pagkasabi niyang yun ay bigla na lang niyang pinunit ang suot kong damit. Mabilis niyang nahubad ang pang-ibaba kong damit. Ilang segundo lang ay hubot hubad na ako sa harapan niya. Mabilis niya akong pinadapa habang siya ay naghuhubad ng saraling damit at nang mahubad niya lahat ng ito ay bigla na lang niya akong pinasok na walang pasabi. Ramdam ko ang sakit dahil sa hindi handang pagpasok niya sa akin. Kasabay nang marahas niyang pag-ulos ay ang pagkagat sabay sipsip niya sa aking leeg habang ang kaniyang kamay ay nakahawak sa akin noo para maidiin niya nang husto.

Habang tumatagal ay naging marahan ang kaniyang pakikipagtalik sa akin. Bawat sandali ay para bang ninamnam niya. Kahit na malamig ang kwarto ay ramdam na ramdam ko ang panlalagkit ng pinaghalong pawis ng aming katawan. Hindi ko mabilang kung ilang posisyon ang nagawa naming dalawa ang tanging naalala ko lang ay sinigaw niya ang aking pangalan sa ikapat na beses niyang magpasabog sa loob ko. Matapos ang hindi malilimutang sandaling iyon ay bigla na lang niya akong iniwan na para bang isa lang niya akong parausan. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi ko pa rin sinasabi sa kaniya ang mga binabalak ko. Alam kong para to sa ikakabuti naming dalawa at sa ngayon ay kailangan muna naming magtiis hanggang sa maging maayos na ang lahat.

Isang oras na yata akong nakadapa simula nang umalis si Jethro. Halos hindi ako makatayo dahil sa sobrang gigil niya sa akin. Pakiramdam ko ay may pilay ang aking balakang at sobrang sakit nito sa tuwing ako ay gagalaw. Paunti-unti akong gumapang hanggang sa maabot ko ang bag ko na naglalaman ng aking cellphone. Tinawagan ko kaagad si Hanni.

"Siguro naman nakuhaan nyo ang lahat ng iyon? Siguraduhin nyong tapos nang mag make-up at maayos na ang hair ni Celestine kapag sinend nyo ang video sa kaniya. Dapat maayos ang lahat lalong lalo na sa magiging entrance ko" binaba ko ang tawag at saka ngumiti habang iniisip ang magiging reaksyon ni Celestine kapag nakita niya ang video. Hindi ko napigilan ang sarili na matawa at sa kakatawa ko ay bigla na lang sumakit ang balakang ko.

Pucha kailangan ko atang mag-wheelchair bukas.



Itutuloy............................




A/N:
Yep, tama ang nababasa nyo. Extended pa ang story hanggang 2 chapters. I'm sorry pero max ko na yang 2 chapters. Hindi ko kayang panindigan ang book 3 dahil gusto ko nang maging masaya ang love story nila Jethro sa book na to. Maraming salamat sa walang sawang pagtangkilik sa istorya nila. Gusto ko man pahabain pa ay hindi ko na magagawa dahil ayokong sirain ang story para mapahaba lang. Sana naiintidihan nyo po yun at maraming maraming salamat.

Please pagbigyan nyo na ako sa VOTE, kaya wag kakalimutan!

Continue Reading

You'll Also Like

71.2K 2.2K 33
MAHAL? akala ko nawala na, akala ko di na babalik sarili ko lang pala niloloko ko na kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko na wala, tapos na di...
20.8K 1.5K 52
91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang or...
198K 6.8K 23
Date Started: December 28, 2016 Date Finished: February 20, 2017 #25 IN HUMOR AS OF 03/04/2017 Book Cover: seolight