Can't live without you (BL)

By Eisenchan

533K 22.2K 2.7K

*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok... More

CAST
Chapter 1: My Ex-E-O
Chapter 2: Not a total Stranger
Chapter 3: Ex's and Oh's
Chapter 4: Double Trouble
Chapter 5: Kiss me gently
Chapter 6: Gimme more
Chapter 7: Elevator Trouble
Chapter 8: He ate my heart
Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses
Chapter 10: Make you feel my love
Chapter 11: I, My, Me, Mine
Chapter 12: Gotta be you
Chapter 13: You belong with me
Chapter 14: Love me like you do
Chapter 15: I'm with you
Chapter 16: Into the new world
Chapter 17: Déjà vu
Chapter 18: You're so gay
Chapter 19: I wish for you
Chapter 20: Dramarama
Chapter 21: Don't know what to do
Chapter 22: Kill this love
Chapter 24: Hope Not
Chapter 25: Love Shot
Chapter 26: We belong
Epilogue
Preview: Ice X Fire
AMTR & Upcoming stories

Chapter 23: Kick it

8.6K 654 121
By Eisenchan

A/N: Ang lakas nyo sa akin pero ang hina ko sa inyo. 300 votes lang hinihingi ko eh (sad).

Anyway baka malito kayo sa plot. Magsisimula ang story bago makapunta ng Macao si Eisen.

Tao as Terence and Bas as Eisen


Eisen's POV

Masakit para sa akin ang iwanan si Jethro. Mas naging mahirap to para sakin kaysa noong iwanan ko siya sa mansion noon. Nagawa ko siyang iwanan noon dahil alam kong kinamumuhian niya ako at wala siyang naalala tungkol sa aming dalawa. Pero ngayon kailangan ko siyang iwan dahil yun ang mas makakabuti para sa kaniya. Kailangan kong bitawan ang isang pangako na naming binuo. Pinikit ko ang aking mata at hiyaang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko dinilat ang mga ito hanggang hindi sinasabi sa akin ni lola na kakailanganin na naming bumaba. Bago pa man kami makaalis ng bansa ay humingi ako ng pabor kay lola na gusto kong makita si Lance bago man lang ako umalis ng bansa.

"Kuya sino tong mga to?" tanong sa akin ni Lance. Sino ba naman ang hindi magtataka dahil mukhang mga kidnappers ang kasama ni Lance. Mukhang pwersahan pa ang pagpapasama nya dito sa airport. Private jet ang gagamitin naming sasakyan papuntang macao kaya walang taong magtataka sa dami ng gwardiyang hinire ni lola na nakapalibot sa amin.

"Kunin mo to!" sabi ko kay Lance.

"Ano to kuya?" tanong niya nang makuha ang isang card holder. Binuksan niya kaagad ito. Naglalaman ito ng isang credit card at isang debit card.

"Matagal akong mawawala kaya gamitin mo ng maayos ang pera na makukuha mo dyan. Hinay-hinay lang sa pag-swipe ng credit card ahh!" sabi ko at niyakap ko siya nang mahigpit. Pinipigilan kong wag maiyak pero nagiging emotional pa rin ako.

"Kuya naguguluhan ako. Ano bang nangyayari? Sino ba tong mga kasama mo at saan ka ba pupunta?" sunod-sunod na tanong ni Lance. Gusto kong ipaliwanag sa kaniya lahat-lahat pero hindi ko magawa dahil ipanangungunahan ako ng aking emosyon.

"Eisen!" pagtawag ni lola. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya. Sa huling sandali ay niyakap ko si Lance at nagpaalam. Hindi ko alam na ganun katindi ang pagkamuhi ni lola sa mommy ni Lance. Kahit si Lance ay hindi niya magawang tingnan sa mata. Walang kaalam-alam si Lance na kaharap na niya pala ang kaniyang lola.

Nang papalayo na ako kay Lance ay nagtangka siyang humabol pero nagawa siyang harangin ng mga gwardiya. Nagawa niya pang suntukin ang isa sa mga ito pero nabigo pa rin siyang makalapit sa akin. Gusto ko siyang balikan pero si lola na mismo ang humila sa akin papasok ng jet. Bago kami makasakay ng jet ay humingi ako ng tawad sa kaniya sa pamamagitan ng pagbikas gamit ang aking bibig dahil alam kong hindi niya ako maririnig.

Alam kong naririndi na sa akin si lola sa aking pag-iyak pero hinayaan niya lamang ako. Si Terence na lamang daw ang inaantay at aalis na kami patungong Macao. Wala akong ideya kung gaano katagal akong mag-iistay dun. Hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba ako kapag maayos na ang lahat. Tanging ang pangako ko sa kaniya ang pinanghahawakan ko. Alam kong maniniwala sa akin si Jethro at alam kong hinding hindi niya ako ipagpapalit kanino man.

Nang makapasok si Terence sa Jet ay kaagad itong tumabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya sa akin tumabi eh meron namang mga bakanteng upuan. Kasabay nang pagpasok ni Terence ay ang pagpapakilala sa amin ng piloto na magmamaneho ng jet. Sinabihan niya kami na maghanda na dahil sa loob ng ilang minuto lang ay mag-titakeoff na kami. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa salamin at nagpaaalam gamit ang aking isipan sa mga taong maiiwan ko. Nangangako ako na babalik din ako sa takdang panahon.


Jethro's POV

Pinilit kong hanapin si Eisen kahit ako mismo ay hindi ko alam kung saan siya papunta. May hinala akong aalis siya ng bansa kaya nagpunta kaagad ako sa airport. Hindi ko alam kung sino ang mga kasama niya. Hindi rin ako sigurado kung kagagawan ito ni Celestine. Ang tanging nasa isipan ko ngayon ay kailangang mapigilan siya sa binabalak niya. Ilang beses kong tinawagan si Lance hanggang sa ika pitong beses ay sumagot na rin siya.

"Kuyaaaa umalis na si Kuya Eisen" sabi niya nang masagot niya ang phone.

"Teka.. papanong umalis? San siya pumunta? Nasan ka ngayon?" sunod-sunod kong tanong pero tanging pag-iyak ni Lance ang narinig ko. Nabitawan ko ang phone ko habang ako ay nagmamaneho. Habang umaandar ang sasakyan ay pinilit kong abutin ito hanggang sa muntikan na akong bumangga sa isang kotse kaya hininto ko muna ito sa isang tabi. Sa sobrang inis ko ay nahampas ko nang malakas ang manibela kaya napindot ang horn at bumusina nang pagkalakas-lakas. Bat ba nangyayari sa amin to? Ano bang nagawa ko para iwanan niya ako nang paulit-ulit?

Makalipas ang ilang buwan ay nagbalik ang dating ako. Dating ako na walang ginawa kundi ang uminom. Sinubukan kong mambabae pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang saktan ang damdamin ni Eisen. Kahit wala na siya sa aking tabi ay pakiramdam ko nandyan pa rin siya at nagmamasid sa bawat kinikilos ko. Pinili ko na lang ang magpakalunod sa alak para lang makatulog sa gabi. Bawat gabi na hihiga ako sa aming kama ay kinakain ako ng kalungkutan. Laging nasa tabi ko ang huling damit niyang ginamit bago ako matulog. Sa tuwing pipikit ako ay pakiramdam kong nandyan lang siya sa tabi ko dahil naamoy ko siya.

Ilang buwan akong nanatili sa bahay na walang ginagawa kundi kumain, matulog at uminom. Ilang beses akong pinayuhan ni Josh na gumawa ng business para maging abala ang isipan ko at hindi nasasayang ang pera ko pero heto ako ngayon lumalaklak ng alak habang nanonood ng movies sa Netflix. Hindi ko na nagawang mag-exercise kaya lumaki ang tiyan ko at bumigat ang timbang ko. Hindi ko rin magawang mag-shave kaya humaba nang husto ang balbas ko. Naiimagine ko na parang ako si Thor sa Avengers Endgame habang nagkakamot ng tiyan.

Kahit kailanman ay hindi ako lumabas ng bahay. Kahit ang mga kasambahay ko ay gumagawa ng paraan para mapasaya ako pero hindi ko talaga kayang maging masaya. Nanatili ako sa bahay ng ilang buwan at hindi nakikipag-usap kanino man sa labas ng bahay. Pag may tumatawag sa akin ay pinapasabi ko na wala ako sa bahay. Maging mga kapatid ko ay hindi ko muna kinakausap. Gusto ko munang mapag-isa. Ang tanging tawag lang na sinasagot ko ay kay Lance at sa private investigator na hinire ko para hanapin ang kinaroroonan ni Eisen. Kahit isa sa kanila ay hindi makapagsabi kung nasaan ang kinaroroonan ni Eisen ngayon.

Wala talaga akong balak na umalis ng bahay pero napilitan ako nang sabihin ni James na nanganganak daw si Celestine ngayon. Wala siyang pamilyang kasama kundi mga alalay lang ang kasama niya sa hospital. Hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang impormasyon na yun pero nagawa niya akong kumbinsihin na sumama sa kaniya sa hospital. Pagkarating namin sa hospital ay wala nang malay si Celestine. Tinanong ko ang doctor tungkol sa bata. Ayun sa kaniya normal naman ang delivery ni Celestine kaya walang dapat ikabahala. Kasalukuyan siya ngayong nagpapahinga matapos manganak. Nagpakilala ako bilang ama ng bata kaya sinamahan ako ng nurse sa nursery para makita ko ang anak ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya nang makita ko ang aking anak. Para bang sa isang iglap ay nagawa kong umahon sa kalungkutan nang marinig ang boses niya habang umiiyak.

"Congrats Jethro, isa ka nang ganap na daddy" pagbati ni James sa akin sabay akbay.

May inabot sa aking papers ang nurse na kailangan ko daw fill-upan. Kailangan ko daw magbigay ng pangalan sa bata. Hindi ko alam kung may naiisip nang pangalan si Celestine pero hindi ko na inantay ang magiging desisyon niya dahil alam kong may karapatan din ako sa bata. Matapos kong makapag fill-up ay kaagad ko itong ibinigay sa nurse. Desidido akong yun ang gusto kong maging pangalan ng magiging panganay ko kaya yun ang sinulat ko.

Johan Endymion Wells

Unang ginagawa ko nang makauwi ako sa bahay ay ang maligo at mag-shave. Baka magkaroon ng allergy ang aking anak dahil sa aking bigote at balbas. Nang matapos ay nagmamadali akong bumalik sa hospital para makita ang aking anak. Pagkarating ko ay gising na si Celestine. Katabi niya ang aming baby pero mukhang wala siyang pakialam sa anak naming dalawa. Inisip ko na lang na baka hindi pa siya handang magkaanak kaya ganyan ang kaniyang naging reaction. Hindi naman naging issue sa kaniya ang pagbigay ko ng pangalan sa aming anak. Mukhang mas masaya pa siya na nandito ako sa hospital kaysa makita ang aming anak.

Lumipas ang ilang buwan ay unti-unting nawawala ang atensyon ni Celestine sa aming anak at madalas niyang napapabayaan ito. Mas naging abala siya sa dati kong kompanya na ngayon'y siya na ang nagmamay-ari dahil siya na ang major stock holder simula nang ibenta ko ang sa akin. Habang siya ay nakatutok sa kompanya ay ako naman ay naging abala sa aming anak. Dahil first time ko pa lang sa ganitong bagay ay humingi ako ng tulong kay Carole na girlfriend ni James na isang nurse. Ayun sa kanila ay mag-aapat na buwan na daw itong buntis. Sinong mag-aakala na ang loko loko kong kapatid ay makakabuntis at magkakaroon ng seryosong relasyon?

Marami akong natutunan kay Carole kaya nagampanan ko kahit papano ang tungkulin ko bilang ama. Para tuloy akong single dad na nagtataguyod sa kaniyang anak. May mga pagkakataon na dinadalaw ni Celestine ang aming anak sa aking bahay. Mas marami ang time na nilalaan niya sa pakikipag-usap sakin ng mga walang kakwenta-kwentang bagay kaysa makapiling ang aming anak. Gusto pa niyang magsama kami sa iisang bahay pero hindi ako pumayag dahil sa hindi ko pa kayang makisama sa kaniya. Lalong lalo na't ganito ang trato niya sa aming anak. Atsaka umaasa pa rin ako na isang araw ay darating si Eisen para kompletuhin ang pamilyang gusto kong buoin.

5 years later~

Bihira na lang kami magkita ni Lance at ngayon ay inabot ng isang taon bago kami muling magkita. Ipanitigil ko na rin ang pagpapahanap kay Eisen dahil nasasayang lang ang binabayad ko dahil hindi ito makapagbigay ng maayos na lead sa kinaroroonan nya. Sa tagal naming hindi nagkita ay nagawa naming mag-inom at magkwentuhan. Syempre inuna ko munang patulugin si Johan bago kami mag-inom. Masaya ako para kay Lance dahil maayos pa rin ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari. Naiinggit ako sa kanila ni Gunter dahil hanggang ngayon ay masaya pa rin ang relasyon nila. Ilang beses din sinubok ang relasyon nila pero nagawa pa rin nilang magsama hanggang ngayon. Andami naming napag-usapan na kung ano-anong bagay hanggang sa.

"May plano ako kuya at malaki ang chance nito na mapapalabas mo si Kuya sa kung saan man siya nagtatago ngayon" sabi niya at bigla akong nagkainteres sa kung ano man ang ibinabalak niya.

"Ano yun?" lumapit pa ako nang husto sa kaniya at binulong niya ito na akala mo nama'y nakikinig pang iba.

"Seryoso ka?" sabi ko habang napaatras sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong kabaliwan ang pumasok sa isipan ni Lance para i-suggest niya ang ganong idea.

"Sigurado ka? Alam mo bang pang habang buhay kong pagsisisihan to kapag pumalpak yang plano mo" sabi ko habang umiiling at tinungga ang isang can ng beer.

"Trust me kuya" sabi niya habang tinatapik ang aking balikat. Hindi ko alam kung bakit ako umoo sa plano niya kaya bahala na.

"At saka need mong ibalik yang abs mo, yan ang kahinaan niya sayo" pang-aasar pa ni Lance. Pero sa totoo lang ay bumabalik na unti-unti ang dati kong pangangatawan. Siguro konting sit-ups pa para maibalik ko ang weakness niya.

Eisen's POV

After 5 years nakabalik na rin ako ng pinas. Sino mag-aakalang andaming pagbabago sa bansa sa loob ng limang taon. Andami ng skyways kaya hindi na masyadong matraffic sa edsa. Namimiss kong kumain ng kwek-kwek, Isaw at fried siomai. Nakakamiss ring makipagtawaran sa divisoria. Kamusta kaya ang binondo? Parang gusto kong magsimba sa Quiapo. Ang dami kong gustong gawin pero wala pa akong time sa mga ganyang bagay. Simula nang ipamana sa akin ni lola ang negosyo ay halos hindi na ako magkanda ugaga sa pagmanage nito. Napakaraming meetings, conference call, video calls at iba't ibang kol. Great power comes with great responsibility ika nga.

Namatay si lola kahit na naging successful ang kaniyang treatment para sa breast cancer. Katawan niya na mismo ang bumigay sa sunod-sunod na treatment. Sa loob ng apat na taon na paggabay niya sa akin ay naging malapit kami sa isa't isa. Aminado akong my bad side si lola at yun ang laging nakikita ng tao sa kaniya. Pero ibang iba siya kapag kami ni Terence ang kaniyang kasama. Kabaliktaran lahat ng mga sinabi sa akin ni Sam. Sobrang maasikaso niya at maalahanin. At ayun kay Terence, malaki ang pinagbago ni lola simula nang dumating ako sa buhay niya.

3 years ago~

Hindi sikreto kay lola ang totoo kong pagkatao. Pero sinubukan niya parin akong I set-up sa mga babaeng anak ng mga business tycoon sa macao. Walang halong biro pero magaganda silang lahat pero hindi ko talaga maimagine ang sarili kong may kasamang bilat. That's a no no no no! What is love?

Hindi sumuko si lola sa paghahanap ng aking makakapareha. Mas naging agresibo siya dahil ang mga siniset-up niya sa akin ay mga lalaki na mismo. Masaya ako na tanggap ni lola kung ano ako. Pero hindi ko talaga kailangan ng lalaki sa buhay ko. Pero syempre joke lang yun. Sino ba ang hindi kailangan ng lalaki sa buhay? It's just, hindi pa ako ready sa ganyang bagay. Lahat naman ng lalaking pinakilala niya sa akin ay pasok sa standard ko pero hindi ko talaga kayang magmahal pa. Kahit anong gawin ko kasi ay hindi ko kayang bumitaw sa pangako ko kay Jethro dahil ganun ko siya kamahal.

"What's wrong apo? Hindi mo ba sila nagugustuhan?" tanong sa akin ni lola at heto na naman kami sa usapang lalaki.

"For the 14th time lola, ang gwapo ng lalaking sinet-up nyo sakin kanina. Mukha naman siyang mabait at magalang. Open ang family nila sa same-sex relationship at stable ang business nila" sabi ko habang tinutulak ang wheel chair ni lola papalabas ng office ko.

"Ayun naman pala eh, anong problema at bakit hindi mo subukang makipag date pa sa kaniya?" tanong niya at ako nama'y napabuntong hininga. Sign of aging na talaga ni lola ang pagiging makulit. Dati-rati mas matipid siyang magsalita. Mas gusto niyang very brief lang ang conversation. Pero ngayon halos oras ang inaabot namin para pag-usapan lang ang isang lalaki.

"Nasa business ang focus ko ngayon lola kaya wala pa akong time para dyan" sagot ko at sinenyasan ang nurse na nag-aalaga kay lola na sumunod sa amin.

"Don't tell me na hindi ka pa rin nakaka move-on sa lalaking yun?" dugtong niya at bigla akong napatigil sa pagtulak ng kanyang wheel-chair.

"3 years na kaming hindi nagkikita at 3 year na rin po kaming hindi nag-uusap. Malamang pinakasalan na niya ngayon si Celestine dahil meron silang anak. Kilala kong babaero yun si Jethro at hindi makakatiis na walang kinakamang babae yun" pagsisinungaling ko. Pero yung totoo nag-aalala talaga ako baka isang araw na lang ay maisipan niyang pakasalan yung higad na yun.

"Good. Hindi mo dapat pinagkakatiwalaan ang mga kagaya nila. Bakit hindi na lang kasi si Terence ang i-date mo?" humirit na naman si lola na gawin kaming love team ni Terence at sya daw kuno ang number one fan.

"Lola, Wag ipilit ang hindi dapat!" sayaw ko at siya naman ay natawa.

"Bakit hindi parehas kayong single? Parehas kayong hasa na business at saka kilala nyo na ang isa't isa. Gwapo din naman si Terence ahh, bakit hindi mo siya type?" pangungulit niya. Jusko parang mas gusto ko pa ata maging lola yung atribidang matanda na nakilala ko noon kaysa ngayon sobrang kulit.

"Aaminin ko gwapo si Terence and I find him hot pero hanggang friends lang talaga kaming dalawa" pagpapaliwanag ko. Isa pang hirit mo lola itutulak na kita sa hagdan. JOKE! Kahit papano ay natutunan ko na ring mahalin si lola dahil sa kabutihang pinapakita niya sa akin sa loob ng ilang taong kaming magkasama. Aminado naman siya sa kaniyang mga pagkakamali noon at ngayon ay unti-unti niyang binabago ang kaniyang sarili.

"Sa tingin mo friend lang din ang turing niya sayo?" pag-uusisa ni lola. Napabuntong hininga ako bago nakasagot sa kaniyang tanong.

"Hindi ko po alam lola basta ako nasa business ang focus ko ngayon tapos!" sagot ko at wakas ay hindi na siya nangulit pa. Sakto naman ang pagdating ni Terence na kasalukuyan naming pinag-uusapan.

"The devil's here" ani ni lola at natawa naman si Terence. Humalik siya kay lola bilang pagbati.

"Ikaw na ang bahalang magbalik kay lola sa penthouse" sabi ko kay Terence at humalik sa noo ni lola bilang pagpapaalam.

"How about you? Hindi ka pa ba sasabay sa amin pauwi?" tanong niya at bigla na lang may tumawag sa phone ko.

"Sorry may mauna na muna kayo ni lola dahil may kailangan pa akong asikasuhin" sabi ko nang makita ko ang pangalan nang tumatawag sa aking phone.

Inantay ko silang makasakay ng elevator bago ako bumalik ng office ko. Bago pumasok si Terence sa elevator ay nagawa niya pa akong titigan nang makahulugan. Nang tuluyan silang makapasok sa elevator ay kaagad akong pumasok sa aking opisina. At dun ko naabutan ang walang hiyang lalaking nakaupo sa aking upuan habang nakapatong ang paa sa aking desk.

"Sinabi ko naman sayo na wag kang basta bastang papasok sa office ko nang hindi nagsasabi" inis kong sabi at pinalo ang paa niyang nakapatong sa ibabaw ng aking desk. Tumawa siya nang mahina at sinuot ang shades niya na kanina'y nasa ibabaw ng desk ko bago tuluyang tumayo. Mas matangkad siya sa akin at kung tutuusin ay hindi nagkakalayo ang tangkad nila ni Jethro. Maganda ang pangangatawan niya na bagay na bagay sa trabahong ginagawa niya. Mas lalong nagpagwapo sa kaniya ang pagsuot niya ng shades. Pero hindi ko siya type dahil ubod siya ng kalandian at sobrang hambog.

"Anong balita?" tanong ko habang pinapagpagan ang desk na pinatungan ng paa niya.

"Sa radio at tv? Ganun pa rin, kumakapa sa dilim" dugtong niya.

"Haha, sobrang nakakatawa" sarkastiko kong sagot.

"Natuto lang ako sayo!" sabi niya habang nakangisi.

"Kamusta yung pinapahanap ko sayo?" tanong ko habang kumukuha ng cash sa aking drawer.

"Tama nga yung hinala mo at good news nakakuha ako ng copy" sagot niya at lumapit ako sa kaniya para iabot sa kaniya ang bayad na nakalagay sa loob ng brown envelop.

"Sabi ko naman sayo na mas gusto ko ang wire transfer kaysa cash di ba?" pag-angal niya habang binibilang ang bayad ko sa kaniya.

"Alam mo namang may visibility si lola at Terence sa lahat ng account ko. Kaya imbes na magreklamo ka ay tanggapin mo na lang dahil binabayaran kita nang higit pa sa napag-usapan natin" sabi ko habang siya ay hindi parin tapos bilangin ang pera na para bang may kulang sa binayad ko.

"Oo na para ka namang nanay ko" reklamo niya habang sinusuksok sa loob ng kaniyang jacket ang sobre. Napapabuntong hininga na lang talaga ako sa lalaking to. Kung hindi lang siya magaling sa trabahong to ay matagal ko na siyang pinalitan.

"How about sa isang agent?" tanong ko at muli siyang ngumiti sa akin.
"Ahh wag mo nang alalahanin yun dahil hindi na magrereport yun kay Jethro. Alam mo namang mabilis ko silang napapasuko dahil sa lakas ng dating ko. Ewan ko ba at bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin umaamin sa akin?" sabi niya habang nakapatong ang kaniyang mga kamay sa aking magkabilang balikat habang ang kaniyang mukha ay sobrang lapit sa akin.

"Dahil marami na akong kilalang kagaya mo at mas nauuna silang mahulog sa akin bago ko sila magustuhan" pagpatol ko sa malanding hambog na to.

"So sa tingin mo ba nagkakagusto na ako sayo?" tanong niya at mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin at halos magtama na ang aming ilong. Bigla na lang nagbukas ang pinto sa aking opisina at pumasok si Terence.

"I'm sorry" ang nasabi agad ni Terence nang makita niya kami ni Tristan. Yun ang alyas niya at hindi ko rin alam kung ano ang totoo nyang pangalan. Ang mahalaga sa akin ay nagagampanan niya nang maayos ang kaniyang trabaho. Bigla na lang akong inakap ni Tristan sa harapan ni Terence.

"Sa susunod ulit Eisen. I promise na mag-eenjoy ka sa bawat round na gagawin natin. And here's your souvenir!" sabi niya at sabay suksok ng puting brief sa bulsa ng aking pants. Ang kalahati nito ay nakalaylay na sa tingin ko ay sinadya niya para makita ni Terence.

"Till next time" humalik siya sa aking pisngi at kumindat bago umalis na hindi pinapansin ang presensya ni Terence.

"Sino yun?" tanong ni Terence habang papalapit siya sa akin. Bago siya makalapit ay nagawa kong isuksok nang mabuti ang puting brief sa loob ng bulsa ko.

"Mukha nabisto mo na rin ako" pagsisinungaling ko habang pilit na pagtawa. Halatang naiinis siya habang kausap ako.

"Okay, he's just my boy toy" pagsisinungaling ko at hindi pinansin ang magiging reaksyon.

"So okay lang sayo na magbayad ng lalaki para mapasaya ka?" sabi niya at hindi na maitatago sa tono ng kaniyang boses ang pagkainis.
"And your point is?" tugon ko habang kinukuha ko ang aking sa ibabaw ng desk.

"My point is marami nang sinet-up na date sayo si lola para mahanap mo ang magpapasaya sayo tapos ngayon gagamit ka ng bayarang lalaki para mapasaya ka?" at dun na siya nagtaas ng boses sa akin.

"Ano bang pakialam mo? Eh kung nasa kaniya ang mga katangian ko sa lalaki eh wala ka nang magagawa dun. Atsaka bakit ka ba nagagalit?" hindi ko na rin napigilang magtaas ng boses sa kaniya.

"Naiinis ako dahil andito na ako sa harap mo pero nagagawa mo pa ring maghanap ng iba!" sigaw niya na ikinagulat ko nang husto. Ilang segundo ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob na magsalita.

"Napag-usapan na natin to Ter" bago pa ako makapagsalita ay bigla na lang niya akong siniil ng halik. Naging marahas siya sa paghalik sa akin kahit na tinutulak ko siya.

"Terence tumigil ka!" sabi ko pero patuloy pa rin ang paghalik niya sa aking leeg. Hanggang sa magkaroon ako ng lakas para maitulak siya nang malakas na halos ikatumba niya.

"I'm so sorry Eisen" sabi niya nang matauhan siya.

"Get out!" sabi ko habang pilit na maging mahinahon.

"I'm so sorry. Hinding hindi na to mauulit!" pakiusap niya at dahan-dahan siyang papalapit sa akin.

"I said GET OUT!" sigaw ko bago pa man siya makalapit sa akin. Tumango siya bago siya lumabas ng aking opisina.

Sa sobrang stress ko ay naupo muna ako sa aking upuan at sinandal ang aking ulo at pinikit ang aking mga mata. Marahang minasahe ang aking sintido para marelax. Makalipas ang ilang sandali ay nahimasmasan na rin ako. Dinukot ko ang brief na nilagay ni Tristan sa bulsa ng aking pants. Nakabalot dito ang isang flash drive kung saan nakalagay ang video na pinapahanap ko sa kaniya. Bago ko pa man isaksak ang flash drive sa aking laptop ay napansin ko kaagad na may kulot na buhok sa brief na binigay sa akin ni Tristan. Hindi ko napigilang mapamura dahil sa kababuyan ng lalaking yun. Ang buong akala ko ay bagong brief tong sinuksok niya sa bulsa ko. Hindi nga naghinala si Terence pero ang dugyot naman ng pamamaraan niya. NAKAKALOKA!

Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kaya nang matapos kong mapanood ang video ay kaagad kong tinago ang flash drive sa lugar kung saan ako lang ang makaka access nito. Kailangan kong maging maingat para hindi maghinala si lola at Terence sa mga ikinikilos ko. Nang masiguro kong nasa maayos na kalagayan na ang flash drive ay kaagad akong nagtungo sa elevator para bumalik sa penthouse. Lumilipad ang aking isipan hanggang sa unti-unting nagsasara ang pinto ng elevator.

Kasalukuyan~

Nagbukas ang elevator nang hindi ko namamalayan. Kung hindi pa ako tatawagin ni Terence ay hindi pa ako lalabas ng elevator. Kaagad niya akong ginabayan patungo sa magiging office ko. Bago kami makarating sa aking office ay nadaanan namin ang opisina ng CEO. Biglang nanumbalik sa akin ang mga alala sa amin ni Jethro sa loob ng dati niyang opisina. Sa loob niyan nangyari ang bagay bagay kagaya ng paninigaw niya sa akin sa tuwing ako ay nagkakamali. Sa loob din niyan nangyari ang mga nakaw na sandali na hindi namin napigilan. Andaming masasayang alala sa loob ng opisina na yan. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing maalala ko ang mga yun. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatayo sa harap ng opisina ng CEO at inaantay ako ni Terence. Nang manumbalik sa katinuan ay kaagad akong sumunod sa kaniya patungo sa magiging opisina.

"Para saan yang shades at wig?" tanong ni Terence nang makapasok kami sa loob ng opisina ko. Sinuot ko ang wig na to para hindi ako makilala ng mga tao dito pero ewan ko ba't nagawa pa rin akong makilala ni Jethro.

"Wala gusto ko lang i-try, bagay ba?" tanong ko habang hinahawi ko ang wig sa tenga ko na para bang dalagang pilipina yeah!

"Of course, lahat naman bagay sayo" tugon niya habang nakangiti. Biglang naging awkward ang eksena kaya naman tinanggal ko na ang shades at wig dahil baka maging kamukha ko pa si Mimi. No offense, I love Mimi.

"Are you ready?" tanong sa akin ni Terence.

"Yep, I'm so ready to kick it!" sabi ko at natawa naman siya sa akin.

Makalipas ang halos sampung minuto ay naghanda na kaming pumasok sa loob ng conference room. Pagpasok namin ay nandun na lahat ng board members na nag-aantay sa pagdating namin. Bakas sa mukha ng karamihan ang pagkagulat lalong lalo na si Celestine na napatayo sa kaniyang kinauupuan. Magsasalita sana siya nang bigla siyang pigilan ng nasa tabi niya. Laking gulat ko nang makita kong nasa tabi niya si Jethro. Anong ginagawa ni Jethro dito? Last time na nagcheck ako ay wala siya sa mga board members ng kompanya.

"Ladies and Gentlemen, I would like to present to you the new owner of Forever and Always Co. Mr. Hyacinth Lau" pagpapakilala sa akin ni Mr. Yan na isa sa mga matagal ng business partner ni lola na isa ring board members dito sa kompanya. Tumayo ang lahat at pumalakpak para sa akin. Bago ako magsalita ay nagbigay ako ng pahiwatig na maaari na silang maupo ngunit nanatiling nakatayo si Celestine.

"Before you continue, I just want to ask everyone about this transition. How did this happen? I know that everyone is aware that Eisen Fuentes or Hyacinth Lau is black listed in this company because of his recent crime of sharing confidential informations to our competitor" sabi ni Celestine. Sa loob ng limang taon ay sa wakas natoto na rin siyang magsalita nang matino kahit ramdam ko ang inis sa kaniya kalooban.

"Mr. Yan" maikli kong sabi at nakuha agad niya ang gusto kong sabihin.

"Before he acquires this company. Mr. Lau cleansed his name by proving his innocence to the court. He was framed by Mrs. Lau. The accomplice confessed in the court that he was hired by Mrs. Lau to frame his grandson so they can easily fire him in this company" pagpapaliwanag ni Mr. Yan. At halata ang pagkagulat sa mukha ni Celestine. Yes, bitch nasa apelyido ko ang pamliya na tumulong sa pamilya mo para marating nyo ang karangyaan na meron kayo ngayon.

"Grand son?" pahabol ni Celestine at tanging pagtango lang ang naisagot ko.

Nang wala nang masabi si Celestine ay nagpatulou na rin ako sa pagasasalita. Nagpakilala ako sa kanila gamit ang bago kong pangalan. Bilang Hyacinth Lau. Isa sa dahilan kung bakit hindi ako mahanap hanap ni Jethro. Nagbigay ako ng summary ng gusto kong mangyari sa kompanya at mga projects na gusto kong magkaroon ang kompanya na mukhang ikinatuwa ng karamihan sa mga board members. Kahit limang taon na ang lumipas ay hindi ko malaman bakit hindi pa rin ako naging handa sa pagkakataong ito. Hindi ko pa rin mapakali sa tuwing tititigan ako ni Jethro. May mga pagkakataon tuloy na nauutal ako habang nagsasalita tapos bigla na lang siyang ngingiti sa akin. Nakakainis.

Nang matapos ang meeting ay mabilis akong nagtungo sa rest room. Pakiramdam ko ay masusuffocate ako kapag kasama ko sa iisang room si Jethro. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Lalong lalo na kapag malapit sa kaniya si Celestine. Pinikit ko ang aking mata at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili. Laking gulat ko nang makita ko si Jethro sa likod ko nang idilat ko ang aking mga mata.

"Je-Jethro" nauutal kong sabi. Sa taranta ko ay tatakas sana ako pero nagawa niyang iharang ang kaniyang mga kamay. Ngayon ay nakasandal ang kaniyang mga kamay sa salamin kaya nacorner niya ako sa sink at sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Eisen, I mean Hyacinth right? I'm here para kolektahin yung promise mo sa akin" sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking mukha. Hindi ko magawang yumuko dahil lalo siyang lumalapit kapag ginagawa ko yun.

"Ahh promise? Ano yun?" sa loob ng limang taon ay hindi ko pa rin magawang magsinungaling sa harap ni Jethro.

"Hindi ako bingi at wala akong amnesia para makalimutan ko yung pangako mo sa akin" sabi niya at sa pagkakataong ito ay magkadikit na ang aming katawan. Nanghihina ako sa pagkakataong ito. Ayokong sirain niya ang mga plano ko kaya naman pumikit ako at humiling ng isang himala.

"Anong ginagawa mo kay Hyacinth?" boses ng isang lalaki at pagdilat ko ay tama nga ang pagkakakilala ko dahil ito ay si Terence.

"Wag kang makialam dahil usapan naming mag-asawa to!" sabi ni Jethro. Hindi ko inaasahan na masasabi niya pa rin yan sa kabila nang mga nangyari.

"Excuse me? He's my fiancé" sabi ni Terence.

"Fiance?" magkasabay naming sabi ni Jethro at nagkatinginan kaming dalawa.


Itutuloy..........


A/N: Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kwento na to. I'll make sure na mas magiging kapana-panabik ang mga natitirang chapters. Pasensya na sa mga hindi ko narereplyan sa comment section at sa mga messages mo. At sana wag nyo munang pangunahan ang kwento hanggang hindi pa ito natatapos. Nakakalungkot lang kasi na najajudge agad kahit hindi pa alam ang mga mangyayari.

Anyway I need atleast 250 votes para sa next chapter. Umaabot ng 1k+ reads ang isang chapter pero nasa 100+ lang nagvovote. Sana mag-vote lahat. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

775K 22.7K 26
Pagkatapos maghiwalay nina Kiji at Chance ay muli silang magkikita after ng isang taon. Nandun pa din ba ang pag ibig? o magkakaroon sila ng kanya ka...
71.2K 2.2K 33
MAHAL? akala ko nawala na, akala ko di na babalik sarili ko lang pala niloloko ko na kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko na wala, tapos na di...
198K 6.8K 23
Date Started: December 28, 2016 Date Finished: February 20, 2017 #25 IN HUMOR AS OF 03/04/2017 Book Cover: seolight
23.3K 1.1K 27
Chase Montalvo thought that he already knew himself pretty well, not until he met Chard Morpheus Villanueva-a freshman college student that changes h...