Juego De Rol Series; Duology...

By officialwhosthatgirl

98.6K 1.9K 202

Also available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and ma... More

Pròlogo
Kabanata Uno
Kabanata Dos
Kabanata Tres
Kabanata Cuatro
Kabanata Cinco
Kabanata Seis
Kabanata Siete
Kabanata Ocho
Kabanata Nueve
Kabanata Diez
Kabanata Onse
Kabanata Dose
Kabanata Trece
Kabanata Quince
Kabanata Diecisèis
Kabanata Diecisiete
Kabanata Dieciocho
Kabanata Diecinueve
Kabanata Veinte
Kabanata Veintiuno
Kabanata Veintidos
Kabanata Veintitres
Kabanata Veinticuatro
Kabanata Veinticinco
Kabanata Veintisèis
Kabanata Veintisiete
Kabanata Veintiocho
Kabanata Veintinueve
Kabanata Treinta
Kabanata Treinta y Uno
Kabanata Treinta y Dos
Kabanata Treinta y Tres
Kabanata Treinta y Cuatro
Kabanata Treinta y Cinco
Kabanata Treinta y Seis
Kabanata Treinta y Siete
Kabanata Treinta y Ocho
Kabanata Treinta y Nueve
Kabanata Cuarenta
Kabanata Cuarenta y Uno
Kabanata Cuarenta y Dos
Kabanata Cuarenta y Tres
Kabanata Cuarenta y Cuatro
Kabanata Cuarenta y Cinco
Kabanata Cuarenta y Seis
Kabanata Cuarenta y Siete
Kabanata Cuarenta y Ocho
Kabanata Cuarenta y Nueve
Huling Kabanata
Epìlogo

Kabanata Katorse

1.5K 31 7
By officialwhosthatgirl

Zeus' POV

Kanina pa wala si Stheno pero hindi pa din bumababa si Macey mula sa kwarto niya.

Naka ligo na ako at naka paghanda ng dinner pero waa pa rin si Macey.

First time ko mag luto. Kasi naman. Tinatamad akong magluto. Tapos ako lang din naman magisa kakain. Ang lungkot lang.

Naupo ulit ako sa sofa at kunwaring nagbabasa.

Ilang minuto na nakalipas, wala pa rin si Macey.

Okay lang kaya siya?

Ay hindi. Dapat pala, tawagan ko na muna sila Crystal.

Pero gutom na ako.

Pero nagaalala na din yung mga kapatid ni Macey.

Pero gutom na talaga ako.

Pero si Macey hindi pa bumababa. Katukin ko na kaya?

Ay ewan! Ang hirap naman nito!

Kakatukin ko na si Macey. Tumayo na ako at umakyat.

Kakatok na sana ako nang marinig ko ang boses ni Macey na may kausap sa cellphone.

"Babalik po ako pag kaya na kitang makita," Sabi niya

Umiiyak si Macey. Sino kaya yung kausap niya?

"Sorry po pero hindi ko pa po kaya. Madami pong nangyari na hindi ko kayang tanggapin nang ganun kadali. Masakit po mama. Masakit po."

So, ibig sabihin may problema talaga ang family niya?

"Paki ingatan na lang po ang kambal para sa akin. Babalik po ako."

Mas lumakas yung iyak niya.

Kung simpleng tampuhan lang hindi siya aalis nang ganito katagal. There's more behind it.

Naupo ako sa lapag habang naka sandal sa pintuan ni Macey. Hihintayin ko na lang siyang matapos sa pagiyak.

Pinakinggan ko lang siya sa pagiyak.

Kahit ang totoo, gustung gusto ko na siyang pasukin sa loob at patahanin at yakapin.

Pero hindi ko pwedeng gawin yun.

Maya maya narinig kong gumalaw si Macey mula sa loob.

Tumayo na ako at bumaba. Dumaretso ako sa kusina para initin yung pagkain.

Pero hindi pa rin siya bumababa.

Wala na ata talaga siyang balak bumaba pa.

Inilagay ko yung mga pagkain niya sa tray at itinaas.

Kinatok ko siya at nagsingit ng papel.

Bumaba na ulit ako at kumain mag isa. Pero walang sign na nagbukas ng pinto si Macey. Naglock na ako ng lahat at pumasok sa kwarto.

Baka bukas okay na siya. Kailangan ko siyang piliting pumasok dahil finals na at ilang araw na lang sembreak na namin. Baka hindi siya maka kuha ng clearance pag kulang siya.

Oo naman no. Kahit g*go ako, matino ang pagiisip ko pagdating sa pag aaral.

Ito lang ang ipinamana ni Mama sa akin.

Pagaaral ko.

Kung buhay pa nga si mama, siya ang papapuntahin ko sa graduation. Tyak excited pa yun kesa sa akin.

Naisip ko ulit si Macey.

Kung hindi ko naman siya mapipilit na pumasok bukas, mamimilit ako sa school na humingi ng take home exam para sa kanya. Bahala na sa dahilan. Madali na yun kesa wala siyang exam.

Naligo na ako. Pagod pa ang katawan ko kung tutuusin. Pero nakakagaan pala ng pakiramdam yung matulungan mo yung taong mahal mo.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising.

Tulog pa ata si Macey.

Nag luto na ako para pag gising niya kakain na lang siya at aalis na kami.

Pero magkatapos ko magluto, hindi pa rin siya bumababa. Okay lang kaya siya?

Hindi pa rin ako kumain. Naligo na muna ako. Baka nagaayos na kasi siya.

Pero gaya kanina, parang ako pa lang rin magisa.

Inakyat ko na siya. Andun pa rin yung pagkain sa labas. Hindi nagalaw.

"Macey." Katok ko sa pintuan niya, "Hindi ka ba papasok? Kailangan mo pumasok kasi malapit na finals natin."

Hindi siya sumagot.

"Macey, sasamahan kita."

Hindi pa rin siya sumagot.

"Gusto mo ba samahan na lang kita dito? Hindi na ako papasok."

"No. Go to school." Matagal siya bago nakasagot

"Pano ka? Kailangan mo makahabol sa lessons mo. Malapit na finals."

Hindi ulit siya sumagot.

Huminga ako ng malalim. Ang hirap naman nito suyuin.

Kumatok ulit ako, "Pag nagutom ka may niluto na ako sa baba. Mag gogrocery na lang din ako mamaya para may pagkain tayo. Pag nabored ka, pwede ka manood ng tv. Iiwan ko yung laptop ko dito kung gusto mo maginternet. Password ng wifi ko, 'SABIKOAYAWKONGA!' Capital lahat yun at may exclamation point sa dulo. Pwede ka lumabas dyan kung bored ka na."

Hindi siya nagsalita. Napakamot ako ng batok. Minsan na nga lang magsalita ng sobrang haba nasnob pa ako.

#HearZoned

"Ah sige. Una na ako. Ingat ka dito ha. Ilock mo pinto. May susi ako. Pagkatapos ng klase ko uuwi na din agad ako."

At hanggang sa huli Hearzoned ako.

Bumaba na ako. Kinuha yung gamit ko at umalis na.

Pambihira.

Pagdating ko sa school, si Macey ang topic. Nawawala daw.

Ows? Kelan pa? Kakakita ko lang sa kanya ah. Nawala pala ulit?

Sinalubong ako ni Stheno, "Si Macey?"

"Hindi pumasok."

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam. Hindi nga ako kinakausap."

Tumango lang siya.

"Onga pala. Di ba same course naman kayo?" Tanong ko

"Oo bakit?"

"Hihingin ko lang yung mga notes niyo para kay Macey at schedule ng exams niyo. Mukhang hindi ko na siya mapipilit mapapasok this week kaya magbibigay na lang ako ng reviewer niya para kahit papano may isasagot siya sa exam."

"Oh sige. Sabihan ko yung iba. Mamayang lunch break ko ibigay sayo."

"Sige."

"Yun lang?"

Napa hinto ako sa paglalakad, "Bigyan mo ko ng mga ulam na gusto niya. Hindi pa siya kumakain simula kagabi."

"Iisipin ko. Mamaya ko din ibigay."

"Sige. Una na ako. Late na ako." Sabi ko

"Tol! Onga pala. Wag mong sasabihin kila Vesta kung nasan si Macey. Ayokong maissue kayong dalawa." Habol ni Stheno

Nag nod na lang ako at pumasok na.

Mabilis na nagdaan ang araw. Ganun ata talaga pag busy ka. Hindi mo na namamalayan.

Naibigay na sakin ni Stheno lahat ng kailangan ko.

Pagkalabas ng school, dumaretso ako sa supermarket.

Mag gogrocery ako ng mga lutong ulam na gusto ni Macey. Para kahit papaano ay kumain naman na siya.

Sa totoo, hindi naman daw pihikan si Macey. Kahit ano kinakain. Pero syempre, hiningi ko lang yung mga paborito niyang ulam.

Tulad ng adobo, sinigang, pritong isda, sarsyadong isda, tortang talong at madami pa.

Sa snacks naman, mahilig siya sa pizza. Syempre, bibili lang ako ng isang box. Sayang naman kasi kung bibili ako ng marami. Pwede naman magorder na lang ulit.

Nalaman ko din na mahilig siya sa kahit anong pasta.

Hindi naman pala siya talaga mahirap kasama sa bahay.

Yung mga gusto niya, gusto ko din.

Hindi din naman kasi ako pihikan pero hindi lang ako nag luluto dahil ako lang naman magisa.

Namili lang ako ng mga ilang gamit at umuwi na.

"Macey?" Tawag ko pag pasok ko sa unit.

"Andyan ka na pala. Oh ang dami naman niyan."

Napa hinto ako sa kinatatayuan ko. Si Macey. Naka apron. Okay na siya?"

Ngumiti siya, "Bakit?"

Umiling ako, "Anong ginagawa mo?"

"Ah wala naman. Nagluto lang ako ng meryenda. Baka kasi gutom ka paguwi mo." Nahihiya niysng sagot

Napa ngiti naman daw ako dun. Ang sweet ng asawa ko. HAHAHA

"Ah ganun ba? Ito oh. Sayo to." Iniabot ko sa kanya yung box ng pizza

"Wow. Sakto naggawa ako ng dessert natin. Tulungan na kita dyan." Kinuha niya yung iba at dinala na namin sa kusina.

Malinis ang kusina. As in ang puti.

Na zonrox ata ang unit ko?

"Naglinis ka?" Tanong ko

"Ah oo eh. Nabored kasi ako saka naisip ko na nakakahiya naman kung wala akong gagawin dito. Eh dito ako nakatira."

Ngumiti na lang ako.

Kumain na kami. Halatang gutom siya. Siya ata gutom at hindi ako.

Continue Reading

You'll Also Like

151K 5K 31
A Romantic Comedy Watch the Official Book Trailer Video [Synopsis] Enjoy ❤
624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
8.1K 613 33
Simula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. H...
After All By K.

General Fiction

84.2K 3K 28
I am trying to be better. I am working to be better.