A Night with The Frontman

By ilovemitchietorres

6K 259 99

I promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one n... More

Chapter 1: Intro
Chapter 2: Just Another Normal Day
Chapter 3: When The Lights Out
Chapter 4: He's The Band Front Man
Chapter 5: Who Are You? Where Are You?
Chapter 6: Positive
Chapter 7: Unknown Number
Chapter 8: Disconnected
Chapter 9: Thinkin' About You
Chapter 10: Missed Calls
Chapter 11: Push Back
Chapter 12: Start Again
Chapter 14: Suitor
Chapter 15: Let Me
Chapter 16: Spill the Tea
Chapter 17: Dreamer
Chapter 18: How to strike the Clock Strikes?
Chapter 19: Cry Out
Chapter 20: It's Nothing
Chapter 21: Band Merchandise
Chapter 22: Stay with Me
Chapter 23: Cookies n Kisses
Chapter 24: Future Plan
Chapter 25: Road Trip
Chapter 26: Groupie
Chapter 27: Hanabi
Chapter 28: Lost Angel
Chapter 29: All Mine
Chapter 30 : Missing You
Chapter 31: So this is heartache?
ANWTF : One-Shot
Chapter 32: I was hers
Chapter 33: Things we never said
Chapter 34 : Gossip and Relationship
Chapter 35 : Fangirl Life (Jessie)
Chapter 36 : I'll stay for another year (Tristan)
Chapter 37 : Nonchalant Guitarist (Tristan x Jessie)
Chapter 38 : Right By Your Side
Chapter 39 : Oniichan
Chapter 40 : Companion and Confession
Chapter 41 : Champs and Wedding Bells

Chapter 13: Paper Bag

135 7 0
By ilovemitchietorres

"Youth is not a time of life; it is a state of mind; it is not a matter of rosy cheeks, red lips and supple knees; it is a matter of the will, quality of the imagination, a vigor of the emotions; it is the freshness of the deep springs of life." - Samuel Ullman

Read more at: https://www.brainyquote.com/topics/teen

A Night with The Front Man

Chapter 13

by: ilovemitchietorres

Song for this chapter:

Yes I AM (Live) by One Ok Rock

Living Dolls by One Ok Rock

--------------------------------------------

JESSIE

"Kailan nga ulit yung deadline ng project natin?"

"Yung groupings ba?"

"Oo girl."

"2 weeks from now."

"Seryoso?"

"Oo, diba sabi ni sir. Pinaalala niya pa yun last time."

"Gosh..."

Bigla ko lang naalala yung deadline nung project namin this sem. Ang bigat pa naman nun kasi don halos kukunin yung magiging final grade namin.

Naloloka na ako ngayon pa lang.

Bakit?

Wala pa kaming nafifinalize na tatlo.

Feeling ko nga mamadaliin namin na matapos tong project na to or mas worst bara-bara na lang. Ayaw ko naman na umasa sa 'bahala na si batman' dahil ayokong bumagsak. Ayokong magretake. Ang laki na ng nagastos namin at di rin biro yung effort na binigay namin para diro.

Konting push pa naniniwala akong may maipapasa kaming matino.

"Teka asan na ba kasi si Michael?"

Tinignan ko isa-isa yung mga tao sa loob ng room. Di ko makita yung mukha ng hinahanap kong tao.

"Asan na naman ba nagsususot yung taong yon?"

Sinulyapan ko si Kris na busy sa pagdodoodle don sa notebook niya.

"Nakita mo na ba siya girl?"

"Hindi e."

Napasandal ako sa inuupuan ko.

"May balak pa bang pumasok yung lalakeng yon?"

Seriously, hindi ko na matandaan yung araw na huli ko siyang nakita. Ni hindi ko na nga mapoint out kung kailan ko siya nakitang kasama sa klase.

Ano bang nangyayare kay Michael at panay ata ang absent niya?

"Nagpaparamdam ba sayo girl?"

Huminto si Kris sa pagddrawing para ituon ang buong attention niya sa akin.

"Hindi... Nagtext ako minsan sa kanya pero wala din akong natanggap na reply."

Tumango ako sa kanya.

Parehas pala kami.

Kinukulit ko na nga din siya pero ni isa wala man lang akong natanggap galing sa kanya.

Tristan...

Bigla kong naalala yung lalakeng yun. Nung mga panahon na halos magpakaawa ako sa kanya para lang tulungan akong makapagusap si Kris at ang kaibigan niyang si Taka.

Wait, bakit ba siya ang naisiip ko ngayon?

Erase.

Erase.

"Kailangan na nating makapagusap para mafinalize na yung project natin."

"Kailangan muna nating makausap si Michael kaso mukhang di na naman ata siya papasok--"

Napahinto si Kris sa pagsasalita.

Merong lalakeng pumasok sa room.

"Michael!!!!" Napasigaw ako dahilan para napatingin siya sa aming dalawa ni Kris.

Kumaway ako.

"Girl tara dito!!!"

Tawag ko sa kanya sabay senyas na lumapit siya sa pwesto kung saan kami nakaupo.

Sa gitna.

Napakamot siya sa ulo at naglakad papunta sa amin.

Halata sa uniform niyang suot na naghahadali siya.

Bakit?

Lukot-lukot lang naman yung puting polo na suot niya ngayon na kulang na lang habulin siya ng plantsya.

Amoy usok siya.

Gulo-gulo ang buhok.

Nangingitim ang ilalim ng mata niya.

Pak na pak ang eye bags.

Anong nangyare dito?

Sumalampak siya sa bakanteng upuan sa itsura niya mukhang maiidlip pa ata pero bago pa mangyare yun nagsalita na ako ulit.

"Hoy girl. Bakit ngayon ka lang pumasok ulit? Anong nangyare?"

Sunod-sunod na tanong ko.

Di ko na mapigilan ang sarili ko.

Sobrang nacucurious talaga ako.

Napakamot siya sa ulo sabay iwas ng tingin.

"... may problema lang sa bahay." Base sa boses niya halatang nagaalinlangan siyang sumagot.

Ohhh...

Mukhang mabigat nga yung problema kung ano man yun.

Sa tingin ko ayaw niya ding magopen tungkol dito halata sa kilos niya ngayon.

Okay, hindi ko na kakalkalin pa kung ano man yun.

Tumahimik tuloy.

Napasulyap ako kay Kris at kita ko sa expression ng mukha niyang nagaalala din siya katulad ko.

"Ummm... Malapit na pala yung deadline nung project natin. Anong balak natin guys?" Iniba ko na ang usapan dahil ang awkward na kasi ng atmosphere.

"Kailan natin balak gawin?" Dagdag na tanong ko.

Nasstress na kasi ako kapag naiisip ko yung deadline namin para don tapos wala pa kaming naproproject na final output.

Ayoko naman na umasang ipapasa kami ni sir Ramil sa subject niya.

Mahirap ng masaktan sa huli.

Kailangan namin magpursige at maibigay yung requirements na hinihingi niya.

Sinulyapan ko si Kris.

Tahimik lang to.

Tinignan ko naman si Michael.

"Sa weekend gawin natin? Pwede ba kayo?"

"Ako pwede ako... Ikaw girl?" Tanong ko kay Kris.

"Uhh okay lang sa akin."

"Sige sa Sabado ituloy na natin." Sabi ni Michael na nagdecide na sa schedule ng grupo.

Finally nagkaroon na din ng date.

"Uy, baka naman mangindian ka dyan ha? Sabihin mo na agad kapag di mo kami sisiputin." Pagbibiro ko kay Michael dahil para mangiti lang siya sa sinabi ko.

"Lipat na ako don sa likot." Paalam niya bago umalis.






TAKA

Nakatayo ako ngayon habang hawak ang mic.

Nakaharap sa mga kagrupo ko.

Nagprapractice kami para sa darating na gig sa Sabado. Dadayo kami sa kalapit bayan merong tumawag kay Tristan nung isang araw at inimbitahan kami na makasama sa line up.

Nung isang araw pa kami practice ng practice.

Ilang araw na kaming inuumaga ng uwi dahil nga madaling araw kami nagprapractice dito sa studio.

Nakakapagod.

Puyat.

Gusto ko ng humilata para matulog pero maaga pa.

Maaga na nga literal.

3:56 A.M. na ng tignan ko sa orasan ko.

Nagaayos ng wire si Tristan.

Si Regie naman lumabas saglit para magyosi.

Si Yuta naglalaro sa cellphone niya.

Naupo ako.

Pilit na nilalabanan ang antok.

Fuck, gusto ko na talagang matulog.

Nahiga na ako ng tuluyan sa sahig.

Pumikit.

"Hoy Taka..."

Sinilip ko yung tumawag sa akin.

"Malamig dyan magkakasakit ka sa baga." Sita ni Tristan na nagpapakatatay na naman.

Pumikit ako ulit.

"Bahala ka nga. Ang tigas ng ulo mo."

"AHHHHHH PUTANGINA NAMAN." Sigaw ni Yuta kaya ako napadilat.

Napakamot siya sa ulo.

Natalo na namam siguro sa laro.

Weak talaga ang isang to.

"MGA PRE!!! Kain tayo?" Nadinig ko na ang boses ni Regie.

"Tara Yuta." Aya niya.

"Pre talo na naman ako." Sabi ni Yuta na mangiyak-ngiyak.

"Imba ka kasi. Inaalat ka na tigilan mo na yan." Nakadinig ako ng yabag ng paa.

"Oy Tristan tara kain. Asan si Takahiro?"

"Mamaya na tayo kumain. Di pa nga tayo yari dito."

Nakaramdam ako ng bigat na dumagan sa akin.

Takte naman.

"REGIE TANGINA NAMAN."

Tinulak ko siya ng makailang beses para lumayo sa akin dahil nilingkis niya ako sabay yakap ng mahigpit.

"Bumangon ka na kasi dyan."

"Lumubay ka nga!"

Tinutulak ko siya.

Siya naman mas lalo lang hinigpitan ang yakap sa akin.

Ayoko na.

Kairita tong taong to.

Badtrip.

"HERE COMES THE AIRPLAINE... WEW." Napadaing ako ng dumagan si Yuta. Takte talaga ng mga taong to parang mga isip bata.

Nananahimik ako at silang walang magawang matino sa buhay nila ginugulo ako.

Babanatan ko talaga ang dalawang to.

Nauwi sa wrestling na may halong suntukan. Syempre di ako papatinag kila Yuta. Nakailang suntok na din ako sa kanila pero takte tong si Regie bigay todo ang suntok sa braso ko.

Napadaing ako habang hawak ang braso ko.

Si Regie nakahilata habang si Yuta naman nakasandal sa pader pulang-pula ang mukha.

"Oh ano tapos na ba kayo maglaro?"

Napatingin kaming lahat kay Tristan. Kitang-kita sa mukha niyang bad shot na naman kaming tatlo. Pustahan katakot-takot na sermon na naman ang aabutin namin nito.

"Tangina kasi si Regie."

"Ikaw kaya unang nanuntok."

"Nakisali pa tong si Yuta."

"Oy, di naman kaya--"

"URUSAI!" (Shut up)

Sumimangot si Yuta.

Tumutugtog na si Tristan na para bang wala siyang naririnig. Napakaseryoso talaga niya kahit kailan. Kung di pa kami mananahimik na tatlo malamang mababanatan na kami ng taong to.

Sumenyas na ako kila Yuta na bumalik na sa pwesto nila.

Kinuha ko na yung mic.

"Hindi pa ba tayo kakain?" Talaga namang may gana pang magtanong si Regie.

Napasulyap ako kay Tristan.

"Walang kakain hangga't di tayo nakakayare dito."

Natahimik kami.

Tinignan ni Tristan si Yuta na nagsasabing magbilang na siya para magsimula na kami.

"One... Two... Three..." Nagsimula ng tumugtog si Yuta hudyat na ilang segundo na lang kakanta na ako.






KRIS-ZEL

Alam kong may kung anong bagay na iniisip ngayon si Michael. Ang sabi niya sa amin kanina family problem daw ang dahilan kaya siya absent nitong mga nakaraang araw.

Hindi ko maiwasan na magalala lalo sa lagay niya. Alam kong nahihirapan siya sa pinagdadaanan niya. Gusto ko siyang icomfort o gumawa ng bagay na makakapagpagaan ng loob niya kahit papaano.

Ramdam ko yung bigat na dinadala niya.

Bigla kong naalala yung buhay namin ni mama. Kami na lang dalawa ang nakikipagsapalaran ngayon sa mundo.

Ngayon magkahiwalay pa kami nasa ibang bansa siya para magtrabaho ako naman andito naiwan sa Pilipinas.

Gusto ko sanang kausapin siya kanina pagkatapos ng klase namin pero naghahadali siyang umalis.

Umiiwas na naman si Michael sa amin ni Jessie.

"Sa tingin mo okay lang si Michael?"

"Siguro? Pero sa itsura niya kasi kanina parang pasan niya ang mundo noh?"

"Oo... meron kaya tayong matutulong?"

"Kung meron man siguro yun yung space na dapat ibigay natin sa kanya. Sa tingin ko kasi girl hindi pa siya ready na magopen up sa atin..."

Tama nga ang sinabi ni Jessie.

"... Besides di naman kasi natin siya ganun kaclose diba? Kundi nga lang sa subject natin kay sir Ramil di natin siya makakausap."

Napayuko na lang ako.

Hinigpitan ang hawak kong libro na yakap ko ngayon sa dibdib ko.

"... Don't worry girl. Kapag nakabwelo ako at nakahanap ng timing magtatanong ako kung anong pwede nating maitulong."

Sinulyapan ko si Jessie na may matipid na ngiting ibinigay sa akin.

"Wag ka na nga dyang malungkot." Sabi niya sa akin.

"Ikaw talaga Kris... Wag mo masyadong dibdibin yung awkwardness kanina. Kahit ako din nabobother na kay Michael pero hayaan muna natin siyang magcool down malay mo bukas magsabi na siya sa atin."

Hinawakan ni Jessie ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?"

Nauuna na siyang maglakad habang ako hila-hila niya.

Nilingon niya ako.

"Kung saan may milk tea!" Sabay ngiti sa akin.

---------------

"Jess..."

"Yes girl? Bakit?"

"Pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?"

"Don sa bayan..."

"Sure. Anong gagawin natin don?"

"Umm... Meron lang akong ibabalik."

"Ibabalik na ano?"

"Yung pinahiram sa akin na jacket ni Taka."

Tinignan niya na ako.

Tinuon na niya ang buong attention niya sa akin ng sabihin ko yun.

"Okay sige lang. Samahan kita. Saan ba meet up natin?"

"Uhh sa crossing na lang ulit?'

"Sureness. Mga what time?"

"Mga 8 siguro. Makapagpalit muna ng damit at maiuwi muna natin tong mga bitbit natin."

Actually dapat the next day ibabalik ko na agad yung jacket na ipinahiram sa akin ni Taka nung gabing nagusap kami at nagkaayos kaso nga lang ang daming nangyare.

Natambakan ako ng paper works at mga orders na dapat kong matapos.

Ngayon na lang ako ulit nagkaroon ng bakanteng oras para maibalik tong ipinahiram sa akin.

Gusto ko rin na makita siya ulit.






TAKA

Hiningan ko ng payo si Tristan tungkol sa aming dalawa ni Kris-Zel. Siya pa lang naman ang kaibigan kong nakakalam tungkol sa dinadalang bata nito.

Sumagi na rin kasi sa isip ko yung maaring maging resulta ng nagawa ko hindi lang sa pagkatao ko kundi pati na rin sa career ng banda namin.

Paano na lang kung malaman nila Yuta at Regie?

Ano kayang magiging reaction nila?

Paano na lang yung oras na mahahati sa bata at sa gig namin?

Paano na lang yung responsibilidad ko bilang ama at myembro ng Clock Strikes?

"Pre anong gagawin ko?" Tanong ko kay Tristan na naninigarilyo ngayon.

Andito kami sa labas ng apartment dahil nagbrown out. Sila Yuta at Regie tulog mantika hindi natinag sa init don sa loob.

"Ano na lang ang magiging reaksyon nila Yuta kapag nalaman nila to?"

Kung anu-anong scenario ang pumasok sa isip ko.

"Ano na lang ang mangyayare sa banda natin?"

"Pare... may naanakan ako. Meron na akong anak."

"Paano na lang yung mga pangarap natin---"

"Takahiro, napagusapan na natin to diba?"

Natahimik ako.

Napayuko.

Naguguluhan ako.

Ayokong masira ang pangarap ko.

Ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan naming apat.

Ayoko na maging dahilan ang nagawa ko para hindi namin maabot ang pangarap namin.

Naramdaman ko ang kamay ni Tristan na gumulo sa buhok ko.

"Wag mong pahirapan ang sarili mo Taka... Wag mong pasanin ang bigat ng mundo dyan sa balikat mo. Tao ka lang nagkakamali."

Hinayaan ko siyang magsalita habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

Sa mga oras na to para siyang nakatatanda kong kapatid na nangangaral sa akin.

Biglang sumagi sa isip ko si kuya.

"May mga bagay tayong napupulot at natututunan sa mga pagkakamali na yun na sana gamitin natin para hindi na tayo maligaw ulit sa landas na gusto nating tahakin sa buhay."

Inakbayan niya ako.

"Sa ngayon ang maipapayo ko gamitin mo yung mga natutunan mo sa nakaraan, ienjoy mo kung akong meron ka ngayon at wag kang malakalimot na tumingin sa kinabukasan mo.... At ng magiging pamilya mo."

Maya-maya pa naramdaman ko na naman na ginulo niya ang buhok ko.

"Yamenasai!" (Tama na) Sigaw ko sabay hawi ng kamay niya palayo sa akin.

Nadinig ko lang siyang tumawa.

Tsk.

Badtrip, alam niya naman na nababanas ako kapag hinahawakan ang buhok ko.

"Tandaan mo Takahiro andito lang ako... Andito lang kami nila Yuta at Regie para sayo. Grupo tayo dito... Hindi mabubuo ang Clock Strikes kung wala ka."

Andito ako ngayon sa sala hawak ang gitara habang kagat-kagat yung lapis.

Magstrustrumming ako kasabay nung melody na nadidinig ko sa utak ko.

Nirerecord ko din yung strumming ng gitara kasabay nung pagsulat ko don sa mga salita na sa tingin ko mas makakatulong sa akin na maalala yung tono kapag binalikan ko yung pyesa.

"...hmmm... This... Hmmm... Done... Doooo... Hmmm.... Somethin... Hmmm..."

*guitar strumming*

Umulit ako ulit at nirecord naman yung para sa chorus.

*guitar strumming*

"... Dun... Dun... Dun... Hmmm.... Lala... Take it... Nanana... Hmmm.. For youu ohhh..."

*guitar strumming*

"Yo my Takahiro boy." Sigaw ni Regie dahilan para madistract ako.

Napatingin ako sa kanya at nakita siyang sumapalpak sa sofa habang may hawak na malaking bowl ng popcorn.

Napailing na lang ako.

Sinulatan ko agad yung huling stanza na naisip ko bago pa mawala.

"Gusto mo?"

"Ayoko ko.

"E di wag."

*guitar strumming*

"Meron ba akong matutulong?" Tanong niya sa akin.

"Tumahimik ka."

"Sher...wo...so nga ahh..koh." Nagsasalita na naman siya habang puno ng pagkain ang bibig niya.

Nagkalat na yung pop corn sa sahig.

Malilintikan na naman kami kay Tristan nito.

"Wag ka ngang magkalat. Pulutin mo yan agad lalanggamin tayo rito."

"Oo mamaya kukunin ko yan."

"Ngayon na."

"Mamaya nga sabi."

"Bahala ka sa buhay mo."

Bigla kong naalala yung napagusapan naming dalawa ni Tristan nung isang gabi.

Ito na ba ang tamang oras para sabihin ko kay Regie yung tungkol sa nangyare sa amin ni Kris-Zel?

Kami lang dalawa ngayon sa apartment.

Si Yuta umuwi sa kanila may aasikasuhin sa bahay at si Tristan pinacheck-up yung sasakyan mahina kasi yung lamig.

Tumigil ako sa pagstrustrumming at sinulyapan siya.

Ngayon na ba?

"Ahhhemmm."

Tinaasan niya ako ng dalawang kilay sabay dakot at subo ng popcorn.

Ang baboy talaga kumain ng taong to.

Paano ako magsisimula?

Tae... Bigla akong kinabahan na ewan.

Fuck.

Bakit naman ako kakabahan kay Regie?

Ganun ba kahirap sabihin sa kanya na may naanakan ako at magiging tatay na ako?

"Regie..."

"Oh? Nande?" (Bakit?)

"..."

Sumalubong ang kilay niya dahilan para sumingkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"May... Meron akong..."

"Merong ano?"

"May... Sasabihin ako--"

"PABILI PO NG YELOOOOOO!!!!!"

"Tanginang mga bata to talaga." Biglang tumayo si Regie at kamuntikan pa sa aking matapon lahat ng laman ng bowl na hawak niya.

"Saglit lang pre ha? Bibigwasan ko lang tong mga bibwit to."

Tumakbo siya palabas ng bahay.

Okay, abort the mission.

Napabuntong hininga na lang ako.

Siguro di pa ito ang tamang panahon.

Maya-maya bumalik na siya.

"Takte talaga yung mga batang yon. Pinagtritripan na naman tayo. Ipapatanggal ko na talaga yung bwisit na doorbell na yan."

Pinaglalaruan kasi ng mga bata yung doorbell namin. Minsan naman yung mga batang lansangan naman yung nangtritrip kumakatok ng malakas sa gate sabay sigaw na bibili daw ng yelo o di kaya ice candy kahit wala namang nakapaskil sa labas.

Naupo siya sa sofa at tinuloy ang pagkain.

"Ano nga ulit pre ang sinabi mo kanina? Di ko kasi masyadong nadinig--"

"Maginit ka ng tubig."

"Ha? Bakit?"

"Magkakape ako."

"Katanghaliang tapat?"

"Bakit gusto ko e. Nagtatanong ka kanina kung anong matutulong mo diba?"

Napakamot na lang siya sa ulo bago tuluyang tumayo at maglakad papunta sa kusina.






KRIS

Matagal ng makatambak yung paper bag na may lamang itim na jacket na ipinahiram sa akin.

Matagal ko na talagang balak na ibalik to sa may ari sa totoo nga kinabukasan lang din sana gusto ko ng ibalik sa kanya kaso ang dami talagang nangyare kaya di ko na nagawa.

Ngayong gabi sana maibalik ko na.

Nakakahiya kasi e lalo na kapag naaalala ko yung gabing nakita ko siyang kumakanta kasama ang banda niya habang suot niya to.

Alam kong ginagamit niya tong jacket pero nagawa niya pa ding ipahiram sa akin.

Sa ginawa niyang iyon na malasakit sa akin hindi ko mapigilan ang sarili ko na makita pa lalo yung kabutihan na meron siya.

Napasaya ako non ng sobra.

Lalo na't alam kong ginawa niya yon dahil sa baby na dinadala ko.

Inayos ko ulit yung pagkakatupi ng jacket bago ibalik sa paper bag.

Nagdala lang ako ng maliit na bag para laglagyan ng pera, wallet at panyo.

Pinagmasdan ko yung painting na nakalagay sa gilid.

"Makikita na naman natin si Taka, baby... Excited ka na ba?" Tanong ko habang hawak ang tiyan ko.

"Ako kasi excited." Sabi ko.

"Ibabalik lang natin tong ipinahiram sa atin."

Hindi ko maiwasan na mapangiti kapag naiisip na ilang minuto na lang simula ngayon makikita ko na naman siya. Ilang araw din yung nakalipas nung huli kaming nakapunta sa restobar na tinutugtugan nila.

---------

"Girl, kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga e."

"Tsk, sabi ko sayo wag kang magpapagutom! Masama yan para sa baby ano ka ba."

Hinawakan niya ang kamay ko sabay hatak sa akin.

"Di pa din ako kumakain... Tara hanap muna tayo ng makakainan natin."

"Okay."

"Teka nga akin na nga muna yang dala mo."

Kinuha agad ni Jessie yung dala ko para bitbitin niya.

Andito kami ngayon sa Mang Inasal. Malapit na kaming matapos ni Jessie ng mapansin kong panay ang tingin niya sa cellphone niya.

"Sino yang katext mo?"

"Si Tristan..."

"Hala... Sinabi mo bang pupunta tayo?!"

Natigilan siya.

"Oo... Bakit girl?"

Napaiwas ako ng tingin.

Gusto ko kasi sana na isurprise si Taka. Madalas kasi kapag pumupunta kami alam na nila na darating kaming dalawa ni Jessie.

"Ayaw mo bang ipaalam? Ohmyghad... I'm sorry."

"Okay lang Jess."

"Wait... Ittext ko lang ulit si Tristan para wag na niyang sabihin kay Taka."

"Hindi Jess wag na."

"Ako ng bahala girl trust me."

Hinayaan ko na siya sa gusto niyang mangyare. Nagpaliwanag siya sa akin na kaya kinontact niya tong si Tristan para magpareserve na kami ng upuan. Kapag ganito kasing oras halos puno na ng tao don at pahirapan na makahanap ng pwesto.

Hindi naman kami magtatagal don kung sakali pero okay na din na may reserved table kami ni Jess.

"Grabe ang dami ng sasakyan."

Totoo nga ang sinabi ni Jessie. Pagdating pa lang namin bumungad na yung mga sasakyan. Traffic na nga nung malapit na kami sa lugar na to ito pala yung dahilan.

Ang daming taong naglalakad sa tabing kalsada na karamihan grupo ng magbabarkada.

"Girl, gumilid ka nga dito baka masagi ka ng mga sasakyan." Naglalakad na kaming dalawa ni Jessie malapit na kami sa entrance.

"Oh paano ba yan? Ikaw na lang maghahanap kay Taka?"

Ngumiti ako sa kanya.

"Sure ka ba dyan?"

"Oo."

"Samahan na lang kaya kita baka mapano ka pa e."

"Jess, di naman ako lalayo. Dito lang ako sa loob wag ka ng magalala sa akin."

"O siya sige. Basta magtext ka agad ha kung nakita mo na siya. Ayokong mastress kakaisip kung anong nangyayare sayo."

"Opo nay."

"Mamumuti na ang buhok ko sayong bata ka."

Nagtawanan kaming dalawa.

"Girl dito na muna ako. Hahanapin ko lang din si Tristan ng makaupo na baka may makakuha pa ng pwesto natin sayang."

"Okay."

"See you later."

"See you."

Naghiwalay na kaming dalawa ni Jessie pagkatapos niyang ibigay sa akin yung bitbit niyang paper bag.

Pinagmasdan ko ang paligid ko.

Ang dami talagang tao.

Saan kaya ako magsisimulang maghanap?

Andito na kaya sila ngayon?

Na saan ka na Taka?






JESSIE

Kung ako talaga ang masusnod gusto kong samahan tong si Kris tutal andito naman na din ako. Hinahanap niya ngayon si Taka may isasauli siyang gamit.

Jacket to be exact. Kaninang hapon nagsabi siya sa akin na gusto niyang pumunta dito sa bayan para makipagkita kay Taka.

Base don sa expression niya kanina alam kong gustong-gusto niyang makita yung smurf na yun.

Naku, nafafall na nga ata talaga ang bestfriend ko.

Anyways, wala namang masama don single si Kris at mukha namang single din si Taka(Kung meron mang girfriend ngayon ang smurf na to siguraduhin niyang makipaghiwalay ng maayos kundi kakaliskisan ko silang dalawa. Anong gagawin niya sa bestfriend ko isa sa mga fling niya? No way! Di ako papagay!) and to top of it magkaka-anak na sila.

Ang cutie talaga ng reaction ni Kris. Kitang-kita ko yung pamumula ng mukha niya kanina na para bang nahihiya na magopen sa akin kasi nga gusto niyang makita si Taka.

Nakita ko din yung disappointment sa mukha niya ng malaman niyang kinocontact ko na si Tristan para magpareserve na kami ng table. Alam kong madaming customer kaya pahirapan makahanap ng pwesto at ayoko naman na tumayo kaming dalawa ni Kris dahil buntis siya mahirap ng mapagod siya.

Di naman kasi ako nainform na gusto niya palang isurprise si Taka.

Tinext ko agad si Tristan na wag sasabihin na pupunta kami ngayong dalawa.

Sa Clock Strikes, siya lang ang may alam na andito kami ni Kris.

Maganda talaga tong restobar na tinutugtugan nila. Sa totoo nga mas naging matunog tong lugar na to na puntahan dahil sa mga local performers at isa na nga dito yung mga banda. Ang galing ng strategy ng mga may ari nito kasi kung iisipin ang chill lang ng ambiance, andito na yung mga pwedeng inumin, masarap pa yung mga pagkain at libre pang mapapanuod at makakapakinig ng mga kumakanta.

In short, talagang tambayan at punatahan ng mga tao na gustong maghappy-happy.

Sabi ni Tristan sasalubungin daw kami.

Eh asan na siya?

To: Tristan

Andito na kami. Asan ka na?

Send.

Nilibot ko muna ang tingin ko sa paligid. Ang dim na ng ilaw tapos ang dami pang tao. Wala na akong matanaw na bakanteng mauupuan.

'Asan ka na ba Tristan?'

Di niya na naman ako ni rereplayan.

Nakakaharang na ako sa daan dito kaya gumilid ako para makapaghanap ng pwedeng pwestuhan.

Napansin ko agad yung lalakeng maputi, matangkad, singkit at may mahabang kulot ang buhok na nakatingin sa akin.

Namumukhaan ko to e.

Wait...

Siya yung...

"Uhhh... Excuse me miss."

Ngumiti siya sa akin.

Yung ngiting halos di ko na makita yung mga mata niya. Ang tangkad grabe. Simpleng itim na t-shirt at baggy shorts lang ang suot niya tapos tinernuhan ng sapatos na kulay puti.

Yung porma niya hip-hop na rakista.

Tinignan ko yung tabi ko agad.

Nadinig ko siyang tumawa.

"Miss..."

Winasiwas niya yung kamay niya sa mukha ko.

Hala, ako nga ang kausap niya.

"... Ikaw ba yung kausap ni Tristan last time?" Tanong niya sa akin.

"... Yung may kasamang babae?" Dagdag pa niya.

"Jess... Jessie?"

Ohmyghad.

Bakit alam niya ang pangalan ko?

Bwisit tong si Tristan sabi kong wag niyang sasabihin na pupunta kami.

Kagigil siya.

"Ako nga... Hello."

"Regie. Kaibigan ako ni Tristan."

At bassist ng Clock Strikes.

Oo, alam ko.

"Nakita mo ba siya?"

Tumango siya agad sabay hawi ng buhok.

"Na saan?"

"Andon sa backstage may inaayos."

Gusto kong umirap sa inis. Ang usapan namin sasalubungin niya kami ni Kris para sa reserved table naming dalawa tapos malalaman kong busy siya don. Aba, kung minalas pa baka nakalimutan na kami.

"Ahhh ganun ba?"

Kanino ako hihinhi ng tulong?

"May nasabi ba siya sayo?"

Napaisip siya bigla.

"... Di ko kasi alam kung saan banda yung nireserved niyang table e."

"Ahhh..." Napakamot siya sa ulo na para bang naalala kung ano man ang iniisip niya kanina.

"Oo... Teka lang ha."

May dumaan na waiter sa amin at kinausap to agad ni Regie.

"Pre, hanap mo naman ako ng bakanteng table."

"Naku brad dapat nagsabi ka sa akin agad.... pero teka tignan ko don kung di pa nauupuan yung isa don."

"Sige pre salamat. Akong bahala sayo mamaya."

Sumenyas yung waiter na aalis na siya at nagpasalamat ulit si Regie. Totoo nga ang sabi ni Michael halata naman talaga kay Regie yung pagiging friendly.

Di nagtagal may lumapit sa kanya dalawang lalake.

"Oy brad."

"Pre..."

"Anong oras kayo sasalang?"

"Di ko pa alam pre... Dipende sa management. Kanina pa ba kayo?"

"Hindi naman. Kadarating lang nitong kasama ko e."

"Sila Yuta?"

"Andon sa likod may inaayos."

"Si Taka?"

"Di ko pa din nakikita pero nagkalat lang yan dyan." Nagtawanan silang tatlo. Nagusap silang saglit at nagpaalam na din ang mga ito kay Regie.

"Gie..." Dumating na yung waiter na kinausap niya kanina.

"Ano brad meron pa ba?"

"Oo don sa gilid nga lang. Ayos lang ba yon?"

"Okay na yun pre. Salamat."

Humarap na sa akin si Regie.

"O ano tara na?" Sinundan ko si Regie hanggang sa makarating na kami don sa bakanteng upuan na pangdalawahan lang. Nakapwesto kami sa pinakagilid occupied na kasi halos lahat. Okay na to kesa naman sa wala.

Nanggigigil talaga ako kay Tristan.

Makakatikim talaga sa akin ang lalakeng yun makikita niya.

"Salamat ha."

"Sus wala yun."

Buti pa tong si Regie nageffort talaga at nakita mismo ng dalawang mata ko.

"Anong gusto mong pagkain? Drinks?" Inalok niya ako agad sabay sabing siya daw ang bahala. Umorder na lang ako nung cucumber juice nila at ilang minuto lang andyan na.

"Ito na yung bayad ko o."

"Wag na nga. Treat ko na yan sayo."

"Hala siya... Sige. Salamat."

Nakakahiya naman kasi ngayon ko lang nakilala tong taong to pero ito nilibre niya na ako.

Infairness, ang gaan agad ng loob ko sa kanya dahil siguro ang daldal niya din katulad ko. Ang dami niyang kwento tapos di rin siya nauubusan ng tanong.

Feeling ko nga matagal ko ng kilala tong taong to.

Ang saya lang kasi hindi ganun ka-awkward yung naging outcome di tulad nung don sa isa nakakailang. Sa itsura pa lang kasi ang suplado na makatingin. Itong nasa harapan ko ngayon ang friendly ng mukha.

"Basta akong bahala sayo dito Jess. Baka batukan ako ni Tristan kapag di ko inasikaso girlfriend niya."

Nasamid ako sa nadinig ko.

Halos di ako makahinga at mangiyak-ngiyak.

Kinuhaan ako agad ng tissue ni Regie para ibigay sa akin.

Nakailang beses akong umubo.

Pumasok yung tubig sa ilong ko ang sakit.

Girlfriend?

Ako girlfriend nung suplado na yon?

Sinong nagsabi na girlfriend ako ng guitarist ng Clock Strikes?

Saan niya nakuha na girlfriend ako ni Tristan?

"Ano okay ka na ba?'

Tumango ako habang pinupunasan ang bibig ko.

"Tubig gusto mo? Papakuha ako--"

Sumenyas akong wag na.

"Sigurado kang okay ka na?"

"Oo."

Tinitignan lang ako ni Regie na bakas sa mukha ang pagaalala.

Pagkatapos ng ilang minuto nagsalita ako ulit.

"Saan mo ba nakuha yang balita na girlfriend ako ng kaibigan mo?"

"Huh?"

Kitang-kita ko sa mukha niya yung malaking question mark.

Nagtataka siya.

"Ikaw parati katext niya. Kilala ko yung taong yon hindi basta-basta nagssave ng phone number ng babae si Tristan sa cellphone niya kundi importante--"

Ewan ko ba kung bakit may kung anong weird akong naramdaman nung nadinig kong sinabi ni Regie yon.

Nailang ako bigla.

Ako importante?

"Sigurado kang di ka niya girlfriend--- fuck." Nakatakip siya sa bibig niya.

"Tangina." Nadinig ko siyang bumulong siya habang napakamot sa ulo.

"Mabait yong taong yon, stick to one at higit sa lahat responsable. Ako na ang garantor. Maniwala ka sa akin---"

Tumigil siya bigla sa pagsasalita ng may kung anong nakita sa likod ko.

Hanggang sa maramdaman ko na ang prisensya ng taong nakatayo.

Nakita ko din yung kamay na pumatong sa lamesa dahilan para mapatingala ako sa taong ito.

Sheemss....

Ang lapit ng mukha niya.

Naamoy ko na yung pabango niya.

Yung tingin niya ngayon blangko. Nakakatunaw yung titig niya sa akin na kahit hindi siya magsalita natatameme ako.

Hindi lang nakakatakot.

Bakit feeling ko may ginawa akong hindi niya nagustuhan?

Mukha siyang galit na ewan.

Tinignan na niya si Regie.

Nakikita ko na lang ngayon ang side view profile niya.

"Kanina pa kita hinanap andito ka lang pala."

Ang haba na ng buhok niya halos natatakpan na kasi yung tenga niya.

Yung tipong kahit ang gulo-gulo at halatang ilang beses niyang pinadaan ang kamay niya dito ang astig pa din ng dating.

Ang tangos ng ilong.

Bagay na bagay yung kulay ng balat niya.

Ang gwapo niya.

Oo na gwapo naman kasi talaga tong taong to pero di ko ibrobroadcast kasi alam kong mas lalo lang yayabang ang mokong na to.

"Kanina pa kita inaantay don sa loob. Yung inuutos ko sayo asan na?"

"Ay tangi... Oo nga pala."

"Sinasabi ko na nga ba."

"Sorry na. Nakita ko kasi si Jess..." Hindi ko na nadinig ng maayos yung sinasabi ni Regie dahil bigla na lang sumulyap ulit si Tristan sa akin.

Sa pagkakataon na to tinaasan niya ako ng kilay.

Andon ang pagtatanong sa mga mata niyang nakatitig sa akin.

Nakakailang.

Sobra.

Sibukan kong di matinag sa kinauupuan ko.

Talagang di rin niya inalis ang tingin sa akin.

Ng di ko na matagalan ako ng umiwas ng tingin.

Bwisit.

Kakainis.

Si Regie nakatingin lang din sa amin.

Aba, kung di niya ako kikibuin di ko rin siya kikibuin noh.

Siya ang may atraso sa aming dalawa ang linaw ng usapan na irereserved niya kami ni Kris ng table pero ano wala naman kung hindi dahil dito kay Regie baka namuti na ang mata ko kaantay sa wala.

"Tara na gie."

Napakamot na lang sa ulo si Regie.

Tumayo na siya.

"Jess, sibat muna ako. Mamaya na lang ulit... Umorder ka lang ng umorder ako ng bahala sayo--"

"Yung inuutos ko."

"Copy boss."

Nginitian ako ni Regie sabay kaway bago tuluyang umalis.

Si Tristan?

Ayun alam kong nakatingin siya sa akin pero di ko siya tinignan.

Di ko rin siya kikibuin noh.

Kala niya.

Nagmatigasan kaming dalawa.

"Wag kang iinom ng wala kang kasama." Salitang sinabi niya bago ako tuluyang mapagisa sa table.

Sino naman nagsabing iinom ako?






KRIS-ZEL

Kahit kailan talaga di nauubusan ng tao dito sa bar. Ni isa sa mga taong nakasalubong ko kanina wala akong mamukhaan.

Nakakahilo na.

Siksikan.

Maingay.

Nakakaduling yung mga ilaw.

Amoy ng alak at sigarilyo.

Malakas din yung music na pinapatugtog dahilan para makaramdam ako ng pananakit sa dibdib ko.

Pilit kong hinahanap yung lalakeng kanina ko pa gustong makita.

Hinigpitan ko yung hawak sa paper bag. Makailang beses na kasing natabig at sumabit sa mga taong nakakasalubong ko.

Lukut-lukot na.

Asan na kaya siya?

Nagbabakasali akong makita siya sa isa sa mga taong nakatayo sa gilid nakikipagkwentuhan.

Taka na saan ka na ba?

"Sorry miss."

Nginitian ko lang yung nakatabig sa akin.

"Pasensya na."

Dali-dali na akong naglakad.

Mukhang mahihirapan ako nito hanapim si Taka. Nalulunod na din ako sa dami ng taong nakikita ko ngayon.

Nakahanap na kaya ng table si Jess?

Nagkita na kaya sila ni Tristan?

Balikan ko na kaya muna si Jess kasi kanina pa ako dito nagiikot di ko pa din makita yung may blue green na buhok.

Naglakad na ako pabalik don sa pinagiwanan ko kanina kay Jess ng mamukhaan yung lalakeng parating.

Si....

Yung bassist ng Clock Strikes.

Halata sa mukha niya yung pagmamadali.

"Gie! Papainom ka ba?"

"Oy, mamaya!"

"Pre, musta?"

"Ayos naman."

Mga salitang nadinig ko habang kausap niya yung mga taong nakakasalubong niya sa daan.

Tama, si Regie ang bassist ng Clock Strikes.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na tong nawala dahil sa dami ng tao.

Naglakad na ako ulit.

Ngayon ang hinahanap ko naman ang bestfriend ko.

Saan kaya siya nakapwesto?

Sinubukan kong tignan isa-isa yung mga taong nasa table na abot tanaw ko.

Nakuha ng attention ko yung grupo na di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Isa don yung namukhaan kong lalake na may hawak ng alak.

Nakangisi habang nakikipaginuman.

Isa sa member ng Clock Strikes.

Si Yuta ang drummer.

Napatingin naman ako don sa lalakeng palapit sa grupong nagkakatuwaan.

Nakasuot ng sumbrerong itim.

Nilapitan agad ito nung babaeng malaporselana ang kutis at balat. Mahaba ang buhok na may balinkinitang katawan.

Tinanggal nung babae yung sumbrero don sa lalake at isinuot sa ulo niya.

Nginitian nung babae yung lalake at niyakap.

Nakita ko rin kung paano yakapin pabalik nung lalake yung babae.

Mula rito sa kinatatayuan ko kitang-kita ko yung pangyayare.

Kitang-kita ko kung paano silang dalawa humiwalay sa pagyakap.

Nakita ko rin kung paano ngitian nung lalake yung babae dahilan para ilapit nito ang mukha niya rito.

Mula rito sa kinatatayuan ko habang mahigpit ang hawak sa paper bag na dala-dala ko ngayon nakita ko mismo kung paano nilapit ng babae ang labi niya sa lalakeng kayakap niya lang kanina.

Kitang-kita kong hinalikan ng babae si Taka kasunod ang malakas na hiyawan at kantyawan ng grupong kasama nila.

Yung sikip sa dibdib ko ang nagpaatras sa akin.

Napahakwang ako ng ilang beses habang tinitignan ang nangyayare sa harapan ko.

Ang sakit-sakit na makita siya ulit pero may kasamang iba.

Pero wala naman akong karapatan in the first place diba?

Wala akong karapatan na magreact ng ganito kasi wala namang kami.

Mali tong nararamdaman ko.

Nakita ko na lang na hinila nung babae si Taka palapit don sa upuan bago ako tumalikod.

Tumakbo ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng bar. Napauno na lang ako sa gilid habang yakap-yakap yung isasauli ko dapat na jacket.

"Miss okay ka lang?"

Di ko namalayan si kuyang guard na lumapit sa akin.

"Uhhh... Okay lang po ako."

"Sigurado ka ba? May masakit ba sayo?"

Umiling ako agad.

"Sigurado ka ha?"

"Opo."

Halata sa itsura ni kuya yung pagaalala sa akin.

"Kung may kailangan ka andon lang ako sa entrance."

"S-sige po kuya. Salamat po."

Pagpunas ko sa pisngi ko doon ko nakita yung basa ng luha.

Umiiyak ako.

Tinawagan ko agad si Jessie at sinabing nasa labas na ako. Gusto ko ng umuwi. Ang sabi niya sa akin agad palabas na siya.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko bago pa mapansin ni Jess ang lagay ko.

Katulad ng inaasahan ko andito na agad ang bestfriend ko.

Sinalubong ko na siya.

Pilit na ngumiti.

"Girl, ang dami kong kwento sayo... First and foremost nabwibwisit ako kay Tristan--"

"Tara na Jess uwi na tayo."

Hinawakan ko na siya sa kamay at hinila para maglakad na papunta sa sakayan.

"Oh--okay."

Ilang hakbang pa lang ng magsalita siya ulit.

"Bakit nasa iyo pa din yung jacket? Hindi ba kayo nagkita?"

Alam kong nakita niyang dala-dala ko kaya nagtanong siya.

"Hindi pa..."

"Hala tara don. Bumalik tayo samahan na lang kita para di sayang tong pagpunta natin dito."

"Wag na." Kahit ako nabigla din sa tono ng pananalita ko.

"Wag na Jess.... Next time na lang." Mas mahinahon kong sinabi. Ayoko na makita niya ang mukha ko ngayon at ayoko na ding bumalik don dahil alam kong anytime bibigay na ako sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.

.

.

.

.

.

To be continued...

NOTE: Maraming salamat sa mga patuloy pa ring sumusuprta sa mga libro ko lalo na sa "A Night with The Front Man". Pipilitin kong makapagupdate na every Saturday/Sunday starting this week. More Taka-Kris moments to come! Subaybayan natin ang kweno ng Clock Strikes sa mga susunod na chapters.

Happy weekend everyone!

Cheers!

-ilovemitchietorres


Continue Reading

You'll Also Like

175K 6K 26
A collection of one shots of scenes written and inspired by the series. Everything written here are pure product of my imagination. Keep on watching...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
63.9K 1.8K 40
You only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4