Chasing Daniel (COMPLETED)

By MrsPurin

45.7K 1.2K 177

Maraming bagay na hindi naiintindihan si Daniel. He was bitter. He was jaded. He was a lost soul. But when he... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Author's Note
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Epilogue

Chapter 3

3K 69 2
By MrsPurin

Pabalik na sana si Daniel sa kanyang silid ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng ilang kalalakihan. Di sana gusto ng binata na makihalubilo sa mga ito, pero wala siyang choice kundi lapitan ang mga lalaki.

"Boss! Magandan ggabi! Tagay oh" parang gustong mapangiwi ni Daniel ng inabot sa kanya ng isang maitim na lalaki ang baso. May pitong lalaki na nakapalibot sa inuman, at lahat ng ito ay umiinom sa iisang baso. The thought disgust Daniel. Pero wala siyang magawa kundi tanggapin ang tagay mula sa mga ito.

"Yon!! Ang kowboy pala talaga ni Sir eh!" Palakpakan ng mga lalaki pagkatapos niyang inumin ang tagay. Hinila ng lalaking maitim ang isang silya at inayayahan siyang maupo don. Napipilitang naupo ang binata. Ang balak niya ay manatili lamang ng ilang minuto at pagkatapos ay papanhik na siya sa kanyang silid.

Napansin ni Daniel na sa tuwing may dadaang magagandang babae ay mag-uunahan sa pagpito ang mga lalaki. O, pagtawag sa mga ito. Kaya naman nagtaka siya ng magyukuan lamang ang mga ito ng si Teacher Maris ang dumaan. Hindi tuloy maiwasan ng binata na titigan ang babae.

"Ser, kursunada nyo ba si Teacher Maris?" tanong sa kanya ng lalaking maitim na napag alaman niyang Mario ang pangalan. Naiiling siyang tumawa.

Si Mario naman ay naupo sa tabi niya, "maganda talaga yan si Ma'am. Kowboy din yan! Napakagaling kumanta, mabait pa. Kaso wag kang loloko loko diyan, ubod ng sunget yan! Kami nga dito lagi niyang nasesermunan." Mahinang bulong sa kanya ng lalaki.

Yun naman pala. Takot pala ang mga ito kay Maris. Amused na amused na muling tinitigan ng binata ang babae. Sa tingin niya wala pang 5'3 ang dalaga, may kapayatan din ito. Di mo aakalain na tutupi ang mga barakong nasa harap niya sa babae. Nakita niyang papalapit ito sa kanila.

"Mang Mario, ang aga nyan ha! Sinama nyo pa si Sir Daniel." matamis nitong ngiti sa lahat.

"Nakuu, hindi naman po, Ma'am! Sakatanuyan nga, ikaw ang pinagku-kwentuhan namin ni Ser Pogi dito eh!" sagot ni Mang Mario na kamot kamot pa ng ulo.

"Ganon ba? Dapat ginandahan nyo yung mga kwento nyo ha! Baka di ako ligawan ni Sir Daniel nyan." she giggles. Ang binata naman ay di alam kung ano ang magiging reaksyon. Di niya alam kung seryoso ang dalaga o nagbibiro lamang.

"Siyempre! Puro magaganda, Ma'am. Kayo pa ba? Malakas kayo sa amin eh! Ma'am, paano gaya ng dati?'

"Oo ba! Agawin nyo na yung mic nang makapagsimula na tayo, Mang Mario!"  nagpalipat-lipat ng tingin si Daniel sa dalawa. He have no idea kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

Saglit na nawala si Mang Mario, at pagkatapos ay dala na nito ang mic ng videoke. Bumaling ang lalaki kay Daniel.

"Ser, ano pong gusto niyong kantahin? Kayo na po mauna dahil kayo po ang bisitors namin! aaa, Tama ba yung English ko Ma'am?" masaya nitong tanong sa guro.

"Aba! Ang galing nyo na mag-English, Mang Mario ha! Baka palitan nyo na nang foreigner si Aling Sally nyan." narinig ni Daniel na ganting biro ng babae na ikinatawa nang lahat. Naramdaman ng binata ang paggalang ng mga taong ito sa dalaga. Mga taong kung makikita mo sa normal na araw ay hindi mo gugustuhing makasalubong dahil iisipin mong may gagawing masama sa iyo.

"No, thank you, si Teacher Maris na lang!" he said politely.

"Naku, Ser! Wag nyo pong hinahamon si Teacher Maris, di na nyan bibitawan ang mic."

"Oi, grabeh kayo, Mang Mario! Baka maniwala si Sir Daniel." she laughs so cheerfully. Parang gustong mahawa ni Daniel sa klase ng pagkakatawa nito. Her laughter reminds him of summer skies. Natigilan ang binata, summer skies? Kelan pa niya muling napansin ang kagandahan ng mga ulap. And the irony of all ironies, dito pa niya nasabi ang bagay na yun sa lugar kung saan naroroon ang bundok ng basura.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan ay maagang nagising si Daniel. He attended the flag rising ceremony of the community office. Pagkatapos ay muling naglibot-libot sa pamayanan. Bago mananghali ay tinungo nila ang lugar kung saan pumapasok ang mga out of school youth. Daniel expected the place to be at least a small day care like, pero ang nadatnan niya ay isang lugar na may isang malaking tent bilang bubong, hinarangan ng mga tagpi-tagping kahoy ang bawat gilid. Ang mga bata ay nakasalampak ng upo sa lupa gamit ang mga lumang diyaro bilang sapin. And he saw her, Maris.

Nakaupo ito sa isang lata ng biscuit na sinapinan lang yata ng malinis na tela. She is reading something to the kids, gaya ng dati, masaya at nakangiti.Bagay na hindi maintindihan ni Daniel. How can she still manage to smile when everything around her is just full of devastation, dagdag pa ang napakainit na panahon. Alin, kung siya at ang mga kaibigan niya ang naririto, they won't be able to stand even a minute being under this scourging heat, let  alone be in this place. Agad itong tumayo ng makita ang kanilang pagdating.

"Kids, what will you say to our visitors?" she ask the children still in her cheerful mode.

"Good morning, Visitors! We are please to see you!" sabay sabay na bati naman sa kanila ng mga bata. 

Kumaway si Daniel sa mga ito, "Good morning, Kids!" ganting bati niya sa mga bata. Napansin niya na isa doon ay si CeSi, pero hindi gaya ng mga nakaraang araw, napansin niyang parang matamlay ito. Marahil dahil sa sobrang init ng araw.

Nakita niyang tinawag ni Maris ang isang estudyante na siyang pinakamalaki at marahail ay pinakamatanda sa lahat. Ito ang humalili sa dalaga sa pagbabasa. Nang masiguradong maayos ang klase, nakita na niyang papalapit sa kanya ang guro.

"Good morning, Sir Daniel! Medyo mainit ngayon, noh?" hinugot nito ang panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis na noo at leeg. Daniel couldn't help but to stare at her neck. May babae pa lang sexy tingnan sa simpleng pagpunas lang ng pawis sa leeg? He snapped! "Gees! What's happening to you, Dandan? Are you getting perv?"  he scolded his self.

"Medyo mainit lang sa'yo 'tong ganitong temp ha!" natatawa niyang tanong sa guro. He was being sarcastic, but in a good way.

"Hahahah! Oo, mas grabe pa dito esp. when it's summer." hinagod nito ang tuwid na tuwid na itim na buhok. Muling napasinghap si Daniel. Parang napakasarap haplusin ng mga buhok ng dalaga. He shook his head! Grabe na talaga ang nangyayari sa kanya! Why he is acting like this?

"Ganon ba? Buti nakakatagal ka sa ganito, noh? Like I mean, you know, some teachers won't wish to be assigned here!"

"Oo naman, mahal ko ang ginagawa ko! Masaya ako dito." nakangiti nitong turan at masuyong pinagmasdan ang mga estudyante. Daniel saw never ending fondness in her eyes. Tila gustong hangaan iyon ng binata. Not everyone could say that; na mahal nila ang ang kanilang ginagawa at masaya sila, esp. in this kind of place.

"You really seem so passionate in what you do. Ilang taon ka na nga Teacher Maris?"

"Woi, Maris na lang! 20 years old na ako. Pero kung balak mo akong ligawan, hindi pa pwede ha! Ang bata ko pa saka strict ang parents ko."  agad siyang napatingin sa dalaga, sinisigurado niya kung seryoso ba ito o nagbibiro lamang.

"Hala! Joke lang uy! Ang seryoso naman nito." maya maya ay natatawang sabi ng dalaga na mahina pang hinampas ang kanyang mga balikat. Daniel felt so relief! Akala niya seryoso talaga ang babae kanina.

"You got me there ha! So, what grade are you teaching? Parang halo halo yung edad ng mga bata eh!" he asked her after awhile. Nakita niyang tila sumeryoso ang dalaga, but still have the staple smile.

"Lahat ng nakikita mo, most of them are out of school youth. Yung iba, nakapag-aral, pero di na kayang magpatuloy dahil sa kahirapan. Ang iba naman ay talaga kayang pag-aralin ng mga magulang dahil sa madami sila." 

"Hmm, that's the thing! Why would they even want to produce and produce more kids when they couldn't even afford to give them a good life?" medyo may inis na tanong niya. He just couldn't understand why the parents won't observe responsible parenting, that's just ridiculous!

"Lack of proper information, I guess! Sa ganito kasing community, most of the people weren't able to go to school-- karamihan sa kanila mas maigi pang kumita kaysa makinig sa mga talks ng DOH."  namulsa ang dalaga. Sanay na siya sa mga ganitong tanong mula sa tao.

"Para yung maliit na bagay lang kinatatamaran nila eh. Why would we even bother to help them? Bakit iaasa nila sa gobyerno ang lahat? They should send their own kids on school!"

She look at him. Kung sabagay, may katwiran naman ang binata. Nagkibit balikat si Maris.

"I don't know how to answer your question, seriously! Pero ang alam ko, walang kasalanan ang mga bata sa maling mga desisyon ng kanilang magulang. These kids deserves all the help we could give them, dahil kung hindi, ano na lang ang mangyayari sa kanila? They will just end up here? Gusto kong may marating ang mga batang 'to. Gusto kong matuto silang magbasa at magsulat at mangarap. I won't take away their hopes, kasi baka yun na lang ang meron sila." she stare at him straight on his eyes when she said those things. Daniel saw the genuine love and care this girl have for the kids of Vitas.

Parang gustong mahiya ng binata sa mga sinabi kanina. The girl in front of him just have so much faith that even in simple things, she could change these kids life. Tila may namumuong maliit na paghanga ang binata para kay Maris.

Continue Reading

You'll Also Like

218K 3.8K 32
Angela montehano was truly, madly, deeply in love with Ivo Imperial. It was highschool romance. Eversince she knows how to love ay wala siyang ibang...
209K 6.5K 72
When Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take an...