Chasing Daniel (COMPLETED)

By MrsPurin

45.7K 1.2K 177

Maraming bagay na hindi naiintindihan si Daniel. He was bitter. He was jaded. He was a lost soul. But when he... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Author's Note
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Epilogue

Chapter 2

3.3K 80 7
By MrsPurin

"O, pasado po ba ako?" narinig ni Daniel na tanong ng babaeng nasa kanyang harapan. Naguguluhang muling umangat ang tingin ng binata sa mga mata ng dalaga. She's smiling, that kind of smile that could brighten up someone's day.

"Excuse me?" Tanong ni Daniel dito pagkaraan ng ilang sandali.

"Hahahah! You were staring at me kasi, so I thought to asked if pasado po b aako?" Her voice is so friendly, pero di alam ng binata kung bakit nakaramdam siya ng inis para dito.

"Psst, Kuyang Pogi! Naaalala mo pa ba ako?" nadako ang tingin ni Daniel sa batang babae na nasa tabi ng babaeng may magandang ngiti. Weird, pero ngayon lang niya napansin ang batang babae!

"Oo naman! Cecilia, right?" nakangiti niyang balik tanong sa batang babae.

"Hehehe! Natatandaan mo ako ha! Kasama ko pala si Teacher Maris! Siya yung sinasabi ko sa'yo, Kuya!" Pagpapakilala ni  Cecilia sa babaeng kasama. Muling nabaling ang tingin dito ng binata. "So, ito ang Teacher Maris na kanina pa niyayabang ng batang 'to" sabi ng binata sa kanyang isip.

"I see!" tatango tango niyang sagot sa bata.  Muling lumapit sa kanya ang bata at tila may ibubulong. Yumukod ng bahagya si Daniel.

"Oh diba? Ang ganda ganda ng teacher namin? Sabi ko sa'yo bagay kayo eh!" bulong ni Cecilia sa kanya na sigurado siyang narinig naman ni Teacher Maris.

"Cesi, ikaw ha! Mina-match make mo na naman ako!" narinig ni Daniel na sabi ng babae.

"Pasensya na kayo diyan, Sir Daniel ha! May kakulitan lang talaga pero mabait yan!" maya maya ay dagdag  nito. He look at her, she's smiling again! Di ba ito marunong sumimangot?

"It's fine! Don't worry, wala naman ako balak seryosohin ang pagma-match making ni CeSi. Di ko lang alam sa'yo." sadyang inasar ni Daniel ang babae kung makikita ang pagbabago sa reaksyon nito. Nakita niyang saglit itong nag-isip, ngunit agad naman na bumalik ang mga ngiti sa labi.

"Naku, aarte pa ba ako? Ang gwapo mo kaya, di na ako magpapaka- choosy pa, noh!" masiglang sagot nito na di alam nang binata kung nagbibiro.

He was about to say something ng biglang lumapit si Chloe. He seriously almost forget about her, nakalimutan niyang kasama pala niya ang modelo.

"Dandan, I really can't take this anymore. Are you sure you will want to stay here? Gosh! This place stinks!" maarte nitong wika na umarte pa na talagang diring-diri. He saw Maris smells her armpit, then also smells Cesi's armpit. Gustong matawa ni Daniel sa dalawa.

"Mabango ako ha, Teacher!" Narinig pa niya na sabi ni Cesi. Pinigilan lang talaga ng binata na wag matawa dahil baka akalain ni Chloe, ito ay pinagtatawanan niya.

"Well, you can go back to Makati na, Chloe. I'll be fine here." suhestiyon niya dito bukod sa talaga namang gusto na din niyang tantanan siya ng babae.

"Okay! Hmm, sino naman 'tong mga 'to?" baling nito kila Teacher Maris at Cesi ng mapansin ang dalawa. Nakakalokong lumingon pa ang dalawa sa likod ng mga ito sa pag-aakalang may iba pang tinutukoy si Chloe.

"Don't act stupid! Kayong dalawa ang tinutukoy ko." mataray nitong baling kay Maris. Daniel curiously look at the girl. Gusto niya makita kung mawawala ba ang ngiti nito. Di kasi siya naniniwala na may tao pa talagang laging masaya. For him, life isn't always bed of roses.

"Fanney lang po ni Sir Daniel! Magpapa-picture lang sana. But anyways, tara na CeSi busy pa pala si Mr. Matsunaga. Kwentuhan na lang kita." nakangiti pa din nitong sagot kay Chloe.

"Anong ku-kwento mo sa akin, Teacher Maris?" narinig ni Daniel na tanong ng bata dito bago tumalikod.

"The Prince and the Witch." she giggles na tinapunan pa sila ng tingin. Parang gusto talagang matawa ng binata sa double meaning na sagot ng babae. He knew what she was trying to try imply.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nilibot ni Daniel ang tingin sa kabuuan ng kanyang silid sa loob ng kabahayan ng chairman ng barangay. Hindi kalakihan, pero may sariling banyo at aircon ito. Ayon sa kanyang pagkakaalam, ito na ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa buong barangay ng Vitas. Naisip ng binata, mas maigi na ito kaysa doon siya sa mga bahay na nakita niya kanina. He really couldn't afford to live there. Napagpasiyahan niyang magpahinga muna. He is really dead tired, dagdag pa ang paglilibot nila sa lugar sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Kaya naman wala pang ilang minuto ay agad siyang nakatulog.

Mahihinang katok sa pinto ang gumising sa binata. He checked the time on his mobile phone. Pasado ala-siyete na! May tatlong oras na din pala siyang nakatulog. Daniel stretched his arms, at binuksan ang pinto.

"Eh ser, pinapa-tsik lang po ni Kap kung gusto na daw po ninyo kumain!' bungad sa kanya ng kasambahay ng chairman.

"Sige po! Susunod na lang po ako." magalag niyang sagot sa babae na agad yumuko muna bago tuluyang tumalikod. Agad siyang pumasok sa loob ng maliit na banyo sa loob ng kanyang silid at naligo. He only wish they have hot water, hindi kasi siya sanay maligo na malamig lang ang tubig.

Pagkatapos maligo ay bumaba na si Daniel. Nadatnan niya na tila may maliit na pagdiriwang. May mga tent na tinayo sa labas ng bahay ng kapitan, na may nakapaligid na maliliit na lamesa at silya. Doon nakaupo ang mga tao na abala sa pagkain at pagku-kwentuhan.

"Good even, Ser Daniel! Pasensya na po at pinagising ko kayo. Baka po kasi nagugutom na kayo!" salubong sa kanya ng kapitan.

"You don't have to say sorry, Sir! Thank you for the concern. I'm really starving actually." sagot ni Daniel. Sinamahan siya ng kapitan hanggang sa makakuha na siya ng kanyang hapunan pagkatapos ay iginiya siya sa isang lamesa na walang ibang nakaupo. Pinagpapasalamat na lamang ng binata na doon siya dinala ng punong-barangay, dahil wala siyang balak makipag-usap sa mga tao sa lugar na yun. Lalo nakita niya na ang ilang kalalakihan ay nagsisimula ng mag-inuman.

Mga ilang minuto ang lumipas when he saw CeSi. Nasa likod ang mga kamay nito na lumapit sa kanya, tila isang abogada. He look at the kid with so much fascination. Totoo lang, nung una sa tingin niya ay mukhang tiyanak ang batang babae, pero ewan ba niya habang tumatagal, she's getting cute.

"Nasaan na yung gelpren mo na maputing witch?" tanong nito sa kanya as if he is some kind of a witness or suspect being interrogated by a lawyer.

"Sino si Chloe?" balik tanong niya sa batang babae. Nakita niyang naupo ito sa tapat niya.

"Chloe ba pangalan non? Nasaan na siya?" seryoso pa din tanong nito na lalong kinangiti ng binata.

"Well, umuwi na siya! Saka hindi ko siya girlfriend!" muli niyang sagot sa batang babae. Nakita niyang tila nagliwanag ang mukha ni Cesi.

"Talaga? Yehey!! Buti na lang!!" she said while clapping her hands.

"Bakit naman? Bakit buti na lang?"

"Kasi mas bagay kayo ni Teacher Maris!" inosenteng sagot ng bata sa lalaki.

"Wala bang boyfriend si Teacher Maris mo?"

"Wala eh! Pero may crush sa kanya si Kuya Fourth..." kwento ng batang babae. 

"Sino si Kuya Fourth? Hindi siya type ni Teacher Maris mo?" curious niyang tanong sa bata. 

"Si Kuya Fourth, volunteer din siya dito. Nagtuturo siya mag-dance saka mag-sing din sa amin. Mabait din siya saka pogi. Kaso sabi ni Teache Maris, friend lang daw sila! Pero wag ka magselos ha, mas pogi ka kay Kuya Fourth." natawa si Daniel. Kung di niya lang nakikita na bata ang kaharap, iisipin niya na kwarenta na ang kausap niya. Matatas magsalita si Cecilia.

"Is Kuya Fourth courting Teacher Maris?"

"K-kurting? Korting? Ano po yun? Di pa natuturo sa akin ni Teacher Maris yan eh!" tanong nito na inulit-ulit pa ang salitang sinabi.

"ahhh! ibig sabihin nun kung nanliligaw ba si Kuya Fourth kay Teacher Maris mo?" paliwanag niya sa batang babae.

"Yun pala yun! Di ko alam eh. Pero lagi silang nag-gigitara saka kumakanta magkasama. Pero sabi ni Teacher Maris, friends lang daw po sila. Buti na lang kasi mas bagay kayong dalawa."  nangingiti si Daniel sa tinuran ni CeSi. Talagang sigurado ang bata na bagay sila ng teacher nito.

May itatanong pa sana siya sa bata ng bigla nagmamadali itong lumabas na tila takot na takot. Nakita ni Daniel ang isang lalaki na marahil ay nasa late 30's, hula ng binata, ito ang ama ni CeSi. Kahit nagtataka ay walang nagawa si Daniel kundi sundan na lamang ng tingin ang batang babae. Marahil ay nagalit ang ama nito dahil gabi na ay nasa labas pa ang bata...

Continue Reading

You'll Also Like

127K 3.7K 41
Book6:Never Again (Completed) by NyllelaineNyeNight from old title: TO WIN HER BACK! The story of Grecylle and Arthur. Grecylle: He's my first in...
83K 1.3K 22
Pinili kong IWAN siya.. Pinili kong SAKTAN siya.. Pinili kong PROTEKTAHAN siya... Pero sa pagproprotekta ko sa kanya.. NAWALA siya sa akin.. ** 4 yea...
218K 3.8K 32
Angela montehano was truly, madly, deeply in love with Ivo Imperial. It was highschool romance. Eversince she knows how to love ay wala siyang ibang...