Wolf Academy

By IAmTheSeaGoddess

67.6K 1.3K 153

E X O FANFIC, Tagalog, Werewolf, Vampire, Mystery/Thriller Meet Ella Kingsley, ang palaban at hardheaded nati... More

Wolf Academy [EXO fanfic]
1
2 - Welcome to the Wolf Academy
3
4
5 - Prince Kris
6
7
8 - Nightmares
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
X
I'm bacccckkk~
21

20

1.2K 44 5
By IAmTheSeaGoddess

20 

"Theo..."

"We meet again, Nuhe."

Hindi ako makapaniwala, wala na si Theo. Wala na siya!

"Bakit... P-paanong nabuhay ka?" tanong ko, garalgal narin ang boses ko. Hindi maaaring buhay siya, matagal nang patay si Theo. Kahit anong immortal na patay na at idinala rito, kailanma'y hindi na ito mabubuhay.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinawanan niya lang ako, katulad ng tawa niya noong mga bata pa kami, napakainosente. Diretso ang tingin ko sa mga mata niya, wala akong mabasa... blanko ang isip niya. Inikutan niya lang ako na tila ba'y sinusuri. "Bakit buhay ka?" mariin kong tanong, hindi pinapakita ang takot at panlalambot sa puso ko.

Muli ay tinawanan niya lang ako, ang mga inosente't magaganda niyang tawa, parang isang musika sa pandinig. Kailan ko ba ito huling narinig? Sampung taon? Labinlima? Matagal na... Nagsusukatan lang kami ng tingin hanggang sa ang tawa niya'y napalitan ng isang kakila-kilabot na tawa.

"Nuhe, hindi mo ba nagustuhan ang pagbabalik ko?" sambit niya ng may diin, ramdam ko sa pananalita niya ang galit, poot at sakit. Naiintindihan ko...

"P-pero h-hindi ka na dapat buhay!" sagot ko. (hindi ko maimagine si sehunnie dito. huehue)

"Bakit Nuhe? Takot ka bang malaman nila na ikaw ang pumatay saak--" bago pa man niya tapusin ang susunod niyang sasabihin ay inunahan ko na siya. "Aksidente ang lahat." sagot ko.

"Hindi nuhe, hindi lang aksiden--"

At bago ko pa malaman ang nangyari ay hawak hawak ko na siya at sinasakal. Hindi maaari 'to, hindi... ginagawa ko nanaman yung dati.

--

ELLA's POV

"Grrrr!" inis kong binato ang mga librong nasa mesa sa library. Tss, walang kwenta! Pangalawang araw na ng paghahanap ko sa librong hindi ko alam kung saan hahanapin at hanggang ngayon kahit katiting wala akong makuha.

"Bakit di nalang niya kasi sabihin lahat? Tss." bulong ko sa sarili ko. Buong araw nakong naghahanap ng lecheng librong yun pero wala! "Ella, kumain ka muna." alok sa akin ni Christy pero hindi ko lang siya pinansin. Urgh, saan ko ba mahahanap 'yong librong yun?!

Iniwan ko si Christy sa inuupuan namin at naghanap ng posibleng libro. Tss, bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng ipahanap eh libro pa? Fairytale lang? Grr.

Naglalakad ako sa dulong part ng library nang makakita ako ng isang lovestory book. nasa mataas itong parte kaya pilit ko itong inaabot kaso nahulog ito at sabay ng pagkahulog nito ang pagkahulog ko -__-

Nakabuklat ang libro nang makita ko ito at kung pinaglalaruan ka ba naman ng tadhana, naghahalikan ang prinsipe at prinsesa. Pangbatang libro -__- naaalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Tss, /iling/ Ano bang nangyayari sa akin? Wala lang naman si Kris para sa'kin. Bakit ba ako nagkakaganito? -__- ang korny.

Ibabalik ko na sana ang libro nang lumiwanag ang kwintas ko. H-huh? 

Hindi ko na itinuloy ang pagbabalik sa libro at kusang dinala ito sa upuan namin kung saan samu't saring libro ang naroon. "Ella, aalis muna ako." pagpapaalam ni Christy at mabilis na umalis? Saan nanaman siya papunta? Hayst, mabuti narin iyon para walang iistorbo.

Binuklat ko ang libro sa unang pahina, masyado akong nahihiwagaan sa librong 'to. 

βοοκ οφ γεαδθυ τηε γοοδ ωολφ

Nakasulat sa unang pahina, ano kayang ibig sabihin nito?

ρεωελατιονσ

Nakasulat naman sa baba nito. Ano bang nakasulat rito? Mukhang hindi naman ito yung librong hinahanap ko eh.

Isinara ko nalang ang libro at akmang aalis. Nakatalikod na ako sa libro nang umiilaw nanaman ang kwintas ko, pagkalingon ko ay unti unting lumilipat ang pahina ng libro nang kusa!

Nang makita ko ang mga ito ay puro mga larawan at pangyayari ang rumehistro sa utak ko.

"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" matapang na sambit ng babaeng Alpha sa bampirang nasa harapan niya.

Mabilis na umikot ang mga pahina at ibang pangyayari nanaman ang ipinapakita.

"Kailangan nating mag-ingat! Magkakaroon ng gulo kapag nakarating ito sa kaalaman nina Ama." natatarantang sambit ng babaeng Alpha sa kasintahang bampira. 

"Anong gagawin natin pag napag-alaman nila ito?" tanong naman ng bampirang kasintahan na halatang kinakabahan rin sa mga pangyayari.

Umikot muli ang mga pahina at napalitan nanaman ang scenario.

T-teka... alaala ba ito ng mga magulang ko?

"Cindy... kaya pa natin ito." umiiyak na pagmamakaawa ng bampira sa kanyang kasintahang Alpha. "Tapusin na natin ito, alam na ng lahat ang relasyon natin!" sigaw ng babaeng Alpha sa kasintahan habang umiiyak. Niyakap naman ito ng bampira at hinalikan sa noo. "Kaya natin ito." bulong ng bampira sa Alpha.

Isang luha ang kumawala sa kaliwang mata ko, ganito ba talaga ang nangyari noon?

Katulad ng kanina ay umikot muli ang mga pahina...

"Buntis ako." masayang balita ng Alpha sa kasintahang bampira habang umiiyak. "T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ng bampira, tumango lang ang kasintahan bilang sagot. "Yes! Magiging tatay na ako." at saglit na naging pula ang mata nito ngunit bumalik rin sa dati, walang pagsidlan ang kanyang tuwa ngayon. Niyakap niya ang kasintahan at ibinuhat ito sa ere.

Napangiti ako sa nakikita ko, tunay nga ang pagmamahalan nila.

Umikot uli ang pahina...

"Ahh!" sigaw ng Alpha na halatang nahihirapan sa pagluluwal ng kanyang anak. "Kumapit ka lang Cindy, malapit nang lumabas ang bata." sabi ng kasintahang bampira habang hawak hawak ang mga kamay nito.

"Cindy, umere ka pa. Malapit na lumabas ang pamangkin ko." sigaw pa ng kapatid ng Alpha, si Nurse Woodwell.

T-teka, ito ba ang mga panahong iniluluwal ako ng nanay ko? T-tsaka si Nurse Woodwell?

Umikot muli ang mga pahina.

"Bilisan niyo! Umalis na kayo habang may panahon pa, papatayin nila kayo." naiiyak na sambit ng kapatid ng babae. "S-salamat kapatid." pasasalamat ng babae sa kapatid. Bago umalis ay nagyakapan muna silang magkapatid, "Mag-ingat ka, kapatid." sabi ng kapatid sa babae. "Ikaw rin, Cristelle." sabi ng babae sa kapatid. 

"Sandali." pagpapahinto ng kapatid sa babae. Nilapitan niya ang sanggol na hawak ng babae at hinalikan ito. "Ingatan niyo ang mga pamangkin ko ha." umiiyak na sabi ng kapatid sa babae. Tumango lang ang magkasintahan at umalis na sa lugar.

Umagos ang mga luha galing sa mata ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Si Woodwell ang tumulong sa mga magulang ko?

Umikot muli ang mga pahina at nagbago nanaman ang scenario.

"A-anong gagawin natin?" kinakabahang tanong ng babae sa kasintahan. "Magpapakalayo-layo tayo, papalakihin nating normal ang mga anak natin. Malayo sa mundong kinalakihan natin." seryosong sagot ng kasintahang bampira. "P-pero nagkakaroon na ng digmaan sa pagitan ng ating lahi... hindi ko mapapaya--" hindi na natapos ang babae sa kanyang pagsasalita dahil niyakap siya ng kasintahan. "W-wala na tayong magagawa, nagsimula na ang lahat." at umiyak ang magkasintahan.

Napaiyak ako sa nasaksihan... ito ba ang nangyari noon? Bakit malayong-malayo sa nangyayari ngayon-- Pero t-teka...

"Magpapakalayo-layo tayo, papalakihin nating normal ang mga anak natin. Malayo sa mundong kinalakihan natin."

Mga anak?

Hindi lang ako ang anak?!


--

Kung ayaw niyong maguluhan, hala kayo na ay magsilisan! Mas gugulo pa 'to. :3 Vote and Comment please? /nagpacute/

-Sea

Continue Reading

You'll Also Like

328K 9.4K 43
Si Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang k...
470K 14.7K 65
「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upang manlait lang ng kapwa. Maraming tao a...
854K 18.1K 55
[Werewolf Series #1] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's i...