14

2.1K 42 8
                                    

Third Person's POV

"Nagising na ang lobo mo Ella. Nagising na siya."

"Nagising na ang lobo mo Ella. Nagising na siya."

"Nagising na ang lobo mo Ella. Nagising na siya."

Yan ang paulit ulit na naririnig ni Ella sa isip niya. Paulit-ulit na... nakakasawa na. Di parin siya mapakali, sobra siyang naninibago sa naramdaman. Dapat niya ba itong ikatuwa o ikagalit? Hindi niya ginustong maging ganito at mas lalong hindi niya kailanman naisip na maging ganito. Pero ano nga ba ang dapat niyang maramdaman?

*Flashback*

"Nagising na ang lobo mo Ella. Nagising na siya." nakangiting sabi sakanya ni Nurse Woodwell o sabihin na nating tiyahin niya. Walang pagsidlan sa tuwa si nurse Woodwell dahil sa nangyari habang si Ella naman ay gulat parin sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang irereact niya sa mga panahong 'yon. Masyadong mabilis... masyadong komplikado. Posible bang magkatotoo ang mga ganoong bagay? Ang pagiging lobo? Pero nandito na siya, naranasan niya na kahit kaunting saglit lamang iyon at isa pa nangyari na... maniniwala ba siya o hindi?

Habang nasa malalim na pag-iisip si Ella ay nakangiti naman si Nurse Woodwell pati narin si Christy, Masaya sila para kay Ella, dahil sawakas nagising na ang lobo nito. Nakatingin lang sila kay Ella nang maalala nanaman nila ang propesiya.

'Ang Propesiya' yan ang nasa isip nilang dalawa.

Takot at pangamba, yan ang nananaig sakanila ngayon. Mabilis lang lumipas ang kanilang kasiyahan at ngayo'y napalitan ng takot dahil haharap nanaman sila sa isang pagsubok... isang pagsubok na maaaring ikabura ng kanilang lahi.

Tahimik ang paligid. Tanging paggalaw lamang ng mga kurtina ang kanilang naririnig. Walang nagsalita sakanila ni isa, purong katahimikan lamang ang bumabalot sa buong paligid.

'Ang Propesiya' yan lang ang tanging nasa isip ni Crisella (Nurse Woodwell), kahit na gaano kalaki ang galit niya sa kapatid niya... nananaig parin ang pagmamahal niya rito, kasama na sa pagmamahal na iyon si Ella. Napatingin siya kay Ella na kanina pa tahimik at nakatingin sa kawalan. Nais niyang basagin ang katahimikang bumabalot sa buong silid ngunit hindi niya kaya... kinulang siya ng mga salita.

"U-uh... A-alis n-nako." pagbasag ni Ella sa katahimikang kanina pa niya gustong basagin. Kahit gulong-gulo ay di na siya nag-atubiling magtanong pa at napagdesisyunang umalis nalang ng silid. Gusto niya munang mapag-isa... kahit ngayon lang.

'Ano ba talaga ako?' tanong niya sa sarili niya bago tuluyang makaalis ng silid.

Nais pa sana siyang pigilan ni Christy ngunit pinigilan ito ng nurse, "Hayaan muna nating i-digest niya lahat ng mga pangyayari." kalmadong sabi ng nurse kay Christy, pero sa loob niya... kinakabahan na siya ng sobra.

"P-pero... A-ang Propesiya...--" pagproprotesta ni Christy. "Nagsisimula na, wala na tayong magagawa." nakayukong tugon ni Crisella at nilisan ang silid.

.

.

.

.

.

.

Ella's POV

Nandito ako ngayon sa hindi ko alam. Kahit san san na ako dinala ng mga paa ko pero itong lugar lang na 'to ang nagustuhan ko. Don't get me wrong, nandito parin ako sa loob ng academy, ayokong sundan pa'ko ng Kris na yun! (-__-) tss. Ang ganda ng lugar nato, kitang kita ang buong kagubatan. Hindi ko alam na sa tagong lugar nato ay may matutuklasan kang kagandahan.

Wolf AcademyWhere stories live. Discover now