3

3.4K 81 3
                                    

3 || Anong nangyari?

"Ah!" daing ko. Sobrang sakit ng katawan ko, parang naparalyze ako sa napakahabang panahon. Anong bang nangyari sa akin?

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Ano ba talagang nangyari sa akin? at anong nangyayari sa akin?

"Ms. Kingsley, pagpahingahin mo muna ang sarili mo. Binigyan lang kita ng antidote para mabilis kang makarecover." sino yun? at antidote para mabilis makarecover? makarecover saan? Tsk. Unang araw ko palang rito, marami ng weird na nangyari sa akin.

"Sino ka?" kalma kong tanong sa babaeng nagsalita kanina lang. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero pinipilit kong kumalma. Kung masamang tao man ang kaharap ko ngayon, dapat lang na ipunin ko ang lakas ko para makalaban.

"H'wag kang mag-alala Miss, ako si Nurse Woodwell. Nandito ka ngayon sa clinic ng school." kalma rin niyang sagot. Gusto kong maniwala sa sinabi niya. Pero ako si Ella Kingsley, paranoid na kung paranoid, exagg na kung exagg pero hindi ako madaling magtiwala sa tao. Lalo na sa kalagayan ko ngayon na paralyze ang buo kong katawan at hindi ko maimulat ang aking mga mata.

"Paano ako makakasigurong totoo ang sinabi mo?" kalma ko paring tanong sakanya. Mabilis parin ang pagtibok ng puso ko at hindi ko man mapigilan yun. Sht! Kelan pa ako nagkakaganito?

"Hmn... sabihin na nating, kilala ko ang mother dear mo." hindi ko man nakikita... alam kong nakangiti siya habang sinasabi 'yon. Kilala niya ang mommy ko? How come hindi ko siya kilala?

"Prove it." paghahamon ko sakanya.

"I'm your mom's bestfriend." at tuluyan siyang lumabas ng kwarto.


Pagkatapos ng isa't kalahating oras, bumalik lahat ng lakas sa katawan ko at naimulat ko narin ang mga mata ko.

Puno ng katanungan ang utak ko simula ng tumapak ako sa eskwelahang ito. Ano bang nangyari sa akin? Ano bang nangyayari sa eskwelahang ito?

Unang hinanap ng mga mata ko si Christy. Asan siya?

Napatingin ako sa bintanang katabi ng hinihigaan kong kama, gabi na. Nilibot ko ang paningin ko sa buong clinic at ako lang ang tao sa loob. Hindi ako matatakuting tao pero pag tinignan at pinapakiramdaman ko ang paligid, nanayo ang balahibo ko.

Tumayo na ako at sinubukang maglakad. Medyo natutumba tumba pa ako dahil sa matagal na pagkaparalyze ng katawan ko.

Pagkabukas ko ng pinto, biglang lumitaw si Nurse Woodwell. Mas lalo akong kinilabutan nang makita ko siya sa labas ng pinto. Kulay dark yellow ang kanyang mga mata at mayroon siyang mga pangil... na may dugo.

"N-nurse W-woodwell." nauutal kong sabi. Agad namang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata at nawala narin ang mga pangil. Nginitian niya ako at nakipagtitigan sa akin mata sa mata.

At biglang naglaho ang lahat.



"Ella, Gising! Gising na!"

"Aw!" Ang sakit ng ulo ko! Ugh.

"Ella, okay ka na ba?" alalang alalang tanong sa akin ni Christy. Teka, asan kami? hindi ko naman kwarto to ah? At bakit magkasama kami ni Christy sa iisang kwarto!? Anong nangyayari?

"Nasaan tayo Christy?" Nilibot ko ang paningin sa buong silid, makaluma siya at ang kulay ng buong silid ay napakatamlay.

"Ella, nandito tayo sa kwarto natin?" nagtatakang paliwanag ni Christy habang nag-aayos ng gamit sa bag. Ano? Bakit wala akong maalala?

Wolf AcademyWhere stories live. Discover now