9

2.4K 54 5
                                    

Ella's POV

"...your mom is a wolf."

"...your mom is a wolf."

"...your mom is a wolf."

"...your mom is a wolf."

WHATTHEHECK! Hanggang kelan ba ako titigilan ng mga boses na 'yan!? -___- URGH. Hindi parin talaga ako makapaniwala... at talagang hindi kapani-paniwala.

*Flashback

"Gotcha!" napapikit ako ng di oras pagkasabing pagkasabi niya noon. Sht lang, kahit sino naman na malagay sa sitwasyon ko ay ganoon rin ang gagawin, katapusan ko na man rin lang aba eh maging mahina na ako.

"Hahahaha!" WHATDA!?

"Don't worry dear... you're stronger than me." sabi niya na hindi parin inaalis ang mapang-asar niyang ngiti. Ano raw? Mas malakas ako sa kanya? Tanga ba siya oh ano? Anong laban ng isang tao sa isang kakaibang nilalang?

"Hindi ko na 'to papatagalin pa..." hanggang ngayon ay corner niya parin ako. Hinawakan niya ang buhok at pinaglaru-laruan. "Ang tagal mo ring nawala... mahal na prinsesa." A-ano?

Umalis siya sa pagkakacorner sa akin at umikot sa buong silid. "Tignan mo nga naman ang pagkakataon... ako pa ang unang nakatuklas non." sabi niya nang hindi inaalis ang nakakakilabot at mapang-asar niyang ngiti. Kitang kita ko rin ang pangil niya sa tuwing nagsasalita siya. Pero... hindi ko parin maintindihan... Ano bang pinagsasabi niya?

Unti unti'y lumapit siya sa akin kaya napaatras naman ako. Takot, yan ang nararamdaman ko ngayon. "Oh... you look so confused dear." Hinawakan niya ang mukha at biglang pinagsasampal ng mahina. "Ang lampa mo naman, hindi mo man lang ako ginantihan? Pathetic... katulad lang ng nanay mo." sabi niya at umarteng parang diring-diri sakin. Oo, mas malakas siya pero pag ako napuno... Kahit sino ka pa, kahit ano ka pa pag ang mommy ko ang napunta sa usapan baka magsisi siya. Unti nalang...

"Look, galit na galit na ang munti nating prinsesa. Tss, lampa! Alam mo kung bakit namatay ang mommy mo? Dahil sa kalampaan mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang mommy mo." sabi niya na puno ng pang-iinsulto, galit at kasuklaman.

"... Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang mommy mo."

"... Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang mommy mo."

"... Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang mommy mo."

Sumosobra na siya...

*boogsh*

Napatumba siya dahil sa ginawa kong suntok at sipa sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas at kung gaano ba ako kalakas at napatumba ko ang hindi pangkaordinaryong nilalang... basta ang alam ko, galit ako. SOBRA.

Inayos niya ang sarili niya sa pagkakaupo at tumawa. "Kailangan pa palang galitin ka, para labanan mo ko? Hay nako Kinsgley...Hahahaha." para lang siyang timang na tumatawa habang ako nababalutan na ng itim na aura.

"WAG NA WAG MONG IDADAMAY SA USAPAN NATIN ANG MOMMY KO! AT WAG NA WAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NIYA! DI MO SIYA KILALA." nakasigaw kong sabi sakanya. Nakakuyom parin ang kamao ko at hindi na naalis ang galit sa mga mata ko. Nabalutan ng maitim na aura ang buong silid dahil sa akin. Napahinto naman siya sa kanyang pagtawa at tinignan ako mata sa mata.

"Bakit Kingsley? Bawal ko na ba banggitin ang pangalan ng kapatid ko?" Napahinto at napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Ano raw?

"Anong ibig mong sabihin?" bakas sa mukha ko ang pagkabigla pero nandoon parin ang galit sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan... ang gulo. Kahit kailan, wala akong kilalang pamilya sa side nina mommy, ang sabi lang niya... wala na siyang pamilya o ni isang kamag-anak.

"Hahahaha! Ganoon na ba talaga ang galit ng kapatid ko sa akin at hindi niya man lang ako nabanggit sa'yo?" sabi niya at natatawa pa siya ha? Pero totoo kaya ang sinasabi niya?

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Sino ka ba talaga?" seryoso kong sabi sakanya. Natatawa parin siya na parang timang at tumayo.

"Ako ba? Ako si Crisella Woodwell, sister of the ex-alpha Cinderella Woodwell." seryoso niyang sabi. Kita ko sa mga mata niya ang galit at poot habang binabanggit ang pangalan ng mommy ko. Gulat , yan ang nakarehistro sa mukha ko. Paanong kapatid niya si mommy? At ano? Alpha?

"A-ano?"

"You still don't get it?" natatawa niyang sabi at nilapitan ako. "your mom is a wolf." sabi niya na nagpabingi sa akin.

Ano bang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya? Hinding hindi mangyayari yun!

"H-hahaha! Ano bang pinagsasabi mo? Tss, asan na ang mga camera? Magsilabasan na kayo. Yohoo~ Alam ko na, nasa WOW MALI na ako." sabi ko habang nag aaction na hinahanap ang mga camera.

"This is not a joke, Kingsley." sabi niya ng seryoso at biglang napatumba habang hawak hawak ang ulo. Paalis siya ng clinic, pero bago tuluyang makalabas, binantaan niya muna ako. "We're not yet finished, Kingsley." sabi niya na may nakakalokong mga ngiti.

Anong nangyari?

*End Of Flashback

Hindi ko parin maintindihan... Ano ba talaga?

Wala ako sa sariling naglakad nang may mabangga ako.

"WHATTHE!?" sabi niya. Pasensya na pero wala talaga ako sa sarili ko.

"Sorry." nakatungo kong sabi at dumiretso nalang sa paglalakad. Pero makulit ang teleleng ng lalaking nabangga ko at hinawakan ako sa braso.

"Ano ba!?" nakasigaw kong sabi sa whoaa! Gwapo siya. Tss, ngayon pako nakapag isip ng kalokohan? Ugh.

"Kwintas mo." inabot niya sakin ang kwintas ko at kinuha ko naman. "Chanyeol nga pala." sabi niya ng nakangiti at inabot ang kamay niya.

Imbis na tanggapin yun, tinalikuran ko nalang siya.

Kahit na magulo ang isip ko, ako parin naman si Ella Kingsley at nasa tamang katinuan pa ako.

"Uh Miss..." Tss! Hinabol nanaman ako ng lalaki. Bakit ba ang kulit ng kukute nito?

"Ano nanaman ba!?" nakasigaw kong sabi sakanya. "Ah...eh... Ano pangalan mo?" nakangiti niyang tanong. Nagawa niya pang mangiti ha?

"None of your bussiness." sabi ko sakanya at tinalikuran siya uli. Pero talagang anak siya ng tipaklong at sinundan uli ako.

"Wait lang Miss! Diba ikaw yung babaeng nakabangga ng Prince?" Tss! Ano bang pinagdadada nito? Prince? Sa pagkakaalala ko, walang royalties sa eskwelahang 'to at kahit meron, duh. I don't care!

"Back off, she's mine." napahinto naman ako ng marinig 'yon. Ang mga boses na 'yon. -___-

"Whatdahck?!"

=-=-=-=-=-=-=-=

-Sea

Wolf AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora