21

1K 34 16
                                    

Third  Person POV


Lutang ang isip ni Ella na naglakad sa pasilyo ng paaralan. Maraming nangyari sa umaga niya, at hindi niya inaasahan na ganito. At hindi niya kayang matake lahat ng iyon. Naglakad lang siya ng naglakad papunta sa kung saan mang hindi niya alam.


Sa kabilang banda naman, ang Alpha ay tulala at malalim ang iniisip. Ni hindi nito napansin ang presensya ng mga nakapaligid sa kanya. Puno ng pangamba at takot ang kayang loob. Nagsimula na ang propesiya, at wala na siyang alam na ibang paraan upang pigilan ito. Makapangyarihan siya, pero hindi sapat yun at kailanma'y hindi magiging sapat upang mapigil ang nakatakda ng nangyari. Maaari pa... maaari pang pigilan ito ngunit kailangang may mamatay. Kailangang mamatay ang anak ng taksil. Pero sino sa dalawa?


Sa ibang parte ng paaralan, nag-uusap si Nurse Woodwell at si Christy. Pawang mga lutang ang mga ito, hindi na nila alam ang tamang gagawin. Nalaman ni Woodwell na natagpuan na ni Ella ang pinapahanap niyang libro. Alam niyang iyon ay imposible pero naging posible. Naging posible dahil si Ella ang nasa propesiya. Seryoso siya sa kanyang sinabi kay Ella, na papatayin niya ito kapag hindi natagpuan ang libro. Kahit ayaw niya, kailangan niya... Nais niyang patayin ito dahil ito lang ang alam niyang paraan upang isalba ang kanilang lahi ang lahat ng lahi ng mga immortal, ngunit iba ang nangyari... nahanap nito ang libro. Masama ito ngunit may kakaibang siyang natuklasan... hindi si Ella ang kailangang mamatay kung hindi ang kapatid nito... kapatid na matagal na palang namamalagi sa Wolf Academy.


Maya-maya'y bahagyang tumahimik ang paligid. Napuno ng itim na ulap ang kalangitan, nagsisiliparan ang mga ibon sa kabilang direksyon. Tila may paparating na isang delubyo. Kahit na ang lutang na si Ella'y napahinto. Tanging tunog lamang ng mga ibong nagmamadaling lumipad palayo sa lugar ang maririnig. Lahat ay napatigil, napatahimik. 


Unti-unti'y biglang bumalik ang maiingay na tunog sa paaralan, mabilis na bumalik ang lahat sa dati ngunit isang pagsabog--o lindol ang nagpagising sa kanilang lahat. Hindi lubos maintindihan ng lahat ang nangyayari.


Rinig at ramdam din sa Westoure ang nangyaring pag-yanig kaya mabilis na umalis roon si Sehun, "Hindi pa tapos ang paghaharap natin, Sehun. Hindi pa," huling sambit ni Theo.


Si Kris na nasasaktan at durog ang puso'y naging alerto rin sa paligid. Hindi ito pang ordinaryong pagyanig. Ito'y may lakas, may pwersa. 


Nagkasalubong ang magkapatid. Nag-eespadahan sila ng tingin nang yumanig na naman ang lupa.


Sinundan pa ito ng isang kidlat. Napakalakas na kidlat sa gitna ng academy. Sinira nito ang barrier.


Napuno ng pangamba ang lahat ngunit kalmado parin. Ang iba nama'y biglang nabahala. Nasira ang barrier


Then it hit them, kagaya ito ng nakasulat sa libro. 


'Ang propesiya'


At maya-maya'y lang nagsimula na ang kinakatakutan ng lahat, ang digmaan. Ang digmaang nais nilang matapos ng maayos, ngunit alam ni Kris at Sehun, hindi na ito maaari, dahil sa nakasulat sa libro, mamamatay ang lahat. Mabubura ang kanilang lahi, hindi lang ng lahi nila kung hindi pati na rin ang lahi ng mga bampira.


"Awoo!" 


Agad na umaksyon ang dalawang magkapatid. Alam nilang kailangan itong pigilan. Imposible pero susubukan. 


Mabilis na tumakbo ang dalawa, rinig nila ang mga hinaing at sakit. Nagsisimula na. Saglit nagtama ang kanilang paningin ngunit umiwas rin, isa lang ang nais nila ngayon... ang isalba ang lahi.


Malapit na sila nang maharang sila ng Alpha kasama si Woodwell, Christy at myembro ng two moons. Mabilis nilang iniwasan ngunit mabilis ang Alpha.


May tanong pa rin sila sa isip, kung bakit wala ang kanilang mga grupo upang maprotektahan at makipaglaban sa kabilang grupo ngunit winaglit nila ito at ang isip ay itinuon sa pagsalba sa kanilang mga kasama.


"Wala na tayong magagawa," kalmadong sambit ng Alpha.


"Anong wala?! Tumabi ka dyan tanda, kailangan kami doon, kailang--" naputol ang sinabi ni Sehun nang magsalita ang Alpha


"Wala na! Kayo... kayo na lang ang pag-asa upang maisalba kahit pa-"


"Kailangan rin natin silang isalba!" galit na sambit ni Kris. Hindi na niya kayang maghintay, nauubusan na siya ng pasensya, lalong lalo na't naririnig niya ng malapitan ang mga hinaing ng mga kasama, kalahi.


Pinilit atakihin ng dalawa ang kanilang ama, ang Alpha, ngunit mas malakas ito. Walang wala sa kakayahan nila.


"Kris..."


"Sehun..."


sambit ng two moons sa kanilang lider.


"Makinig kayo sa Alpha... wa--" pinutol ni Sehun ang sasabihin ni Baek. 


"Ano bang nangyayari sa inyo, ano bang ginagawa niyo at hindi pa kayo nakikipag--"


"Wala na, Sehun. Wala na" mahina at naiiyak na sambit ni Suho.


Pareho nilang hindi maintindihan, bakit ganito? Asan na ang aksyon? Bakit ang bakla ng nangyayari? dahil wala na. Wala na talaga. Nagsimula na at magtatapos ito.


"Wala na. Ang mangyayari ay mangyayari. Mauubos ang ating lahi  ngunit alam nating blanko ang mga kasunod na pahina ng propesiya. Blanko, walang nakakaalam. Maaaring hindi pala lahat, mawawala. May paraan. At ang paraang yon ang susubukan natin," seryosong sambit ni Luhan kaya napatahimik ang dalawa. Kahit papano'y naging kalmado at sinubukang makinig.



"Kailangan mong mamatay, Kris."


-

lame, yea. And I'm sorry kung nakakadisappoint. It has been a month, sabi ko pa the next week but something came up. Hindi ko natype ang ibang kasunod at hirap ako makasagap ng internet. Taghirap ang buong month para sakin. I'll make it longer next time and I'll make sure na 2 chapters na siya. 


Nakakagulo ba ng utak? I know, bakit kailangan mamatay ni Kris, hindi naman siya ang kambal ni Ella tsaka may kambal na siya? Anyare? Hmn. siguro masasagot yun sa next chapters. Binibilisan ko ang pangyayari dahil may mangyayari pang idk kung nakakagulat hahaha basta stay tuned huehue kung sino man ang masipag. mwa x

-Sea

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon