4

3.2K 73 9
                                    

4 || You're a Pr-- WHAT!?


"Sino ka?" hindi ko na maintindihan ang sarili ko, bakit ko ba pinag- aaksayahan ng oras at laway ang ibang tao? Hindi naman ako ganito. Aish!

"Oh... Si Nurse Woodwell talaga." sabi niya habang parang baliw na bumubulong sa hangin. Tsk. Sayang lang oras ko dito.

"GoodMorning Werewolves!" pagbati ng lalaking pumasok sa aming silid na sa tingin ko'y nasa edad 40 pataas. Pero huh? Ano ang sabi niya? Werewolves? Baliw ba 'tong teacher na 'to?

Wala naman akong pakealam sakanya kaya sinaksak ko nalang ang earplugs ko para mapakalma ang sarili ko at bumalik sa dating ako.

"AWOOO!" sht! Ang sakit sa tenga! Loka loka na ba 'tong mga kaklase ko at ganito sila? UGH SAKIT NILA SA ULO.

"You may take your seat." nagsiupuan naman silang lahat. Seriously?! Sumusunod sila sa teacher. Dafudge! Kung utusan kaya silang magpakamatay, magpapakamatay kaya 'tong mga 'to?

"Class, I want you to meet the 2 new students." daldal pa ng teacher sa harap. At... dark yellow ang mga mata niya, hindi na guni guni iyon dahil nung mapatitig siya sa akin hindi nagbago ang kulay nito. Anong klaseng!? Hindi Ella, guni guni mo lang yan. Walang nag-eexist na ganyan. Kalma ka lang! Err. Nababaliw nako. Kausapin ko ba naman sarili ko? Urgh.

"Ella, tawag ka sa harap. Magpakilala ka." bulong sa akin ni Christy na katabi ko lang. Hindi ko alam pero para akong robot na napasunod kay Christy. Bakit ako nagkakaganito?

"Ella Kingsley, QueenBi." emotionless kong pagpapakilala pero may poise parin. Kahit na kalmado at emotionless ako tignan sa labas, sobrang bilis naman ang pagtibok ng puso ko. Ang dami kong tanong na naghahanap ng sagot... pero ni isa walang nasagot. Everything's getting weirder and weirder every second, every minute and every hour of my stay in this academy.

"Can you show us your wolf?" tanong ng aming guro na nagpagimbal sa buong sistema ko. A-ano raw? W-wolf?

"W-what are you talkin' about?" nauutal ko pang tanong sakanya. Nagsimula ng magbulungan ang mga nakapaligid sa amin. Litong lito ako sa lahat... lalo na sa nangyari kahapon. Ano bang klaseng nilalang ang nasa paligid ko? Ano bang klaseng eskwelahan ang napasukan ko?

"You really don't know huh." tinignan niya ako mata sa mata na para bang may gusto siyang malamang impormasyon at para makuha ito ay binabasa niya sa isipan ko gamit ang mga mata ko. Dapat sa ngayo'y pumalag na ako sa ginagawa niya pero... hindi ako makapalag. Parang may force na pumipigil sa akin tapusin ang eye contact. Maya maya'y biglang nawala ang pagka-darkyellow ng kanyang mga mata at napahawak siya rito.

"Ugh! You may take your seat." bigla niyang sabi sa akin habang hawak hawak niya parin ang mata niya.

Umupo na ako sa inuupuan ko. "Okay ka lang Ella? Hindi kaba nakakaramdam ng kahit anong hilo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Christy. Makakabalik ba ako ng hindi nakaratay sa upuan ko kung nahihilo ako? Tch.

"Hindi, okay lang ako." kalmado kong sabi sakanya. Ngayon, hindi ko magawang magsungit o mainis sa kahit na kanino. Wala akong ka-alam alam dito. Wala akong alam sa mga nangyayari at wala akong alam kung ano ang napasukan ko. Bakit ang weird ng buong paligid? At ang mas gumugulo sa akin.

Ano ba sila?



Buong klase, wala na kaming ginawa. Hindi na pumasok sa amin yung teacher ng first subject namin pagkatapos kong magpakilala at titigan niya ako mata sa mata, ni hindi ko man lang siya kilala. Well, ano bang pake ko sa teachers?

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon