18

1.6K 42 7
                                    

Third Person Point Of View

Panibagong araw nanaman sa buong academy, at unti-unti ng nababawasan ang oras ni Kris upang mahanap ang prinsesa. Kailangan niyang mahanap ang prinsesa sa lalong madaling panahon, alang alang sa minamahal niya, si Sara. Mahirap na't makapangyarihan ang kanyang ama at hindi malabong ituloy nito ang pagpatay sa kauri.

Ngunit mukhang hindi na ito naalala ni Kris, Kakagising palang niya ay bumangon na siya agad. Hindi na siya ang Kris na nakasanayang mabasa sa librong ito, Siya ngayon ang dating Kris, ang dating tanga sa pag-ibig. Pag-ibig nga naman oh? Tss, kaya nitong baguhin ang kahit anong nilalang, kahit na sa pinaka di natin inaasahang pagkakataon.

Alas-singko palang ng umaga pero dinaig pa niya ang late sa pagmamadaling maligo at mag-ayos, pag inlove nga naman *iling* Dahil sa ingay na ginagawa ni Kris ay unti-unting naalimpungatan ang roommate niyang si Luhan. Habang nakikitang nagmamadali si Kris ay napapailing nalang siya.

'Tanga ka parin talaga Kris, tss.' sabi niya sa sarili habang napapailing sa nakikita. Nakakainsulto ang mga sinasabi ni Luhan pero hindi rin natin siya masisisi, naging tanga na si Kris noon, magpapakatanga parin ba siya hanggang ngayon?

Si Kris naman ay hindi manlang napansin ang presensya ni Luhan, sa sobrang pagkasabik na makitang muli ang mga ngiti ng babaeng minahal niya at ngayo'y minamahal niyang muli, tss.

Mabilis na natapos sa pag-aayos si Kris, ngunit paulit-ulit parin siyang tumitingin sa salamin. 'Okay na kaya 'to?' tanong niya sa sarili. Kanina siya natapos ngunit paulit-ulit lang niyang tinitingnan ang sarili sa salamin. Ayaw na niyang palampasin pa ang pagkakataong ito, pagkakataon niya na kasi itong nakawin ang minamahal kay Sehun, lalo na't inaayawan nalang ito ni Sehun. Tanga man siya sa mata ng iba, wala na siyang pakealam, mahal niya eh?

Pagkatapos ng ilang pagbabago ay natapos rin si Kris at lumabas na ng silid.

Luhan's POV

Kanina ko pa gustong sigawan at ipamukha kay Kris kung gaano siya ka-tanga at nagpapakatanga hanggang ngayon kaso mukhang wala ng magagawa iyon. Nang matiyak kong nakaalis na siya ay saka palang ako nagsimulang maligo at mag-ayos ng sarili. Mukhang pati presensya ko ay nakakalimutan narin niya.

Kris, hanggang kailan ka ba magiging tanga?

Mabilis lang ako nag-ayos at dumiretso agad sa tambayan namin, hinanap ng mga mata ko si Kris pero wala akong nahanap na Kris at kahit si Xiumin ay wala rin. Tss, ano pa bang inaasahan ko? Malamang sa malamang, naroon yun kay Sara, hayst.

"Oh Luhan, saan nagpunta yun si Kris? Kaninang umaga, pagkalabas ko ng dorm nakita ko siyang lumabas at ayos na ayos ah." sabi ni Tao habang prenteng prenteng nakaupo at mukhang gumaling na ang mga sugat. At yung iba naman ay may kung anu-ano ang ginagawa.

"Sara." maikling sagot ko na dahilan para mapatigil silang lahat.

"ANO!" sabay sabay nilang sigaw sa akin, nagkibit-balikat nalang ako sa kanila at sumandal sa may puno. Nasa may garden kasi ang tambayan namin, kung saan maraming puno at payapa kami.

"Bakit hindi mo man lang pinigilan?" tanong ni Xiumin na kakarating lang, mukhang naabutan niya ang diskusyon kanina.

"Hayaan niyo siya." sabi ko sakanila habang sila naman ay di makapaniwala sa naging sagot ko sa kanila. Tss, palibhasa hindi sila nag-iisip eh.

"Ano bang pumasok sa utak mo, hyung? Gusto mo bang matulad nanaman si Kris sa dati?" tanong sa akin ni Chen habang niyuyugyog ako.

"Hindi." sagot ko.

"Oh eh yun naman pala! Eh, bakit mo pa siya hinahayaan?" sabi ni Chen habang niyuyugyog uli ako. Mabilis kong tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko at saka siya sinagot, "Hayaan niyo siyang matuto sa sarili niyang katangahan at nang marealize niya kung gaano kalaking hirap ang dinanas ng lahat nang dahil sa babaeng 'yon." Mahabang litanya ko sakanila. So far, ito ang pinakamahaba kong sinabi sa kanila. Sanay naman na silang maikli lang ang isinasagot ko at hinding hindi ako magsasalita kapag hindi ikaw ang nauna.

Wolf AcademyDär berättelser lever. Upptäck nu