5 - Prince Kris

3.2K 82 7
                                    

5 || Prince Kris


"You're a Pr- WHAT!?" inalis niya ang tingin at pagcorner sa akin at tumungo sa rooftop. Ako naman sumunod nalang din. Aba sayang effort ko pagpunta rito noh! Kaya lubusin ko na.

Pagdating ko sa rooftop, napa-wow nalang ako sa ganda nito. I never appreciated kahit isang place sa buhay ko pero ito... wow lang! Para akong napunta sa sinaunang panahon, lahat ng parte sa rooftop ay detalyadong detalyado at maganda ang design. Hinanap naman ng mga mata ko si Kris at nakita ko siyang nakatingin sa akin na may nakakalokong ngiti. Ugh! Nakakainis siya!

"Bakit ka naiinis sa akin?" huh? wait... NABASA NIYA KAYA ANG INIISIP KO? Pero... paanong? Teka! Masyado lang yata akong nag iisip. Imposibleng imposible mabasa niya ang isip ko. I'm overreacting.

Nakangiti naman siyang tinignan ang mga mata ko... no, nakangisi. "Nababasa ko ang nasa isip mo." hindi parin niya inaalis ang eye-to-eye contact namin at naramdaman ko nalang na naglalakad na pala ako papunta sakanya. Anong nangyayari? Hindi pwede! Stop! Pero... ba-bakit hindi ko mapigilan ang paglalakad papunta sa kanya? Ugh! That guy.

"Anong nangyayari?" nagtataka kong tanong sakanya ngunit kalmado parin. Ayokong ipakita sakanya na natatakot ako sakanya at napakabilis ng tibok ng puso ko. Pride ko ang nakataya dito at hinding hindi ko papayagang maapakan lang yun ng kung sino, lalong lalo na ang lalaking 'to! Urgh.

Hindi niya sinagot ang tanong ko instead tumawa lang siya. Tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa tawa niya. Hindi lang 'yon pang ordinaryong tawa kundi nakakatakot at nakakakilabot na tawa, yung pang-mangkukulam pero hindi naman eksaktong pangmangkukulam talaga, sa gwapo niya bang 'yon? WAIT. Ugh! What am I thinking? Nagawa ko pang magbiro ngayong malapit na akong patayin? Dahck.

"Reading your mind? So you think I'm handsome huh." URGH! Ano bang klaseng nilalang siya? At paano niya nababasa ang nasa isip ko? Is he a magician? a mind-reader or something? But those things doesn't exist! Or... do they?

Sobrang lapit ko na sakanya at unting unti nalang talaga magkakadikit na ang mga mukha namin. Hindi ako makagalaw o makapalag man lang sa force na naglalapit sa akin papunta sakanya kaya napapikit nalang ako at pilit na pinipigilan ang force na iyon pero sino bang niloloko ko? Isang hindi pangkaraniwang nilalang ang kaharap ko, at ako? Isa lang akong hamak na tao!

Maya maya'y naramdaman ko nalang na parang huminto sa pagfunction ang katawan ko at babagsak na'ko ngunit may kung anong sumalo sa akin bago ako natuluyang mawalan ng malay.

"Creatures like me do exist, babe."


Kinabukasan, Nagising nalang ako sa kwarto namin ni Christy at Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong room, wala si Christy. Nakakahinala na talaga si Christy. Hindi na siya ang Christy na nakilala ko.

Tinignan ko ang orasan at napag-alaman kong 7:00 palang ng umaga! Seriously? Bakit napaka aga ni Christy?

Mga 7:30 naka ayos na ako at lahat lahat. Bumaba na ako sa canteen para sa breakfast. Oohh~ Food! Wala akong halos kain kahapon dahil sa sobrang pagkaparanoid ko at curious sa lahat ng nangyari!

Hinanap ng mga mata ko si Christy sa buong canteen pero walang Christy sa buong canteen. Teka, ano bang pake sakanya? Tsk.

Payapa lang akong kumakain mag-isa nang may naramdaman akong papalapit sa akin. Ugh! That guy! Naiinis parin ako sakanya! Lalo na't naaalala ko parin ang nangyari kagabi at nasayang lang ang pagpunta ko run dahil sa kabaliwan niya! Bakit ba apektado ako pagdating sakanya? Hindi naman ako ganito ah! URGHHH.

Habang papalapit siya, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Sobrang bilis ng pagtibok nito at sobrang lakas ang pagkabog na parang mamaya lang ay aatakihin na ako sa puso.

"Kris!" sigaw ng isang babae kaya napalingon naman ako. Hindi dahil sa may pake ako sa Kris na yun! Kundi dahil sa curiousity ko. Napatingin naman ako sa babae-- maladyosa at parang anghel na bumaba sa langit. Oh well, kung sa pagandahan lang naman ang usapan, lamang na lamang ako. Syempre ako yata si Ella Kingsley, pero sa ugali? HAHAHA nalang. Kala niyo pinupuri ko siya? HAHAHA lang uli. Napatingin naman ako kay Kris at hindi maipinta ang mukha niya... hindi siya makalingon. Akala ko walang kahinaan ang isang 'to pero mukhang nakita ko na ang kahinaan niya. Perfect for my revenge~ Bwahaha.

Tumingin muna siya sa akin mata sa mata na mas lalong nagpabilis sa pagtibog at nagpalakas ng kabog ng puso ko. Parang anytime ay hihimatayin na ako. Urgh! Ano bang meron sakanya at nagiging ganito ako pag dating sa kanya? Hindi dapat 'to! Matapang ako.

"Curiousity killed the cat, babe." WHAT THE HECK?! Nagkakamali ba ako ng rinig? Babe!? Dafudge. Is he insane? Masyado na ba siyang nainlove sa kagandahan ko? Err.

"Babe?" nagtataka at naiiyak na tanong ng babae habang nakatingin kay Kris na hanggang ngayon ay nakatalikod parin sakanya. Isang salita lang ang binitiwan niya pero nakuha niya agad ang atensyon ng lahat. Lahat nag-aabang sa amin at sa mangyayari. Hay kaboring! Gagawa pa ba sila ng eksena dahil sa totoo lang nabobored na ako, gusto ko pang kausapin si Kris dahil sa nangyari nung isang araw pero may telenovela scene pa yatang magaganap. Tsk.

Tumayo ako at lumapit sa kanila, sa gitna talaga nila para masaya. Napatingin naman sa akin lahat at napalingon narin si Kris. "Babe, diba ihahatid mo pa ako sa class ko?" napanganga naman silang lahat. Tinignan ko ang relo ko, "Oh 8:00 na babe, halikana?" tapos ngumiti pa ako ng pangmatay na ngiti at kumapit sa braso niya. Base sa pinagkikilos nila, feel ko ex 'to ng mokong. HAHAHA! Lahat ng nasa canteen napanganga dahil sa sinabi ko. Si Kris naman, kumunot ang noo at binigyan ako ng 'whatda!?' na tingin. HAHAHA ang bitch ko no? At dahil sa nasimulan ko na 'to, kailangan tapusin ko rin 'to. Dapat pasalamatan ako ng lalaking 'to dahil sa ginagawa ko ngayon...Err kahit na nasusuka na ako sa pinagsasabi ko.

Nagsimula namang umiyak ang babae sa harap namin. "Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga Kris, huhuhu." nagsimula nang umiyak ang babae na parang bata. Seriously? Ganito pala tipo nitong si Kris? Ang astig panaman ng datingan niya tapos ganito tipo niya? Well, ex niya naman na eh. Napa-tsk nalang si Kris at nilapitan ang babae. "Stop crying, Trish." niyakap pa ni Kris ang babaeng tinawag niyang Trish. Eh syempre dahil ginampanan ko ang pagiging girlfriend ko, nagkunwaring galit ako. "Ano ba Kris!? Diba ako ang girlfriend mo? Bakit mas inuuna mo pa siya!?" galit na galit kong sabi sakanya. Kung kanina, lahat napanganga. Ngayon lahat sila nanlaki narin ang mata.

Napatingin naman si Kris at yung Trish sa akin. Huminto sa pag-iyak si Trish pero bumalik uli. Binigyan naman ako ni Kris ng isang nakakamatay na tingin. "Kris naman eh, bakit di mo sinabing may girlfriend kana! Kaya ba ayaw mong pumayag na maging model ko? Isusumbong kita kay mommy!" umiiyak paring sabi ng Trish at pinaghahampas si Kris. Err! What!? akala ko ex siya? Anong sinasabi niyang ayaw pumayag maging model? Pero kung hindi man siya ex... bakit siya umiyak?

Napailing nalang si Kris at napabuntong-hininga. "Fine, pumapayag na ako." sabi niya na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Bigla namang tumahan si Trish at nagtatalong niyakap si Kris. "Thank You Kris! I love you na Kuya Kris." HUH? K-Kuya!?. Napa-tsk nalang si Kris at napailing iling.

"Kuya, ang daya mo! Ipakilala mo naman sa'min ni mommy yang bago mong girlfriend *pout*" sabi ni Tri- WHAT!? K-kuya? M-mommy? MAGKAPATID SILA!?

Oh no.... NO!

I'm so dead.

--

Thanks sa mga nagbabasa. Loveyaa~ Kung may mali rito at di nyo magets, icomment nyo nalang. 

[Edited 15.07.28]

-Sea

Wolf AcademyWhere stories live. Discover now