The Billionaire's Adopted

بواسطة leexhian

323K 10.1K 1.1K

(Rating 16-18+) Malambing at masayahin si Alana. Ang kanyang ina ang tanging pinakaimportanteng tao sa buhay... المزيد

AUTHOR'S NOTE
1 Knight In The Night
2 Scandalous
3 No Goodbyes
4 Acceptance
5 Etiquette
6 Abandoned
7 Noise and The Girl
8 The Letter
9 A Tactic?
10 Stray
11 Guilt
12 Guilty as Hell!
13 Alone But Still Lucky
14 Glance and there...
15 The Condition
16 Her New Home
17 Problem? Solve!
18 Training
19 Call Me Your...
20 Enroll
21 She's Ready
22 Daddy's Identity
24 Daddy's Friend
25 Two Daddies?!
26 "Karma"
27 Gossip
28-29 Training
30 Etiquette For A Reason
31 Reasoning
32 The Calm Before The Storm
33 The First Impression
34 Lies and Explanation
35 The Touch
36 The Mama
37 The Clueless Son
38 The Papa
39 Bewildered
40 Be Worried
41 Out of Focus
42 Sneaking Out
43 The Secret Party
44 Regret
45 Discipline
46 Dodging
47 Conscience
48 Boyfriend?!
49 Unexpected Encounter
50 Twinkle Night
51 Boring

23 Struggle at School

6.2K 264 28
بواسطة leexhian

[ALANA]

Pagkatapos ng klase, sinundo na siya ni Roman. Pero dahil kailangan pa ito sa opisina, hinatid lang siya sa bahay. Gabi na itong umuwi at may dalang pagkain para sa kanilang hapunan.

"Kumusta ang first day of class? May naging kaibigan ka na ba?"

"Meron. Si Sarah. Siya mismo ang unang lumapit sa akin at sabi niya na friends na kami."

"That's nice. Only Sarah? Wala ka na bang iba pang bagong kaibigan?"

Hindi siya sigurado kung kaibigan na ba niya ang pinsan nito na si Levi. Magkasama silang tatlo pero ito lang ang may masamang tingin sa kanya.

"Alana?"

"Ah, me-meron pa naman pero mukhang 'di niya ako gusto."

"What? Tell me sino 'yan?"

"Hindi na importante 'yan. Iba na lang ang itanong mo."

"Okay? How about the lessons? May natututunan ka ba?"

"Meron naman pero konti lang. Ang dami nilang sinasabi na hindi ko naman naiintindihan."

"Saan ka ba nahirapan?"

"Um, sa engles?"

"Ah, ganoon ba? Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Baka kukuha ako ng private tutor mo."

"Huwag na. Sabi ni Sarah sa akin tutulungan niya ako sa mga lessons. Ayoko na makaabala pa at 'di ba mahal ang kumuha ng tutor?"

"Wala naman problema kung kukuha tayo ng tutor. Nagaalala din ako sa 'yo dahil hindi ko alam na nahihirapan ka sa mga lessons mo."

Pero, ayaw lang talaga niyang makaabala pa kay Roman.

"Siya nga pala, tinanong ako kung kaano-ano ba kita?"

"Hm? Anong sagot mo?"

"Wala akong naisagot."

"Well, pwede mo naman sabihin na Papa mo or guardian."

"Um, kwento din sa akin na kilala ka daw dito sa siyudad. Na sa'yo daw ang mga malls at kung ano pang negosyo. Totoo ba 'yun? Talaga bang marami kang pera?"

Tinuon nito ang tingin sa pinggan. "Yes, totoo."

"Ga-ganoon ba."

"Negosyo na 'yan ng pamilya ko. Iyan ang trabaho ko ang gumawa ng pera, magpatayo ng mga negosyo para may mautulong sa mga taong nangangailangan ng trabaho. Hindi ako maluho pero kung meron man akong gusto, yun ang maging payapa at walang istorbo sa buhay ko."

"Naging istorbo ba ako sa 'yo?"

"Wha-what?! No!" biglang sagot nito. Nagulat yata ito sa tanong niya. "What I mean is ayokong pine-pressure ako ng ibang tao lalo na ang parents ko. Gusto kasi nila na mangialam sa mga ginagawa ko at personal kong buhay."

"Bakit? Ano bang gusto nila?"

Tumahimik ito ng ilang segundo. "Hi-hindi ko alam paano ko sasabihin sa'yo. Siguro huwag na lang natin itong pagusapan. Sa'yo ang mas importante. Kung ang problema mo papaano sagutin ang mga tanong nila tungkol sa atin dalawa, just tell them na ama mo ako. Dahil sa gusto mo makapag-aral ulit, tinulungan kita at... kinupkop kita para makapagtapos ka sa pagaaral. Um, sige na kumakin ka na para makapagpahinga ka na. May assignment ka bang gagawin?"

"Wala naman."

"Good." Biglang tumunog ang telepono nito. "Sasagutin ko muna ito. Kain ka lang diyan, sa labas muna ako."

Hays... Ano kaya ang mangyayari sa kanya bukas at sa mga susunod pang araw?

[ALANA]

Kalagitnaan ng klase. Hindi pa rin niya masyadong naiintindihan ang pinagaaralan niya. Ginagawa naman niya ang kanyang best para makaabot sa lesson pero bakit wala pa rin pumapasok sa utak niya?

"Alana, tignan mo ang mga paintings. 'Di ba ang galing ng color shades parang totoo." Masayang sabi ni Sarah. Laking pasalamat niya na pinagtabi silang dalawa. Mas madali siyang makapagtanong at humingi ng tulong sa mga lessons.

"So may I call Miss Alana to read the history of the Renaissance?"

Nagulat siya. Tinawag ang pangalan niya!

"Dali, basahin mo lang 'to." Sabi ni Sarah sabay turo sa babasahin niya.

Tumayo siya at tinignan ang babasahin niya. Papaano niya ito babasahin?

"Miss Alana, you may start now."

"Um, D-da origins of Ren... Renas-renasanse art can be tra-trased to It-itali..." natigil siya ng marinig niyang nagbubungisngis ang kanyang mga kaklase.

"Class, quiet! Miss Alana, please continue." Sabi ng guro.

"Du-during dis so-called "prot-pro...prototo..." ang hirap naman basahin nito! Natigil na naman siya sa pagbabasa ng tumawa na naman ang mga kaklase niya.

"Class, ano ba?!" sita ng guro. "She's trying her best to read. You shouldn't be laughing your classmate like that! Alana, pwede ka ng umupo."

"Okay lang 'yan, Alana. Don't worry, tutulungan kita kaya huwag ka ng malungkot. Huwag mo na lang silang pansinin."

"Si-sige." Para siyang maiiyak sa kahihiyang nangyari sa kanya ngayon. Ganyan ba siya walang utak na kahit sa pagbabasa hindi niya kaya?

[ALANA]

Lunch break.

"Come on Alana, huwag ka ng malungkot. Pinagtanggol ka naman ni teacher, eh." Sabi ni Sarah.

"Sorry. Sa tagal ko ng hindi nakakahawak ng libro, nakalimutan ko na yata papaano magbasa."

"Hindi mo naman kasalanan 'yan, eh! Tell you what, since I offer myself na tulungan kita sa mga lessons, tutulong din si Levi para dalawa na kaming tutor mo."

"Hoy! Anong pinagsasabi mo? Sinali mo pa ako." Agad tutol ni Levi. "Dapat kasi naghanda muna bago bumalik sa pagaaral. Hindi ba Papa mo ang Manicci na 'yun? Pati ba naman tutor hindi ka binigyan?"

"Ayoko lang kasi na bigyan pa siya ng sakit ng ulo. Tiyaka, hindi na kailangan kasi nandiyan kayo. Alam ko na matutulungan ninyo ako."

"Aw... ang sweet naman ng friend ko!" sabay yakap nito sa kanya. "Dapat mag-plano na tayo ng schedule para makapag=start na tayo ng maaga. Lev, don't you ever dare to flake me."

"Ako mismo ang babantaan mo? Nope. Ayokong sumali diyan."

"Oh, come on! Maawa ka naman kang Alana."

"Nope."

"Hi!"

May dalawang babaeng nakatayo sa tabi nila. Sila Quennie at Ruby kaklase din nila.

"Nice ang ginawa mo kanina, ah! Napatawa mo kami lahat."

"Gumawa ka pa ng joke sa klase. Joker ka ba?" sabay tawa ng dalawa.

"Pwede ba huwag ninyong puntiryahin si Alana sa mga kalokohan ninyo." Awat ni Sarah.

"Us? Kalokohan?" taas kilay tanong ni Ruby. "We were just telling how funny she is. Nasa grade nine na tayo pero siya mukhang nasa grade one pa na hindi man lang marunong magbasa."

"Oh! I get it! Is it true na eighteen years old ka na, Alana? OMG! Edi dapat nasa senior high ka na so why are you here?"

"Girl, kaya nga siya nandito kasi hindi siya nababagay sa senior high. Slow kasi."

Nakakahiya na talaga. Pati na mga kaklase niya ginagawa na siyang kakatawanan.

"Will you two shut the freak up?!" biglang sabi ni Levi. Tumigil sa kakatawa ang dalawa.

Patuloy nito. "Ano naman ngayon kung napagiwanan siya sa pag-aaral? At least she has the guts to get herself back to school. Eh kayo? Nandito lang naman kayo 'di dahil gusto ninyo kundi dahil gusto ng parents ninyo. Pwede ba? Bago kayo kumuda, tignan niyo muna ang mga grado ninyo kung ganyan ba kayo katalino kesa sa kanya. And she's a joker? Mas nakakatawa pa nga ang pagmumukha ninyo."

"Hmph!" tinang muna siya ng masama bago umalis.

"Yan ang pinsan ko! Matalim ang dila! Grabe manuklaw! Ayun! Ligwak ang mga hampaslupa!" proud na sabi niSarah sa pinsan nito.

"Shut up."

"See, Alana? Wala ka dapat ikahiya o ikatakot. Di naman lahat ng tao perfect. Hindi ka man nakaka-adjust sa pagaaral mo ngayon, pasasaan ba't may matutunan ka at bata mas marami ka pang matututunan. Basta't tiwala ka lang sa amin, okay?"

"Salamat! Salamat talaga sa tulong ninyo."

To be continued...

"Struggle talaga ang pagaaral. Puusshhh... lalo na mga FAKE FRIENDS! Sayang ang mga nilibre ko! (Tinodo ko na! I wasted my time and money sa mga taong hindi naman totoo~ grrr..!)

Chill! Kalma! This is why I don't have friends but that's okay. At least malayo ako sa mga drama at issues. Yun lang." -L.X.

If you like the story so far, please leave a VOTE and COMMENT what you're thoughts on the story. See you in the next chapter! CHuAMnidah!!

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

492K 11K 38
Elysian Corrins (1) In an ocean crowd where everyone waiting for the King to choose them as his Queen, there this woman who stand out and for the ver...
110K 2.7K 44
Ano nga ba ang higit na mahalaga? Ang tawag ng bokasyon... o Ang tawag ng pag-ibig? (Pinalitan ko lang ang title at ang description. Ito pa rin yun...
731K 17.3K 77
"Just let us have the baby, sed..." Pagmamakaawa ko. "Ayokong may kahati sa atensyon mo." He seriously said. "Nababaliw kana." Hindi makapaniwalang...
155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...