Bad Girl X Bad Boy

By LadyInBlack_033

2.9K 81 3

A girl, who lives without parents and have a bad attitude. and A boy, who think the whole world evolves aroun... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
EPILOGUE

Chapter 20

15 2 0
By LadyInBlack_033

Y A S S I E'S POV

Nakatungo lang ako habang nag lalakad kami ni Blixen papunta sa gym ng school. Uwian na kasi ng mga estudyante, kaya madami kaming nakakasalubong.

Hindi nga kasi kami pumasok. Nahihiya ako dahil pareho kami ng jersey ni Blixen, kulay Black at number 03 ang number nito. Para kaming couple tuloy.

Pagkadating namin sa gym andun na sina Kurt. Si Tristan wala, hindi kasi sya nag babasketball.

Kaya bale tatlong ibang lalaki ngayon ang andito. Hindi ko sila kilala. Bahala sila.

"Uy babes, blixen. Ang tagal nyo naman"-sabi ni Kurt pag ka lapit namin.

Nag uusap usap kami dito habang yung tatlong ibang lalaki na di ko kilala ay nasa likudan lang ni Kurt.

"Don't call her babes, kurt. Nanood pa kasi kami ng movie tinapos lang namin. Pwede ba, simulan na lang natin ang training. "-sabi ni Blixen.

Tumango at tumawa na lang si Kurt pagkatapos ay nag alisan na sila at ready na mag simulang mag laro.

"Yassie. Doon ka muna maupo para kitang kita mo ako. Oh panyo, baka tumulo luha mo sa pag ka mangha mo sakin"-sabi ni Blixen sabay abot sa akin ng Panyo nya at tumakbo na papunta kina Kurt.

Napa irap na lang ako at umupo na lang sa upuan na tinuro nya. Nag palingon lingon naman ako at nakita kong ang dami ngang nanonood.

At syempre, puro babae. Hindi pa man din nag sisimula ay nag sisigawan na sila at todo cheer kaagad. Wow ha, akala mo naman nag lalaro na sila ng tunay ah.

"Go AU team!!! "

"Oh my ghad!! Look si Blixen ang gwapo kahit pawis!"

"Bebe ko yan si Blixen no!"

"Ah basta akin si Kurt!!"

Edi inyo na. Nga naman. Iingay nyo e. Pinanood ko na lang mag training sina Blixen.

Oo inaamin ko, magaling nga maglaro si Blixen at mabilis sya kumilos. Magaling sya sa three points. Samantalang si Kurt sa slum dunk.

Tumagal ang training nila hanggang gabi. Mag seseven na ng gabi at palabas na kami ng gym ngayon.

"Oh first day pa lang ng training nananakit na ang katawan ko"-sabi nitong isang kasama nila Blixen.

"Ayusin mo laro mo Jaxon ha, papalitan kita dyan. Mag stretch ka kasi bago lumaro. "-sabi naman ni Blixen.

Ah Jaxon pala ang pangalan nun.

"Oonga king. First day pa lang naman e"-sagot ulit ni Jaxon.

King ang tawag kay Blixen kasi sya daw ang king of Bad Boy. Okay? Sabi nyo e.

"Oh ikaw, Peter umuwi kana. Patay ka na naman sa mama mo. Mama's boy kasi e"-natatawang sabi ni Kurt dito sa isa pang lalaki. Binatukan naman sya kaagad nito.

"Hahaha. Gago. Sige na mauna na ako. Tara na jaxon! Sakin ka na sumabay!"-sabi ni Peter.

"Uy king, sorry sa laro ko kanina. Aayusin ko sa susunod. Babye!"-nag paalam na si Jaxon at Peter. Naiwan naman yung isa dito.

"Ano hindi ka pa ba uuwi?"-tanong ni Kurt doon sa lalaki dito.

"Haha! E akala ko ba mag babar tayo sa club nyo kurt?!"-tanong naman nitong lalaki na to.

Nang makarating na kami sa parking lot ay papasok na sana kami ni Blixen sa kotse nya, pero nagsalita pa yung lalaki kanina.

"Hoy huwag na kayong mag date ha! Uwi na kayo lovers! Byeee!"-sabi nung lalaking kasama namin kanina.

"Gago ka Ribo! "-sigaw ni Blixen at pumasok na kami sa kotse.

Ribo naman pala ang pangalan nung isa e.

Pinag drive na ako ni Blixen pauwi sa unit ko. Pagkadating namin doon, naupo kaagad ako sa kama at pumikit. Nakakapagod naman. Parang ako yung naglaro ah. Ako yung napagod e.

"Tired? I'll cook. Anong gusto mong ulam?"-tanong ni Blixen.

Napamulat naman ako kaagad pagkasabi nya nun.

"Ikaw ng bahala. Kahit ano naman e basta pagkaing tao"

Tumawa naman sya sa sinabi ko at nag punta na sa kitchen ko. Napa ngiti na lang ako, buti naman andito si Blixen at mag luluto sya nakakagutom kaya. Ang hirap kaya kapag hindi ka maalam magluto.

Maya maya lang ay may naaamoy na akong mabangong pagkain. Dali dali naman akong tumakbo at pumunta sa kitchen.

Pagsilip ko sa niluluto ni Blixen ay Adobo. Ang bango bango shet. Makakarami na naman ako ng kain nito.

"I'll teach you how to cook soon. Para kahit wala ako makakapag luto ka ng pagkain mo, para hindi ka nagugutom"-sabi ni Blixen habang nag seserve kami ng kakainin namin dito sa dinning area.

"Hindi ka naman mawawala diba? "-nagulat din ako kasi lumabas yan sa bibig ko, pero nasabi ko na e.

Hinintay ko na lang ang sagot nya.

"Of course not. "-sabi nya sabay ngiti.

Kumain na kami at habang nakain kami nag tatawa naman si Blixen na nasa harapan ko. Baliw.

"Ano bang problema mo Mr. Adams ha?"

"Wala! Ikaw kasi e. Akala mo naman gutom na gutom ka e. Makasubo ka parang wala ng bukas ah"-nag tatawa pa din sya habang sinasabi yan.

Napa poker face na lang tuloy ako.

"E sa gutom naman talaga ako e! Hindi kita bibigyan ng fries dyan mamaya tamo!"-sabi ko sa kanya.

Tumigil naman sya sa pagtawa at kumain na.

Napangiti na lang ako, hay food is life nga naman talaga para sa amin ni Blixen. Pag sa pagkain nagkakasundo kami e.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin. At kumuha na ako ng fries sa ref, naupo na kami sa sofa at nanood ng spongebob square pants. Syempre, ayun lang naman ang pinapanood namin palagi. Favorite e.

"Blixen? May bukas pa bang starbucks ngayon? Bili tayong iced coffee"-aya ko sa kanya.

Nilingon naman nya ako at tumawa. Happy talaga sya e no.

"Hindi ko alam e. Bukas na lang, susunduin kita bago pumasok bibili tayo kahit ilan pang gusto mo"-sabi ni Blixen.

Tumango na lang ako at nanood na ulit. Medyo disspointed ako doon ah? Pero sige okay na din yun.

Bukas na nga lang, kasi gabi na din baka mamaya masuntok ulit si Blixen kapag lumabas pa kami e.

Speaking of, sino nga kaya yung sumuntok kay Blixen noon?

Inabot na si Blixen ng 10:30pm ng gabi dito sa unit ko. Pagkaalis nya, nahiga na ako kaagad sa kama ko. At dahil hindi pa ako makatulog, nag browse muna ako sa phone ko.

After ng ilang minuto, may kumakatok na naman sa pinto ko.

Ano ba yan? Gabing gabi na e. Sino kaya to? Tumayo ako kaagad, at binuksan ang pinto.

At doon, nakita ko si Blixen na naka tayo sa harap ng unit ko na may dalang iced coffee at tsaka hotdog ng seven eleven.

Ngumiti ako at niyakap sya. Naramdaman ko namang yumakap din sya sa akin. And from that moment, feeling ko sasabog yung puso ko sa tuwa.

I'm very lucky to have Blixen in my life.

                                   ♡♡♡

Andito kaming lima ngayon sa cafeteria at nagkekwentuhan lang habang kumain. Habang itong katabi kong si Blixen ay tahimik at busy'ng busy sa pagkain nya.

"Ah oo! Napanood ko na din yung movie! Grabe nag last sya ng 3hours"-sabi ni Janine.

Pinag-uusapan kasi namin yung Avengers. End game. Ayon, game na game naman itong mga kasama ko sa kwentuhan kasi maganda nga naman yung movie.

"Oo grabe nung pinanood ko nga yan, kahit wala akong maintindihan kasi english, para sakin maganda ang outcome"-sabi ni Kurt.

Tumawa naman si Tristan tsaka binatukan si Kurt.

"Hahaha gago. "

Makikisabat na din sana ako ng biglang nag ring ang phone ko. Imbis na lumayo pa sa kanila. Ay nanatili akong nakaupo at sinagot ang tawag.

"Himala, tumawag kayo"

(Anak, huwag ka namang ganyan. Masyado lang kaming busy dito)

"Alam ko naman yun. Ano pa bang bago? Tumawag ba kayo para sabihin lang yan?"

(Hindi. Anak, ikakasal na ang pinsan mo dito sa Italy sa isang araw. Kaya bukas pumunta ka na kaagad dito. Ibibigay sayo ni kuya Mikael mo yung ticket mo sa eroplano para bukas)

"Sinong pinsan? Madami akong pinsan dyan Papa. C'mon"

(Si Jairus, iha. Ineexpect nya na dadating ka. Alam mo naman ang pinsan mo na yun, sobrang close kasi kayo e)

"Paano ang school ko? Pa. Malapit na ang finals namin this sem"

(Don't worry anak, ieexcuse ka namin ano ka ba kami ng bahala)

"Ugh. Fine. Matitiis ko ba si kuya Jairus?"

(Ayun. Salamat anak. We'll see you here. Tumawag ka kapag nasa airport kana sa Italy. Susunduin ka namin)

"Yea. Bye pa"

Pag ka end ko ng call ay nakatingin sakin sina Blixen. At para bang nag tataka sa kung anong pinag usapan namin ni Papa.

Pag tingin ko kay Blixen, nalungkot ako bigla. Siguro mga 3-4 days ako doon. Paano si blixen?

Hala. Oo ang OA ko. Pero syempre mamimiss ko sya. Hindi ko man sabihin pero totoo yun. Sila namang lahat mamimiss ko actually, pero mabilis na lang din naman lumipas ang araw ngayon.

At isa pa, iisipin ko na lang na makikita ko na ulit ang Favorite kong pinsan!

"Mind to tell us what's happening?"-si Kurt na ang nagtanong.

Naka abang naman yung tatlo sa isasagot ko.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na ewan. Dapat nga masaya ako kasi makakasama ko ang parents ko pati ang mga pinsan ko doon.

Pero magiging masaya ba ako? Kung andito naman ang mga kaibigan ko sa pilipinas?

"I'm going to Italy tomorrow"

Pagkasabi ko nun, natahimik sila. At parang saming lima ay walang humihinga. Nakatingin lang sila saking lima, kaya nagsalita na lang ako ulit at nag patuloy.

"My cousin, Jairus, he's getting married. Siguro mga 3-4 days ako dun"-sabi ko sa kanila. Lalo naman silang natahimik.

Matagal tagal din na natahimik kaming lima. Pero maya maya pa ay nginitian ako ni Kurt at ganon din naman si Janine at Tristan.

"Ayun naman pala e. Mabilis lang yon. Balik ka agad ha?"-sabi ni Tristan sakin.

Napatawa naman ako at tumango.

"Ingat ka don. Huwag mang boboys dun ha! Nako papauwiin kita dito tamo"-sabi naman ni Kurt sakin.

Binatukan naman sya agad ni Blixen.

"Hindi yan manlalalaki don gago. Mas gwapo pako kesa sa mga lalaki don"-sabi ni Blixen.

"Oh sya, Ysa dadaan ka ba mamaya sa ANO? O ako na lang magsasabi sa KANILA?"-tanong sakin ni Janine.

Pinanlakihan ko naman sya ng mata. Yung Bad Chicks kasi ang tinutukoy nya. E hindi naman alam yun ni Blixen at Tristan.

"Ikaw ng bahala Janine. Ayusin mo ha. Patay ka sakin"-sabi ko habang nakangiti ng pilit.

Babatukan ko na tong babaeng to e. Kung wala lang dito sina Blixen.

"Saan yung ANO? "-tanong naman ni Tristan.

Tiningnan ko naman si Kurt na parang nanghihingi ako ng tulong. Alam naman kasi ni Kurt ang tungkol doon e. Kaya tulungan nya naman ako!

"A-ah doon yun sa family ni Janine! Oo tama doon. Mag papaalam sa family ni Janine. Diba?"-sabi ni Kurt.

Mabilis naman kaming tumango ni Janine habang nakangiti. Patay ka sakin mamayang babae ka. Pwede naman kasing ichat na lang e.

"Oo papaalam kasi mamimiss sya ni mama"-sabi ni Janine.

Tumango tango na lang naman si Tristan at mukang nakumbinsi naman namin sya. Gago ka talaga Janine-.-

---

Pasakay na sana ako sa kotse ko para umuwi. Pero nakita ko si Blixen at Cassie dito NA NAMAN sa parking lot. At dahil naiinis na naman ako, nakinig ako sa pinag uusapan nilang dalawa.

Nag tago ako sa mga kotse dito para hindi nila ako makita.

"Hindi pa ba malinaw sayo Cassie? Hindi ikaw ang mahal ko, si Yassie. Layuan mo na ako. Ayokong magalit na naman sakin si Yassie dahil lang sa walang kwentang kagaya mo"-sabi ni Blixen.

Parang napako naman ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw. Tama ba ang narinig ko? Mahal ako ni Blixen? Oh my ghad. I can't breath.

"Ano bang meron sa kanya na wala ako ha Blixen?! Bakit ba hindi mo ako mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya?! "-sigaw na tanong naman ni Cassie.

Fuck you Cassie. Pasalamat ka nga maganda ang gising ko kaninang umaga kaya wala akong katarantaduhang ginawa sayo ngayong araw e. Humanda ka sakin pagbalik ko galing ng Italy.

"Anong meron si Yassie ng wala ka? Madami. Pwede ba tigilan mo na ako, mamahalin lang kita kapag Yassie Ysabelle Corpuz na ang pangalan mo"-pagkasabi nun ni Blixen, nagsimula na syang maglakad at tinabig nya pa si Cassie.

Nagmamadali naman akong tumakbo papunta sa kotse ko at napa sandal na lang doon.

Too much informations na naman ang narinig ko. At talagang nawindang ako ng sobra doon.

"Blixen loves me...."-bulong na sabi ko.

Bigla namang may humawak sa braso ko at pag harap ko, si Blixen. Shit. Narinig nya kaya ako?


-End of Chpater 20-

Continue Reading

You'll Also Like

581K 51.8K 34
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
1.2M 37.8K 29
โš ๏ธโš ๏ธ โš ๏ธ!!!! THE BOOK ONLY HAS FIVE CHAPTERS. THE REST OF THE BOOK IS ON AMAZON !!!!! โš ๏ธ โš ๏ธ โš ๏ธ The story is also available on Radish on a wait-to-rea...
64K 2.6K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
234K 6.7K 57
[I fell inlove with my personal maid] [REVISED] With Ella, Jace feels cared for and nurtured... He should be, as her job is to serve his needs. Inclu...