GENTLEMAN 1: Zach Montiverde

By SmokyStone

215K 8.2K 788

Zachary "Zach" Montiverde is a perfect definition of a "dream guy". Being the eligible bachelor, successful m... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19 (Special Chapter)
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (Part 1) (Special Chapter)
CHAPTER 23 (Part 2) (Special Chapter)
CHAPTER 24 (Special Chapter)
CHAPTER 25

CHAPTER 20

4.5K 199 10
By SmokyStone

NANG makapasok si Nathan sa loob ng Page One Café ay agad nyang hinanap kung nasaan ang bestfriend nya. Luminga-linga pa sya pero hindi nya mahanap ito.

Mukhang mas nauna pa'ko sa kanya. Bulong nya sa isip nya. Agad syang naghanap ng pwesto at napili nya ang sa dulo para na din hindi sila masyadong nakikita ng mga tao.

Kinuha nya ang phone nya habang hinihintay kung nasaan si Raffy. Nagtext pa sya pero wala pa rin syang narereceive na reply dito.

Napalingon sya sa glass wall dahil parang nagkakagulo sa labas. Nagkibit-balikat nalang sya dahil hindi sya interesado doon.

Napalingon sya nang magbukas ang pinto. Agad syang kumaway nang makita nya ang balisang mukha ni Raffy.

Nakita agad ito ni Raffy at mabilis na pumunta sa pwesto nya. Expect nya na yayakapin sya ng mahigpit ni Raffy pero nagulat ito nang biglang magtago sa ilalim ng lamesa.

"Hoy anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Nathan. Hindi agad sumagot si Raffy at tumitingin pa sa labas.

"Wag kang magulo, Nathan. 'Pag may lalaking lumapit dito 'wag mong papansinin." Sabi nya. Huminga nalang ng malalim si Nathan. Saktong napalingon sya nang makita nya na bumukas muli ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki.

Napakunot ang noo nya. Kita nyang naka-sunglass pa ito habang palinga-linga sa loob ng Café.

Nakatingin lang si Nathan sa kanya hanggang sa magtama ang tingin nilang dalawa. Ibinaba ng lalaki ang suot nitong sunglasses.

Sandali, parang pamilyar 'tong lalaking 'to hah. Bulong nya sa isip nya. Nagulat ito nang magsimula na itong maglakad papunta sa pwesto nya. Nakangiti lang sya habang hawak ang sunglasses nito.

"Nathan?" Tanong nya. Napakunot ang noo nya nang marinig nya iyon.

"Kilala mo ako?" Takang tanong ni Nathan. This guy infront of him seems so familiar to him, na parang kilala na nya.

Tumango ang lalaki. "Well, yes. I'm Zach's friend. Ezekiel Montefalco. You can call me Zeke." Sabi nito at inilahad ang kamay.

Kahit awkward ay tinanggap naman ni Nathan ito. "N-Nice to meet y-you po." Nahihiyang sabi ni Nathan.

"So, bakit ka nga pala nandito? You should be with Zach." Tanong nya. Namula naman si Nathan.

"Hindi naman p-po. M-May kikitain l-lang po akong kaibigan." Nahihiyang sabi ni Nathan.

"Ohh a friend. Hmmm, well I also came here dahil may hinahanap akong lalaki. Do you know the guy na pumasok dito? He's wearing a... uhmmm he's wearing a black t-shirt and he's small..." Describe ni Zeke. Napakislot si Nathan nang maramdaman nya ang mahigpit na hawak ni Raffy sa kamay nya.

Tama nga si Raffy, hinahanap sya ni Zeke. Pero bakit?

Huminga ng malalim si Nathan. "Sorry po h-hindi ko po sya nakita." Magalang na sabi ni Nathan. Bumagsak ang balikat ni Zeke sa nalaman. His expectations leads to disappointment.

"Well..." napabuntong-hininga sya. "... maybe I should go. Enjoy with your friend, Nathan. Bye." Nakangiting sabi nito.

"Sige po." Nahihiyang sabi ni Nathan. Hinintay nyang umalis si Zeke bago nya palabasin si Raffy.

"Buti naman--- aray!" Nauntog pa ito sa edge ng lamesa. "... aray ko... buti naman umalis na ang bwisit na lalaking 'yun!" Inis na sabi ni Raffy habang hinihimas ang ulo nya.

Napabuntong-hininga nalang si Nathan. "Bakit? Ano nanaman bang kabaliwan ang ginawa mo?" Tanong ni Nathan.

"Before that, mag-order muna tayo." Sabi nya at nagulat sya nang bigla syang yakapin ng mahigpit ni Raffy. "Miss you bessy!" Masayang sabi ni Raffy.

"T-Teka hindi a-ako makahinga!" Sabi ni Nathan. Nagpasorry naman ito at kumalas sa yakap.

Agad silang nag-order. Babayaran pa sana ni Nathan ito pero si Raffy ang nag-imbita kaya sya ang nanlibre.

"Sagutin mo na ang tanong ko." Sabi ni Nathan habang pinapanood si Raffy na pinapapak ang fries. Mukhang namiss nga nya ang ambiance dito sa loob ng Café.

"So 'yun nga, bwisit na lalaking 'yan muntik pa akong mabangga! Nakakainis kasi hindi man lang sya humingi ng sorry sa'kin. Nakakabwisit talaga 'yung lalaking 'yun!" Inis na sabi ni Raffy. Natawa naman si Nathan.

"Baka naman kasi paharang-harang ka sa daan kaya muntik ka nang banggain." Natatawang sabi ni Nathan. Umikot naman ang mata ni Raffy doon.

"Sya nga ang may kasalanan. Naka-stop ang traffic light pero umandar pa din sya. Uhhh nakakainis talaga ang lalaking 'yun ang sarap nyang patayin!" Inis na sabi ni Raffy. Napahalakhak naman si Nathan.

"Ikaw naman... Ano nang update mo sa buhay?" Tanong ni Raffy. Napahawak nalang sa edge ng table si Nathan.

"Uhmmm... secretary na ako ng isang kumpanya..." Sabi nya. Pero ayaw nyang sabihin kung sino ang may-ari nito.

Napakunot naman ang mata ni Raffy. "Sino ang CEO?" Tanong nya. Namula naman si Nathan sa tanong ni Raffy.

"Ahhh c-change topic!" Sabi nya. Pero pinilit pa rin itong pasagutin ni Raffy.

He sighed for a defeat. "Sige na sasabihin ko na. S-Si s-sir Z-Zach..." Nahihiyang sabi nya. Napahawak si Raffy sa chin nya bago unti-unting lumaki ang mata nya.

"OH MY GO---" Sigaw nito. Agad nyang tinakpan ang bibig ni Raffy at luminga-linga sa gilid. Buti nalang nasa dulo sila kundi dinig na dinig ang boses ni Raffy.

"Wag ka ngang maingay!" Kinakabahang sabi ni Nathan. Agad naman nyang tinanggal ang kamay nya sa bibig nito.

Lumapit ng bahagya si Raffy. "You mean, 'yung dating nakasex mo noon?" Gulat na gulat na tanong ni Raffy.

Marahan na tumango si Nathan. Napatakip naman sa bibig si Raffy. "Omg! After five years nagkita ulit kayo?! Coincidence nga ba or is it destiny?" Pilyong tanong ni Raffy at nagtaas-baba pa ang kilay nya.

Rumolyo naman ang mata ni Nathan. "Sira ka! Coincidence lang 'yon." Natatawang sabi ni Nathan. Namayanig ang kaunting katahimikan bago muling magsalita si Nathan.

"Nga pala, 'yung boyfriend mo bakit hindi mo s'ya dinala dito?" Takang tanong ni Nathan. Ang kaninang masayang mukha ni Raffy ay biglang nalukot. Humigpit ang hawak nya sa fork at pinipigilan ang galit.

Napakunot naman ang noo ni Nathan.

"'Wag mo nang isipin 'yung bwisit na manlolokong 'yun. Hindi lang sya ang lalaki sa mundo noh. Kapal ng mukha nya." Inis na sabi ni Raffy at umikot pa ang mata.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ni Nathan sa kanya. Doon na sinimulsng i-kwento ni Raffy kung anong nangyari noong nasa Canada pa sila.

"...tsaka 'yun, h-hindi ko a-alam n-na nabuntis n-nya pala 'y-yun b-babaeng 'y-yun..." Hindi naiwasan ni Raffy na mapahagulgol sa harap ni Nathan. Ang kaninang masayahing Raffy ay biglang nanghina at naging iyakin sa harap nya.

"Wag kang mag-alala, nandito naman ako para sa'yo. Bilang bestfriend mo, I can be your cry-on-shoulder. Di'ba mga, bestfriends forever---" Naputol ang sinasabi nila.

"...always together." Dugtong ni Raffy  Napangiti na si Raffy sa sinabi ni Nathan . Napangiti na din si Nathan.

"Kaya ikaw hah. Wag na wag kang mag-papaloko sa mga lalaki, specially sa Montiverdeng 'yun. Pare-pareho lang ang mga lalaki, mga hindi makontrol ang ulo. Kaya 'wag na 'wag kang magpapahulog sa karisma 'nun kundi ikaw lang masasaktan sa huli." Bilin ni Raffy sa kanya. Natawa naman si Nathan doon.

"Sira ka talaga." Natatawang sabi nya.

-

Matapos ng mahabang usapan nila ni Raffy ay nagtungo na sya sa kanyang inuupahan na apartment. Napatingin pa sya sa luma nyang relo at pasado alas-sais na pala ng gabi.

Sumakay nalang sya ng jeep dahil gipit sya ngayon. Agad syang nagbayad ng sampung piso sa driver, pero ang sampung pisong iyon ay napakahalaga na sa kanya.

Ganyan kahirap ang buhay nya, isang kahig, isang tuka.

Nang makababa sya sa lungsod nila ay napabuntong-hininga muna sya bago pumasok rito. Kita nya ang iilan sa mga bata na naglalaro sa kalsada ng basketball, mga piko, tumbang-preso, at iba pang mga larong pambansa.

Napangiti sya, at least man lang may mga bata pa ring tinatangkilik ang lari natin kaysa sa nakababad sa mga gadgets at games. Maswerte sya dahil kahit ganito ang buhay nya ay hindi naman sya nagkulang sa pagmamahal sa kapwa.

Nakarating na sya sa pwesto ng palengke malapit sa kanyang inuupahang apartment. Balak nya munang bumili ng makakain bago pumunta roon.

Napansin nya ang pagpupulong ng iilang mga tao malapit sa kanyang apartment. Napakunot ang noo nya habang nakatingin doon pero isinawalang-bahala nya muna.

Agad syang pumasok at pumunta sa pwesto ni Aleng Tasing, ang tinders ng mga ulam.

"Ate, isang sisig nga po." Magalang na sabi nito. Ibinigay agad ito ng matanda at agad nyang ibinigay ang bayad at nagpasalamat doon. Nang makalabas sya sa loob ng palengke ay kita nya na mas dumami pa ang pulong sa loob kaya hindi nya naiwasan na magtanong.

Kinalbit nya ang dalawang babae na mukhabg kinikilig. Napaharap sila rito. "Nathan?" Tanong nila.

"Mary, Marie. Anong meron bakit kayo nagpupulong dyan?" Takang tanong nya sa kanila. Agad namang kinilig ang dalawa.

"Kasi naman. May super gwapo at super yummy na dumating dito sa lugar natin. Di'ba kambal?" Kinikilig na sabi ni Mary.

Tumango at nag-thumbs up si Marie. "Correct ka kambal. Mukhang mayaman pa kasi ang ganda ng kotse myghad. Baka sya na yata ang nawawalang prinsipe ng buhay ko." Kinikilig na sabi ni Marie.

"Baliw akin sya, sya ang hari ng buhay ko."

"Akin sya, isa ka lang alipin nya."

At doon na nag-away ang magkapatid kaya umiwas nalang si Nathan sa pagpupulong. Hindi rin naman sya interesado sa bagong dayo sa kanila kaya mas mainam pa na pumunta nalang sya sa apartment nya.

Habang binabagtas nya ang daan doon ay kita nya na mas dumami pa ang mga tao doon. Doon sya lalong nag-taka.

Ano ba talagang meron? Tanong nya sa isip nya. Napakislot sya nang may humawak sa braso nya.

"Nathan!" Isang galit na tono ng matanda. Napalingon sya at nakita nya si Aleng Marta na nakapamewang habang nakatingin sa kanya.

"Nasaan ang bayad mo sa renta?" Bungad na tanong nito. Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Nathan st napasapo sa kanyang noo.

Napangiti sya. "S-Sorry po lola... Pwede pong sa isang linggo pa---" Naputol ang sinasabi nya.

"Hindi pwedeng isang linggo pa! Asan na ang bayad mo ngayon na!" Sigaw nito. Napapikit nalang si Nathan.

Nahihiya syang bumale sa kanyang boss dahil ayaw nyang abusuhin ito. Mukhang sa kalsada na sya pupulitin kapag hindi pa sya nakapagbayad.

Napalingon sya sa kabilang kamay ng matanda. Kita nya ang napakaraming blue bills sa kamay nito. Napakunot ang noo nya.

"Saan nyo po galing iyan?" Takang tanong nya. Napahinto ang matanda at napaiwas ng tingin sa kanya. "Wala ka nang pakialam doon. Nasaan na ang bayad mo?!" Inis na sabi nito st inilahad ang kamay nya.

"M-Magkano po ba?" Tanong nya.

"Sampung libong piso." Sabi nito. Tila nawalan ng hininga si Nathan sa sinabi ng matanda. Saan sya makakakuha ng ganoong kalaking pera?

"Extended na 'yun sa tatlong buwan mong hindi pagbabayad. Ang mga tubig, kuryente pa. Mahiya ka naman sa sarili mo Nathan!" Sigaw ng matanda. Napayuko nalang sya ng ulo at pinipigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata.

"S-Sige p-po... G-Gagawan k-ko nalang p-po ng paraan, b-bukas na b-bukas po m-magbabayad ako." Nabasag pa ang boses nya nang sabihin nya ito. Napayukom nalang ng kamay ang matanda.

"Siguraduhin mong magbabayad ka bukas Nathan. Huling palugit na iyon." Sabi ng matanda. Tumango nalang sya bago umalis ang matanda.

Bago pa sya makarating sa kanyang apartment ay sinalubong sya ng dalawang maskuladong lalaki.

"Nathan!"

"Pareng Nathan!"

Masayang sabi nila at sabay na inakbayan si Nathan.

"A-Anong kailangan n-nyo?" Tanong nya.

"Pareng Nathan naman. Hindi mo pala sinabi samin na big time ang shota mo." Sabi ni Erick at humagikgik.

"Oo nga Nathan babyloves creampie ko. May shota kana pala kaya pala ayaw mong magpaligaw sa'kin." Nakapout na sabi ni Hansel. Naparolyo nalang ng mata si Nathan.

"Umalis na nga kayo dito. Anong big time shota shota creampie kayo dyan. Umalis na nga kayo!" Inis na sabi nya.

"Ano ba naman 'yan babyloves creampie honeybutternut ko. May regla ka ba?" Pang-aasar ni Hansel sa kanya at inakbayan at ginulo pa nito  ang buhok nya. Agad namang nyang kinurot ang tagiliran nito.

"Umalis na nga kayo baka masipa ko pa kayo palabas dyan." Inis na sabi ni Nathan. Natatawa namang umalis ang dalawa bago sya huminga ng malalim.

Gabi-gabi nalang ganun ang laging nadadatnan nya. Binubwisit sya ng hilaw nyang kapitbahay kaya gabi-gabi nalang syang wala sa mood. Agad nyang kinuha ang isang susi sa kanyang bulsa at inilipat ang supot ng ulam sa kanang kamay nya.

Akmang ipapasok nya ang susi sa doorknob nang bigla syang kutubin ng masama. Napahawak sya sa kanyang dibdib at parang kinabahan.

Pero isinawalang bahala nya nalang ito at pumasok sa loob. Binuksan nya ang pinto at bumungad sa kanya ang lalaking naka white longsleeve at napalingon ito sa kanya.

Tila nanigas sya sa pwesto nya habang mahigpit na hinahawakan ang susi. "S-Sir Z-Zach?" Nauutal na tanong nya.

Ang kaninang gulat na mukha ni Zach at napalitan ng ngiti at lumapit sa kanya. Nagulat pa sya nang lumapit ito at hinagkan ang kanyang bewang. Ramdam nya ang pagpalupot ng kamay nito sa bewang sya at ang paglapit ng katawan nito sa katawan nya.

"What took you so long, my beautiful wife? Welcome back to our home."

-

Vote.

Comment.

Share.

Continue Reading

You'll Also Like

424K 26.6K 39
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
462K 16.6K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
Sarkaar By eira

General Fiction

35.3K 1.3K 13
The book contain painful and horrifying visual in book read at your risk This my first time story based on india in 1970s. This story deal with the...
60.9K 3.2K 27
Hooked onto drugs, no family, no guidance or sanity until she met HIM. Cover Creds: @Triceynexttdoor ❀️ -BLICKY.