My Miracle

By blueballoon19

137K 3.1K 753

They say everyone gets a miracle but I got Clyde. My Miracle. More

My Miracle
Chapter 1: Messing with Clyde Aiden Montero
Chapter 2: Stage 1
Chapter 3: Xerox
Chapter 4: Thank You
Chapter 5: Mulan
Chapter 6: Laws of Motion
Chapter 7: Riot
Chapter 8: Rescue
Chapter 9: Mark
Chapter 10: Asset
Chapter 11: His way of saying sorry
Chapter 12: Let me
Chapter 13: Be my date
Chapter 14: Set-up
Chapter 15 Unexpected Help
Chapter 16: True Intention
Chapter 17: Effort
Chapter 18: Jolt of Electricity
Chapter 19: About Sage
Chapter 20: Friends?
Chapter 21: Our First
Chapter 22: We're fine
Chapter 23: What are you doing to me?
Chapter 24: 30 Minutes
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Saving myself
Chapter 27: Desperate Move
Chapter 28: First One
Chapter 29: Proving his point
Chapter 30: Offer
Chapter 31: Everybody's Pain
Chapter 32: Cure
Chapter 33: All of me
Chapter 34: Us
Chapter 35: A little of his own
Chapter 36: Secret
Chapter 37: First Turning Point
Chapter 38: Brothers
Chapter 39: Soft spot
Chapter 40: I will
Chapter 41: Jethro
Chapter 42: What should I believe in?
Chapter 43: Wrong method
Chapter 45: The Prize
Chapter 46: He might not come back
Chapter 47: Losing his confidence
Chapter 48: MVP
Chapter 49: Change of Heart
Chapter 50: What I have become?
Chapter 51: By that time
Chapter 52: Cheating
Chapter 53: Clyde's Piece
Chapter 54: Should all be well?
Chapter 55: Water Lanterns
Chapter 56: Rebirth
Chapter 57: Going back to you
Chapter 58: The cost of loving him
Chapter 59: Absinthe
Chapter 60: The One who holds the stars
Chapter 61: I was made for loving you
Chapter 62: You Need Me
Chapter 63: Helping hand
Chapter 64: Good night
Chapter 65: Maybe this time
Chapter 66: Safe place
Chapter 67: Winning her

Chapter 44: Be there for me, Hannah

917 36 6
By blueballoon19

Ibang iba ang kilos ni Jethro sa pagkakakilala ko sa kanya. Nakilala ko siyang kalmmado at may sariling confidence sa sarili. Hindi katulad ngayon na parang natataranta siya na parang may gustong takasan.

"Anong ginagawa mo dito?" yun lang ang natanong ko sa kanya sa gulat ko.

Tinignan ni Jethro yung lamesa kung saan ako nagaayos ng mga gamit.

"I see that you are getting out of this hospital?"

"Ano naman sayo?" naging matapang ako sa pakikipagusap kay Jethro.

"Umalis na kayo bago pa may mangyari" napahinga na siya ng malalim nun.

"Anong gagawin mo?"

"Hindi ako." Napangiti si Jethro "Baka si Aiden pa ang gumawa ng gulo"

"Ha? Bakit naman?" 

"Nandito si Clare. She is visiting our mom. Im doing a favor for Aiden and probably you. Ayaw mo naman sigurong makitang nagwawala si Aiden."

Magwawala si Clyde? Bakit?

"I know you are confused pero makinig ka lang sa akin. Nothing will happen kung aalis na kayo ngayon."

Hindi na naman mapakali si Jethro. Kung kaya niya lang baka tinulak na niya ako palabas ng kwarto hanggang palabas ng ospital.

Tumalikod si Jethro sa akin at binuksan yung pinto nung nagtanong ako sa kanya.

"Bakit ganyan ka na lang kung magalala kung magkikita si Clyde at si Clare?"

"I am not giving any crap about Aiden. Kambal ko si Clare at kung alam mo ang alam ko. Magdadalawang isip ka din kung bakit dumidikit ka pa sa kanya"

"Paano kung sabihin ko sayo na alam ko?"

Tumingin sa akin ng makahulugan si Jethro. 

"Are you really sure of what you know?" seryoso niyang sabi sa akin bago siya tuluyang lumabas.

Tumaas ang mga balahibo ko sa huli niyang sinabi. Para niya akong hinahamon na mali ang nalalaman ko patungkol kay Clyde. Mali ba ang sinabi ni Sage? Ano ba ang tama?

Nakaayos na ako nung bumalik si Clyde. Sa totoo niyan nahuli ko ang sarili kong iniisip si Clyde at kung ano ba ang nakaraan niya. Nung tinignan ko si Clyde ay may hawak siyang inumin nun at inalok sa akin.

"Hindi ba pwedeng humabol ako sa klase ngayon?" 

"Wag na. Wala ka naring aabutan."

"Pero Clyde-" tigil ko sa paginom

"Okay okay. May magagawa pa ba ako? May matalino kasi akong girlfriend."

Ngumiti ako na parang bata kay Clyde bago niya kinuha ang bag ko para dalhin. Magkahawak kami ng kamay na lumabas sa kwarto. Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa may gawing kaliwa ko. Dun ko nakita si Jethro na may tulak tulak na wheelchair. Yun siguro ang mama niya. Tumingin ako kay Clyde pero wala dun ang attensyon niya. Habang nakahawak siya sa kamay ko eh nakatingin siya sa cellphone niya at nagtetext.

Napatingin ako ulit kay Jethro na palayo na sa amin. Pinagmasdan ko ng mabuti ang nangyayari. Ayokong magkatinginan na lang bigla si Clyde at si Jethro dahil alam kong magsisimula lang ito ng gulo. Bago ko pa man mabawi ang tingin ko paalis kay Jethro ay may nakita akong babaeng tumatakbo para mahabol sila. May hawak hawak siyang pula na kumot at inabot yun kay Jethro. 

Sigurado akong si Clare ang babaeng yun. Sa unang tingin hindi ko aakalain na kambal si Jethro at si Clare. Mas matangkad si Jethro sa kanya pero pag titignan mo ng mabuti si Clare ay hindi sila nalalayo ni Jethro sa itsura. 

Binawi ko ang tingin ko at mas lalong napakapit ng mahigpit kay Clyde. Kinabahan ako. Bumilis ang lakad ko kaya walang nagawa si Clyde kundi mapasunod sa akin dahil magkahawak kami ng kamay.

"Ayos ka lang?"

"Baka malate tayo." Sinubukan kong ngumiti sa kanya pero sa loob loob ko natataranta ako.

"You and your responsible attitude." tamad na sabi sa akin ni CLyde pero nagpapahila naman siya.

Nung nasundo na kami ay hindi parin maalis sa isip ko ang itsura ni Clare.

Maganda siya. Sobrang ganda. Tsinita. Napatingin ako bigla kay Clyde na ngayon ay nakaidlip na habang hawak-hawak pa din ang kamay ko. Naalala ko na sinabi niya dati sa akin na ayaw niya ng chinita. Dahil ba yun kay Clare? May sense ba na ayaw niya ng chinita ay dahil kay Clare?

Bakit sa loob loob ko alam ko nagseselos ako sa nakaraan na hindi na mababago?

Tinignan ko ang magkahawak na kamay namin ni Clyde.

Gaano ba kalalim ang naging relasyon nila ni Clare?

___________________________________

Nagulat ako nung hindi kami dumeretso ni Clyde sa klase kundi sa Mirror House. 

"Ayos na ba ang mga sugat mo? Walang masakit?"

"Wala. Puro gasgas lang naman to Clyde. Tsaka bakit ba tayo andito. Sobrang late na natin sa klase."

"After lunch na tayo pumasok. Nagsabi na ako kay Migs na gumawa ng notes sa mga mamimiss natin na klase ngayong umaga."

"Ano bang gagawin natin?"

"Trust me, para sayo to" inalalayan ako ni Clyde papunta sa may sala.

Dun ko nakita yung babaeng tumulak sa akin na nakaupo sa may sofa kung saan nasa likod niya si Brian at Dustin na sumalubong sa amin nung nakita nila kami.

Umapir si Clyde kay Brian at sunod kay Dustin. 

"Magaantay kami sa labas" sabi ni Brian.

"Clyde, walang papatol sa babae, Okay? Malalagot tayo kay Anton nito" paalala ni Dustin.

"Oo na. Laking duwag niyo kay Anton" deretso ni Clyde.

"Ikaw na bahala Hannah baka sumabog yan sa init" kausap sa akin ni Dustin habang si Brian naman ay natatawa lang.

Nalilito akong sumunod kay Clyde. Tumayo si Clyde at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa sofa na katapat nung sofa nung babaeng tumulak sa akin.

"Minerva tama?" arroganteng tanong ni Clyde.

Tumungo lang yung babae na nasa harap namin at hindi makatingin kay Clyde. 

"Clyde ano ba tong ginagawa mo?" kumapit ako kay Clyde para itigil niya na ang ginagawa niya.

"Nakikilala mo ba siya Hannah? Siya yung tumulak sayo nung rehearsal"

Tinignan ko ulit yung babae sa harap ko. Mahigpit siyang nakakapit sa palda niya. At mas lalong yinuko ang ulo niya. Naawa ako sa kanya. Alam kong di niya gusto ang kinalalagyan niya ngayon. 

"Sorry... Sorry Clyde. Hindi ko sinasadya." nanginginig na sabi ni Minerva

"Sinabi ko bang magsalita ka? At bakit sa akin ka nagsosorry? Ako ba ang nagawan mo ng mali?" Lumingon sa akin si Clyde. "Sabihin mo sa akin siya ba?"

Umiiyak na si Minerva pero hindi parin natitinag si Clyde.

"Clyde tama na"

"Ginawan ka niya ng mali. Sa tingin mo dapat palagpasin na lang yun? Sa lahat ng taong pipiliin niyang banggain ikaw pa? Hindi ata nagiisip tong taong to. Suspension? Expulsion? Anong gusto mo Hannah? Lets do the justice for you. Ako ang bahala"

Hindi nagbago ang expresyon ni Clyde. Seryosong seryoso siya habang sinasabi sa akin yun.

Nakita ko na lang na sumalampak na si Minerva ng nakaluhod sa sahig. Mas lumakas ang iyak niya ngayon habang tinatakpan ang mukha niya ng dalawa niyang kamay. Alam kong alam na ni Minerva na wala na siyang magagawa pag nagdesisyon na si Clyde. Hawak ng tatay ni Clyde ang school na ito. Isang sabi lang ni Clyde eh magagawa niya ang gusto niya.

Lumapit ako kay Minerva at aalalayan siya sana para tumayo pero hindi na siya matigil sa pagiyak.

"Tumigil ka na sabi Clyde"

Biglang kumapit sa akin si Minerva. Hindi na mapigilan ang pagbagsak ng mga luha niya.

"Im sorry Hannah. Hindi ko sinasadya. Im so sorry. Sorry talaga"

Halos hindi na makahinga si Minerva. 

"Huwag kang magapekto sa kanya. Nagpapaawa na siya sayo ngayo dahil ginawan ka niya ng mali at ako ang sisingil sa kanya"

"Ginawa niya yun dahil gusto ka niya!" tumaas ang boses ko kaya nagulat si Clyde at napaawang ang bibig niya pero walang lumabas na boses kahit na alam kong gusto niya pang magsalita para umapila sa akin.

Hinarap ko si Minerva "Wag ka na umiyak. Ayos lang naman ako. Wala kang kasalanan kasi marami namang tao at nagkakatulakan na. Bumalik ka na sa klase mo"

Umiiyak pa din si Minerva na humihingi ng tawad sa akin kaya inalalayan ko siya para tumayo dun lang siya tuluyan na lumabas ng kwarto pagkatapos magpasalamat sa akin. Hindi niya na maharap si Clyde nun.

Nung tinignan ko si Clyde ay halata sa mukha niya na disappointed siya sa ginawa ko. 

"Okay na yun Clyde. Hindi na natin kailangan palakihin yung nangyari"

"Masyado kang mabait alam mo ba yun?"

"Eh anong gusto mong gawin ko? Pahirapan siya? Iexpel? Para lang sa pagtulak sa akin?"

"Gusto lang kitang protektahan. Ipaglaban sa kanila pero sa ginawa mo para mo na rin akong tinanggalan ng karapatan gawin yun"

"Clyde-"

"Pasensya ka na kung yun lang ang alam kong paraan. Ayoko lang na minamaliit ang mga bagay na mahalaga sa akin"

"Alam kong ginagawa mo to para sa akin pero hindi na kailangan."

"Kung ganun, bakit ayos lang sayo na ipagtanggol ka ni Sage sa paraan na gusto niya?"

"Ha?"

"Sa tingin mo hindi ko malalaman na may bagong laruan na pinapahirapan si Sage? Sa tingin mo ba umiiyak lang siya dahil gusto kong gumanti sa kanya? Nagsimula na si Sage. Sinira niya ang kotse ni Minerva. Nilagyan ng mga basura ang locker nito at linagyan ng wet paint ang desk niya pati mga libro niya. Hindi siya umiiyak dahil lang natatakot siya sa akin. Umiiyak siya dahil napapagod na siya sa nangyayari sa kanya "

"Kahapon lang lahat nangyari to?" gulat kong sabi sa kanya

"Oo. Lahat yun ginawa ni Sage para sayo and it sucks. Wala siya karapatan pero ginawa niya yun."

Napangiti ako kahit na nagulat ako sa mga bagay na ginawa ni Sage kay Minerva eh napapangiti ako ngayon. Nagseselos si Clyde at hindi ko alam kung bakit pero ang cute niya pag nagseselos siya.

Ngumuso sa akin si Clyde dahil nakita niya akong nakangiti. Malungkot ang mga mata niya nun. Alam kong seryoso na ang itsura niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you, Clyde."

Hinalikan ako ni Clyde sa ulo. "I cant do anything bad when you act like this"

Inangat ko ang ulo ko para makita ko ang mukha ni Clyde habang nakayakap parin sa kanya "Wag ka na magalala. Okay? Alam ko dapat na isa to sa haharapin ko pag naging girlfriend mo ako at ayos lang sa akin yun"

Huminga ng malalim si Clyde. "Sige na nga. Paano si Sage?"

"Kakausapin ko si Sage" bumitaw ako kay Sage.

"No. Hindi mo siya kailangan kausapin okay? Not now. Not when I am away. Okay?"

"Sige, pero walang away na mangyayari ha? Hindi mo na kailangan kakausapin si Sage tungkol dito kasi malalaman niya na hindi mo pinatulan si Minerva kaya mawawalan na siya ng gana na gumawa pa ng gulo." 

"Bakit alam na alam mo ang dapat na gawin? You always calm the devil inside me. I thank you for that, baby"

Yun ang huling seryoso na mga salita na binitiwan sa akin ni CLyde bago siya umalis papuntang dance con sa CDO. Limang araw sila dun simula bukas. Kasabay na din kasi nun ang dance camp kung saan pipili ng mga representatives na ipadadala sa Macau. Mga graduating ang laging napipili dun kaya ang pinaguusapan ng mga estudyante ngayon ay baka this year malaking tsansa na si Clyde o si Anton ang mapili. Hindi ko alam ang gagawin pag nangyari yun. Ang mapipili kasi na estudyante para dun ay mawawala ng anim na buwan ibig sabihin ay hindi na siya magaaral sa school at ieexempt na lang ng school.

"Alam mo limang araw lang mawawala si Clyde. Hindi mo kailangang tumunganga no! Gayahin mo ako diba?"

Natatawa na lang ako sa sinasabi ni Emily kasi kanina pa siya nakayuko at hindi mapakali sa cellphone niya sa kakarefresh at kaka-follow sa page ng Jedi Conspiracy. 

Biglang tumabi sa akin si Nathan na may hawak na mga flyers at posters.

"Nakapagregister na ba kayo?"

"Saan?" tanong ni Emily. Nakakapanibago na makita ngayon si Nathan lalo na sa nalaman ko sa kanila ni Sage. Gusto kong isipin na may mga problema ako na hindi ko na sakop. Na hindi ko na dapat pakialamanan lalo na kung dun magsisimula ang di pagkakaintindihan namin ni Clyde.

"Sports fest" inabot sa amin ni Emily isa isa ang mga flyers. "At least one sport to choose"

Tumayo agad si Nathan at umalis. Binasa ko ang nakalagay dun sa flyer. Hindi ko akalain na magsisimula na ang pagdadraft ng players para sa ibat ibang sports like basketball, volleyball, socceer, billiards, bowling, taekwondo at iba pa ngayong linggo.

"Hindi ba magiging mahirap to kay Anton? Pagkatapos ng contest ay sasabak na siya para sa sports fest?" pagrereklamo ni Emily sa akin.

Masyadong magkasunod ang mga mangyayaring contest at sports fest. Hindi kaya mapagod ang Jedi Conspiracy? Alam kong option naman nila kung sasali sila sa sports fest at alam kong dahil sa ugali nila ay maglalaro parin sila kahit pagod na sila sa kakasayaw.

"Ikaw Hannah, anong sasalihan mo? Magiging maganda din tong source ng extracurricular points mo pag gusto mong grumaduate with honors"

Napatingin ako kay Emily. Wala naman akong alam na sport at hindi din ako sumasali sa mga ganito dun sa mga nakaraan kong school.

"Meron ditong volleyball o di kaya basketball girls"

"Emily, wala akong alam kahit isang sport." mahina kong sabi sa kanya.

"Talaga?" sabi na nga ba magugulat siya eh. 

Yumuko ako nung nagsalita siya ulit. "Ako din naman"

"Ano?"

"Wala akong alam na sport so alam ko na ang gagawin natin" nakangiti siya sa aking ng sobrang lapad.

"Ano yun?"

"Magmamarshall tayo sa basketball team."

"Ha? Counted ba yun?"

"Oo. Yun nga lang mababang points compared sa points ng mga estudyante na players lalo na pag nanalo sila and became champion"

"Ganun ba yun?"

"Oo, better than walang points diba?"

Tama nga naman si Emily. Mabuti nang magmarshall kami kaso kailangan lang namin agahan ang pagpunta sa assembly time mamaya kasi madami raw talaga pumipila dun lalo na pag andun ang mga miyembro ng Jedi Conspiracy.

Pagkatapos ng klase dumretso na agad kami sa gym ni Emily. Kahit na wala ang Jedi Conspiracy eh madami pa din ang mga estudyante.Nagsumiksik kami sa unahan ni Emily para madali kami makita. Sabi kasi niya bawat isang player sa team ng freshman, sophomore,juniors and seniors ang pipili ng isa nilang marshall at karamihan sa mga gustong magmarshall ay gusto mapunta sa seniors dahil andun ang jedi conspiracy.

Unang pumasok ang freshman team nagsimula na ang pagdadraft ng players at sinundan na agad ng pagpili nila ng mga marshall. Naging mabilis lang yun dahil bago palang sila ay yung mga pinili na nila ay yung mga kaklase na nila.

Mas tumagal ang pagpili na ginawa ng sophomores dahil may mga bago silang members. Ganun din ang nangyari sa juniors. Para sa members ng Jedi Conspiracy na si Brian at Dustin na Juniors, pipili sila ng magmamarshall sa kanila pagbalik nila dahil yun ang sinabi nila sa coach nila. 

Naghihintay na lang kami na pumasok na ang seniors dahil sa tingin ko wala namang pipili sa akin at kailangan ko na lang suportahan si Emily at baka may iniwan si Anton na pangalan bago siya umalis nung biglang natawag ang pangalan ni Emily.

Napatingin kami ni Emily sa isat isa. Sino naman ang pipili sa kanya mula sa Juniors diba?

"Emily Urdaneta of 4th year class as marshall of Jan Nicor"

Napatingin kaming sabay dun sa katabi nung announcer at nakita namin ang isang matangkad na lalaki na di mo aakalain na junior lang. Halata mong may halo sa lahi niya. Gwapo, oo naman. Pero halata kay Emily na hindi niya kilala yung si Jan. 

Tinawag ulit si Emily kaya wala na siyang nagawa kundi lumapit at tumabai kay Jan.

Nung natapos na ang mga Juniors eh bumalik na si Emily sa tabi ko ng nakasimangot.

"Hindi ko naman kilala yun eh. Bakit pinili niya ako? Para ako kay Anton. Grabe."

Inakbayan ko na lang si Emily dahil hindi ko din alam ang sasabihin sa kanya.

Maya maya lang ay pumasok na ang seniors. Naghiyawan ang mga tao. At sa inaasahan ng lahat wala dun si Anton at Sage dahil nasa contest sila. Isa isa nang namili yung mga players. Inaabangan na lang ay kung may napili si Anton at si Sage na iniwan nila sa coach nila. 

"Jasmine Wenceslao of 4th year class as Marshall of Anton Zamora"

Naramdaman ko na nanghina ang mga balikat ni Emily. Hindi ko alam ang gagawin dahil alam kong nalulungkot siya.

Tumingin sa akin si Emily at nagpilit ng ngiti. "What do I expect diba? Syempre si Jasmine na yun"

"Tara ng lumabas. Kumain tayo ng ice cream o kaya uminom ng milk tea"

Tumungo sa akin si Emily at lalabas na sana kami ng gym nung nagsalita ulit yung announcer.

"For Sage Loyzaga--"

Napahinto yung pagsasalita ng announcer kasunod ng malakas na sigaw ng pangalan ni Sage.

"SAGE!"

"Andito si Sage!"

Nagulat ako na makitang naglalakad papunta sa gitna ng gym si Sage. Nagbubulungan na ang lahat ng tao. 

"Bakit siya andito? Paano yun hindi na kumpleto ang Jedi Conspiracy sa dance con ngayon"

"Baka naman susunod siya, hindi pwedeng hindi siya kasama sa dance con."

"Nagpaiwan ba siya o hindi na siya pinasama ng ibang Jedi Conspiracy?"

"Dont tell me tanggal na siya?"

"Diba dapat matagal na siyang tinanggal? Lagi siyang sakit ng ulo"

Ngayon naniniwala na ako sa sinasabi ni Sage na siya ang pinakaayaw ng mga tao sa Jedi Conspiracy. May mga nalulungkot na hindi siya kasama sa dance con pero mas marami ang nagiisip na tamang wala siya dun.

"LOYZAGA!" sumigaw ang head coach ni Sage at lumapit sa kanya. Nagusap sila ng pabulong at napangiti sa huli si Sage bago siya iwan ng head coach nila.

Tumingin si Sage sa unahan at nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya lalo at kinindatan ako. Dahil sa tingin ko hudyat na naman yun para inisin niya ako eh nagsabi na agad ako kay Emily na umalis na kami. Mukhang nagets yun ni Sage kaya kinuha niya yung micropono at dun nagsalita.

"HANNAH! Dont you dare turn your back on me!"

Ramdam na ramdam ko ang mga titig na binibigay sa akin ng mga tao sa loob ng gym. Nagmamasid. Nakakapanghina. Handang handang manghusga.

Ganito din yun mga binitawan niyang salita dun sa pangyayari sa pool kung saan ko siya hinila para mahulog siya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nagsusukatan lang kami ng tingin ni Sage bago niya binatawan ang salitang nagpaawang ng bibig ko.

"Be there for me Hannah"

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...