Asungot and Engot: A small Fo...

By AliAmai

6.9K 160 14

More

Asungot and Engot: A small Forever
CHAPTER 1: Baby
CHAPTER 2: Kiss sa Cheeks
CHAPTER 3: Nose Bleed
CHAPTER 4: Nababaliw sayo..
CHAPTER 5: Lutang
CHAPTER 6: Pompyang
CHAPTER 7: Paano Kita Makakalimutan-
CHAPTER 8: Nanghihina ako..
CHAPTER 9: Kinilig Ka eh
CHAPTER 10: Wag Ipagmalaki ang Maliit
CHAPTER 11: Pakilala
CHAPTER 12: Stop In The Name Of Love
CHAPTER 13: Kumakabog-kabog
CHAPTER 14: Manligaw
CHAPTER 15: Don't Need to Pretend Anymore
CHAPTER 16: I'm your Superman
CHAPTER 17: I'll Make Every Second Count
CHAPTER 18: Betrayed
CHAPTER 19: My First Kiss
CHAPTER 20: Mabangis
CHAPTER 21: A Small Forever
CHAPTER 22: Free Taste
CHAPTER 23: Ethina & Vincent
CHAPTER 24: Past and Present
CHAPTER 25: The Transformation
CHAPTER 26: The Past in Future Days
CHAPTER 28: Heartache
CHAPTER 29: The Decision
CHAPTER 30: Break-up
CHAPTER 31: Break Down
CHAPTER 32: Proposal
FINALE: May Forever

CHAPTER 27: Eavesdrop

204 5 0
By AliAmai

CHAPTER 27: Eavesdrop

Charie’s POV

“Mamimiss kita Ate! Balik ka agad ha? Mag-iingat ka dun. Huhuhuhu!”- Mei

“Mamimiss din kita super Sisthaa! Wag mag boboyfriend agad ha? Pakilala mo muna sakin..” –Ate Mia

Nagyakapan na silang dalawa.

Nandito kami ngayon sa Airport, hinatid namin si Ate Mia, sinamahan namin si Mei, nandito din si Vincent, Jade at Asungot syempre..

Naging close na rin kasi kaming 6 kahit na papano. Umo-ok na rin kasi sila Asungot at Vincent..

At ngayon nga ang balik ni Ate Mia sa Chicago, magpapalipat lipat siya ulit ng bansa..

Grabe ang sipag ni Ate Mia..

Sa looob ng ilang linggo, sobrang naging malapit kami sa kanya.. At ngayon nga syempre naiiyak din kami na aalis na si Ate Mia..

Ilang minute pa silang nagyakapan ni Mei, pati kami niyakap niya at binilinan isa-isa..

“Ikaw Jade, wag masyadong give sa mga mamahalin ah? Magtira para sa sarili, saying ang ganda kung iiyak lang lagi okie?”

“Opo.. Huhu..”

“Ikaw naman Ranier, wag masyadong masungit. Sometimes give the world a smile..”

“Si Engot lang naman ang mundo ko, ok na siya lang ang nakakakita ng ngiti ko.”

“Asus! Minatamis pa more! Anyways, ikaw naman Charie, nako! May creation! Oh ang ganda mo na ah! Say thank you to me! Haha ust kidding, ingatan ang ganitong boyfie ha? Alagaan ang sarili..”

“Salamat Ate Mia..”

“Ikaw naman, insan, ingatan mo tong kapatid ko ah! Ikaw lang maaasahan kong magbantay dito. Ingatan niyo ang bahay ha? Yung kinuwento mo sakin, aasahang kong may mangyayaring maganda tungkol dun, sana wag kang susuko Insan. Pero wag kang gagawa ng kalokohan ah.. Goodluck.. Kaya mo yan..”

“Yeah.. Thanks Ate.”

Humarap na si Ate Mia kay Mei..

“At ikaw naman, ang kaisa isahan kong magandang kapatid. Oh gash! Em gonna Cry.. Ingatan mo lagi sarili mo ah? Wag magpapaostress masyado yung keri lang ng beauty mo, tandaan mo, wala lagi si Ate sa tabi mo para paalalahanan ka.. I love you so Much Sisthaa.. Kayong lahat, thank you for making my stay worth while.”

Niyakap niya kaming lahat at tuluyan na siyang nagpaalam..

“Mamimiss ko si Ate..”

“Kami rin..”

Nagtagal pa kami dun ng mahigit kalahating oras tapos umalis na rin kami..

Sa kotse..

“Tara sa Beach..” Napatingin kaming lahat kay Asungot..

“H-ha?” tanong ko sa kanya..

“Tignan niyo nga yang mga mukha niyo oh. Masyado kayong down. Its as if hindi na babalik si Mia. Cheer up!”

Biglang pumalakpak si Jade..

“Great idea! Tatawagan ko na sila Daddy! Dun tayo sa Resort namin! Tara na Sembreak naman na eh!”

“O-ok..” nasabi nalang namin ni Mei.. Si Vincent, as usual tulala nanaman..

Maalala ko nga pala kanina..

~”… Yung kinuwento mo sakin, aasahang kong may mangyayaring maganda tungkol dun, sana wag kang susuko Insan. Pero wag kang gagawa ng kalokohan ah.. Goodluck.. Kaya mo yan..”~

Ano kayang tinutukoy ni Ate Mia dun sa sinabi niya? Ano naman kaya yung hindi isusuko ni Vincent?

Katulad ng napagkasunduan, umuwi lang kami at kumuha ng gamit.. tapos diretso na dun sa Resort nila Jade, grabe hindi ko naman akalain na agad agad din ang alis. Hindi naman sila Excited ano?

“Ngayon na talaga aalis?” tanong ko kay Asungot habang tinutulungan niya akong kumuha ng gamit..

Nandito kaming dalawa sa kwarto ko at pinapanood kami ng Nanay ko..

“San ba kayo pupunta?” tanong ni Mama na pumasok na rin at tumulong sa pag-aayos ng gamit ko.

“Sa Resort po nung Classmate namin.. Small Vacation lang po. Maybe for 3 days and 2 nights kaming magstay. Ok lang po ba?”- Asungot

“Hay nako! Ok na ok! Basta ingatan mo lang yang babaeng yan ha? Ibalik mo dito ng walang galos, buo ang katawan, at birhen ha? Gusto ko Diploma muna bago bata –“

“Mama naman! Ano nanaman yang mga kabalbalan mo?”

“Haha! Joke lang! Alam ko namang hindi gagawin ni Ranier yun, malaki tiwala ko dyan. Alam kong safe ka dyan.”

“Oh, aalis na ba kayo anak?” si Papa na biglang pumasok sa kwarto ko..

“Op—“

“Opo Pa, aalis na kami. Uuwi ko po ng maayos itong si Engot..” –Asungot

“Tinawag mo bang ‘PA’ ang Papa ko?”

“Oo, bakit? Hindi naman katagalan mula ngayon, magigiing Papa ko na rin siya, kung pwede ko naman siyang tawaging Papa sa oras na yun, bakit hindi ko pa simulan ngayon di ba?”

“Oo nga naman anak.. haha!”

Nagtawanan sila ng parang isa talaga kaming Pamilya.. Nakaktuwang marinig na tanggap nila Mama at Papa si Asungot.. Parang ok na lahat? Kontento na ako sa ganito,masaya na.. Yung parang alam mo na kung anong mangyayari?

~~

~“I’m happy for you. And I’m happy for myself too. Because I had the chance to share A small forever with you.. Not for long. Not that strong, but it’s worth to be treasured, those memories, I will carry on along with my life.. Be happy Engot.. Goodbye..” Sabi ni Asungot habang unti unti siyang naglalaho sa panigin ko.. Hinabol ko siya at pilit isinisigaw ang pangalan niya.. Hanggang sa tuluyan na siyang maglaho.. Nasan na siya?

Goodbye? Bakit may Goodbye?! Anong nangyayari?!

“Asungot! San ka pupunta? Bakit mo ko iiwan? Anong ibig sabihin nung sinabi mo? Asungot----!!”~

“Engot!”

Napadilat ako at napatingin sa tabi ko..

“Ano yung sinabi mo?” tanong ko kay Asungot

“Anong anong sinabi ko? Wala naman akong sinabi tinatawag lang kita. Nananaginip ka kasi eh..”

“Hindi eh. Yung sinabi mo sa panaginip ko, anong ibig sabihin nun?”

“Bakit? Ano bang sinabi ko sa panaginip mo? Ano bang napaniginipan mo?”

Sinubukan kong sabihin pero hindi ko na maalala. Nakakainis naman! Alam kong gusto kong malaman kung anong ibig niyang sabihin dun sa panaginip ko.. Pero bakit may ganun? Ano ba yun?

“What? Ano yung napaniginipan mo? Ok ka lang ba Engot?”

“H-ha? O-oo ok lang ako..” tsaka ko lang napansin na nakatingin silang lahat sakin, pinatigil pa nila yung sasakyan. Haayy.. Ano bang iniisip ko? Bakit naging ganun yung paanginip ko..

“Sige na tumuloy na tayo..” inakbayan ako ni Aaungot at tinanong ulit..

“Sure ka, ok ka lang? Gusto mo wag na tayong sumama? Uuwi na kita..”

“Hindi. Ok lang ako.”

Inabot pa kami ng ilag oras bago nakarating sa Resort nila Jade.. Hindi na ako ulit nakatulog.. Natakot ako dun sa panaginip ko, ayokong mapaniginipan yun ulit. Hinawakan ko yung ulo ni Asungot na nakasandal sa balikat ko..

Hindi mo naman ako iiwan diba? Hindi ka naman aalis. Hindi naman tayo maghihiwalay? Walang iwanan ha?

Nang makarating kami sa Resort nila Jade..

Ang ganda, parang Boracay na.. Mejo mataas yung lugar pero tama lang yung klima.. Sakto lang din pag nagpunta sa dagat..

Pinapasok na kami nung katiwala.. Kaya lang may bisita pala sila Jade..

“Darn it! Ayoko nga sabi dito Mom!”

Isang babaeng may kausap sa Telepono at sumisigaw..

“Bakit ka nandito?!”

~~

“Bakit ka nandito?!” –Mei

Nakita namin si Ethina na nakatayo at may hawak na Cellphone..Napatingin siya saming lahat, nagulat siya nung magtama ang paningin nila ni Vincent, pero mabilis siyang napangisi nang mapatingin siya kay Asungot. Ano naman kayang binabalak nitong babaeng to?

“Ok na pala ako dito Mom. Bye..” sabay baba niya nung Telepono niya..

“Hey there..” bati niya samin.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jade

“Oh you must be Jade, Well, bakit ako nandito? Dito kasi ako pinadala ng Daddy mo na nanliligaw sa Mom ko..”

“Shut up..” Napayuko si Jade..

“Shut up? Tatanungin mo ako tapos Shut up? Sabog ka ba teh? Haha! Wag kang mag-alala, hindi ako basta basta papayag na maging kapatid ka. Anyway, maganda naman yung Resort niyo ng Daddy mo. Good. Good for you.”

“I hate you..” Sabi ni Jade sabay kuha ng mga gamit niya at pasok pa sa loob..

“I HATE YOU MORE!” pahabol na sigaw ni Ethina..

Napairap nalang si Mei tapos sinundan niya na si Jade sa loob.. Binuhat ko na rin yung ibang gamit at sumunod na sa kanila.. Ganun din ang ginawa ni Asungot..

Pero naiwan si Vincent sa Sala kasama si Ethina.. Alam kong mag uusap sila, wala naman akong kinalaman sa pag-uusapan nila pero bakit gusto kong malaman kung ano yun? Bakit interesado ako?

Sinamahan ako ni Asungot sa magiging kwarto ko at tinulungan niya akong ayusin yung iba kong gamit.

“Tulong ka ng tulong sakin ayusin yung gamit ko, pero yung gamit mo sabog sabog.”

“Manhid ka talaga. Syempre tutulungan mo rin ako! Gusto mo ikaw lang tinutulungan dyan! Andaya daya mo.” Nahiya naman ako dun. Oo nga naman hindi ko nga naman kasi siya tinutulungan sa mga gamit niya. Para ka talagang Sira Charie..

Kaya pagkatapos namin sa gamit ko sinamahan ko rin siya sa kwarto niya para mag-ayos..

“Asungot.. Bakit kaya nandito si Ethina?”

“Hindi ko din alam Engot. At lalong wala akong pakielam.”

“Parang wala ka namang pakielam sa mundo haha!”

“May pakielam ako sa mundo, yun nga lang ikaw ang mundo ko. So ikaw lang ang iniisip ko.”

“Eto na ba yung puntong dapat masaya na ko dahil pinapakilig mo ko? Haha!”

“Pangit ka. Panira ka ng moment.”

“Haha! Maalala ko nga pala. Nandito si Ethina.. Magpahalik ka ulit ha?” sarkastiko kong sabi..

“Eeehhh ako nanaman sisisihin. Baka ginusto ko ano po? Baka alam kong gagawin niya yun?” sabi niya na mas sarkastik pa sakin

“Ikaw nga, yung EX Manliligaw mo ilang linggo na nating kasama. Akala mo ba hindi ko nahahalata? Lagi kang tinititigan non!”

Napatingin ako sa kanya ng nagtataka.

“Anong sinasabi mo dyan? Si Vincent? Anong laging tinititigan?”

Padabog niyang inayos yung mga gamit niya..

“Yung kumag na yun, parang nananadya na hindi mo maintindihan, alam niyang may Boyfriend ka pero kung bumuntot sayo, kung titigan ka, kung makipag usap sayo akala mo siya yung Boyfriend! Nakakainis! Kung hindi lang dahil sayo nako! Bubugbugin ko talaga yun! Nakakainis! Akala mo kung sinong---Ugh! Aso ba siya?! Bakit ka ba niya kasi laging tinititigan?!”

Natulala na lang ako kay Asungot..

“Ano?! Titignan mo lang ako?! Wala ka bang sasabihin dyan?! Tsk.”

Tinuloy ko nalang yung pag ayos sa gamit niya ng walang sinasabi, natatawa ako na ewan. Haha! Para siyang bata, binabalibag niya yung mga gamit niya habang nakanguso haha!

“Ay grabe!” binato niya yung T-shirt niya sa dulo ng kama. Tapos tumingin siya sakin ng galit.

“Ano?!” tanong ko.

“Wala ka talagang sasabihin?! Nakakainis naman!”

Umupo ako tapos hinatak ko siya paupo din sa tabi ko.

“Ano?!” –siya

“Alam mo topak ka rin eh. Tignan mo yang inaasta mo! Bakit ka biglang nagagalit dyan?!”

“Eh yung  Vincent na yun eh! Nakakainis siya! Tapos ikaw parang wala kang pakielam sa nararamdaman ko!”

“Kung wala akong pakielam , dapat pinapatulan ko siya! Nagseselos ka ng walang dahilan.”

“O-oy! Hindi ako nagseselos ah!”

“Edi hindi..”

Huminga ako ng malalim para sumigaw, tatawagin ko si Vincent..

“Vince—uump!”

Tinulak ko siya at tumawa ako ng malakas..

“Bakit mo siya tatawagin?!” –siya

“eh bakit mo ko hinalikan?!”

Tinalikuran niya ako tapos tumayo na siya.

“Halata namang nagseselos kailangan ba sinasabi pa? Hindi mo ba yun nararamdaman?!”

Tumalon ako sa tabi niya(Nakatayo kami) Tapos hinawakan ko yung kamay niya.

“Joke lang! Eto naman. Pinagtitripan lang kita. Wag ka kasing makeso hindi ako sanay eksdi!”

“Yuck ang jejemon mo.” Tapos hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko, at lumabas na kami ng kwarto..

 Paglabas namin..

“Nasan na sila? Walang tao..”

Naglakad lakad kami ni Asungot hanggang sa makita naming sila Mei at Jade sa puno sa ilkod ng bahay.. Parang may malalim silang pinag-uusapan, para kasing paiyak na si Jade.. Lalapit n asana ako pero pinigilan ako ni Asungot.. Kaya tinignan ko siya.. Umiling siya sakin..

“Baka gusto niya kay Mei lang muna sabihin..”

Aalis na sana kami ni Asungot, pero napatigil ako ulit nang marinig ko yung pangalan ni..

“Yung Ethina na yun..” –Jade

Umupo kami ni Asungot sa likod nung nakabukas na pinto. Hindi na naming napigilang makinig sa usapan nila..

“Bakit ba siya nandito?” –Mei

“Kakatawag ko lang kay Daddy, ang sabi niya, ditoo daw muna mag stay yung anak nung nililigawan niya, dahil may gagawin silang dalawa. Nakakainis talaga si Daddy! Sabi niya walang anak yung nililigawan niya. Bakit naman kasi kailangang mawala ni Mommy, nakakainis talaga!”

“Kwento mo nga ng ayos..”

Narinig naming nagsisimula ng umiyak si Jade..

“Eh kasi si Mommy, iniwan kami nung bata palang ako, kaya ayan, si Daddy nung nakilala niya yung babaeng yun, niligawan niya na kagad, sa pagkakaalam ko, walang pamilya yung babae, walang asawa at anak. Kaya sabi ko ok lang ako sa kanya, as long as kaya niya akong tanggapin, nameet ko na siya personally and mabait siya, hindi ko nga alam kung nagliligawan pa rin sila o sila na matagal na eh! Pero the fudge naman! Bakit hindi nila sinabi sakin na may anak pala yung babaeng yun?! Worse is! Yung Ethina pa na yun! Pano na yan, pag may ginawa siyang masama kay Chacha, baka magalit sakin si Chacha dahil ‘Future-half-sister’ ko na siya?! Nakakainis naman talaga! How I wish ireject nalang si Daddy!”

Tumayo na ako at nagpakita sa kanila..

“Uy..”

Napatingin sila samin ni Asungot..

“Chacha.. May narinig ba kayo?”-Jade

Umupo ako sa tabi nila..

“Hindi naman ako magagalit sayo Jade.. Atsaka isa pa, bakit mo naman hihilingin na mareject ang Daddy mo? Ayaw mo ba siyang maging masaya?”

Napayuko si Jade.. Si Asungot naman nginitian ako..

“Pero, ayoko kay Ethina..”

“Matututunan mo rin siyang tanggapin. Masaya kaya ang magkaroon ng buong pamilya. At sa palagay ko, masaya ang may kapatid.”

“”True.” –Mei sabay Super tango

“Ok sabi niyo eh..” si Jade sabay yakap samin ni Mei..

Lumipas ang gabing yon na wala namang kakaibang nangyari, maliban lang sa sabay na dumating at nakauwi ng Vacation House sila Ethina at Vincent..

Kumain kaming lahat ng hindi nagsasalita.. Kung ganito ang mangyayari sa loob ng 3 araw, ay nako! Uuwi nalang ako..

~~

Pagkatapos kumain at maghanda para sa pagtulog, nagbatian lang kami nila Mei , Jade, Vincent at Asungot ng Goodnight, sama mo na rin si Ethina, tapos nagsipasok na kami sa kanya kanya naming kwarto..

Nung matutulog na ako.. May narecieved akong text..

*Fr: Asungot ko..

Goodnight Mahal. Tulog na mahimbing. I love you so much Engot. See you tomorrow morning..*

Magrereply sana ako pero may nareceived ako ult na text..

*Fr: Asungot ko..

Ay hindi ko pala kayang hindi ka makita ng ganung katagal, see you in my dreams Engot.. Sweet Dreams.. Mahal na mahal po kita. J <3 Small Forever..*

Napangiti ako sa nabasa ko..

*To: Asungot ko..

Hoy. Hindi naman ako naiihi pero kinikilig ako haha! Goodnight din Asungot ko. Mahal na mahal din kita. Tulog ka din ng mahimbing. Kita tayo sa panaginip. Small Forever.. <3 mwah!*

*SENT*

Tapos..

Zzzzzz...

~~

Hmmm..

Nauuhaw ako..

Diniliat ko ng konti yung mata ko at tinignan ko sa Cellphone ko kung anong oras na.. 11pm palang pala, sabagay mga 9pm lang natulog na kami. Inom muna akong tubig..

Bumaba ako para kumuha nung tubig.. Binilisan ko na ,syempre tulog silang lahat, madilim, nakakatakot ako lang mag-isa dito.. Baka may Mumu dito mahirap na..

Pero nung pabalik ako, napansin kong bukas yung ilaw ng isang kwarto.. Mejo bukas din ng konti yung pinto.. Kwarto to ni Vincent.. Sumilip ako ng konti..

O_O nandun si Ethina.. Anong gagawin nila?

“Vincent naman..” si Ethina umiiyak!

Hindi lang basta iyak! Sobrang namumula na yung mata niya..

“Ethina tama na yan..” Mula sa pagkakaupo niya sa kama nilapitan niya si Ethina at niyakap..

“Bakit ba? Bakit hindi nalang ako? Bakit? Kaya ko naman yung ginagawa niya eh, kaya ko naman siyang higitan.. Bakit? Tutulungan kita Vincent, kaya naman kitang pasayahin eh..”

Hinawakan ni Vincent si Ethina sa mga balikat nito..

“Ang pinakamalaking bagay na, na magagawa mo para sa akin, para mapasaya mo ako, ay yung hindi mo na itutuloy ang balak mo kay Ranier, wag mong sasaktan si Louise.. Tama na please?” nagmamakaawang sabi ni Vincent..

Anong pinag-uusapan nila? Balak kay Asungot? Sasaktan ako? Ano bang nangyayari? Anong tinutukoy nila?

“I can’t hardly find my place in your heart Vince.. Hindi ko alam kung meron ba ako sayo kahit na katiting lang..”

“You’re a very important friend to me Ethina.. Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin.. Masyado ng mahabang panahon ang sinayang natin sa relasyong wala namang pinatunguhan.. Tama na..”

“Walang pinatunguhan?! Yun yun sayo?! Vince, those were the precious days of my life! Sayo lang naman walang kwenta lahat yun eh! Pero sakin Vince.. Kung alam mo lang kung gaano ka kaimportante sakin..”

“Tama na Ethina..”

“Ugh! Why does it always has to be Louise?!”

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...