My Clueless Enchantress (Read...

By GraciaBonifacio

336K 9.8K 616

(This is a short novel dedicated to the winner of my pa-birthday game-- Ren Rin) Posible kaya na ang isang... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Final Chapter

Chapter 9

16.9K 617 45
By GraciaBonifacio

Gusto niyang pagalitan ang sarili sa mga pumasok sa isip niya. Muntik na yata niyang makalimutan na mas tipo nito ang malaki ang hinaharap. Eh ang malaki lang naman sa kanya puso.  Paano naman siya nito pagnanasaan nang ganun? Nakagat na lang niya ang  ibabang labi. Mas ayos naman yata ang may gusto na lang muna ito sa kanya kesa sa pagnanasa agad. Kapag pagnanasa parang ang babaw kasi nun. 

"Take a nap. We'll be there in an hour or so."  sabi ni Jordan.

Kumunot ang noo niya. Matutulog daw eh kakagising lang nga niya? Kundi nga siya natulog, malamang hindi nangyari ito. 

"Kidnap to sir." malamig na sabi niya habang nakasimangot.

"Maybe it's better if you sit next to me, babe." may bakas na ngiti sa boses na sabi nito bago tumingin sa  rear view mirror panandalian. Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

Hindi niya napigilang itaas ang kaliwang kilay sa tono nito na may landi isama pa ang malagkit na titig nito na kitang-kita sa salamin.

"Mary na lang sir. Hindi mo naman ako jowa." supladang sabi niya bago humalukipkip. Matalim ang tingin niya dito.

"Come on babe,  drop the sir .  I am not your boss anymore remember?" malanding tanong  na naman nito.

"Magtagalog ka kaya? Sumasakit na naman ang ulo ko!  Alam mo naman, aanga-anga ako  at hindi ako nakaka-intindi ng Ingles!" nakalabing sabi niya.

Nagulat siya ng biglang pumuhit sa kanan ang sasakyan para huminto. 

"Magpapakamatay ka ba?! Bakit mandadamay ka pa ha?!" tanong niya dito habang hawak ang dibdib. Nalaglag yata ang puso niya.

Hinampas nito ang manibela at  inaabangan na lang niya na sigawan siya nito. Na-bad trip malamang ito  sa sinabi niya. Pigil ang hininga na naghintay lang siya. Ito naman,   ilang beses nagbuga at nagpasok ng hangin sa baga na parang kinakalma ang sarili.  Nakatingin lang ito sa kalsada sa harapan nila at nakahawak ng mahigpit sa manibela ang dalawang kamay. Padabog na lang siyang sumandal ulit sa upuan at nakasimangot na tumingin sa labas ng bintana.

"Look! I will try my best na bumawi sa mga nagawa at  nasabi ko sayo during our business trip. I am used to giving orders that way dahil madalas hectic ang schedule and I don't like wasting time. Time is money. At hindi ka tanga okay? It was all my fault! I was inconsiderate so  I'm  sorry."

Muntik na siyang mapa-ubo nang marinig ang huling mga sinabi nito.

"Tagalog!" kunot ang noong sabi niya kahit naiintindihan naman niya. Papanindigan na lang niya na bobo siya sa Ingles.  Sa totoo lang, mas hirap siyang magsalita  kesa makaintindi. 

Isinuklay nito ang kamay sa buhok bago pagalit na binuksan ang pintuan ng sasakyan para lumabas. Napausod naman siya sa kanang bahagi ng upuan para lumayo dahil mukhang pupwersahin siya nitong ilabas sa kotse o  baka papasukin siya sa loob para  gawan ng masama. Wala pa namang masyadong sasakyan ang dumadaan dahil mag aalas dos na. Naitakip niya ang kamay sa bibig sa mga naglaro na naman sa utak niya.  

Muntik na siyang mapahiyaw ng buksan nito ang pintuan. Pumasok ito pero hindi naman siya hinila o hinawakan. Umupo lang ito na hindi inaalis ang mata sa kanya.

"Hindi ako sanay mag apologize but I  just did dahil gusto kong makapag-usap na tayo ng maayos. Pero huwag mo lang sana akong masyadong ipupush dahil hindi ko masisigurado that I will be always patient. Don't forget that babe! And one more thing, I like calling you babe so I won't stop!" mabilis na sabi nito  sa iritadong boses nang akmang magsasalita siya para sana sawayin ito.

Itinikom na lang  niya ang bibig dahil wala naman pala sa mga naisip niya ang gagawin nito. In fairness naman dito,  hindi  naman mukhang bayolente ang gagawin nito  sa kanya. Pwede naman siya sa pag-uusap na nabanggit nito. Mas mainam nga  na mag-usap na sila para matapos na.

"Makikinig na lang ako. Sige umpisahan mo na. " walang ganang sabi niya pero sa labas ng bintana nakatingin. Hindi siya komportable na titig na titig ito sa kanya tapos ang lapit pa nila sa isa't-isa.

"We'll talk somewhere hindi dito. Dun ka na sa passenger seat dahil nagmumukha akong driver mo. Hindi tayo aalis until you sit there."  Matigas na sabi nito.

Naikot na lang niya ang mata bago umoo. 

***

Hindi niya alam kung magsisisi siya na sumama kay Jordan. Mas maganda yata na nagpumilit siya na iuwi na lang siya o kaya naman sa kotse na lang sila mag-uusap. Solong-solo siya nito at mukhang tinatakam pa siya. 

Palagay mo naman kaya madali yun? Sa tono pa lang at hitsura niya mukhang hindi  mo naman mapapasunod sa gusto mo. Naisip niya.

 Gusto daw nitong komportable ang suot habang hinahanda ang pagkain nila. Early dinner daw dahil balak nito mga pasado alas diyes  na sila aalis mamaya para iwas traffic.  Iniwasan niyang tignan ang magandang katawan nito na naka-sando lang ngayon. Namumutok  sa muscle ang itaas na bahagi ng katawan nito. Kahit siguro may galit ka dito, matutunaw lahat  kapag nasilayan mo ang katakam-takam na katawan nito. 

Pero siya si Mary Mar Dimagiba. Hindi basta matitibag  ang  self control niya. Sayang naman ang apelyido niya kung hahayaan niyang mangyari yun. Kung dati walang preno ang damdamin niya ng unang masilayan ito, ngayon, gagaya ang puso niya sa utak niya. Magiging slow na din. Hindi siya mahuhulog sa mga the moves ng babaerong matapobre na lalaking ito.

"Kakabili ko lang ng townhouse na ito last month. Sometimes I want to escape from the bustle of the city. This is a perfect place. Do you agree with me babe?" tanong nito sa kanya bago inilapag sa harapan niya ang pagkain na ininit nito sa microwave.

Kumunot ang noo niya. "Ano yan?" tanong niya ng makita ang pagkain.

"Pulled pork with  peas and mashed potato babe. Sorry hindi naman ako marunong magluto so I  have ready to eat meals here. Try it masarap naman." sabi nito na tila may ngiti sa labi.

Muntik na siyang mapasinghap ng iangat niya ang mga mata dito at makita ang gwapong mukha nito na may malanding expression.  Halos matunaw siya sa titig nito. Mukhang siya ang gustong kainin  nito. Ipinilig niya ang ulo at tumayo para pumunta sa pwesto ng  refrigerator. Binuksan niya at tinignan ang laman. Ang galing sa pagluluto ang isa sa talent niya. Mga simpleng putahe lang naman pero madami ang nagsasabi na masarap. Nakatulong din ang pagtatrabaho niya sa karinderya ni Akong.

"Una, hindi ko kilala ang pagkain na yan at pangalawa, hindi maganda sa katawan yan. Ako ang magluluto ng kakainin natin at bawal kang magreklamo." sabi niya dito habang kumukuha ng itlog at ibang  gulay.

Inirapan niya ito ng mahuli niyang may pilyong ngiti ito sa labi habang malagkit ang tingin sa kanya. 

"Promise babe. Hindi ako magrereklamo. " may landi sa boses na sabi nito.

"Buksan mo na ang kalan!" utos niya dito ng makita ang hitsura ng lutuan nito. Sanay siya sa de-uling at kahoy. 

Muntik naman siyang mangiti ng sumunod ito.   Ang sarap pala ng feeling na parang maamong tupa ito sa kanya . 

Ikaw na talaga Mary! 

***

Hindi pa dun nagtatapos ang pa-pogi points ni Jordan. Matyaga pa siyang tinuruan nito kung paano gamitin ang  lahat ng mga appliances sa kusina. Nung una gusto sana niyang supladahan ito dahil mukhang balak pa siyang gawing cook o katulong  pero naisip niya na wala namang masama if tuturuan siya  so nakinig siyang mabuti. Lahat ng pwedeng matutunan, hindi niya dapat palampasin. 

(Jordan)

He can't stop smiling . Hindi niya inexpect that he will be attracted to Mary. Unang kita niya dito, nagandahan naman siya but hindi ganun katindi. He was into women with big boobs before her. Mary is very pretty but she is not that gifted sa bandang itaas but after he touched and felt them weeks ago, he had a change of heart. Hindi naman ito flat chested .Her boobs are just right for her frame. Now, just like the rest of her, he started to appreciate them.  At ngayon, narealize niya that he is amused with her innocence. Hindi naman pala nakakainit ng ulo. Ayaw niyang i-label ito as slow. She is just innocent and naive. He also  discovered that he is ready to  be patient after all. Hindi naman ito mahirap turuan. She will add spice to his every day life. Nawala ang ngiti niya sa labi when he overheard her voice. Lumabas ito sandali sa balcony to answer her phone habang nasa sala naman siya. Kunot ang noo, mas lumapit siya sa sliding door ng balcony.

(Mary)

"Sorry hindi ko hawak ang cp ko kanina. Okay na ba ang pakiramdam mo?...Dapat uminom ka na ng gamot...Sabi kasing hindi dapat  sumusugod sa ulan hayan tuloy...siyempre naman worried ako sayo ano ka ba Be.....AY BUTIKI!" gulat na sambit niya ng marinig ang pasigaw na tawag sa kanya ni Jordan. Napindot  tuloy niya ang end button.

Inis na lumingon siya dito. Tumaas ang kilay niya ng makita ang expression nito. Siya na nga ang ginulat nito mukhang ito pa ang galit. Naghugas naman siya ng mga pinaglutuan niya at pinagkainan nila. Daig pa nito ang torong galit.

"Ano ba ang problema mo?! " Lukot ang mukhang tanong niya.

"Sino ang kausap mo?!  Hindi ba sabi ko hindi ka pwedeng makipaglandian sa iba?!" may gigil sa tono na sabi nito.

Lalong nalukot ang mukha niya kasama na  din ang noo dahil  sa sinabi nito. "Sandali nga! Naguguluhan ako! Ano ba ang pinagsasabi mo?! " 

Nakikipaglandian daw siya?

"And who were you talking to? Who were you calling baby?! " 

"Baby? Sinong tinawag kong baby?! Lasing ka ba?" tumataas na ang regla niya sa mga pinagsasabi nito. 

Naningkit lalo ang mga mata nito at mas lumapit sa kanya. 

"I heard you said bhe! That is  baby too! Who the fuck is that? Yung gagong kausap mo nung isang gabi?  I told that as*hole to stay away from you!" 

Napaawang ang bibig niya.  Si Bebang ang kausap niya pero  hindi lang madumi ang utak nito pati  tenga madumi kaya  bingi. Imbes na itama ang maling akala nito, pati siya mas magagalit na din yata dahil mukhang may hindi kanais-nais na ginawa ito kay Mark.

"Inano mo si Mark? Kaibigan ko yun!"

"Kaibigan? Kahit malayo ako I saw how he talked with you! Pasalamat siya kasama niya ang kapatid niya na buntis kundi nabugbog ko din ang gagong yun!" 

"Ano? Kailan yan ha? Nung gabi na nakipag-basagulo ka kina kuya Pinong? Kaya pala hindi na pumunta kina Rhomz si Mark dahil sayo!" sumbat niya.

"OO! At walang ibang makakalapit sayo dahil ayaw ko!" gigil na sabi nito.

Umatras siya para mas lumaki ang distansya sa pagitan nila dahil kapag hindi niya ginawa yun baka matuthuran niya ito.

"Hindi mo ako girlfriend kaya wala kang karapatan na umasta ng ganyan! Pero para sa ikakatahimik ng maduming utak mo! Kaibigan ko lang si Mark at hindi siya ang kausap ko! Ang pinsan kong si Bebang yun! Kundi ba naman masama ang ugali mo nakikinig ka sa usapan ng may usapan! O anong napala mo?  Mabuti pa maglinis ka ng tenga mo! Bebang dapat  yun  kaya lang naputol  dahil sa pagsigaw mo! Hindi yun bhe!   BINGI!"  inis na inis na sabi niya.

Mukha naman yatang natauhan ito dahil medyo nawala ang galit  sa mukha nito. At ayun na naman ang mabilis na pagbabago ng expression nito. Kanina halos lamunin na siya sa galit , ngayon may lakip na pilyong ngiti naman ang lintik na lalake.

Adik! Bulong niya sa sarili.

Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil hindi siya umatras ulit ng unti-unti itong mas lumapit sa kanya. Daig pa ang gawgaw na tinubigan  sa lagkit ng tingin nito sa kanya.

"I'm sorry babe. I told you that I don't like you flirting with other men. Yung Mark na yun ayaw kong nakikipagusap ka! I know he likes you at kung ayaw mong saktan ko din siya, iwasan mo na siya!"  mahina naman ang pagkakasabi pero may diin.

Sa sobrang singkit ng mata niya halos hindi na niya makita ito. Hindi talaga makatagal ito ng hindi parang hari kung magsalita. Okay na sana kanina nagka pogi points ito kaso umaariba na naman ang ugali nito na ayaw na ayaw niya.

"Babe.. what I am saying is, gusto ko, ako lang. I'm sorry but I will never share you. Pwedeng akin ka na? Please?" sabi nito sa boses na parang paos. 

Tila naman kinakapos  siya ng hininga sa sinabi nito. Nagrigodon ang puso niya. Napalunok siya ng mas lumapit pa  ito sa kanya. Tila natuyuan siya ng lalamunan. Naramdaman na lang niya ang mga kamay nito sa braso niya. Parang nakuryente siya habang nakatingin sa mga mata nito.

"Gusto kita babe. Gustong-gusto.  I want you to be my bed-mate..."

Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata.

"F*uck yourself! Hindi ako pokpok!" 

Itinulak niya ito at sinampal ng malakas.




Continue Reading

You'll Also Like

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
85.3K 2K 11
"Real love doesn't just come with happiness. It comes with satisfaction and contentment." Sharp-tongued. Gutsy. Feisty. Trouble. Iyon si Cady para k...
159K 2.5K 38
WARNING: SPG/R-18 She's a strong girl. That's what she thought. But deep inside she's weak. She have a fragile heart that can easily be broken. Kaya...