Can't live without you (BL)

By Eisenchan

527K 22K 2.7K

*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok... More

CAST
Chapter 1: My Ex-E-O
Chapter 2: Not a total Stranger
Chapter 3: Ex's and Oh's
Chapter 4: Double Trouble
Chapter 5: Kiss me gently
Chapter 6: Gimme more
Chapter 7: Elevator Trouble
Chapter 8: He ate my heart
Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses
Chapter 10: Make you feel my love
Chapter 11: I, My, Me, Mine
Chapter 12: Gotta be you
Chapter 13: You belong with me
Chapter 14: Love me like you do
Chapter 15: I'm with you
Chapter 17: Déjà vu
Chapter 18: You're so gay
Chapter 19: I wish for you
Chapter 20: Dramarama
Chapter 21: Don't know what to do
Chapter 22: Kill this love
Chapter 23: Kick it
Chapter 24: Hope Not
Chapter 25: Love Shot
Chapter 26: We belong
Epilogue
Preview: Ice X Fire
AMTR & Upcoming stories

Chapter 16: Into the new world

14.6K 583 92
By Eisenchan

Bas as Eisen


Eisen's POV

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakamtan ko ang kaligayahan ay kapalit naman nito ay pighati at kamalasan. Lagi na lang may komokontra, bakit ba ayaw na lang nila kaming hayaang maging masaya. Habang tumatagal ay nararamdaman kong nagiging pabigat at sagabal ako kay Jethro. Hindi naman habang buhay ay ganito na lang ang gagawin ko. Kailangan ko na ring maghanap ng ibang trabaho. Pano kaya kung tanggapin ko yung offer ni Jules na mag-artista na lang. Wait, ang tanong marunong ba akong umarte? May workshop naman siguro akong dadaanan bago ako isabak sa taping. Lumapit ako sa isang malaking salamin sa kwarto. Nang makalapit ako sa salamin ay nagbuntong hininga ako at saka pumikit. Pagdilat ko ng aking mata ay para akong sinaniban ng ibang tao at kaagad nagsalita.

"Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko? Eh sa totoo nga niyan eh ako itong inggit na inggit sa inyong lahat. Kasi meron kayo ng mga bagay na sana meron din ako. Sana meron ako ng maternal instinct mo. I wish I had your charm and innocence. Sana naging adventurous din ako kagaya ni Alex. Sana nagkaroon din ako ng sense of humor mo kasi bentang benta yun sa akin eh. Bentang benta rin kay mama kaya siguro lahat ng attention niya ay nasayo" umiling ako bago muling nagsalita.

"No Ma! I'm saying that you have your favorites" pilit na tawa ang nilabas ko na tila nagpipgil ng pag-iyak.

"Ma, naaalala mo noong grade school ako? Di ba grumaduate ako ng valedictorian tapos andami kong medals. Tapos si Teddie isa lang pero siya pa rin yung pinuri mo" pilit na pinipigilan ang pag-iyak na tila ilang segundo na lang ay babagsak na.

"Tapos naalala mo nang umuwi ako sa bahay tapos gutom na gutom ako? Tapos nagalit ka sa akin nang kinain ko ang ulam na tinabi mo para kay Teddie. Tapos umuwi ka galing ng divisoria at meron kang mga dalang bags. Tapos ang sabi mo sa akin wag muna akong pumili kasi pipili si Teddie, siya yung panganay siya dapat yung pumili" sabay punas sa ilong at saka nagpatuloy.

"Ma it's okay. Okay lang naman, naiintindihan ko naman, tinanggap ko naman na iba talaga ang turing mo kay Teddie at kay CJ. Kasi sila yung paborito mo. Si papa naman si Alex at si Gabbie ang paborito. And that's okay, that's okay. Kasi ang importante sa akin binuhay nyo ko, pinakain nyo ko, pinag-aral nyo ko, binihisan nyo ko, minahal nyo ko...kayo ni papa and that's good enough for me" napayuko ako at saka ngumiti.

"Bea Alonzo as Bobbie in Four Sisters and a wedding" para akong baliw na tumatawa mag-isa sa harap ng salamin. May isa pa akong famous line ni Bea eh. Tumalikod ako sa salamin para isipin yung linya na yun. Pagtalikod ko ay laking gulat ko na may babae na nakatayo di kalayuan sa kinatatayuan ko. Sa gulat ko ay napasigaw ako at pagkasigaw ko naman ay sumigaw din siya. Saka ko lang napagtanto na isa pala to sa mga kasambahay ni Jethro.

"Bakit ka sumisigaw?" tanong ko nang tumigil siya sa pagsigaw.

"Eh kasi po sumigaw po kayo" mabilis niyang tugon.

"Ano to buwan ng wika? Sabayang bigkas?" sarkastiko kong sabi.

"Ano po yun?" tanong niya at napailing na lang ako.

"Hindi ka ba marunong kumatok at basta-basta ka na lang pumasok?" hindi ko mapigilang mainis sa ginawa niyang pagpasok.

"Pasensya na po. Nakita ko kasing bukas yung pinto nyo tapos nakatayo kayo sa may harapan ng salamin" natataranta niyang sabi.

"So kanina ka pa pala nandyan? So nakita mo yung?" Hindi ko natuloy ang nais kong sabihin nang makita ko siyang ngumiti habang tumatango. Tumalikod ako sa kaniya at napatakip ako sa aking mukha. Susme sobrang nakakahiya ang mga pinaggagawa ko. Buti na lang at isa sa mga katulong ni Jethro ang nakakita sa kalokohan ko kung hindi ay baka madismaya ng husto sakin si Jethro kapag nakita nya ako sa ganitong kalagayan.

"Sige baba na ako" sabi ko habang pinapaalis ang katulong na hindi marunong kumatok.

Inayos ko ang aking sarili bago ako nagtungo sa baba. Bago ko marating ang pinakahuling palapag ay rinig ko na kaagad ang boses ng dalawang lalaking nagtatalo. Napako ang mata ko nang makita kong hawak-hawak ni Jethro sa kwelyo si Josh. Anong ginagawa ni Josh dito? Nagmadali akong maglakad hanggang sa makalapit ako sa kanila.

"Anong nangyayari dito?" tanong ko at bigla silang napalingon sa akin.

"Ahhhh wala naman hon, nag-uusap lang kami ni Josh" mabilis na tugon ni Jethro.

"Yep, nag-uusap lang kami" pilit na ngiti ang binigay sakin ni Josh.

"Nag-uusap? Eh bakit hawak-hawak mo yung kwelyo niya?" tanong ko at sabay bitaw niya sa paghawak sa kwelyo ni Josh.

"Inaayos ko lang yung kwelyo niya medyo magulo eh" sabay tapik sa likod ni Josh na medyo napalakas na halos maubo siya.

"Yeeees, inaayos lang ni Jethro. Medyo nagmamadali na kasi ako kanina kaya wala na akong time mag-ayos" sabay ngiti sakin ng hilaw. May tinatago tong dalawang sa akin.

"Kamusta, bat napabisita ka dito?" tanong ko at saka lumapit sakin si Josh.

"Wala namiss kita kaya pinuntahan kita dito" sabi niya at aakma siyang yayakapin ako pero mas mabilis ang kamay ni Jethro kaya nahatak niya ako papalapit sa kaniya at siya ang umakap sa akin.

"Mag asawa na kami!" pagbabanta ni Jethro.

"Hindi pa official" sabay iling ni Josh. Medyo napikon si Jethro kaya lalapitan niya sana si Josh pero nagawa ko siyang hatakin pabalik sa akin. So ayun puro hatakan ang ginawa namin sa isa't isa.

"Wait ako na naman ba ang pinag-aawayan nyo?" hindi ko mapigilan ang aking sarili na magtanong at ilang segundo lang ang lumipas nang mapagtanto ko ang naging tanong ko. Parang gusto kong uminon ng kapeng barako yung puro walang tubig, baka sakaling kabahan ako sa mga pinagsasabi ko.

At biglang tumawa ng malakas si Josh sa hindi ko malaman na dahilan. Maya-maya pa ay sumunod naman si Jethro sa pagtawa na kala mo ay kinikiliti ang dalawang to. Nanatili akong parang tanga na nakatingin sa kanilang dalawa habang sila ay halos mamaos na sa kakatawa.

"Wala ka pa ring pinagbago Josh, gago ka pa rin" sabay tawang muli.

"Lalo kana!" at tumawa rin siya.

"Baka gusto nyo namang i-share sakin yang joke nyo? Kayo lang ang natatawa eh" sarkastiko kung sabi. Ilang segundo din ang lumipas bago natigil ang tawanan ng magkapatid.

"Wala ang lakas lang kasi ng trip nitong A-SA-WA mo" natatawang sabi ni Josh.

"Sinimulan mo kasi" natatawa na naman si Jethro.

"Sige magtawanan na lang kayo tutal kayo lang naman nagkakaintindihan dito" tumalikod ako para iwanan silang dalawa pero mabilis nahablot ni Jethro ang aking kamay at niyakap ako.

"Nagbibiruan lang kami ni Josh hon, nangako kasi siya sa akin na hinding hindi ka na niya aagawin sa akin" nakangiti niyang sabi habang tumatango naman si Josh.

"So maaga kang pumunta dito para maglokohan kayo ng siraulo mong kuya?" naiirita kong sabi.

"Actually andito ako para alukin ka ng trabaho. Nabalitaan ko kasi yung nangyari sayo sa kompanya ni Jethro" sagot ni Josh.

"Ahhh.. salamat pero may tinanggap na akong offer" mabilis kong tugon at kapwa silang nagulat sa sinabi ko.

"Kanino?" tanong ni Jethro.

"Kay Jules" maikli kong tugon at napatingin sila sa isa't isa.

"Anong gagawin mo dun? Magpapakapagod bilang P.A. ni Jules?" taas kilay na tanong ni Josh.

"Don't tell me na tatanggap ka ng mga extra roles sa movie ni Jules?" tanong sakin ni Jethro. Medyo nainsulto ako sa mga tanong nila sa akin.

"Syempre mag-aartista ako" nakapamaywang pa ako habang sinasabi iyon sa kanila na tila proud na proud sa sarili.

"Seryosoo?" sabay nilang sabi at ako naman ay umirap na lang at nagtungo sa dining table para kumain. Iniwan ko ang mga baliw na magkapatid na tila napako sa kinatatayuan nila dahil hindi makapaniwala sa aking sinabi. Hindi ko alam kung bakit hindi sila kaagad nakasunod sa akin sa dining table para kumain pero ako ay naupo na at saka tinawagan si Jules. Pinaalam ko sa kanya na payag na ako sa alok niya sa akin dati. Tuwang tuwa naman si Jules at ayun sa kaniya ay kinabukasan daw ay dadalhin niya ako sa set ng ginagawa niyang movie para ipakilala sa director. Medyo nakaramdam ako ng kaba kasi sa totoo lang ay wala naman talaga akong experience sa pag-aarte maliban sa mga piling stage play na sinalihan ko noong elementary at highschool ako. Madalas na role ko ay maging puno sa gilid o kaya naman mga minor roles na mabibilang lang sa kamay ang mga salitang sinasabi. Bahala na it's now or never. Saniban sana ako ni Bobbie o kaya ni Basha. Wag lang ni Vice Ganda baka sa comedy bar ang abutin ko neto.

Ilang beses akong kinumbinse ni Josh at Jethro pero desidido na talaga ako. Baka dito talaga ang swerte ko. Matagal tagal ko na ring pinapangarap na maging artista. Ngayon ay hindi ko kakailanganing dumaan para magpabebe sa PBB para madiskubre bilang artista. Pero hindi porket nandyan si Jules para tulungan ako ay magiging panatag na ako. Syempre gagawin ko parin ang best ko para patunayan na karapat dapat akong maging winner sa bahay ni kuya este ang maging artista. Marami kasi sa mga nagiging artista sa henerasyon ngayon ay dahil lang sa kamag-anak nila ay sikat na artista o kaya anak sila ng artista. Samantalang dati ay ilang pila ang dadaanan mo para madiscover ng mga talent scout. Syempre ayokong masabihan na dahil lang kay Jules kaya ako naging artista. Ang advance ko talaga mag-isip, ay ewan ko ba.

Ang problema ko ngayon ay kung papano ko mapapayag ng husto si Jethro. Buong araw kaming magkasama sa bahay pero hindi niya ako pinapansin. Nakatulog na kami nang magkatabi sa couch habang yakap-yakap niya ako pero hindi niya ako kinakausap. Para lang akong multo sa kaniya na dinadaan-daanan nya. Bakit ba kasi ayaw na ayaw niyang suportahan ako? Nakaisip ako ng magandang ideya para makuha ko ang atensyon niya. Kinagabihan nang matapos kaming kumain ng dinner ay nauna na ako sa aming kwarto para magshower. Madalas ay sabay kaming magshower ni Jethro pero madalas nauuwi sa ibang bagay ang dapat na pagshower lang. Nang makita nya akong tapos na magshower ay siya naman ang sumunod na hindi man lang ako kinakausap. Pumuwesto ako sa ibabaw ng kama na walang saplot habang inaantay siya na lumabas ng shower room.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay nakalabas na rin siya ng shower room. Nagulat siya nang makita niya akong nakadapa sa ibabaw ng kama na walang saplot sa katawan. Sinabayan ko pa ng pagtitig sa kaniya na nang-aakit. Kitang kita ko kung papano siya napalunok laway sa ginawa ko. Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang suot-suot niya parin ang kaniyang bathrobe. Sabi ko na hindi ako mabibigo dahil alam na alam ko kung ano ang kahinaan sa akin ni Jethro. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti dahil alam kong tagumpay ang naging plano ko. Nang makalapit siya sa akin ay marahan niyang hinaplos ang aking katawan at saka binuhat niya ako ng dahan-dahan. Nilapag niya ako sa pinakadulo ng kama at laking gulat ko na lang na bigla niya akong pinagulong kasama ng kumot. Sa bili ng pangyayari ay hindi ko man lang nagawang pumalag sa ginawa niya. Nagmukha akong saging na nasa loob ng turon.

"Jethro pakawalan mo ako!" utos ko habang nagpupumiglas ako sa makapal na kumot.

"Sa tingin mo makukuha mo sa pagganyan-ganyan mo?" tanong niya. Napakawalang hiya pa at naupo pa mismo sa ibabaw ko para lalo akong hindi makaalis.

"Jethro ano ba!! Ang bigat mo!!" sabi ko sa kaniya pero parang wala siyang pake.

"Magmakaawa ka muna at humingi ng sorry sa akin" sabi niya at ako naman ay tumaas ang kilay sa kaniya.

"Bakit naman ako manghihingi ng sorry sayo?" naiirita kong sabi. Maliban sa bigat niya ay nararamdaman ko na rin ang init dahil sa kapal ng kumot na nakapulupot sa akin.

"Dahil tumanggap ka ng trabaho na hindi man lang nagpapaalam sa akin" sabi niya at ako naman ay umirap sa kaniya at hindi na nagsalita dahil naiinis na talaga ako.

"Ahhh ayaw mo akong kausapin ah! Fine, matutulog tayo ng ganito" pinatay niya ang ilaw at tumabi sa akin habang yakap-yakap ako para hindi ako makawala.

Nanatili ako sa ganong ayos at hindi ko parin siya kinakausap. Bahala siya, makakatulog din naman ako sa ganitong sitwasyon. Ano bang akala niya? Maya-maya pa ay nanlalagkit na talaga ako sa pawis at naramdaman kong humina ang aircon sa loob ng kwarto. Nanandya talaga ang loko para sumuko ako sa kaniya pero hindi ako ganun kadaling susuko. Hindi ko namalayan kong ilang minuto o oras na ba ang nakalipas pero sobrang init na init na talaga ako sa kumot na nakabalot sa akin. At hindi ko na talaga mapigilan dahil lalong nagpapa-init yung pagyakap niya sa akin na habang tumatagal ay humihigpit. May balak ata akong patayin nito eh.

"Jethroooo, ayoko na tigilan na natin to. Panalo kana!" sabi ko at tila mahimbing na ang tulog niya o kaya nagtutulog tulugan lang to.

"Jethro parang awa mo naaa, basang-basa na ako ng pawis ohhh" pagmamakaawa ko sa kaniya at siya namang pagdilat ng mga mata niya. Kahit na madilim ay nagagawa ko parin maaninag ang mukha niya dahil nanatiling bukas ang lamp shade sa likurang bahagi niya.

"Say the magic word" utos niya habang ngumingiti na tila nang-aasar.

"Please hoooon!" sinabi ko sa pinakasweet na boses na kaya kong gawin. Hindi rin nagtagal at inalis niya ang kaniyang kamay at binti na nakapulupot sa kumot na nakabalot sa akin. Mabilis kong tinanggal ang kumot at saka ako huminga nang malalim na tila sinakal nang pagkatagal-tagal. Narinig ko ang tunog ng aircon na inaadjust ang temp nito. Habang pinupunasan ko ang aking pawis ay bigla na lang niya akong niyakap hanggang mapaupo kami sa ibabaw ng kama.

"Pinag-usapan na natin to di ba?" sabi niya habang ang kaniyang baba ay nakapatong sa aking balikat. Ramdam ko ang mga tumutubong balbas sa yang baba na marahang kumikiskis sa akin balikat. Para siyang tuta na kinukuskos ang kaniyang mukha sa aking balat. Nitong mga nakalipas na araw ay nakakaligtaan ni Jethro ang magshave. Nagmumukha siyang matured kapag tumutubo ang bigote at balbas niya. Pero bumabagay naman sa kaniya dahil nagmumukha siya lalong daddy tingnan.

"Alam ko pero pwede bang suportahan mo muna ako dito? Hindi naman ako kaagad sasabak sa mga mabibigat na role. Gusto ko lang subukan ang iba't ibang bagay na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko" sagot ko sabay sandal ng ulo ko sa kaniyang ulo.

"Pwede ka namang mag-stay na lang dito sa bahay at hindi ka pa mapapagod. Hindi mo na kailangang magtrabaho pa dahil ako na ang magtataguyod sa pamilyang bubuuin natin" sabi niya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko ramdam ang lamig sa aking katawan dahil ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Kapwa kaming hubo't hubad sa loob ng aming kwarto habang ako ay yakap-yakap niya.

"Magmumukha akong nakakulong lang dito. Lilipas ang linggo, buwan at taon mababagot din ako" malumanay kong tugon.

"Edi hahayaan kitang magshopping kahit araw-araw pa. Magmall, manood ng sine, manood ng mga play sa theatre, concert at kung ano pa man ang magpapasaya sayo" mabilis niyang sagot habang ang kaniyang mga kamay ay pumupulupot sa aking mga kamay.

"Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganun. Please hon, pwede bang suportahan mo muna ako dito. Promise kapag napagod ako o kaya naman marealize ko na hindi pala to para sa akin ay susundin ko ang payo mo. Gagawin ko ang gusto mo!" sabay halik sa kaniyang pisngi. Huminga siya nang malalim bago magsalitang muli.

"Okay, haaay kung hindi lang kita mahal ay baka ginapos na kita dito sa bahay para hindi kana lumabas pa!" pagsabi niyang yun ay tinitigan ko siya ng masama.

"Biro lang!" sabay tawa niya.

"Sige hahayaan kita sa gusto mo. Pero dapat maging honest ka sa akin. Dapat sasabihin mo lahat-lahat ng mga nangyayari sayo. Aamin mo sa akin kapag napapagod kana. Hindi ka pupwedeng mapagod ng husto. Sa akin ka lang dapat mapapagod!" pagkasabi niyang yun ay kumalas ako sa pagkakapulupot ng mga kamay namin. Sabay kurot ko sa kaniyang pisngi.

"Alam mo hindi na tayo nakakapag-usap ng seryoso dahil lagi mong sinisingit yang kabastusan mo!" naiirita kong sabi at siya naman ay tumawa.

"Pero seryoso ayokong nakikitang napapagod ka" biglang naging seryoso ang kaniyang mukha.

"Totoo ba?" tanong ko sabay paniningkit ng aking mga mata para suriin ang kaniyang reaksyon na nanatiling seryoso parin.

"Oo nga!" sagot niya kaagad.

"Sino kaya yung nagpahirap sa akin dati na bumili ng kape na hating gabi na sa Tim Hortons tapos nong lumamig pinagtimpla na lang ako. Sino kaya yung nagpasort ng mga files sa akin na kahit hindi naman kailangan ay pinagawa pa rin. Sino kaya yung nagpabalik-balik sa akin sa condo niya at sa office para lang palitan yung suot niyang polo na nasulatan lang ng ballpen eh duming dumi na sa sarili" bigla na lang niya akong hinila pahiga at saka siya pumaibabaw sa akin para paulanan ako ng mga halik sa aking mukha pati na rin sakin labi.

"Oh ano nagiguilty ka?" sabi ko at siya naman ay ngumiti na pagkatamis tamis.

"Syempre dati pa yun. Atsaka ako naman yun at hindi ibang tao. Makatao pa rin naman yung ginawa ko" at proud pa siyang sinabing pinahirapan niya ako dati.

"So pag-ibang ikaw ang gumawa ay okay lang? Pero pag-ibang tao hindi?" sarkastiko kong sabi.

"May limit naman ang mga pinapagawa ko sayo. Atsaka alam ko naman kong kalian sumusobra na ang pinapagawa ko" sabi niya na wala yatang balak na magpakumbaba sa mga bagay na ginawa niya dati sa akin.

"Ewan ko sayo, matutulog na lang ako" sabi ko sabay tumagilid sa kaniya.

"Okay, pero yung usapan natin ahh wag mong kakalimutan" sabi niya habang pumupwesto siya ng paghiga sa likuran ko at saka yumakap sa akin habang nakatalikod ako sa kaniya. Ang buong akala ko ay matutulog na siya pero bigla na naman siyang nagsalita.

"Matutulog na ba tayo? Hindi ba pwedeng baby-making muna?" sabi niya habang hinihimas ang pwetan ko.

"Hindi po pwede Jethro! May pupuntahan akong trabaho bukas di ba?" mabilis kong sagot at hinawi ang kaniyang kamay sa aking pwetan.

"Sige na kahit isang putok lang?" pagmamakaawa niya sa akin sabay kiskis ng kaniyang ari sa akin.

"Subukan mo lang ipasok yan, pipitikin ko talaga yang junior mo!" sabi ko at bigla na lang siyang umurong.

"Sabi ko nga po matutulog na tayo!" muli nya akong niyakap at natulog kami sa ganong posisyon.

Nagising ako ng maaga para makapag-ayos ng mga gamit na kakailanganin ko sa shoot. Ayun sa text sakin ni Jules ay kailangan kong magdala ng maraming pares ng damit at sapatos para sa shoot dahil mapili daw ang director sa suot ng mga actors sa bawat scene. Kailangan ko daw magpaimpress kay direk sa first day pa lang. 3:45 am pa lang pero heto ako hindi magkanda ugaga kung anong damit ang ilalagay ko sa aking maleta. Nagulat na lang ako nang pigilan ako ni Jethro sa paglalagay ng mga damit sa maleta ko.

"Akala ko ba napag-usapan na natin to?" tanong ko sa kaniya.

"Oo nga, kaya nga pinahanda ko na kay manong ang kotse na gagamitin mo sa shoot. Nilagay na din ni yaya yung portable pole kung saan pwede mong isampay ang mga damit mo sa loob ng kotse para hindi ito malukot. Pumili ka na lang ng mga damit at sapatos na gagamitin mo at iabot ito kay yaya para maiayos ito sa loob ng kotse. At kung may-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil bigla ko na lang siyang hinalikan sa kaniyang labi bilang pasasalamat.

"You're welcome" masaya niyang sabi sa akin. Hindi ko inaasahang gagawin niya to dahil alam kong kontra siya sa binabalak ko pero heto pinapakita na niya ang pagsuporta sa kabaliwang gagawin ko. Kabaliwan dahil hindi ko alam kung may papatunguhan nga ba itong papasukin kong mundo. Pero kung ano man ang kahahantungan nito ay hinding hindi ako magsisisi dahil alam kong buo ang desisyon ko sa pagpasok dito.

Masaya kaming nag-almusal nang matapos kaming magshower ng sabay. At dahil nakaleave pa rin siya sa kompanya ay sinamahan niya ako sa taping site sa movie ni Jules. 5am nang umalis kami ng bahay para pumunta ng tagaytay kung saan ang taping. Inabot kami ng dalawang oras bago marating ang area dahil sa di inaasahang traffic. Mabuti na lang at isang oras kaming maaga sa scheduled time na taping. Ayaw na ayaw pa naman ng director ang late. Pagkarating namin ay kaagad kaming pinagtinginan ng mga taong nauna sa amin sa set. Ay mali, kay Jethro pala sila nakatingin hindi pala ako kasama. Natanaw kami kaagad ni Jules kaya naman lumapit siya sa kinaroroonan namin.

"I'm so glad na tinanggap mo ang alok ko Eisen" yayakapin na sana ako ni Jules pero pumwesto sa harapan ko si Jethro kaya siya ang nayakap ni Jules.

"Grabe pati yakap kay Eisen ay ipagdadamot mo sakin bro?" reklamo ni Jules.

"Andito ako para siguraduhing trabaho nga ang offer mo sa asawa ko" sagot ni Jethro at kaagad namang tumawa si Jules. Umakbay sa kaniya ang bunsong kapatid.

"Don't worry bro hindi na mangyayari kung ano man ang iniisip mo basta patuloy lang ang pagtulong mo sa pagiging producer sa mga pelikula ko" sabi ni Jules at ako nama'y napatingin kay Jethro. Kumindat siya sa akin at kaagad kong naintindihan ang mga nangyayari. Todo pigil siya sa akin sa pagsabak ko dito pero siya pala ang producer ng movie na to. Kaloka.

Maya-maya pa ay dumating na ang director at pinakilala ako sa kaniya. Hindi siya masyadong nagkaroon ng interes sa akin dahil napako ang atensyon niya kay Jethro. Matagal na nilang kilala ang isa't isa. Mapapansin mo yun sa paraan ng pag-uusap nila. May pagkakataon pang ginigiit niya na kung bakit hindi na lang daw mag-artista si Jethro dahil mukhang malakas daw ang dating niya sa tao. Pero nanatiling hindi ang sagot ni Jethro dahil may kompanya siyang pinapatakbo.

Mabilisan ang pagpapaliwanag sa akin kung anong role ang gagampanan ko. Binigay sa akin ang script para masaulo ko ang mga linya na dapat kong bitawan sa eksenang ipapasok ako. Isang binatang happy-go-lucky ang description ng character ko sa story. Isa ako sa mga matatalik na kaibigan ng character na gagampanan ni Jules. Straight ang character ko dito kaya conceal, don't fell, don't let them know! Ang kailangan kong gawin sa bawat eksena na meron ako.

Pitong oras akong naka stand by para mag-antay sa scene ko. Imagine, nag-antay ako ng pitong oras para sabihin lang ang "Iinom na lang natin yan bro, tara sagot ko!". At yun cut na agad ang scene. Doon ko napagtanto kung gaano kahirap ang industriya na to. Kailangan mo talaga ng matinding pasensya para magtagal ka sa larangan na to. Sa buong linggo ay nagagawa akong samahan ni Jethro sa taping pero ng mga sumunod na linggo ay hindi na dahil kailangan na niyang bumalik sa pagpasok sa kompanya. Ako na rin ang pumilit sa kaniya na pumasok dahil ayokong mapayaan niya ang kompaniya dahil sa akin. Kailangan niya ring pag-igihan ang pagtatrabaho para mabalik ang tiwala ng board sa kaniya at maibalik sa kaniya ang titulo na inagaw ni Celestine.

Ang mga sumonod na eksenang meron ako ay naging challenging sa akin dahil hindi ko maibigay ang emosyon na gustong makita ng director sa akin. Ilang beses akong nasigawan at ilang ulit ang naging take bago masatsify si direk sa acting ko. Akala ko nga nun ay babatuhin na niya ako ng megaphone sa inis niya. Sabi nga ni Jules ay dapat na daw akong masanay dahil may mas malala pa daw kay direk sa industriyang to. Wala naman akong galit kay direk bagkus ay bilib pa nga ako sa kaniya dahil lahat ng tao ay mataas ang paggalang sa kaniya dahil sa galing niya bilang director. Ilang beses na siyang nakatanggap ng parangal sa galing niya sa larangang ito. Kaya hindi ko siya masisisi kapag namumura niya ako sa tuwing hindi ko naibibigay ang gusto niyang acting na dapat na ibigay ko.

Higit isang buwan lang ang naging parte ko sa taping dahil minor lang naman ang role ko. Pero kahit na ganun kaiksi ang tinagal ko ay marami akong natutunan sa mga nakatrabaho ko sa pelikulang pinagbibidahan ni Jules. Pagkatapos ng movie na to ay nakatanggap ako ng mga offer na maging extra sa mga palabas sa tv. Hindi naman ako tumanggi dahil ang mga minor roles na yun ay maaaring makapaghasa sa akin bilang actor. At kinakailangan kong tumanggap ng iba't ibang role para mahasa ko pa ang sarili ko sap ag-arte. Kapwa kaming naging busy ni Jethro dahil magkabilang mundo na ang ginagalawan namin pero hindi namin hinahayaang mawala ang pagmamahal na meron kami sa isa't isa. Kaya kapag may free time kami ay halos hindi na kami mapaghiwalay. Sinisigurado naming hindi matatapos ang araw na hindi namin napag-uusapan ang mga bagay-bagay na nanangyayari sa aming mga buhay. Halata namang stress si Jethro kahit i-deny niya ito pero nagagawa niya paring magbiro at patawanin ako sa tuwing kami ay magkasama.

Makalipas ang walong buwan at lumabas na rin sa mga sinehan ang movie ni Jules kung saan kasama ako. Naging patok ito sa takilya at malaki ang kinita nito dahil sa ganda ng story at magaling na pagganap ng mga artista ayun sa mga reviews. Mas dumami rin ang mga offer sa akin na mga roles simula ng ilabas ang movie. At sa unang pagkakataon ay nakatanggap ako ng offer para mag-endorse ng isang product at yun ay ang 'KATINKO'. Syempre pagbaguhan ka dapat hindi ka mapili sa mga iniendorse mo dahil nakakataas ng talent fee kapag marami kang endorsement. Bago ang product nilang to dahil ito ay pamahid sa mga kati-kati sa katawan. Natatawa nga ako sa tagline na ginamit nila. "KATINKO para sa kati-kati mo!". Akala ko nga noong una ay biro-biro lang yun pero laking gulat ko nang makita ko ang billboard ko sa may cubao. At ganun nga ang nakasulat habang hawak-hawak ko ang katinko. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis pero si Jethro ay tawang tawa nang makita niya ito.

Bilang endorser ng produkto ay nakatanggap ako ng isang box na naglalaman ng maraming Katinko. Hindi ko naman magagamit ang lahat ng to kaya pinamigay ko ang iba sa mga guards at katulong sa bahay. Naisipan ko ring bigyan si Celestine dahil mukhang kinakailangan niya ito. Naglagay ako ng maraming katinko sa isang box at binalot ko ito sa magandang gift wrapper. Nag-iwan ako ng note sa loob at ang nakasulat ay "Heto Katinko, para malunasan yang kakatihan mo!". Ewan ko na lang kung ano ang magiging reaksyon niya pagnabasa niya yun. Nabalitaan ko kasi kay Jethro na panay parin ang paglalandi sa kaniya ni Celestine.

Tungkol naman sa aming relasyon ni Jethro ay naging matatag kami kahit na hindi kami madalas magkasama. Naging maingat din kami sa aming kinikilos sa tuwing nasa pampublikong lugar kami. Ayun sa aking manager na naghahandle din kay Jules ay kailangan daw muna naming itago ang relasyon namin ni Jethro sa publiko dahil maaaring makaapekto ang magiging reaksyon ng publiko sa career ko lalo na't baguhan pa lang ako. Alam ko namang hindi pa ganun ka open ang pinas sa relasyong meron kami ni Jethro pero sana dumating ang araw na matanggap rin ng karamihan na ang pagmamahal ay para sa lahat. Hindi lang para sa lalaki at babae. Kundi para sa lahat na gustong umibig at gustong ibigin. Noong una pa nga ay ayaw ni Jethro ng ganito dahil sobrang clingy niya at mahilig makipag PDA sa akin. Pero kinalaunan ay nasanay narin siya sa naging set-up namin.

Buwan ang lumipas at naging kilala si Jules sa buong bansa at sa mga karatig na bansa dahil sa galing niya sa pag-arte. Isa na siya ngayon sa mga respetadong actor at leading man ng kaniyang henerasyon. Kahit gaano karami ang fans niya at kahit gaano karami ang mga achievements niya sap ag-aartista ay hindi pa rin mawawala na maikompara siya sa ibang actor na nasa kaedaran niya. Kilala itong artista na malaki din ang fandom at may mga international fans na sumusuporta. Naging kilala siya sa mga seryeng pumatok dito sa pilipinas at sa ibang bansa. Ang pangalan niya ay Andrei Larson. Hindi ko alam kung totoo niyang pangalan yan o screen name niya lang. Ilang beses na silang pinagkukumpara. Simula sa pag-arte hanggang sa kanilang mga hitsura at pangangatawan. Hindi ko alam kung kaninong ideya nanggaling at bigla na lang silang bumuo ng isang movie na pagbibidahan ng dalawa. Hindi bilang magkaribal o magkaibigan kundi ang maging magkasintahan. Ewan ko rin kung papano napapayag si Jules dito pero mukhang gusto niyang patunayan na wala siyang uurungan na role.

Sobra akong naintriga sa story kaya excited ako sa script reading na mangyayari. Kasama nga pala ako sa casting ng movie at minor role parin ang meron ako pero masaya ako sa ganito. Isa-isa kaming pinakilala sa mga makakatrabaho namin at sa unang pagkakataon ay nakita ko sa personal ang Andrei na madalas pag-usapan ng karamihan. Gwapong gwapo ito sa personal at napakalakas ng dating. Pero hindi ko malaman kung bakit ang cold niyang tumingin sa akin. Hindi ako sigurado pero ramdam ko na hindi niya ako gustong makatrabaho. May mga pagkakataong napapaisip ako na para bang nakita ko na siya dati hindi ko lang matandaan kung saan at kalian basta sigurado akong nakita ko na siya dati pa. Makalipas ang isang buwan at sumabak na kami sa taping.

Tumagal ng dalawang buwan ang taping pero nasa kalahati pa rin kami ng story. Hindi biro kasi ang location ng pinagsho-shootingan namin. Mga anak mayaman kasi ang role ng mga bida dito. Para bang crazy rich Asians ang dating na gay version. Biro lang pero parang ganun na nga dahil sa takbo ng kwento. Nakapunta na kami ng Singapore, Thailand at Bali para magshoot. Ngayon naman ay nasa Cebu kami para sa location na napili ng producer para sa break-up scene. Nang matapos ang taping ay kinausap ako ng writer dahil may update daw sa role ko. From straight to bi-curious ang magiging role ko at magkakaroon daw ako ng katandem. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya napatango na lang ako. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil sa unang pagkakataon ay may katamabalan ako sa isang scene. Sa mga sumunod na araw ay nagtaping kami sa isang restaurant sa Makati. Dun na rin pinakilala ang makakapareha ko. Laking gulat ko nang makita ko ang mukha niya.

"Te-Terence?"








Itutuloy.....










A/N: Hello guys, sorry kung medyo natagalan ang update na to. Medyo mahirap ang pinagdaanan ko sa mga nakaraang buwan. Hindi ako makapag-update last week of feb to march dahil tax season ngayon sa U.S. makakarelate dito ang mga nagwowork sa BPO. Sobrang toxic ng tax season dahil sa dami ng workloads kaya hindi ako makapagsulat. At Mid-March ng mamatay ang step-mom ko. Wala ako sa mood magsulat kahit na may time ako. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng inspirasyon nun para magsulat dahil sobrang lungkot ko. Sana naiintindihan niyo ko. I'm done being nice na kasi lalo na sa mga nagsasabing ang bagal ko magsulat. At minumura pa ako. Wag kayong magugulat kapag minura ko din kayo. Hindi ako mahilig magbato ng tinapay kapag binato ako.

Anyway maraming salamat sa supporters ko from book 1 hanggang ngayon na walang angal. Malapit na mag-400k ang LWMSB. MARAMING SALAMAT SA INYO ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

136K 3.3K 37
Highest rank in Humor #92 when boy labo meets the super yabang na bully. kwento ito na magpapakilig sa sistema niyong kinain na ng ka-bitter-an PAUNA...
118K 4.7K 32
Ako si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit n...
402K 15K 41
( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko...
467K 19.7K 74
Si Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kani...