Legend of Divine God [Vol 2:...

بواسطة GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... المزيد

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XLVI

9.8K 643 44
بواسطة GinoongOso

Chapter XLVI: Reunited (Part 1)

Kalmadong nakatayo si Finn Doria sa malaking sanga ng puno habang hinihintay na matapos magbihis si Ashe Vermillion.

Medyo nainis si Finn Doria dahil sa iniisip ng dalaga tungkol sa kaniya. Hindi naman siya bastos gaya ng iniisip ng dalaga...kaunti lang.

Umiling na lang siya sa kaniyang iniisip at sinubukang ituon ang kaniyang buong atensyon sa paggamit ng kaniyang matalas na pandama upang maghanap ng pamilyar na presensya sa paligid. Ngunit kahit anong gawin niyang pagpapalibot ng kaninyang pandama, wala siyang mahanap kahit isang presensya ng batang adventurers na malapit. Punong-puno ng mararahas na presensya ng Vicious Beast ang paligid at ito lang ang tangi niyang nararamdaman.

Limitado lang din ang naabot ng kaniyang matalas na pandama kaya naman hindi niya mapalibutan ang malawak na parte ng kagubatan.

Gayunpaman, hindi pinanghinaan ng loob si Finn Doria. Habang patuloy na tumatagal siya dito sa Mystic Treasure Realm, hindi niya mapigilan ang humanga sa kaibahan ng mundong ito. Kahanga-hanga talaga ang mundong ito dahil mayroon itong mga limitasyon, kayang pahinain ng mundong ito ang kaniyang pandama kaya naman nahihirapan siyang hanapin ang kanyang mga kasama. Hindi niya rin maramdaman ang presensya ng mga malalakas na Vicious Beast at tanging mahihinang Vicious Beast lang ang kanyang nararamdaman.

Marahil itinatago ng mga malalakas na Vicious Beast ang kanilang presensya upang mapanatili nila ang katahimikan at kapayapaan. At marahil gaya ng Winged Golden Lion King, hindi rin gusto ng mga Vicious Beast ang makisalamuha sa mga tao. Kikilos lang sila sa oras na maistorbo sila. Kaya naman kahit na 5th Level Profound Rank si Finn Doria, nag-iingat pa rin siya sa kaniyang mga kilos.

Naging interesado tuloy si Finn Doria malaman kung sino ang gumawa ng maliit na mundong ito at kung paano napadpad ang lagusan nito sa Sacred Dragon Kingdom. Kahit ang Royal Clan ay hindi alam ang tungkol sa palaisipan na ito.

Ang Sacred Dragon Kingdom ay isa lamang na Third Rate Kingdom ngunit mayroon silang Mystic Treasure Realm na isang magandang lugar upang sanayin at subukin ang mga batang adventurers. Isa pa, mayroong mga nakatagong kayamanan dito at makakatukong ito sa mga batang adventurers na lumakas. Bukod pa roon, mayroon pang mga Vicious Beast na maaari nilang makalaban upang magkaroon nang karanasan sa aktwal na pakikipaglaban. Ang tangi lang tanong dito ay kung sino ang makakaligtas, ang Vicious Beast ba o ang mga batang adventurers?

Ito ang pinakaunang rason kung bakit nakakaya pa ring makipagsabayan ng Sacred Dragon Kingdom sa ibang Third Rate Kingdom sa patuloy na pag-unlad.

Matapos ang ilang sandaling pagninilay-nilay, sa wakas ay naramdaman na rin ni Finn Doria ang pagdating ni Ashe Vermillion. Bigla itong lumitaw sa tabi ng binata at nang makita niya ito, muli na naman siyang humanga sa taglay na kagandahan ng dalaga.

Hindi na ito nakasuot ng lilang bistida, na dapat na kasuotan ng mga Core Members ng Cloud Soaring Sect, sa halip, nakasuot ito ng hapit na pulang bistida. Dahil sa hapit ito, mas lalong nabigyang pansin ang kagandahan ng kurba ng katawan ni Ashe Vermillion. Nakikita rin ang mga hita nitong makinis at maputi. Nakapuyod na rin ang dalaga at ang buong katawan nito ay nalinis na rin.

Wala ng marka ng kahit anong galos o sugat sa mukha nito dahil sa mabisang epekto ng Recovery Pill. Sa ngayon, lubusan ng gumaling ang mga natamo niyang sugat sa panlabas ngunit mayroon pa rin siya na ilang tagong pinsala sa loob ng kaniyang katawan.

Nang mapansin ni Ashe Vermillion na taimtim na nakatingin sa kaniya si Finn Doria, medyo namula siya ng dahil sa inis. Ikinuyom niya ang kanyang kamao at pagalit na nagwika, "Ano pang hinihintay mo?! Tutunganga ka na lang ba dyan?"

Natauhan naman si Finn Doria. Sinusulit niya pa ang magandang tanawin ngunit dahil sa masyadong mainitin ang ulo at masungit ang dalaga, na-istorbo siya sa kniyang ginagawa.

"Bagay talaga ang kulay na pula sa iyong pag-uugali. Masyado kang mainit." Ngising giit ni Finn Doria.

Namula naman si Ashe Vermillion dahil sa magkahalong hiya at inis sa mga salitang sinabi ni Finn Doria. Matalim itong tumingin sa binata at inis na nagsalita, "Kung hindi ka pa titigil sa pagsasalita mo ng mga bulgar na salita, hindi ko lang dudukutin 'yang mata mo, puputulin ko rin ang iyong dila."

Mapait na napangiti si Finn Doria at hindi na muling nagsalita pa, ngumiti na lang siya sa dalaga at itinuon ang kaniyang atensyon sa harapab. Tumalon siya sa ere at ang kanyang pigura ay bigla na lang naglaho. Suminghal naman si Ashe bago tuluyang sumunod sa binata.

Ang kanilang pigura ay mabilis na naglalaho sa mga puno. Tahimik at maingat nilang nililibot ang paligid.

Sa ngayon, balak libutin ni Finn Doria at Ashe Vermillion ang malaking parte ng kagubatan upang hanapin ang iba nilang kasamahan at magsanay na rin habang naglalakbay. Dahil nakapunta na si Finn sa kailaliman ng kagubatan, hindi na niya balak na bumalik doon isa pa, nasa katinuan naman siguro ang mga batang adventurers at hindi nila susubuking lakbayin ang malalim na parte ng kagubatan.

Habang patuloy na naglilibot, isang malaking gagamba ang bigla na lamang humarang sa dinaraanan ng dalawa. Mayroon itong walong pulang mata at nanlilisik itong nakatitig kay Finn Doria at Ashe Vermillion. Ang kabuuan din nito ay napapalibutan ng mga tinik habang ang anim na paa naman nito ay para bang maliliit na puno dahil sa kalakihan at kahabaan.

Ang gagambang ito ay tinatawag na Red-Eyed Thorny Tarantula. Isa itong Fourth Grade Vicious Beast at ang lakas nito ay maikukumpara sa 6th Level Scarlet Gold Rank. Ang mga matutulis nitong tinik ay naglalabas ng masangsang at nakakasulasok na amoy, senyales na mayroong lason ang mga tinik nito.

Agad itong naglabas ng hugis bilog na sapot at walang pakundangang inatake ang dalawa. Makapal ang bawat sapot na ito at mabilis ang pagbulusok nito patungo sa dalawa. Sunod-sunod na atake ang pinakawalan ng malaking gagamba kaya naman napalibutan ang dalawa nina Finn at Ashe.

Sa kinatatayuan ni Finn Doria, simple ngunit matikas lang na inilagan niya ang mga parating na sapot. Kahit na pinalibutan siya ng maraming atake, hindi siya natamaan o nahagip man lang ng kahit isa sa mga ito. Kahit pa sabihing mabilis ang pagbulusok ng atakeng ito, maliit na bagay at madali lang para kay Finn Doria ang ilagan ang lahat ng ito. Isa pa rin siyang Profound Rank habang ang gagamba naman ay Scarlet Gold Rank.

Hindi gaya ni Finn Doria, kinailangan pa ni Ashe Vermillion na ilabas ang kaniyang Top-tier Armament upang salagin ang mga atake ng gagamba. Magkapareho lang sila ng antas ng lakas ng gagamba ngunit hindi pangkaraniwang adventurer si Ashe Vermillion.

Nais niyang subukan ang bagong niyang lakas bilang 6th Level Scarlet Gold Rank at ang gagambang ito ang magsisilbing biktima niya. Matapos niyang hiwain sa dalawa ang mga bilog na sapot, agad siyang nabalutan ng marahas na enerhiya at mabilis na sumugod patungo sa malaking gagamba.

Nang makita ito ni Finn Doria, bahagya siyang tumango at hinayaan ang dalaga na lumaban. Pumunta siya sa isang puno at payapang sumandal dito habang kalmadong nanonood sa magaganap na laban.

Naramdaman ng malaking gagamba ang pagbabago sa dalaga kaya naman agad siyang naging alerto. Gumalaw ang naghahabaang paa nito at mabilis na sumugod rin sa dalaga. Sinalubong nito ang espada ni Ashe ng buong tapang.

Spuuuurt!

Dahil sa talas at lakas ng pagkakahampas ng espada, matagumpay nitong napuruhan ang malaking gagamba. Naputol sa kalahati ang isang paa nito kaya naman mayroong masangsang na likido ang sumirit mula rito.

ROAR!!

Naglabas nang malakas at nakakabinging ungol ang malaking gagamba. Susugod na sana ang gagamba at maghihiganti kay Ashe Vermillion, ngunit hindi nito inaasahang mabilis na itatarak ng dalaga ang kaniyang espada sa pinakamalaking mata ng gagamba. Sa loob ng matang 'yon, nakatago ang kaniyang Magic Crystal, ang pinagmulan ng buhay ng Red-eyed Thorny Tarantula.

Crack!

Crack!

Crack!

Ilang malulutong na lagutok ang narinig ni Finn at Ashe. Nakarinig sila ng isang matigas na bagay na para bang unti-unting nababasag, at ilang sandali nga, isang mahinang pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid.

Thud!

Bumagsak ang katawan ng gagamba sa lupa at mapapansing sumabog na ang ulo nito. Tumilapon din ang ilang bahagi ng kulay pulang magic crystal mula rito at ilang sandali pa, namutla ang kulay nito hanggang sa tuluyan ng maging kulay abo. Dahil nagkapira-piraso na ang Magic Crystal ng Red-Eyed Thorny Tarantula, nagkalat na rin ang marahas na enerhiya nito sa buong paligid.

Napasimangot naman si Ashe nang masaksihan niya ang pangyayaring ito, nanghihinayang siya dahil ang isang Fourth Grade Magic Crystal ay naging ordinaryong bato na lamang dahil sa kaniyang kapabayaan.

Madaling mabasag ang Magic Crystal 'pag nasa loob pa ito ng katawan ng Vicious Beast kaya naman ito ang nagsisilbing malaking kahinaan ng mga Vicious Beast. Dahil dito, binibigyang halaga ng mga halimaw ang lugar na pinaglalagyan ng kanilang mga kristal.

Sandali lang na naghinayang si Ashe Vermillion at makalipas nga ang ilang sandali, kinalimutan niya na ang tungkol sa Magic Crystal ng isang Fourth Grade Vicious Beast. Hindi niya na binigyang pa ito ng pansin at marahang tumingin sa kinaroroonan ni Finn Doria. Nakasandal lang ang binata sa malaking puno habang nanonood sa mga pangyayari.

Ngumiti si Finn Doria at umayos ng tayo. Unti-unti siyang lumapit sa dalaga at nang makalapit na siya rito, pinagmasdan niya ang bangkay ng gagamba at marahang tumango, "Kahanga-hanga, madali na para sa'yo ang tumalo ng isang 6th Level Scarlet Gold Rank. Isa ka talagang talentadong adventurer, Binibining Ashe."

"Nakakalungkot lang dahil nasayang ang isang Fourth Grade Magic Crystal..." pagkukunwaring nanghihinayang na saad ni Finn Doria.

"Hindi na mahalaga ang bagay na 'yan. Wala na tayong oras para magkwentuhan pa, kailangan na nating magmadali at magpatuloy sa paglilibot." seryosong tugon ni Ashe Vermillion.

Tumango si Finn Doria at muli na silang nagpatuloy sa paglalakbay.

Sa kalangitan, isang pares ng pulang mata ang nakamasid sa bawat kilos ng binata.

--

Floating Island, Cloud Soaring Sect's Faction House.

"Ito na ang ika-labing isang araw nila sa loob ng Mystic Treasure Realm... Sana lang ay walang nangyaring masama sa kahit sino sa mga batang 'yon.." malumanay na wika ni Sect Master Noah habang nakasilip sa bintana.

Tinatanaw niya ang malawak na kapaligiran sa labas ng kanilang Faction House habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa kaniyang likuran. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng emosyon habang sinasambit ang mga salitang binibitawan niya.

"Sana nga, Sect Master Noah. Sila ang pag-asa ng ating Cloud Soaring Sect at ng ating Sacred Dragon Kingdom kaya naman isang malaking kawalan kung mawawala ang kahit na sinuman sa kanila. Malulungkot din ako pag may nabawas sa kanila na kahit isa." Wika naman ni Elder Marcus sa tabi ni Sect Master Noah. Tumingin kay Sect Master Noah at malumanay na nagtanong, "Sect Master Noah, paano...kung may mangyaring masama kay Finn Doria sa loob ng Mystic Treasure Realm..?"

Natigilan si Sect Master Noah ngunit tuwid pa rin ang kaniyang tingin sa labas ng bintana, "Kung sakaling hindi siya makakalabas ng buhay sa Mystic Treasure Realm, isang madugong digmaan ang siguradong magaganap. At gustuhin ko mang magbigay ng tulong, imposible itong mangyari dahil hindi hahayaan ng Sacred Dragon Kingdom ang pagsali ng Cloud Soaring Sect sa labanang ito. Kaya naman sa oras na iyon, ang Azure Wood Family ni Finn Doria ay siguradong hindi makakaligtas mula sa pagkawasak."

Dahil sa sinabing ito ni Sect Master Noah, napuno ng emosyon ang matandang mukha at mata ni Elder Marcus. Ipinapanalangin niya sa loob-loob niya na sana'y hindi maganap ang sinasabi ni Sect Master Noah.

--

Mabilis na lumipas ang mga araw, labing walong araw na simula ng pumasok ang mga batang adventurers sa Mystic Treasure Realm. Labing-dalawang araw na lang ang natitirang panahon ng kanilang pananatili sa mundong ito.

Sa malawak na parte ng kagubatan sa Mystic Treasure Realm, dalawang pigura ng batang adventurer ang nakatayo sa harap ng isang duguang bangkay ng isang lalaking batang adventurer. Gayunpaman, kahit na naliligo ito sa sariling dugo at hindi na kumpleto ang katawan nito, pamilyar pa rin sina Finn at Ashe sa binatang ito.

Ang binatang ito ay walang iba kung hindi si Yves Lilytel ng Sword Seven, miyembro rin ito ng pinakamalakas na Noble Clan na Lightning Wind Family na kinabibilangan din ng kanilang kasama na si Lore Lilytel. Mayroong lakas ng 6th Level Scarlet Gold Rank si Yves ngunit hindi pa rin ito nakatakas mula sa lupet nang kamatayan.

Kahit na nakikita nina Ashe Vermillion at Finn Doria ang kalunos-lunos na sinapit ni Yves, walang bakas ng kalungkutan ang makikita sa kanilang mga mata. Tanging awa lang ang makikita sa mata ng dalawang ito. Wala silang ugnayan kay Yves kaya naman walang dahilan upang malungkot sila sa sinapit nito.

Habang pinagmamasdan ang kaawa-awang bangkay ni Yves, iniisip ng dalawa na maaaring inatake ito ng mabangis na halimaw kaya naman ganito ang sinapit ng binata. Isa lang si Yves sa biktima nang kalupitan ng mga Vicious Beast.

Hindi ito ang unang bangkay na nakita nina Ashe Vermillion at Finn Doria, dahil bukod sa kanilang pag-eensayo sa nakalipas na labing walong araw, nakakita pa sila ng labing tatlong bangkay at ang mga ito ay nanggaling sa iba't ibang Faction, mayroon pang dalawang nagmula sa Royal Clan.

Gaya ni Yves Lilytel, malupit din ang sinapit ng mga ito. Karamihan pa sa kanila ay kulang-kulang na ang parte ng katawan. Malinaw na kagagawan ito ng malakas na Fourth Grade Vicious Beast o Fifth Grade Vicious Beast.

Sa kabutihang palad, wala pang bangkay ng kahit isang miyembro ng Soaring Seven ang kanilang natatagpuan. Dahil dito, nakahinga nang maluwag ang dalawa. Marahil ay nasa ibang rehiyon ang ibang miyembro ng Soaring Seven kaya naman hindi pa natatagpuan ito nina Finn at Ashe.

Umaasa silang nasa mabuting kalagayan ang mga ito at umaasa rin sila na sana ay magkakasama na ang mga ito.

Yumukod si Ashe at kinuha ang interspatial ring ni Yves. Nang mapakiramdaman niya ang laman ng interspatial ring ng binata, natuwa siya sa kaniyang mga natuklasan. Sa tuwing makakakita siya ng bangkay ng batang adventurer, kinukuha niya ang mga interspatial ring ng mga ito at inilalagay sa kaniyang sariling bulsa. Hindi siya nagsikap ngunit nakakolekta siya ng maraming kayamanan sa maikling panahon. Dahil dito, hindi niya mapigilang hindi mapangiti ng malapad.

Ang nakolekta niya mula sa pinagsama-samang interspatial ring ng mga namatay ay sampung beses na mas marami at mas mahalaga sa kaniyang mga nakolekta kaya naman hindi niya mapigilang maglaway.

Bukod pa roon, nandoon din ang personal na pag-aari ng mga batang adventurer at ang kanilang ari-arian ay hindi basta-basta, lalo na yung dalawang nagmula sa Royal Clan.

Hindi nakikipag-agawan sa kanya si Finn at kahit na nagtataka si Ashe, isinantabi niya na lang ito at hindi niya na binigyang pansin pa. Ang mahalaga, solo niya ang mga kayamanang nakuha niya mula sa mga namatay na batang adventurers.

Malaking kalokohan kung papapalampasin ni Ashe ang mga kayamanang ito. Kayamanan na ang lumalapit sa kanya kaya naman sino siya upang tanggihan ang malaking oportunidad na ito?

Sa mundong ito, hindi niya kailangang maging mabuting tao. Ang mga batang adventurer na kinuhanan niya ay wala ng buhay kaya naman ang mga kayamanang iyon ay maikokonsidera na rin bilang walang nagmamay-ari. Kaya naman ayos lang kung kuhanin niya ang mga bagay na 'yon.

Gayunpaman, mas mabuti na kung palihim niyang ibebenta ang mga ito sa labas upang hindi matuklasan ng mga Faction Master na siya ang nakakuha ng mga interspatial ring ng mga ito.

Wala namang pakialam si Finn Doria habang nakikitang kinukuha ni Ashe ang mga interspatial ring ng mga namatay, hindi niya kailangan ang mga ito dahil ang kaniyang kayamanan ay isang milyong beses na mas marami kaysa sa mga ito.

Matapos makuha ni Ashe ang interspatial ring ni Yves ngumiti ito nang malapad kay Finn Doria, "Nalibot na natin ang halos buong kagubatan mukhang tayong dalawa na lang ang buhay sa rehiyong ito. Oras na siguro para magtungo naman tayo sa malamig na rehiyon upang maghanap pa ng mga namatay."

Nagulantang naman si Finn sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya mula sa dalaga. Taimtim niya itong tinitigan at marahang nagwika, "Nagbibiro ka ba? Hindi tayo naglilibot para lang maghanap ng mga patay. Naglilibot tayo para hanapin ang iba nating kasama."

Sinimangutan naman siya ni Ashe Vermillion, "Yun nga ang ibig kong sabihin!"

Matapos niya itong sambitin, padabog siyang naglakad pauna at iniwan mag-isa si Finn kasama ang walang buhay na katawan ni Yves.

Umiling si Finn Doria sa astang ito ni Ashe at at ilang sandali pa, tahimik itong sumunod sa dalaga.

Naiintindihan naman ni Finn si Ashe, dahil gusto niyang lumakas, normal lang na maging ganid siya sa kayamanan. Ganid rin noon si Finn Doria ngunit dahil sa kaniyang Myriad World Mirror na punong-puno ng kayamanan, hindi na siya nagkaroon ng pakialam sa iba pang kayamanan.

Ilang oras pa na naglakad ang dalawa hanggang sa makarating na sila sa lugar na naghahati sa tatlong rehiyon. Habang nasa hindi kalayuan, namangha ang dalawa ng makita ang maputing tipak ng niyebe. Magkaibang-magkaiba ang klima at panahon sa tatlong rehiyon kaya naman hindi nila mapigilang mapanganga at magningning ang kanilang mga mata.

Ngunit hindi lang ito ang gumulat sa dalawa ni Finn at Ashe Vermillion. Kakarating pa lang nila sa Malamig na rehiyon ngunig agad silang nakakita ng labing apat na pigura ng batang adventurer na naglalakad paalis sa malamig na rehiyon.

Agad na gumuhit ang galak sa mata ni Finn Doria ng makita ang dalawang pamilya na pigura mula sa labing apat na batang adventurer. Masaya siyang makita na buhay pa ang dalawa kaya naman hindi niya mapigilang mapangiti, "Sina Leo at Lore Lilytel!"

Ngunit agad rin namang nabura ang galak sa mukha ni Finn ng makakita pa siya ng medyo pamilyar na pigura. Nakasuot ito ng gintong roba at nangunguna ito sa grupo kaya naman agad niyang nakumpirma na nagmula ito sa Royal Clan.

Nang malinaw na makita ni Finn ang hitsura ng pigura hindi niya mapigilang mapabulong sa kanyang sarili, "Prinsipe ng Sacred Dragon Kingdom. Ang ika-sampung Prinsipe, Prinsipe Theo Vildar..."

--

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

138K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
471K 92.3K 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakik...
364K 66.7K 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos...
Alpha Omega بواسطة Yam

الخيال (فانتازيا)

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...