CHAPTER 25: The Transformation
Charie’s POV
Ano kayang nangyari? May kakaiba talaga eh. Hmmm.. Ayaw namang sabihin ni Asungot kung anong problema.
Pero--- bago ko isipin yun, may sarili ring akong problema. Grabe! Kailangan ko ng lumayo at tumakas kela Mei at Jade!
*Flashback*
“Sleep over!” sigaw ni Mei
Nandito kaming tatlo ngayon ni Jade sa bahay nila Mei, may group project kasi kaming tatlo. Eh hindi pa namin tapos, matagal pa naman ang deadline pero may kahirapan siyang gawin kaya kailangang umpisahan ng maaga.
“Anong sleep over?” tanong ko.
Alam ko naman kung anong ibig sabihin non, ang hindi ko alam kung bakit kailangan pa.
“Ay nako! Mahirap kaya ang 100 pages report no! May Video Presentation pa! Kailangan nating matapos yung written report within this week kaya dito na kayo matulog.”
Anong konek?
“Eh? Pero hindi pa ko nakapagpaa---“
“Hep hep!Bawal tumanggi! Tsaka napaalam ko na kayo sa mga parents niyo, pagpunta niyo palang pintawag ko na si Yaya sa inyong mga bahay. At ikaw naman Miss-maganda *Turo sakin* Pinaalam na rin kita sa Asungot mo. Ayiiiee! Em so keleg!”
“Pi-pinaalam mo pa ako sa kanya?”
“Oo naman no! Pag nalaman non na hindi ka umuwi sa bahay niyo baka ipasalvage ako non!”
“Anong sabi niya?”
“*Ehem* *Imitating Rain’s Voice* Ganon? Sige, sa sahig niyo sa patulugin, wag niyong pakainin, sipain niyo pag humilik. Takpan niyo ng unan ang mukha dahil *Bumalik sa totoong boses* Ang ganda ganda niya ang gwapo ng boyfriend niya ahahahaha!”
“Psh. Yun talaga ang sabi?”
Loko yun ah!
“Haha! Joke lang! Ang sabi niya talaga, ingatan ka namin, wag papadapuan sa lamok, wag hahayaang ginawin, pakainin ng marami.. Sabi niya nga tatawagan ka niya... *Tingin sa relo* Now na...”
*Asungot... Calling...*
>Hello?
>Engot!
>Oh bakit?
>Wala. Nandyan ka ba kela Mei.
>Oo.. Hehe..
>Talaga?
>Oo nga..
>Wala kang kasamang lalaki?
>Wala.
>Ano ng ginagawa niyo?
>Kakain na..
>Ah ganun ba.. Sige kumain ka ng marami ah..
>Ok sige hehe..
>Ok..
>Ok..
(“Mga to! Fumofault in our stars! Ok-ok! Salaksakin ko kayo ng telepono sa baga eh! Tama na yan!” –Mei)
>Baba ko na Asungot..
>Haha sige..
>Bye---
>Engot..
>Oh?
>I love you..
(“Kenekeleg eke. Pahingi nga ng Boyfriend! Now na!” –Jade)
>Hehe, labyu..
>Ayoko. Kulang.
>Pfft—Choosy.. Haha.
>Dalian mo na...
>Haha! I love you too.
(“Mga anak kayo ng Nanay niyo. Manginggit pa sige!”-Mei)
>Engot.. I miss you too..
>Magkikita pa tayo bukas. Awat na haha!
>Last na, kiss ko?
(“Kain na tayo Mei..”- Jade)
>Muwah! Bye na!
*Beep*
>//<
Tinignan ko sila Mei..
Ngumuso sila sabay sugod at hampas sakin.
“Yung buhok mo sumabit sa Ceiling!”-Mei
“May nakita rin akong buhok mo sa bubong. Omaygahd, pataas pala ang tubo ng buhok niya haha! Ang haba ng hairlalu! Nagdadalaga! Hahaha!”- Jade
“Pwede na kumain?”
Umayos na sila at lumabas na kami ng kwarto.
“Akala ko ayaw mo na kumain eh, busog ka na ata sa pagmamahal ng Asungot mo eh. Haha!”
Hmmm. Pwede din. Lol.
Kumain lang kami tapos nagpahinga, naglinis, at natulog...
Kinabukasan...
“SISTHAAAAAA!!”
“NASAAN ANG SUNOG?! SINONG KAAWAY?!” –Jade, Mei, Ako
Sabay sabay kaming napabangon sa kama at napatingin sa paligid.
Ang lakas nung sigaw grabe! Pang buong sambayan ang makakarinig!
Napatingin kami sa biglang pumasok..
Siya yung sumigaw?
“Ate?!” –Mei
“Yes my Sisthaa!!”
“KAPATID MO SIYA?!” tanong namin ni Jade kay Mei.
“Oo. Bakit?!”
May kapatid siyang sikat na Make-up Artist?!
“Kapatid mo si Mia Alcarez?!”
“Oo bakit?”
“Anong bakit?! Bakit hindi mo sinabi samin?!”
“Nagtanong ba kayo?!”
“Huh! Mei! May kapatid kang sikat na Make-up artist! Tapos hindi mo sinabi?! Hello?! Kaya naman pala ang ganda mo!” –Jade
Bumawi haha!
“Hihi! Namiss mo ba ako Sisthaa?”
Umupo si Ate Mia sa tabi ni Mei at niyakap niya siya..
“Yup! Namiss kita Ate! Akala ko next week pa balik mo from Chicago?”
“Ay nako! Ang totokwa ng mga tao don! Hirap kausapin! O.My.G. You!”
Napaayos ako ng upo dahil tinuro niya ako.
“B-bakit po?”
“Sumama ka sakin.”
“P-po? Bakit po?”
“Anong bakit?! Papaganndahin kita! Bawal umangal! Ang grasya hindi dapat tinatanggihan.”
A=ako?! P-pagandahin niya?! Kaya niya?! Wala akong pera!
“Walang bayad. Kaya ko bakit?!”
Narinig niya ba iniisip ko?
“No. You kinda,said your thoughts quite loud.”
Ay postpa. -__-
“You will be my Project for the meantime.”
*End of Flashback*
Ayun na nga. Kanina bago ako umalis sa bahay nila, binigyan niya ako ng mga panlagay sa mukha, may cleanser, whitening cream, yung panghilamos, aissh! Buti tinuro niya pano gamitin tong mga to. Effective kaya to? Gagana kaya sakin to?
“Uy. Ok ka lang?”
Kinalabit ako ni Asungot, nasa room na pala kami.
“Hmm. Ok lang bakit?”
“Ewan ko sayo. Tulala ka eh, tulo pa laway mo. Oh panyo punasan mo yan.”
Bulong niya sakin habang kunyaring nakikinig sa Teacher.
Yak! Di nga?! Tulo laway ako?! Ano nanamang kaengotan yung pinakita ko?! Potspa.
Yung panyo ko nalang yung pinamunas ko sa bibig ko.
“Yak, meron nga. Huhu..” bulong ko.
Kainis naman! Mas ok sana kung sila Mei nalang ang nakakita. Huhu! Ang gara talaga!
Nakinig nalang ako, wala naman akong magagawa eh..
**
Pagkatapos ng klase nagpaalam na ako kay Asungot na didiretso na ako sa bahay nila Mei. Nagsabi pa siya na ihahatid daw ako, eh kasama ko naman nga sila Mei eh..
Bago ako tuluyang umalis, hinawakan niya yung kamay ko at hinatak ako paharap sa kanya.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
“Ano? Bakit?” tanong ko sa kanya.
Nagsalubong yung dalawang kilay niya at pinisil niya yung ilong ko, hindi naman masakit.
“Dalawang araw. Dalawang araw na kitang hindi nakakasama ng maayos.”
“Nagkikita naman tayo dito ah. 6 hours?”
“Hindi ganun. Nakakainis, bahala ka dyan.”
Nag-walk out na. Hala! Break na ba kami?!
“Anong nangyari dun?” sila Mei, nasa tabi ko na.
“Ewan ko. Sabi niya hindi na daw niya ako nakakasama, bahala daw ako. Break na ba kami?!”
“Gaga! Break agad?! Ano? Itlog lang? Maliit na crack palang pisat na agad?!”
“Edi ano?!”
“Namimiss ka lang nun.”
“Anong gagawin ko?”
“Pag natapos yung project natin bumawi ka sa kanya..”
“O-ok.. pero teka--- Anong sabi mo? Itlog?! Kinukumpara mo kami ni Asungot sa Isang ITLOG?!”
“Hay! Tara na nga!”
Hinatak na nila ako ni Jade papasok sa kotse nila Mei at pumunta na nga kami sa bahay nila.
**
“Wah! Sisthaa!!” tumakbo si Ate Mia at niyakap si Mei, tapos niyakap niya rin kami ni Jade..
Nung sakin na..
“Hmm! Today is your DAY 1.”
Simula nung sinabi niya yan, hindi na ako napakali.
Habang gumagawa kasi kami ng project nila Mei, nakatitig lang sakin si Ate Mia. Pag tinatanong ko naman siya kung bakit siya nakatingin, ang sasabihin niya.
“I’m observing. Inaaaral ko rin ang mukha mo.”
Nakakailang na hindi ko maintindihan kung anong natira nito ni Ate Mia, ang lakas ng trip sakin.
Pagkatapos naming gumawa ng project, hinatak ako agad ni Ate Mia papuntang banyo. Kasama siya.
“A-anong g-gagawin mo Ate Mia?”
Hinawakan niya ako sa baba at tinignan bawat anggulo ng mukha ko.
“Gamitin mo lahat ng binigay ko sayo ah. 1 week observation ka.”
**
After 1 week..
“Engot..”
Kasama ko si Asungot ngayon, naglalakad lakad lang kami sa daan, sinundo niya kasi ako.. Pahangin lang daw.. Ehem.. Ehem.. Holding Hands kami. Oha! Ganda ko!
“Hmm?”
“Parang may nagbabago sayo..”
“H-ha?” ano naman kaya yun?
“Ewan ko. Basta feeling ko may bago sayo.”
“Ano naman kaya yun?”
Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako..
“Hindi ko din alam. Araw araw kasi kitang nakakasama kaya siguro hindi ko matumbok, pero alam ko may naiba sayo---“
“Bravo! Effective!” narinig naming sigaw ng isang babae di kalayuan sa kinakatayuan namin ni Asungot..
Tinignan ko mabuti kung sino yung sumigaw..
“Ate Mia?” lumapit siya samin, yung lakad niya pa pang Model. Grabe lang.
“Yay! Effective yung facial treatment! 1 week na! Look oh! Nawala na pimples mo! Konting blemishes nalang! Tapos hindi na rin halata yung white heads. And! Adevelop ang rosy cheeks! Tara na!”
Kinuha niya yung kamay k okay Asungot pero hindi siya nagtagumpay kasi hinigpitan ni Aungot yung pagkakahawak niya.
“Sino ka? San mo dadalhin si Engot?”
“Ay ang strict ng Boyfriend! Pak na pak naman pogi! Dadalhin ko siya sa bahay namin! Dahil ngayon sila mag shoshooting para sa Video Presentation nila. Nakita ko siya sa daan kaya isasama ko na. Gusto mo sumama ka na rin. Para maganda ang view!”
Napakunot yung noo ni Asungot pero wala naman na siyang nagawa, sumama na rin siya, pero hindi niya pa rin binitawan yung kamay ko..
Pagdating sa bahay nila Mei..
“Uy Chacha!” lumapit siya sakin..
“Oh bakit?”
“Ngayon tayo magshoshooting, ano kasi, yung pinsan ko yung pinapunta ko para kuhanan tayo ng Video, sana ok lang..”
“Hala. Oo naman ok lang sakin, bakit naman aarte pa ako.”
“Great! Hi Rain! Ok, tara na dun kayo sa loob, nandun din yung pinsan ko at si Jade..”
Sumunod na kami kela Ate Mia at Mei sa loob ng bahay nila...
Pagdating sa Sala..
“Chacha, Rain.. this is my cousin pala. Si---“
“Louise..”
Nanlaki yung mata ko nang makita ko kung sino yung pinsan ni Mei..
“Kilala mo siya Vince?” –Mei
“Yes Mei.. Kilala ko siya..” –Vincent
Patay na.
Tinignan ko yung kamay namin ni Asungot, humigpit yung hawak niya.. Nagkatiniginan sila sa mata, nakakatkaot. Parang nag-uusap ng hindi nagsasalita. Magkakilala na ba sila?
“Oh oh! Bat ang iiinit ng tinginan niyo dyan? Ano? Primetime bida lang? Hey Girls! Tara na! Aayusan ko na kayo..”
Pinapunta niya na sila Mei at Jade sa kwarto, pero ayaw pa rin ako bitawan ni Asungot..
“Hey hey.. Rain right? Hiramin ko muna tong si Charie, kailangan siyang maayusan para sa Video..”
Dahan dahan niyang inalis yung kamay ni Asungot sa kamay ko, si Vincent at Asungot diretso lang ang tingin sa isa’t isa.. Magkadevelopan kayo dyan..
Bumulong ako kay Asungot bago umalis..
“Babalik ako ha? Wag kayong mag-away..”
Kinakabahan ako sa dalawang yun. Nakwento ko kay Asungot yung tungkol sa nangtrip sakin na manligaw, pero wala naman akong natatandaang binanggit ko yung pangalan nung kung sino yun. Alam niya na kaya?
Inayusan lang kami ni Ate Mia at inihanda para sa pag video..
“I can’t believe it! I’m so amazing! Nagwork talaga sayo yung Facial Treatment na ininvent ko! Look oh! Pumuti ka! Nawala rin most of your pimples! Yiiee! I’m so kinikilig! I’m sure, after kitang ayusan, Rain would be excited to marry you!”
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil dun sa sinabi niya.. Kasal? Gusto kaya akong pakasalan ni Asungot?
“Ate Mia. Hehe..”
Pinaupo niya na ako at pinaharap sa salamin.. Ginalaw galaw niya yung buhok ko, nagtawag pa siya ng iba niyang kasama para linisin yung kuko ko.. Parang ang dumi dumi ko tuloy...
Inistraight nila yung buhok ko at tinali nung parang korona? Tapos may kumikinang at mabigat pero maliit lang naman na ribbon bilang ipit..
Hindi ko alam kung pinakuluan nila yung buhok ko, lumambot eh.. Tapos Hanggang sa minake up-an na nila ako..
Feeling ko ang bigat bigat ng mukha ko sa dami ng make up na nilagay nila sakin, iniisip ko tuloy kung anong level na yung kapangitan ko..
Pagkatapos nung make up, pinatayo niya ako at lumipat kami sa kwarto niya..
Pinagsuot niya ako ng Pulang dress, yung bestida na hanggang dulo? Basta alam ko Dress yun eh! Kulay pula siya na may belt na malaki na kulay itim, tapos Sandals na puti..
“There! You look gorgeous na! Mukha kang Doll! O.My.G.”
Sabi niya sakin sabay harap kela Mei at Jade, na nakasilip pala sa pinto.. Nakaayos na rin sila, sinong nag-ayos sa kanila?
“Wow! Ganda mo talaga Chacha!”
“Pwede ba? Wag kayong magmura.”
Lumapit ako sa kanila..
“Sinong nag-ayos sa inyo?”
“ME!” tinaas ni Mei yung kamay niya..
“Haler! Kapatid ko Make up artist! Tinuruan kaya ako niyan, kaya ako na ang nag-ayos samin ni Jade.. Well, wala naman kaming boyfriend, ok na ok lang ang mag stand out ka Chacha!”
Biniro biro pa nila ako. Tapos nagpaalam na samin yung kasama ni Ate Mia sa pag-aayos sakin.. Mga katrabaho niya pala yun..
Nung ok na lahat.. Pumunta na kami sa Sala nila.. Oo na, ang OA nito. Parang tanga lang..
Si Vincent inaaayos niya yung Camera niyang malaki, nakatayo siya sa tapat ng Sofa. Si Asungot naman naglalaro sa Cellphone niya, sa Sofa.. Tapos sabay silang napatingin sakin.. At napatigil sa mga ginagawa nila. Ang ganda ko ba? Haha! Feel na feel ko naman na babae ako ngayon hehe..
“Louise..” tawag sakin ni Vincent. Lalapit sana siya pero naunahan siya ni Asungot..
“Bat ang ganda mo? Anong ginawa nila sayo?” Tingin ko hindi niya napansin na lalapitan din sana ako ni Vincent..
“Minsan lang ako magmukhang tao, wag mo ng batiin.”
Tapos napangiti kaming dalawa. Parang sa oras na to, bumagay ako kay Asungot.. Parang sa araw na to, hindi katakatakang may “KAMI.”