Asungot and Engot: A small Fo...

By AliAmai

6.9K 160 14

More

Asungot and Engot: A small Forever
CHAPTER 1: Baby
CHAPTER 2: Kiss sa Cheeks
CHAPTER 3: Nose Bleed
CHAPTER 4: Nababaliw sayo..
CHAPTER 5: Lutang
CHAPTER 6: Pompyang
CHAPTER 7: Paano Kita Makakalimutan-
CHAPTER 8: Nanghihina ako..
CHAPTER 9: Kinilig Ka eh
CHAPTER 10: Wag Ipagmalaki ang Maliit
CHAPTER 11: Pakilala
CHAPTER 12: Stop In The Name Of Love
CHAPTER 13: Kumakabog-kabog
CHAPTER 14: Manligaw
CHAPTER 15: Don't Need to Pretend Anymore
CHAPTER 16: I'm your Superman
CHAPTER 17: I'll Make Every Second Count
CHAPTER 18: Betrayed
CHAPTER 19: My First Kiss
CHAPTER 20: Mabangis
CHAPTER 21: A Small Forever
CHAPTER 22: Free Taste
CHAPTER 23: Ethina & Vincent
CHAPTER 25: The Transformation
CHAPTER 26: The Past in Future Days
CHAPTER 27: Eavesdrop
CHAPTER 28: Heartache
CHAPTER 29: The Decision
CHAPTER 30: Break-up
CHAPTER 31: Break Down
CHAPTER 32: Proposal
FINALE: May Forever

CHAPTER 24: Past and Present

129 4 0
By AliAmai

CHAPTER 24: Past and Present

Rain’s POV

Kinuwento sa akin ni Engot ang buong storya nila ni Ethina..

Si Ethina pala yung kinukwento niya sa akin noon na kaibigan niyang akala niya ay kaibigan niya talaga, yun pala ay niloloko lang siya..

“Hindi ko alam kung bakit ka niya kukunin.. Hindi ko alam kung may nagawa ako sa kanyang masama. Hindi ko alam bakit ganun nalang ang galit niya sa akin. Hindi ko naman siya kilala. Bakit niya gagawin yun? Paano pag inakit ka niya? Tapos ikaw matukso ka? Tapos makukuha ka na niya? Hindi malabong mangyari yun, ano nga namang laban ko ang ganda ni Ethina, sexy pa, mayaman, matalino.. Lahat na.. Hindi ko akalaing nandito din siya—“

Inawat ko na siya sa kakadaldal.. Ang daming sinasabi parang machine gun talaga..

“Sshh! Ang ingay mo! Ano naman kung hindi ka maganda?! Mayaman, matalino at Sexy?! Aanhin ko naman lahat yun?!”

Hinarap ko siya sa akin..

“Makinig kang mabuti ha? Ipilit mong isiksik to dyan sa cute mong utak na maliit na, Mahal kita. Ok? Yun lang. Kung alam mong mahal kita, at may tiwala ka sa akin, sa atin, hindi mo na kailangang mag-aalala pa sa iba.. Hindi niya ako maaagaw. Dahil hindi ako bibitaw sayo..”

Nginitian ko siya at kiniss sa Noo. Masyadong siyang Paranoid.

**

Lumipas ang ilang araw..

Laging umaali-aligid sa akin yung Ethina.. Napag-alaman kong hindi naman pala siya dito talaga nag-aaral.. At talaga namang lumipat pa siya para lang sa akin? Ganoon ba ako kaespesyal? Haha! Pero kidding aside, sa tingin ko hindi lang yun ang motibo niya sa pagpunta dito. Bakit siya pumunta dito? Ano talaga ang dahilan niya?

Nadischarge na si Renz.. At sabay kaming papasok ngayon..

“Ok ka na ba talaga?” tanong ko sa kanya.

“Oo.”

“Sure ka ah..”

Pumasok na kami sa kotse..

“Si Charie? Bakit hindi mo sinundo?”

“Hmm.. Sasabay siya kela Mei.. May group project kasi sa room. All girls yung grupo nila Engot.”

“Hindi ka na ba babalik sa A-1?”

A-1 yung dati kong section, nandun sila Gelo, Yohann, Renz at Calvin. Pero simula nung nakita ko si Engot sa school namin, nacurious ako kung siya ba yung batang sobrang pinagtawanan ko noon, kaya lumipat ako ng section, at nung naconfirm ko nga na siya yun, edi there you go, hindi na ako umalis sa tabi niya, malay ko bang maiinlove ako sa Engot na yun?

Bakit ba kasi lagi niya akong napapasaya?

Tinignan ko ng nakakaloko si Renz,

Namimiss niya na ako siguro.. Haha!

“Ano?!”

“Haha!”

Tumingin ako sa harap..

“Hindi na. Besides, pareho lang naman ng tinuturo eh, nauuna lang ang A-1 sa lessons kasi madaling makapick-up, other than that, halos pareho lang naman. Tsaka syempre nandun si Engot.”

“Tsk.”

“Manligaw ka na kasi. Para may Girlfriend ka na, para may dahilan ka ring lumipat ng section Haha!”

“I don’t need one.”

“Akala mo lang. Siguro nga, hindi mo kailangan, pero at one point marerealize mo na pag meron na, hindi mo na kayang mawala pa sayo.”

“Tss. Ayoko.”

“Ok, sabi mo eh.”

Nang makarating kami sa School..

Inalalayan ko si Renz makalabas ng kotse. Pati sa paglakad. Kaya niya naman ng mag-isa pero there are times na namamali siya ng tapak kaya sumasakit yung paa niya, kaya laging ready dapat sa pag-alalay.

“Dude, bromance to.”

Sabi ko nung napaakbay siya sakin. Kaya umalis siya kagad.

“Haha! Joke lang.”

“That’s disgusting.”

“Bakit? Gwapo naman ako ah!”

Nakakapagbiro lang ako ng ganitp pag kay Renz, mas masungit kasi siya sakin. Pag may makulit akong kasama tsaka ako masungit, para balance.

Papasok na sana kami sa School pero may nakita si Renz..

“Siya yun.”

Sabay turo niya dun sa isang lalaki na maputi, halos kasing tangkad ko lang, nakatayo lang siya sa gilid ng poste sa kabilang kalsada.. Parang may hinihintay? O inaabangan? Mula sa school namin..

“What’s with him? Kilala mo?” tanong ko kay Renz.

Sino naman kaya yun?

“Wala lang. Siya yung ex- suitor ni Charie, siya yung sinapak ko, at siya rin yung nagpabugbog sakin.”

WHAT?! SIYA YUN?!

Then anong sabi ni Renz?! Wala lang daw?! Hanep.

“siya ba yun?! Wait here---“ Lalalkad na sana ako at susugurin yung lalaking yun, kaso hinawakan ako ni Renz sa braso.

“Nasa tapat ka ng sarili mong school. Kung bubugbugin mo yan dito, hindi magugustuhan ng Parents mo. Kahit na ang makipag-away ka. Kaya kung ako sayo, hayaan mo na.”

“Yung nambugbog sayo nasa kabilang kalsada lang, tapos sasabihin mong hayaan ko lang? Nahanginan na ba yang utak mo?”

Biglang napako ang tingin ni Renz dun sa lalaki, pareho silang nagtititigan, yung tingin ng mga lalaki na may paparating na away.

Hahatakin ko na sana si Renz papasok sa school, pero nung mapansin kong papalapit sa amin yung lalaki, napaayos ako ng tayo. Ano namang kailangan nito? Gusto niya ba talagang mabanatan? Tsk.

“Buti buhay ka pa?” Sabi niya kay Renz.

Ang angas nito ah! Anong problema niya?

“Anong problema mo sa kaibigan ko?!” deretsong tanong ko sa kanya.

“Pakielamero siya. Ikaw ba yung Ranier?” tanong niya sa akin.

Hindi siya pakielamero, pikon at duwag ka lang.

“Ano bang kailangan mo ha? Bakit ka nandito?”

“I’m here to settle things.”

Aba inenglish ako! Anong tingin mo sakin?! Hindi marunong mag-english! Huh!

“What do you mean?”

“Nandito ba si Ethina Romualdez?”

Ethina?

“Oo, dito na siya nag-aaral. Bakit? Kilala mo? Girlfriend mo? Kunin mo na. Isama mo na pabalik sa inyo kung san man kayo nanggaling.”

“Anong sinasabi mo dyan? Hindi ko siya kukunin. At hindi ko na siya Girlfriend.”

Hindi na?

“Kahit na. Kunin mo pa rin. Ilayo mo siya samin. Hindi siya maganda sa kalusugan.”

Ano ba tong mga pinagsasasabi ko? Ayoko kasi talaga yung Ethina na yun dito eh.

“Will you shut up? Ang epal mo eh.”

Kaya nga ako naging Asungot eh.

“Sino ka ba ha?” Asar to.

“Vincent Sarmiento..”

Sarmiento—

“Ah! Kayo yung dapat makakalaban namin last time! Pero hindi kayo sumipot! Bakit? Natakot ba kayo?”

“Alam mo ang yabang mo. Nasan si Charie? I need to see Charie Louise.”

Ay ok pala to eh. Kanina si Ethina ang tinatanong ngayon naman si Charie.

“Anong kailangan mo sa Girlfriend ko?”

“Siya. Siya ang kukunin ko.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nanggigil ako bigla.

Nilapitan ko siya at tinignan mata sa mata.

“Subukan mo lang siyang galawin kahit na dulo ng kuko niya, hindi ka na ulit sisikatan ng araw.”

He gave me a poker face as a response.

“Tss. Ipapablotter na ba kita? Pinagbabantaan mo na ang buhay ko eh.”

“Sinasabi ko lang ang kaya kong gawin para kay Engot.”

Tinignan niya na rin ako sa mata. Seryoso siya.

“Pwes, mas may kaya akong gawin para sa kanya. Ilang taon akong nagtiis ng hindi siya makasama, ngayong tapos na ang dahilan ko para iwasan siya, gagawin ko ang lahat para lang mapasakin siya ulit.”

Napaamba na akong manunutok pero mabilis akong napigilan ni Renz.

“Hindi mo pwedeng angkinin ang pagmamay-ari na ng iba. Nagtapon ka ng pagkakataon, wag mo ng pulutin. Yung dating binasura mo, ngayon buhay na nito.” –Renz

Sabay turo niya sa akin, naglakad na papasok si Renz, pero may last words pa ako, para astig.

“Hindi ka pa nakakapasok. Pero I must say na, you should make your way out already. Don’t ever try.”

Tapos sumunod na rin ako sa loob. Nakakinis yung lalaking yun! Ang angas ng dating! Akala mo kung sino! TST naman! Duwag! Takbo Sumbong Tatay! Tsk.

“Bulaga!”

“Geez--! Engot naman! Bat nanggugulat ka?!”

Bigla siyang sumulpot sa harap ko.

“Wala lang, eh kasi nakita kita papasok, nakabusangot ka na eh, may problema ba?”

“Wala.”

Hindi naman niya na kailangang malaman pa.

“We?”

“Oo nga ang kulit mo!” inakbayan ko siya at sabay na kaming naglakad papuntang room.

Napalingon ako sa labas ng School, nandun pa rin siya..

Nakatingin sami--- no.. Nakatingin lang siya kay Engot.. Anong ibig sabihin nito?!

There’s no way the Past will beat the Present.

Continue Reading

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
244K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.