Asungot and Engot: A small Fo...

By AliAmai

6.9K 160 14

More

Asungot and Engot: A small Forever
CHAPTER 1: Baby
CHAPTER 2: Kiss sa Cheeks
CHAPTER 3: Nose Bleed
CHAPTER 4: Nababaliw sayo..
CHAPTER 5: Lutang
CHAPTER 6: Pompyang
CHAPTER 7: Paano Kita Makakalimutan-
CHAPTER 8: Nanghihina ako..
CHAPTER 9: Kinilig Ka eh
CHAPTER 10: Wag Ipagmalaki ang Maliit
CHAPTER 11: Pakilala
CHAPTER 12: Stop In The Name Of Love
CHAPTER 13: Kumakabog-kabog
CHAPTER 14: Manligaw
CHAPTER 15: Don't Need to Pretend Anymore
CHAPTER 16: I'm your Superman
CHAPTER 17: I'll Make Every Second Count
CHAPTER 18: Betrayed
CHAPTER 19: My First Kiss
CHAPTER 20: Mabangis
CHAPTER 21: A Small Forever
CHAPTER 22: Free Taste
CHAPTER 24: Past and Present
CHAPTER 25: The Transformation
CHAPTER 26: The Past in Future Days
CHAPTER 27: Eavesdrop
CHAPTER 28: Heartache
CHAPTER 29: The Decision
CHAPTER 30: Break-up
CHAPTER 31: Break Down
CHAPTER 32: Proposal
FINALE: May Forever

CHAPTER 23: Ethina & Vincent

163 4 1
By AliAmai

CHAPTER 23: Ethina & Vincent

Charie’s POV

Si Ethina, hindi ko alam kung ano ang totoong motibo niya bakiit niya ako kinausap nung araw na yun. Hindi ko sinasabing hindi ko kailangan ng kaibigan, pero sa palagay ko naman kakayanin ko kahit wala non.

Tumagal ako sa High School ng isang taon ng walang nagiging kaibigan, walang tumuturing sakin na kaibigan. Kahit na isa, dahil pangit nga ako, at hindi din nila ako maaasahan sa mga test kasi hindi naman ako matalino. Karamihan sa kanila may kanya-kanyang grupo at mundo.

Sinubukan ko bang makipagkilala at makipagkaibigan? Nung simula. Naglakas loob akong makipagkilala sa ilan. Yung sa palagay ko ay bibigyan ako ng pagkakataong makilala muna bago husgahan. Pero, sa tingin ko, halos lahat sila ganun. Kinakausap lang nila ako pag napapasama ako sa grupo nila pag may activity, maliban dun, wala na.. Tatlong tao palang sa tanang buhay ko ang kumausap sakin bilang tao sa kabila ng kaengotan at kapangitan ko. Sila Patpat, Yanna.. at yung Asungot na bata noon.

Pero nagkaron ng pagbabago nung Second year High School ako..

*Flashback*

2nd year High School..

1st day ng klase..

“Hoy!” may grupo ng mga babae ang lumapit sakin..

“B-bakit?” tanong ko sa kanila

“Bakit? Anong bakit?” eh? Sabog ba sila? Tinawag tawag nila ako tapos tatanungin ako bakit ako nagbakit?! Ang gulo!

“Bakit niyo ako tinawag?”

“Bakit ang pangit mo?”

Aray naman. Unang araw nabati agad.

“Hindi ko din alam eh.”

“Tsk. Kadiri ka. Ayoko na ulit makita ka naiiintindihan mo?!

Para namang ginusto kong makita mo ko..

Tumango nalang ako sa kanya, atleast diba? May pumansin sakin kahit na papano..

Pumasok na ako sa classroom namin..

Syempre tinginan sila, ang ganda ko kaya. Ho-ho Joke yon.

At syempre, dahil wala naman akong naging kaibigan sa section na to, dun ulit ako sa dulo.. Sabi nila Mama, memorable daw ang High School, madami daw unforgettable experience sa High School. Eto na ba yun? Yung nag-iisa ka palagi at walang kumakausap sayo? Yung hindi ata nila alam na may presensya mo na umaaligid aligid sa classroom?

Ang galing.

Pagkatapos ng klase, syempre break, at kapag break? Syempre rin kakain ako ng mag-isa..

*Pak*

“Aguy!”

“Bisaya ka man day?”

Tanong nung babaeng humampas sakin sa balikat..

Ha? Anu daw?

“E-eh?”

“Tinatanong ko kung bisaya ka. Sabi mo kasi Aguy.”

Umupo siya sa tabi ko at ininuman yung tubigan ko.. Ha?! Bulag ba siya? Hindi niya ba alam na sa pangit yung ininuman niya? Baka mahawa siya sakin.

“Ay ano hindi.. Bumara kasi yung tinapay sa ngipin ko. Kaya siguro aguy yung nasabi ko..”

*Pak* nakakarami na to ah..

“Ahahaha! Nakakatawa ka!! Haha!!” napakunot yung noo ko. Hindi ako nasabihan na nagjoke pala ako.

“Teka teka! May joke din ako! Kala mo ah! *ehem* Isang araw may baliw sa Mental.. Ang sabi nung Nurse, ‘Hoy! Bakit mo hinihila yang tali?’ sabi naman nung Baliw. ‘Eh ikaw ata ang baliw eh! Anong gusto mo? Itulak ko??!’ Ahahaha!! Nakakatawa diba??”

Eto naba yung puntong dapat Masaya na ako dahil sa joke niya?

“Hindi mo ba nagets???” tanong niya sakin.. Alam kong Engot ako pero..

“Ha? Hindi ano.. Nagets ko naman. Hindi ko lang alam kung saang parte ako tatawa.”

*pak* Ay boset! Hinampas nanaman ako! Isa pa talaga.. Ihahampas na kita sa puno.

“Grabe ka sakin! Haha! Anyways, let’s be friends.”

Nagulat ako sa sinabi niya, at dahil dun, hindi ako nakasagot..

“Hoy! Hindi mo ba ako narinig? Hindi mo ba ako naintindihan? Sabi ko LET’S.BE.FRIENDS.”

“Naintindihan ko naman.”

“Oh bat wala kang sagot? Ayaw mo ba?”

“Hindi. Hindi lang ako makapaniwala. Sigurado ka?”

“Yup! Friends na tayo!”

Hindi ko alam na kailangan pa palang idinedeklara yun. Ok. Wow. May kaibigan na ako..

“At dahil Friendships na tayo, oh kainin mo to! At akin na yan!”

Binigyan niya ako ng Cake.. tapos kinuha niya yung tinapay na walang palaman na kinakain ko..

Nung kinagat niya na yung tinapay... Ang laki pa ng kagat niya..

“AY ANAK KA NG NANAY MO!”

Nagulat ako bigla siyang sumigaw..

“ANO?! BAKIT?!” gulat na tanong ko rin, baka mamaya kasi nalason siya sa pagkain ko..

“ANO PALANG PANGALAN MO?!” tanong niya sakin nang nanlalaki pa yung mga mata niya at nagumbok na sa pisngi niya yung kinakain niya..

“Charie.. Charie Louise Engki..”

“Ah.. gannda ah.. Okay.. Ako pala si Ethina, Ethina Shin Sanchez.” Tapos bumalik na siya sa pagkain..

Teka--- yun na yun? Sumigaw siya at ginulat ako para lang dun? Una, kinaibigan niya ako, tapos ang hyper niya, hindi kaya takas sa mental to?

“Iniisip mo bang takas ako sa mental?”

Napapikit ako, akala ko kasi hahampasin niya nanaman ako, pero yung kamay niya, dumiretso sa ulo ko..

Eh?

“Mukha lang akong baliw. Pero I was just trying to cheer you up.. Smile ka naman dyan. The mood will be lighter, if you share a smile.”

Hindi ko naintindihan..

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Pero bago siya magsalita, uminom muna siya ulit sa inuman ko at nilunok yung nasa bunganga niya..

“Ethina Sanchez, from 2-B, maganda, makulit, sweet, thoughtful,mabait, maingay, maganda.. Uhm—may nakalimutan pa ako—ah! Maganda! Nice to meet you Louise!”

Hindi ko mawari kung nang-aasar ba siya o ano..

“Ah, nice to meet you too..” Oy English yon ah!

Nginitian niya ako, at nagpatuloy na kami sa pagkain..

Simula nung araw na yun, lagi na kaming magkasama ni Ethina, lagi kaming sabay umuwi. Mayaman si Ethina, pero naglalakad siya para masabayan ako. Binibigyan niya ako ng mga pagkain niya, pinagtatanggol ako sa mga nang-aaway sakin, tinuturuan ako sa klase, at sabi niya, tinuturing niya na akong parang kapatid..

Hanggang sa dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan, para siyang panaginip. Hindi ako Masaya sa pangyayaring yun, pero namangha ako sa kung paano siya nangyari sa akin.

“CHARIE! PWEDE KA BANG LIGAWAN?!”

Sigaw ng isang lalaki sa gitna ng Covered Court.

Hindi ko pinansin kahit kapareho ko ng pangalan yung sinigaw niya.

Nagtuloy lang ako sa paglalakad habang kumakain ng Footlong.. Ang init.

“CHARIE LOUISE ENGKI! PWEDE KA BANG LIGAWAN?! SUMAGOT KA PLEASE!”

Muntik ng mahulog yung palaman ng footlong ko ng bigla akong napatigil sa paglalakad..

“Oh my God!”

“Wow! Ang sweet niya naman!”

“Ang swerte naman nung babae!”

“Kailangan ibobroadcast ang panliligaw?”

Narinig kong sabi ng iba pang estudyante sa paligid..

Nagkataon lang bang kapareho ko ng buong pangalan yung sinsigaw niya?

Kahit na Malabo, humarap ako at tinignan ko kung sino yung sumigaw at kung sakali ay kung sino yung sinisigawan niya..

Hindi ko siya kilala. Sa tingin ko normal na estudyante lang din siya..

Nagulat ako nang makita kong nakatingin siya sa akin.. Anong tinitingin tingin nito?

Tumingin ako sa likod ko, baka kasi may babae sa likod ko na kausap niya pala. Hanggang sa naglakad siya.. Palapit---

Palapit---sakin?!

Naglabas siya ng bulaklak at tinapat niya sa mukha ko.

“Pwede ka bang ligawan?!”

Tumingin ako sa tabi ko, sa taas ko pati sa ilalim ng palda ko. Sinong kausap niya?

“Sino bang kausap mo?” tanong ko.

“Ikaw! Ikaw! Charie Louise Engki. Tinatanong kita kung pwede ba kitang ligawan..”

Kinaway kaway ko sa mukha niya yung kamay ko..

“Bulag ka ba?”

“Hoy! Mga Bata bawal yan! PDA yan!”

Pinituhan kami nung isang teacher, tuluyan ko ng nabitawan yung Footlong ko dahil hinatak ako nung lalaki. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalayo kami dun sa Teacher..

“Anong drama mo? Bakit mo ko pinapatakbo?”

“Tatakas tayo!”

Tatakas?! Eh pinapagod mo lang ako eh!

“Eh? Diba kahit naman matakbuhan natin siya may nakakilala naman satin kanina kaya isusumbong tayo at pupuntahan sa mga section natin? Ganun din.”

Tumigil siya sa pagtakbo kaya napatigil din ako.. Hingal na hingal siya. Ano? Takbo pa more! Akala mo kabayo eh.

“Hindi mo pa ako sinasagot.”

“Ano ba tanong?”

“Ano.. Kung pwede ba kitang ligawan..”

“Ha?” tinuktok ko yung ulo niya..

“Nababaliw ka na ba? Nakikita mo ba tong mukhang to?”

“Ano? Anong meron sa mukha mo?”

Ay peste.

“Dapat sasabihin mo, ‘Mukha ba yan?!’ Psh.”

“Bakit ko naman sasabihin yun?”

“Ang pangit ko.”

“Hindi ah. Maganda ka, at seryoso ako, gusto kitang ligawan.”

Ano bang dapat maramdaman sa ganitong sitwasyon? Maniniwala ba ako? Anong sasabihin ko?

‘Sige go lang?’

‘Strict ang parents ko.’ Ah ang ganda -__-

“Ewan.Bahala ka. Trip mo yan eh.”

“Ah! Basta tutuloy pa rin ako!”

Sabi ko nga bahala ka eh.

“Ako nga pala si Vincent.. Vincent Samiento..”

Hinatak niya ako sa tabi niya at inakbayan.. Aray ah.

“Nakikita ko na! Charie Louise E. Sarmiento!”

Wow naman. Ha-ha.

*End of Flahback*

Nabilid ako sa galing nilang dalawa sa pagpapanggap na hindi magkakilala, bilang kaibigan ko? Manliligaw? Nahihibang na ata ako para maniwalang magkakaron ako non’

Hindi katagalan nung sasagutin ko na sana I Vincent, dahil naisip ko na wala namang masama , at parangexperience ba,narinig ko silang nag-uusap sa likod ng school..

*Flashback*

Nakita ko sila Ethina at Vincent na nag-uusap sa likod ng building namin. Akala ko hindi sila magkakilala?

Hindi ko napigilang hindi makinig..

E: Ang galing mo talaga Babe!

V:Ano ka ba, maliit na bagay..

E: Paniwalang paniwala siya na nililigawan at gustong gusto mo siya!

V: Oo nga eh, grabe, mataas din ang pangarap.

E: Haha! Ang galing mo lang Babe, kaya mahal kita eh..

V: Pero Babe, matanong ko nga, bakit ba natin to ginagawa?

E: Dahil ayoko sa kanya.

V: Ha?

E: Basta ayoko sa kanya. Naiinis ako sa kanya..

V: Pero pag nakikita ko kayo, mukhang masaya ka namang kasama siya, parang super close na nga kayo eh..

E: Pinaplastic ko lang yun. Gusto ko siyang saktan, ayoko siya dito sa school natin. Ayoko siyang makita, ayoko sa buong pagkatao niya. Hindi siya bagay sa mundong ibaba. Yung mga ganung mukha, sa ilalim ng lupa nababagay..

V: Ang mean mo Babe.

E: Basta, pag sasagutin ka na niya, sabihin mo may iba ka ng mahal. Sabihin mo kung gaano siya kapangit. Saktan mo siya ng sobra Babe..

V: Sige.

*End of Flashback*

Ang tanga ko lang na naniwala ako sa kanila. Nung marinig ko yun, hindi ko na sila ulit kinausap. Hindi ako nagpapakita sa kanila hangga’t maari, hindi ako aalis ng school na to, kung ayaw nila sa akin, ako nalang ang gagawa ng paraan para hindi na kami magkita.

Hindi ko inaasahang may mga ganung klase ng tao.

Pero ngayon.. Ano namang binabalak ni Ethina? Bakit si Asungot pa? Bakit bigla naman siyang sumulpot? Kung nandito siya, ibig bang sabihin.. Babalik rin si Vincent?

;font-d l:X New";color:black'>Nginitian ko siya at pinunasan ko yung labi niya..

“Asungot.. Hindi ako masyadong magagalit pag may nagnakaw pa ng halik sayo..”

“Eh?!! BAKIT?! OK lang sayo?!”

“Syempre hindi.. Hmm..”

Huminga ako ng malalim..

“Hindi.. Hmm.. Kumbaga kasi sa pagkain.. Ang halik nila sayo.. Free taste lang.. Sakin.. Main Course..”

Nilakasan ko ang loob ko para halikan siya..

“Breakfast..*kiss*”

“Lunch.. *kiss*”

“Merienda..*kiss*”

“Dinner..*Kiss*”

“Midnight snack..*kiss*”

Nung napatingin ako sa mata niya.. Tsaka ko napagtanto kung ano ying ginawa ko.

O_O Nagawa ko ba talaga yun?! Hi-hinalikan ko siya?! Hindi lang isa?!

Waaahh!!

Tinignan niya ako ng nakakaloko..

“Oh ano? Masaya ka na? Mga galawan mo Engot ah.. Para-paraan. Ahaha!!”

Tinulak ko siya.

“Waahh!! Sorry! Hindi ko sinasadya! Nawala ako sa sarili! Pasensya na! Hindi ko dapat ginawa yun! Alis na ko!”

Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ako sa kamay.

“San ka pupunta? Tsaka bat ka nagso-sorry?”

“Kasi.. kasi hinalikan kita.”

“Ha?! Ano ka ba? Tayo naman ah. Normal lang yun.”

“Eh kahit na.. Hindi Gawain ng tulad ko yun.”

“Tulad mo na ano?”

“Pangit.”

“Tss. Bahala ka.”

“Hoy! Bat ka galit?!”

“Eh ikaw eh! Para kang sira. Pangit ka Oo tama naman yun. Pero ano? Porket ganun hindi mo na ako ikikiss.”

“Hindi kasi ang pangit tignan.”

“Ha?”

“Wala!”

Niyakap niya ako..

“Wag kang mahiya. Mahal kita. Tsaka kahit tumaba ka pa kakakain.. Magsawa ka sa kakahalik.. Ang tuso mo pala Engot ahaha!”

“Ah ewan ko sayo!”

Tumakbo na ako palayo.. ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko eh.. Kumakabog nanaman.. Hindi na ako papayag Ethina.. Hindi na ako bata para hayaan ka sa gusto mong gawin..

Pero anong gagawin ko? Kahit na saang anggulo tignan.. Mas angat siya sa akin. Hindi ako bagay kay Asungot.. Paano na to?

Continue Reading

You'll Also Like

607K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
758K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...