I Honestly Hate You

Od LadyEmina

3.9K 122 19

They say, try and try until you succeed. What if you tried and tried your best but then you failed? Let it go... Více

I Honestly Hate You
Chp. 1 "Stalking my Crush."
Chp. 2 "The Concert & The Scene"
Chp. 3 "His Dark Side"
Chp. 4 "Aryl meets Vince."
Chp. 5 "I Agreed."
Chp. 6 "The Payment."
Chp. 7 "Back to a Normal Life? Or Complicated Life?"
Chp. 8 "She Rejected Him."
Chp. 9 "Ashley Nicole Munoz?"
Chp. 10 "I Love You. Isn't Enough?"
Chp. 11 "The New Student Council President is an Anti-Fan?"
Chp. 12 "The Campus Muse, Fariz."
Chp. 13 "A Bestfriend of Janea."
Chp. 14 "A Fourth Year High School Top Student, Lexy."
Chp. 15 "The Deal Has Started."
Chp. 16 "This Annoying Arrogant Man."
Chp. 17 "He Found Her Album."
Chp. 18 "Why he's so Cold?"
Chp. 19 "Even Just A Friend."
Chp. 20 "His Favorite Song."
Chp. 22 "The Truth."
Chp. 23 "I Won't or Give up?"
Chp. 24 "My First Heart Break."

Chp. 21 "Emergency Call."

65 2 0
Od LadyEmina

Sorry po talaga guys kung minsan na lang ako makapa-update ang dami ko lang pong ginagawa, as in super busy  lang po sa college, so, ayun sana po ay nakapaghintay kayo :)

Salamat po sa mga sumusuporta at naniniwala na buhay pa ako xD Wahahah! Biro lang :D

Again! Salamat ng maraming maraming salamat po!

~

Earl's POV.

"Wooh! Mabuti naman at successful ang naging last stage performance natin, sa wakas at makakapagpahinga na din." Sabi ni Clint sabay higa sa sofa. Sabagay, talagang nakakapagod ang huling performance namin.

Nandito kami sa Hotel sa kwarto ni Jhonny since kakatapos lang ng performance namin. Bukas na ang uwi namin dahil sa sobrang pagod namin ay hindi na namin kinayanan ang umuwi pa, baka kapag bumiyahe kami ay bukas ng umaga din kami makarating. 

"Jhonny, punta na ako sa kwarto ko ah. Magpapahinga na ako." Saka ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Libby's POV.

"Ouch!" Napalingon ako sa taong nakabunggo ko. "E-Earl!"

"Sa'n ka galing at bakit nagmamadali ka ata?" Tanong niya. Napayuko ako napakamot sa ulo.

"Ah eh kasi, naghanap ako sa labas ng mabibilhan ng burger kaso wala akong nakita eh." Nilingon ko siya, nakita kong nakataas ang isa niyang kilay. Kinakabahan tuloy ako sa mga tingin niya eh, tinging hindi kumbinsi.

"Sa tingin mo ba meron nun ditong mabibilhan? Libby, nasa isang hotel tayo at isa pa halos alas-onse na ng gabi. Anong aasahan mo? Na meron pang bukas na convenience store dito?" Patay, nagalit ko pa po ata siya.

"Pa-pasensya ka na." Ang nasabi ko na lang. Kasi naman eh, bigla akong naghanap ng burger dahil sa ewan ko. Gusto ko lang. "Ah nga pala, bakit ka nasa labas? Nasa loob pa ba sila ng kwarto ni Jhonny?" Tanong ko.

"Lahat sila nandun pa, lumabas lang ako dahil pupunta na ako sa kwarto natin at matutulog na." Bigla akong natigilan sa pagsasalita. Iba ang pumasok sa isip ko nung sinabi niyang 'kwarto natin'.

Hala ka Libby! Hindi ito ang oras para mamula at kiligin!

"Ah hehe, ga-ganun ba?" Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko eh.

"Ikaw hindi ka pa ba matutulog?" Napalingon ako sa kanya, ooops! Wrong move, bahagya kasi siyang naka-bend at pinantayan ako. Ngayon nakatitig siya sa mga mata ko. Wala naman akong makitang iba sa titig niya. Cold as always pero itong dibdib ko kabog ng kabog. Kinakabahan ako at di ko alam ang sasabihin ko.

"Ah ano, ma-matutulog. Kaso kasi ano...  Kasi... Dun ka pa din ba sa stretcher matutulog?" Biglang natanong ko.

"No, ako naman ang matutulog sa kama at dun ka na din matulog." Plain na sagot niya saka niya ako nilagpasan.

"Ah.. T-teka, okay naman ako sa stretcher dun na ako matutulog." Ngiting sagot ko, gusto ko lang itago 'tong nararamdaman ko. Ano ba 'tong nangyayari sakin?

"You're getting red. What are you thinking of?" Cold na tanong niya sakin habang walang kurap-matang nakatingin sakin.

"Ah ha? Wa-wala naman ahh." Umiwas na ako ng tingin at naglakad na papuntang harap ng pintuan ng kwarto na-na-na.. namin...

Geez. Stop it already Libby, nakakahiya na.

"I see... There's something running on your mind right? Tell me, is that because we were going to share in a one bed?" Napahigpit ang kapit ko sa doorknob at hindi na ako napalingon sa kanya. Come on Libby, say something.

"O-of course not. Na-nahihiya lang ako kasi diba boss kita? Isa akong personal assitant mo kaya dapat lang na sa stretcher na ako matulog." Sagot ko naman pero di ko pa din siya nililingon.

"Open the door." Utos niya. Lumingon ako sa kanya.

"Hindi ka ba marunong magbukas ng pinto?" Iritang tanong niya. Eh? Nagtaka lang naman ako sa kanya eh. Binuksan ko na yung pinto at nung binuksan ko na ay hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming pumasok sa loob. Sinara niya ang pinto at...

Ni-Lock?

"Ah.. Ano.. S-Sir Earl..." Nanginginig ang boses ko. Kinabahan ako bigla. Di kaya'y... Hindi imposible. Di naman siya ganun eh, diba? Diba? Hindi siya ganun Libby! Pero bakit ganun? Yung dibdib ko mas lumakas pa ang kabog. 

Kinabahan lalo ako nung humarap siya sakin at lumapit. Umatras ako. Pakiramdam ko ay maluluha na ako sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

"Stop acting like I'm going to rape you. Stupid." Eh? Bigla siyang lumiko papuntang switch ng ilaw at binuksan yun. Nakita ko ang pagkairita sa mukha niya. Nakaramdam naman ako ng hiya sa sarili ko. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

"I'm so-sorry." Yukong sabi ko.

"Kung hindi talaga yun ang nasa isip mo, hindi ka magkakaganyan. Pssh!" Sabi niya saka siya pumasok sa C.R at nag-shower. Napabuntong-hininga na lang ako at pinunasan ang mga luhang namuo na kanina sa gilid ng mga mata ko. 

Nakakahiya yun Libby, sobra.

Lumingon ako sa kama. Sa sobrang laki ng kama pwede na siyang pang-apatan. Maluwag naman pala ang kama kaya siguro niya ako pinapatulog sa tabi niya. Wala lang yun Libby, gentleman lang siya at ayaw niyang matutulog ang babae sa isang stretcher.

Kahit papano ay natuwa naman ako sa idea na yun. Mukha naman siyang hindi galit sakin eh. Inis lang siguro dahil sa mga ka-ewan-an ko sa buhay ko. Hay.

Earl's POV.

Matapos kong mag-shower ay lumabas na ako at nagsuot ng bath robe. Nakita ko si Libby na natutulog na sa kama. Bigla akong napangiti nung naalala ko yung kaninang nangyari. 

Minsan naaawa na lang ako sa kanya sa sobrang taas ng imagination niya. 'There's no possible way that i might get fall in love with you. Not even by a chance." Pumunta na ako sa kabilang side ng kama at humiga. Chi-neck ko muna ang phone ko, wala naman texts or calls kaya naman humiga na ako. Io-off ko na sana ang lampshade sa sidetable ko ng biglang nag-ring ang phone ko. Unregistered number. Sinagot ko naman agad yun.

"Hello? Who's this?"

"Earl. Si Ashley, nasa ospital siya ngayon. Ang taas ng lagnat niya." Sabi nung babae sa kabilang linya.

"Ano? Wait sino ito? Kamusta na siya at saang hospital yan?"

"Pinsan niya ito. Inutusan niya akong gusto ka daw niyang makita ngayon." Pinsan? Si Aryl?

"Ah okay sige. Pupunta na ako diyan." Agad kong in-off ang phone ko at nagpalit ng damit at nagbihis. Sumakay na lang ako ng taxi at mabuti naman ay may nasakyan pa ako.

Ashley... Sana okay ka lang.

Libby's POV.

Nakita ko na nakalayo na ang taxi na sinakyan ni Earl dito sa may terrace. Sino naman kaya yung kausap niya kanina at ano naman kayang nangyari?

May kutob ako na si Nicole ang pupuntahan niya. Napangiti ako ng pilit.

Ito na naman yung nararamdaman ko. Yung nasasaktan ako.

Pero hanggang dito lang ako. Wala akong karapatan na masaktan. Dapat ko ng itigil ito pero paano? Habang kasama ko siya, mas gusto kong mapalapit sa kanya. Makakaya ko bang pigilan 'tong nararamdaman ko?

Kinabukasan.

"Hey Libby! Bakit ikaw lang nasa'n si Earl?" Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni Aljon.

"Ah.. Ano.." Paano ko ba ipapaliwanag?

"Nauna na si Earl. Meron siyang pinuntahan kagabi kaya naman nag-text na lang siya sakin na mauna na daw tayong lahat. Hindi na siya makakasabay satin." Sagot naman ni Jhonny. Bigla tuloy akong nalungkot.

Ewan ko ba, parang gusto kong umiyak ang kaso.. ang kaso..

"Libby..." Napalingon ako sa likod ko. "Vince. B-bakit?"

"Tumawag sakin kanina si Aryl, ang sabi niya. Idaan daw kita sa bahay niya ngayon. May importante lang siyang sasabihin sayo."

Ha? "Ah, sige. Salamat Vince." Ano naman kaya ang sasabihin sakin ni Aryl?

Mayamaya pa ay nakaalis na kami. Sumakay ako sa kotse ni Vince at hinatid nga niya ako sa bahay ni Aryl.

Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Something strange na parang hindi ko magugustuhan.

Is that a bad news Aryl? Kinakabahan man ay pumasok na ako sa bahay nila Aryl. Nakita ko naman na umalis na si Vince. Mukhang hinatid niya nga lang ako.

Aba, maganda din pala kung meron kang manliligaw ano? Instant may utusan ka? Swerte talaga ni Aryl.

"Libby, how was your week?" Salubong agad sakin ni Aryl. Nandito kami ngayon sa sala nila.

"Ah, okay naman. Aryl? May sasabihin ka daw sakin?"

"Ah actually, hindi siya ganun ka-importante pero naisip ko na din na sabihin sayo kasi mukhang kailangan na malaman mo." Napaurong ang dila ko at naubusan bigla ng sasabihin. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Libby... Nasa ospital kagabi si Nicole. Ako ang nagdala sa kanya dun at sinabi niyang tawagan ko daw si Earl."

"Oo, alam ko na yan. Tama pala ako." Napansin ko na lang na may tumulo na palang luha sa gilid ng pisngi ko.

"Libby..."

"It's okay Aryl. I'm fine. Trust me, really I'm fine." Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Sige lang, iiyak mo lang yan Libby. It helps."

Sana... Sana mawala na ang pagmamahal ko kay Earl.

Masakit. Mahirap. Alam ko na walang pag-asa, dapat na akong sumuko. Ayoko na siyang mahalin.

"Aryl. Mahal ko si Earl. Mahal na mahal. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya dahil sa pag-aakalang wala siyang minamahal. At umaasa ako na sa pagkakataong ito, merong pag-asa ang lahat. Na baka... baka..."

"Shh. Naiintindihan ko Libby. Pero kailangan mo ng magplano ng para sa sarili mo."

"Salamat Aryl."

Magagawa ko bang pigilan ang nararamdaman ko? Please, pakiusap sana... magawa ko.

Sana mapagod na akong mahalin ka Earl. So i will going to give up.

~

Sorry, minadali siya!

Enjoy!

#LadyEmina :>

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

26.8K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.1K 268 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
9.5K 395 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...