Behind the Scenes [Edited Ver...

By hyperever

44.6K 1.9K 183

When people are telling you to leave, will you stay? Erika Listaña was happy being her gay best friend's pret... More

Pre-show Message
Prologue
Scene 1
Scene 2
Scene 3
Scene 4
Scene 5
Scene 6
Scene 7
Scene 8
Scene 9
Scene 10
Scene 11
Scene 12
Scene 13
Scene 14
Scene 15
Scene 16
Scene 17
Scene 18
Scene 19
Scene 20
Scene 21
Scene 23
Scene 24
Scene 25
Scene 26
Scene 27
Epilogue

Scene 22

1K 64 16
By hyperever

Nina Elise Diones calling...

Napaupo ako sabay ayos ng aking sarili bago sagutin ang tawag. Pinilit kong ngumiti nang lumabas ang mukha ni Tita Nina sa screen. "Hi, Tita," bati ko.

"Erika! At last, sumagot ka na!" She looked at me with a questioning look, "are you purposely ignoring our calls?"

"Give her a break, Nins. She might be busy!" Another tita entered the frame. It's Tita Marie. She pointed behind me. "Look, she's still awake kahit gabing gabi na!"

I looked back to the window and clock behind me. Yes, it's dark outside. Maghahating gabi na rin kasi. I was up working on some reports. Saturday naman, but Kevin and I are working our butts off. Due na kasi ng ibang final requirements sa ibang minor subjects.

"Okay lang po–"

"What's a short email to squeeze into her schedule, 'di ba?" Tita Nina insisted, cutting me off.

Tita Marie shook her head while stirring a drink on a cup. "Oh, stop it, Nina," she said while rolling her eyes. "Your neice looks like she needs a drink. Coffee or tea, dear?"

I genuinely smiled. Namiss ko sila bigla. "I've had enough coffee, Tita Marie. Thank you po."

Binuhat ko ang laptop sa mula ibabaw ng mesa at dinala iyon sa kama. Dumapa ako at ipinatong iyon sa isang unan. Napangiti ako habang tinitingnan sila.

Tita Marie and Tita Nina are my mom's sisters. Sabi ko nga, ulila na ako, at sila ang nag-palaki sa 'kin.

Tita Marie is the eldest. Papuntang fifty na ang edad nito. Wala itong asawa at wala rin akong nababalitaang boyfriend nito. She's been living in Los Angeles for almost half of her life. Una at tanging pagkikita namin nang personal ay nang mamatay si Mommy. Pero nasa 4 or 5 years old palang ako nu'n.

Depite our distance though, I've never felt alienated around her. Masaya kasi siya kausap at bagets kung magsalita. It's like she's never away.

Si Tita Nina naman, siya ang bunso nila. Nasa mid-thirties na rin siya. Kabaliktaran ni Tita Marie, seryoso at strikta ito.

"Hey," untag ni Tita Nina. She looked at me through her reading glasses. "Have you talked to your professor about your OJT?"

Tumango si Tita Marie. "Oo nga. Ilang taon ka na rin naming hindi nakakasama. You promised to have your OJT here, 'di ba? We miss you, Erika hija."

Kinagat ko muna ang ibaba kong labi bago pinilit na ngumiti. "Before that, kumusta po muna kayo jan? Are you in your pantry? It looks different."

"Yes!" Tita Marie exclaimed. "I did a little updating. Eto kasing si Nina, halos ayaw pang ipagalaw." Lumapit si Tita Marie sa screen at bumulong, "Kinausap ko na si boss mismo para maayos," she said with a wink.

Natawa naman ako. "Buti po't pinayagan kayo."

"Sinabi mo pa."

"Ate," reklamo ni Tita Nina sabay hila kay Tita Marie papalayo sa screen. Tapos, tumuro siya sa 'kin. "You. Don't change the subject."

Tumawa si Tita Marie sa likod. "Natuto na sa 'yo ang pamangkin mo, Nina."

"Sorry, tita," sabi ko nalang. "Hindi ko pa po kasi nakakausap ang professor ko. And..." I looked down.

Both my aunts from the other side of the screen fell silent.

"You don't want to go?" Tita Marie asked slowly.

Bigla akong napatingin sakanila. "It's not like that, Tita. More like, not now."

I heard a ring in their background. Tita Marie tapped Tita Nina's shoulder. "That means break is over, sweetie."

I heard a deep sigh from Tita Nina. "Pero, the offer is still on the line, Erika. PaperMint will be waiting."

Tumango ako. "Opo, Tita. I'll see you soon."

"We miss you," Tita Marie said.

"I miss you more po."

My aunts waved and the call ended. Napahiga nalang ako sa kama.

Hindi ko na alam ang gagawin. Paano ko ba 'to sasabihin kay Ms. Fernanda, eh hindi ko nga masabi-sabi kay Kevin. I don't know how he'll react to me leaving, kahit pa ilang buwan lang.

~*~

"Ikay," Kevin called as he went out of his room.

I pretended that I can't hear him from the counters.

"Love," muli niyang tawag. Tinapik pa niya ako mula sa kabilang side.

Wala na akong choice kundi sumagot. "Yeah?" I looked at him through my lashes. Pinagpatuloy ko parin ang ginagawa ko.

"Hinihingi na ni Ms. Fernanda 'yung list of companies na gusto natin for OJT," aniya.

Nanatili akong nakatingin sa laptop ko. "Okay," I said.

Kumuha siya ng slice ng apple na nasa platito sa tabi ko. "Should I duplicate my list?"

Umiling ako. "Nah. Gagawa nalang ako."

Tumango-tango siya. "Ano bang ginagawa mo?" he asked. Nagpangalumbaba siya sa counter.

"Minor revisions sa script," sagot ko habang nakatutok parin sa ginagawa. "Tapos 'yung paper ko sa Constitution."

"Parang wala ka nang time gumawa ng list, ako nalang magsusulat," aniya sabay ayos ng tayo. Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang kaniyang kamay.

"Bakit?"

"Ako na ang gagawa," I insisted.

Bahagyang humaba ang nguso niya. "Okay lang, Ikay. Pareho lang naman ilalagay natin, hindi ba?"

"Uh..." I looked around, avoiding eye contact. "Yeah... but I can manage."

Napangiti siya sabay flash ng beautiful eyes. "Nooo. I'll be a dear and do it for you. You can thank me later."

Kinuha ko ulit ang kamay niya. "Hindi na nga, promise," I said. Then, nagkunwari akong may hinahanap to get out of the conversation. "Nasan na nga 'yun?"

"'Yung alin?"

"Yung..." I trailed on purpose. "Baka nasa kwarto."

Tumayo ako para umalis. Pero mabilis siyang umikot sa counter at humarang sa harap ko. "Ikay, iniiwasan mo ba ako?" he asked. Naniningkit ang mga matang lumapit siya sa akin. Parang sinusukat niya ako sa pamamagitan ng tingin. "You've been rejecting me, too."

I averted my gaze. Napansin ba niyang kaninang umaga ko pa siya hindi kinakausap? "Hindi kaya. Bakit naman kita iiwasan eh nasa iisang unit lang tayo nakatira." Umiling ako na parang hindi makapaniwala.

"Pero–"

Natigilan siya nang mag-ring ang phone ko. Agad ko 'tong kinuha mula sa tabi ng aking laptop. It's just an alarm, but I took it as a chance to get away. "Excuse me," sabi ko kay Kevin at nagkunwaring sasagutin na ang tawag.

"Love," tawag niya. "You're avoiding me again."

I snoozed the alarm while also ignoring the fact that he called me 'Love', again. "Kevin, I'm not." Binuksan ko ang Messenger app sa phone ko at nagkunwaring ire-return ang call. "Kakausapin ko lang 'to."

Naglakad na ako papunta sa 'king kuwarto para makalayo.

"Ikay," tawag niya ulit.

I gave him a wait sign and went inside my room. Sumandal ako sa pinto pagkasara nito. I can't believe I had to do that to Kevin. Napahinga nalang ako ng malalim.

Nabigla ako nang tumunog muli ang phone ko. This time, it's a real call. And it's Kevin who's calling.

I groaned and slumped unto my bed. I answered the call while staring at the ceiling. "Kevin...?"

"Ikay, is this about yesterday?" he asked.

Naguluhan ako. "What about yesterday?"

I heard him sigh. "Kasi ka-text ko si Allen kahapon despite your warnings."

Natigilan ako. Nawala na 'yun sa isip ko, sa totoo lang.

After the conversation with my aunts, nakatulog nalang ako. Na-occupy ng dilemma ang utak ko hanggang sa paggising ko kaninang umaga. Kaya nga buong araw ko siyang iniiwasan. Iniisip ko parin kung pa'no ko sasabihin sa kaniyang gusto kong makasama sina Tita sa LA. Pero natatakot akong malulungkot siya kapag hindi kami sabay na nag-OJT sa Estrella.

Now that I was reminded of his conversation with Allen, I became more confused.

"I not angry, Kevin," I said in a low voice.

"Sure kang hindi ka galit?" he asked, rather lively.

Naupo ako. "Kasasabi ko lang 'di ba?" Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. "May dapat ba akong ikagalit?"

"Wala!" mabilis niyang sagot. Then he went silent.

"Kevin..."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kuwarto nang magsalita siya. "Magagalit ka ba kung sasabihin kong magkikita kami mamaya?"

Natigilan ako. Bakit sila magkikita?

"He asked me to play volleyball later," he explained. "No biggie naman, 'di ba?"

I blinked twice and heaved a sigh. "Oo naman. Bakit naman ako magagalit?"

"I don't know. Naloloka na ata kems," aniya sabay tawa nang mahina.

Tumalikod ako sa pinto at sumampa rito. "Nasaan ka ba Kev at tumawag ka pa? Para naman tayong nasa malayo..."

"Nasa labas ng pintuan mo."

Hearing that, I straightened and opened the door. May sinabi pa pala siya pero hindi ko na narinig.

"I'm leaning against it this whole time kaya wag mo sana–"

Kevin's body fell forward as I opened the door. "Oops," I said, shocked.

"Sabing huwag bubuksan," reklamo niya sabay ayos ng kaniyang tayo. Buti't nakakapit siya sa frame ng pinto kaya hindi siya tuluyang natumba.

"Sorry," I laughed.

"Eh kung daganan kaya kita jan, for real? Bruha ka." Kevin ended the call and slipped his phone into his pocket. Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya.

Lalo akong natawa. "Sorry na nga!"

"Ay, hindi," aniya sabay irap.

Napasimagot naman ako. "Ang arte nito. Bahala ka nga. Sige, stay ka lang jan. Babalik na ako sa ginagawa ko." I walked past him towards the counter I was working on. Sumunod naman siya sa 'kin.

"Hindi na ako aarte kung tutulungan mo akong mamili ng idadamit mamaya," aniya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Bakit, date ba ang pupuntahan mo?"

"Bakit, hindi ba 'to date?" tanong niya pabalik.

Nagpangalumbaba ako sa counter habang tinitingnan siya. "Hindi. Ikaw lang nag-aassume," pagputok ko sa bubble niya.

"Kahit na," pilit niya sabay kembot papuntang kuwarto. Nang bumalik siya, iba na ang kaniyang suot. "How do I look?"

Inangat ko ang aking tingin mula sa 'king laptop. Nang makita ko siya'y wala akong nasabi. Naka-sando siyang black at red na sports shorts. Nagsapatos rin siya para kumpleto ang look. Pero kahit sa tingin ko'y bagay naman, hindi ako sumagot.

"Pangit ba? Okay," aniya saka bumalik ulit sa kwarto. He spent the next two hours going back and forth the kitchen and his room to show me his sports clothes. Hindi ko alam na marami pala siyang damit pang-exercise, pero minsan ko lang siya makitang bumaba sa gym.

"Kevin, just pick a comfortable one and go," pagod kong sabi. May parte sa 'kin na naiinis at naiinggit sa pinaggagawa niya para sa lalaking 'yun, pero may isang parte na natutuwa. Natutuwa akong nabaling ang atensyon niya mula sa OJT company list, papunta sa "date" na ito.

Around 3pm, Kevin left. He kissed my cheeks before going out. Hindi ko alam kung sinadya n'ya ba 'yun o out of habit lang. Kung alin man doon ang totoo, okay lang sa 'kin. Marupok tayo eh.

Nang umalis siya, bumalik ang isip ko sa pag-uusap namin ng mga tita ko. Katulad nga sinabi nila, gusto nila mag-OJT ako sa pinagtatrabahuhan nila sa LA. But at the same time, Kevin and Tito Dan are expecting me at Stardust, Estrella's magazine.

I took out a bottle of wine and started drinking. After finishing my homework, I took a nap. Umaga na nang magising ako. Mukhang hindi lang 'nap' ang nangyari. Ni hindi ko na nakausap si Kevin nang dumating siya.

Like usual, I cooked and called him to eat. Inaantok niya naman akong nginitian pagpasok niya sa kusina. "Good morning, Ikay," he greeted.

"Maupo ka na, sleepy head. Your coffee is warm enough for you to drink."

"Thank you," he said, smiling.

Tumagal ng kaunti ang tingin ko sa kaniya. "Daming ngiti ah," pansin ko habang umiinom sa sarili kong tasa ng kape.

He gave me a toothy grin. "I had a great time yesterday."

"That's good," I said with a bitter taste in my mouth. Kulang yata sa asukal ang kape ko.

"By the way," lipat ko ng usapan. I thought of telling him about my problem. Alam ko naman kasing kailangan na nina Tita ang sagot ko. Kailangan ko na ring magpasa ng lista kay Ms. Fernanda.

Pero bago ko pa man maibuka ang aking bibig ay nagsalita na si Kevin.

"Ang aga mong matulog kagabi," aniya. "Ang dami ko pa namang ikukuwento."

"Ah, yeah. About that..."

"I have to tell you how good Allen was," putol niya ulit sa sinasabi ko. "Varsity pala siya sa school nila. Ang talented talaga ng taong 'yun." Nagbuntong-hininga siya. Then, he stared past me with a dreamy expression.

Napailing nalang ako. Alright, I decided. Mukhang hindi pa 'to ang time para sabihin. I'll tell him later.

Nang patapos na kaming kumain, may sinabi ulit siya.

"Bukas, maglalaro ulit kami," aniya.

Napatigil ako sa pagliligpit ng kinainan. "Ha? Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Gusto lang namin," simple niyang sagot sabay agaw sa isinalansa kong mga plato.

Napahawak nalang ako sa puso ko nang makaalis siya. Pakiramdam ko'y na bibiyak 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

31.3K 927 45
(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the mo...
1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
1.7K 248 53
Liwanag, saya at pag- asa ang mga simbolong ipinapahiwatig ng bulaklak na mirasol. Matingkad ang dilaw na kulay ng mga talutot nito na mayroong kulay...
1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...