Ang Multo sa Manhole - Under...

By elusive_conteuse

1.8M 62.4K 4.3K

BROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa... More

Bogart says "1"
Bogart says "2"
Bogart says "3"
Bogart says "4"
Bogart says "5"
Bogart says "6"
Bogart says "7"
Bogart says "8"
Bogart says "9"
Bogart says "10"
Bogart says "11"
Bogart says "12"
Bogart says "13"
Bogart says "14"
Bogart says "15"
Bogart says "16"
Bogart says "17.1"
Bogart says "17.2"
Bogart says "18.1"
Bogart says "18.2"
Bogart says "19"
Bogart says "20"
Bogart says "21"
Bogart says "22"
Bogart says "23"
Bogart says "24"
Bogart says "25.1"
Bogart says "25.2"
Bogart says "26"
Bogart says "27"
Bogart says "28"
Bogart says "29.1"
Bogart says "29.2"
Bogart says "30"
Bogart says "31"
Bogart says "32.1"
Bogart says "32.2"
Bogart says "33"
Bogart says "34.1"
Bogart says "34.2"
Bogart says "35"
Bogart says "36"
Bogart says "37.1"
Bogart says "37.2"
Bogart says 38.1
Bogart says 38.2
Bogart says 39
Bogart says 40.2
Bogart says 41
Bogart says 42.1
Bogart says 42.2
Bogart says 43
Bogart says 44.1
Bogart 44.2
Bogart says 45
Bogart says 46
Bogart says 47.1
Bogart says 47.2
A tease to the book 2

Bogart says 40.1

18K 833 28
By elusive_conteuse

Eiji's Point of view

 Pumunta na nga ako nang tuluyan dun sa may living room. Takot man, kinuha ko pa rin ang mga kamay nila at nagmano. Naupo ako sa kabilang dulo ng sofa kung saan din nakaupo ang lalaking hindi ko ini-expect na magpapakita.

"Pa bakit?" tanong ko habang tinatanggal ang pang-itaas na butones ng uniform. Hindi ko sila matignan ng diretso sa mata.

"Pwede mo bang ulitin sa amin yung kwento mo tungkol sa Prom? Masyado atang good to be true yung pagkasabi mo nung una." puna ni papa. Si mama naman ang itsura, parang naawa sa akin. Parang alam nyang kahit anong palusot ang sasabihin ko, malalama't malalaman pa rin nila ang totoo.

"Kaya ba nandito tong lalaking to, Pa? Nagsumbong ba sya?"

"Hindi sya nagsumbong. Nagreklamo sya, mainly sa ipinakitang behavior ng boyfriend mo. Kamag-anak nila yung may-ari ng Gazebo, Eiji my god!"

"E pa, what was I supposed to do? Buknoy just defended me from him dahil narinig nyang he will do something bad to me! He just saved me. And didn't he propose to come to our prom, himself? He should be the one to adjust!" medyo tumaas ang tono ko lalo na nung tingnan ko yung lalaki.

"Eiji you've been rusting. Simula ng maging boyfriend mo yang padalos-dalos na lalaking yan, pumurol na pag-iisip mo. HIndi ka na maka-decide ng tama sa mali and on your own. Sino ba ang mas matalino sa inyo? Sino ba ang pilot?" Nasaktan ako sa sinabi ni papa. Hindi ako makapaniwalang mapagsasalitaan nya ako ng mga nakakapanlait na mga bagay na ganyan. " Nang dahil dyan, itinigil na ng mga magulang nya ang kontrata nya sa amin. Wala ng business sa Batangas."

"Alam mo Pa, matagal ko na tong tinatanong e, sino ba ang anak mo? Ako o yang business mo? Is it because of my gender kaya mo ko ginaganito? And so what do you want, magsorry dito sa lalaking to?" tinignan ko si Red mula ulo hanggang paa. Hindi na sya yung kaninang Red na parang nang-iinis dahil siguro naramdaman nya ng naging tense na ang usapan. Si mama naman, speechless, pagtakip na lang sa bibig ang tangi nyang nagawa.

"Yes. I want that. And I also want you to break up with Buknoy. I thought he was good for you. He is not. Pag-ginawa mo yun, everything will turn back to normal. Mas makakafocus ka na sa studies mo coz last time I check bumaba gradually ang mga grades mo. You're graduating and-" I interrupted Papa.

"Pa you're asking for too much. I can say sorry to Red but to break up with Buknoy, you're like killing me." tumayo ako sa sofa, binitbit ko ang bag tsaka tumakbo papuntang kwarto. I can't handle talking with papa any longer. Ayokong doon umiyak. But most importantly, I don't want to break up with Buknoy. Napaka-selfish nila. Business lang ang iniisip. King inang business na yan! It never do me good nor made me any glad. Buti sana kung lumaki akong spoiled brat, e hindi naman. If I knew beforehand this will what I can expect pagdating ng bahay, di sana kila Buknoy na ako tumuloy.

"Eiji kain ka na dong!" katok ni manang sa pintuan ko kinalaunan. Bumangon ako sa aking kama upang i-lock ang pinto.

"Manang busog ako. Good night" pinatay ko na ang ilaw para malaman nilang ayokong magpadisturbo at para isipin din nilang tulog na ako. Ngunit ang ginawa ko talaga ay naupo lang  malapit sa bintana, nakatingin sa buwan habang iniisip si Buknoy. If this is a test of faith, I'll be acing it. For you Buknoy I'll be acing it.

Buknoy's Point of view

Pagkatapos kung makasiguradong naihatid na ng taxi driver si Eiji, umuwi na rin ako sa amin. Masaya akong naglalakad sa kalsada papuntang bahay katulad ng mga batang masasayang naglalaro ngunit pag tapak sa bahay, nawala ang ganoong pakiramdam.

Nakita ko si papa na umiinom ng alak. Mga lima na nauubos nya. Si mama pilit kinukuha yung pang-anim na bote dahil hindi nya na raw ito kaya. Natapunan pa nga yung bestida nyang suot ng tinangkang agawin. 

Kadalasan pag umiinom si Papa, may masayang pangyayari katulad ng binyag, kaarawan at iba pa. Ngunit sa pagkakataong ito, tila wala sa mga nabanggit ang dahilan kung bakit nya nakuhang uminom. 

"Pa, bakit?" tanong ko kay papa paglapit na paglapit ko. Itinabi ko sa ilalim ng upuan yung mga boteng wala ng laman nang di magkandabasag. Hindi nya itinuloy ang paglaklak ng maaninagan nyang nasa tabi nya na ako. Ang nagpapatuloy lang ng mga oras na yun ay ang pagdaloy ng luha nya sa kanyang mga mata.

"Sinisanti ako sa trabaho, anak." Idiniin nya ang kamay sa kanyang ulo waring sumakit pagkasabi na pagkasabi nya nun. "Sinisanti ako." pag-uulit nya na parang di pa rin makapaniwala. Hindi rin ako makapaniwala sapagkat si Papa? sisisantihin? Nahihibang ba sila? Napakaayos ng working manners ni papa sa pagkakaalam ko. Wala pa akong naririnig na negative commentary tungkol sa kanya. Ngayon lang.

"Alam mo Pa, hindi dapat ikaw ang umiiyak. Sila dapat. Sinisanti nila ang pinakamagaling na employee na mahirap makita sa mga panahong ito. Okay lang yan Pa. Makakahanap ka rin ng trabaho." pagbibigay ko ng lakas ng loob kay papa. Ayokong nakikitang umiiyak si papa ng ganito. Nakuhang ngumiti ni papa at nagsalita.

"Hindi ko alam Buknoy. Pangit na ang record ko. At mahirap ma-hire ang mga may bad record sa kumpanya. Mahirap din ang walang bahay." sabi nya sa akin. Unang-una sa lahat, hindi ko na maintindihan kung pano napunta doon ang usapan. Hanggang sa marinig ko nga ang mga paliwanag nya.

"Hindi tama yun Pa!" napatayo ako sa aking narinig. "Sinisanti ka nila dahil sa akin? Dahil sa binugbog ko ang kanilang anak!? Tangina naman nila! Pinersonal ka nila Pa!"

"Buknoy!" saway sakin ni mama nang marinig nya akong nagmura. Kaagad akong napatingin kay mama. Pati sya malungkot. Naupo uli ako. Huminga muna ako ng malalim bago sinabing,

"O sige Pa, bukas na bukas din magso-sorry ako sa kanila. Ibigay mo sakin ang address ng bahay o opisina nila Pa, personal akong hihingi ng tawad. Kung ito lang ang tanging paraan para manatili ka sa trabaho at hindi tayo mawalan ng bahay."

Pagmamay-ari pala kasi ng magulang ni Red ang loteng kinatitirikan ng bahay namin. Buong akala namin nung tumuntong kami dito'y amin na ito. Yun pala, naloko si papa nung seller ng bahay. Nakasangla pala ito sa pamilya nila na ngayon ko lang din nalaman na mga boss pala ni papa. Tangina. Bakit kaya sa tuwing may masayang nangyayari sa akin, sa amin ni Eiji, laging may mga problemang sumusulpot? Malas ba ako o sadyang troll lang ang mundo?

 "Iba ang gusto nilang paraan anak. At alam kong masasaktan ka dun sa paraan nila. Kaya nga ako nag-iinom, hindi ako makapagdesisyon."

"Ano bang gusto nila?" tanong ko na medyo naiinis na.

"Gusto nila na hiwalayan mo si Eiji para sa anak nilang si Red. Paghiniwalayan mo sya, makakabalik na ako sa trabaho na parang walang nangyari , ibibigay na nila sa atin itong bahay. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng mga babae sa Maynila kailangan si Eiji Pa." napabuntong hininga si Papa ngunit ilang sandali lang nagpatuloy. "Siguro nak, dapat mo na syang hiwalayan. Tignan mo ang kayang gawin ng mga mayayaman!? Masyado silang makapangyarihan. "

"Pa, alam mong masasaktan ako pag ginawa ko yan diba?" tanong ko kay Papa. Nagsisimula na ring mangilid ang luha sa aking mata.

"Alam ko. Ngayon alam mo na kung bakit ako naglalasing. Mahirap mamili lalo na kung kapakanan din ng pamilya ang masasaktan." Hindi man sabihin ni papa ng diretsahan ang sagot nya, alam kong boto sya na layuan ko si Eiji. Ganun din si mama. Hindi ko rin masasabing napakamakasarili nila dahil iniintindi lang nila ang pamilya.

"Pwede bang akin na lang tong red horse mo Pa?" ang tanong ko. Ibinigay nya sa akin ito at dumiretso ng kwarto. Susubukan kong intindihin ang mga bagay. Nang hindi umiiyak. Nang hindi nasasaktan. Pero bakit ubos na ang Red Horse ko, nakabili na ako ng palihim ng dalawa pa, nasasaktan pa rin ako? Hindi ko kasi kayang ilarawan ang buhay ko na walang Eiji. Sa kanya na ako sumaya. Sa kanya ako lumigaya. Sa pagtanda, gusto ko syang kasama. Pagnamatay ako, gusto ko dahil sa kanya - hindi dahil sa iba. 

Ganito na lang ako nakaramdam ng takot sa buong buhay ko. Nakuha ko pang magtalukbong ng kumot. Paano kung gusto nya akong iwan? Paano kung sa pagkakataong ito, piliin nya si Red? Si Red na mas mas masama pa kay Ellis. Makukumbinsi ko ba kaya si Eiji na magbalik loob sa akin? O maawa sya sa kalagayan namin kung kaya mapipilitan syang pakawalan ako nang ganun-ganon na lang?

 Dinial ko ang number ni Eiji. Yun ang huli kong kailangan para makatulog ako ng mahimbing. Ngunit hindi nya sinasagot. Mas inisp ko na lang na tulog na sya kaya di nya nasasagot kaysa namang isiping gising sya at hindi lang nya masagot. Inilabas ko ang litrato na kakadevelop pa lang kanina. Sa liwanag ng buwan, ginugol ko ang oras sa pagtitig sa larawan - sa mga mata nyang masaya, sa mga ngiti nyang matamis hanggang sa ako'y makatulog, hinihiling sa Dyos na sana sya ang mapanaginipan ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
3.2K 202 30
Roy accepted feelings from a complete stranger. He thought it was just confusion and infatuation but as he learns from their relationship he grew clo...
66.7K 1.3K 11
Nagtransfer si Kyle sa isang exclusive school for boys para magpakalalaki. It was a thought out of the blue na biglang nagmaterialize..isang sharp cu...
847K 25.1K 121
[COMPLETED] You don't know when, you don't know why...