Behind the Scenes [Edited Ver...

By hyperever

44.6K 1.9K 183

When people are telling you to leave, will you stay? Erika Listaña was happy being her gay best friend's pret... More

Pre-show Message
Prologue
Scene 1
Scene 2
Scene 3
Scene 4
Scene 5
Scene 6
Scene 7
Scene 8
Scene 9
Scene 10
Scene 11
Scene 12
Scene 13
Scene 14
Scene 15
Scene 16
Scene 18
Scene 19
Scene 20
Scene 21
Scene 22
Scene 23
Scene 24
Scene 25
Scene 26
Scene 27
Epilogue

Scene 17

1K 62 9
By hyperever

Nagising ako dahil sa hairdryer ni Addy. Ang sakit ng ulo ko. Dahil siguro sa kulang na tulog.

"Good morning, Erika," bati ni Addy.

Napasimangot ako. Ayan nanaman kasi siya, masaya nanaman. Palibhasa masagana ang lovelife. Eh ako? Nganga. Puro pa problema.

Tumayo nalang ako at tumungo sa banyo pagkatapos siyang batiin. Nag-ayos na ako para sa huling araw namin dito. Mamayang hapon, bandang alas tres, closing na ng conference. Gusto ko nang umuwi agad.

We started this weekend with stars in our eyes. Sobrang excited ko pang makita ang mga Nick Joaquin books sa literary booth. But now, because of someone, the stars are gone.

Pagkababa namin ni Addy sa dining hall, binati ako ng nakangiting mukha ni Kevin Montes. Hindi niya alintana na may ibang mga tao sa hall at dapat ay hindi siya ngumingiti. Nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang dalawang platong puno ng pagkain. 

Okay na sana eh. Mapapalagpas ko naman sana ang mga ngiti niya. Pero tumaas ang kilay ko nang makitang katabi niya si Allen sa table.

Sa inis, dinaanan ko lang sila saka tumuloy sa lagayan ng mga plato.

"Love," Kevin called. Ibinaba niya ang mga plato saka ako sinundan. He gripped my hand to stop me. "Kumuha na ako ng pagkain mo."

"I can get one on my own," pagmamatigas ko sabay kalas sa kaniyang hawak.

"Hey, huwag ka nang magalit." Pumunta siya sa harap ko. Someone said, "Excuse me," kaya hinila niya ako papunta sa gilid, malapit sa table nila.

Lumapit si Kevin sa akin sabay bulong, "I haven't told him yet. So, please? Don't be mad at me." Lumayo siya at saka ako tiningnan sa nagmamakaawang mukha.

I don't want to forgive him yet, but my heart feels like it's already stitching its own wounds.

Damn my marupok na heart!

"Kain na tayo?" tanong ulit ni Kevin sabay alalay sa 'kin para maupo sa bakanteng upuan sa kaliwa niya.

Pagkaupo ko, biglang tumayo ang asungot na nakaupo sa kanan niya. "Kukuha lang ako ng tubig," paalam nito.

Umirap nalang ako. "Bakit katabi mo siya?" I whispered to Kevin.

Hindi naman siya sumagot. He just smiled at me. Hinalikan pa niya ang tungki ng ilong ko para siguro manlambing.

Well, may epekto. Pero galit-galitan parin ako.

"Relax, Love. Kinakausap ko lang siya," aniya sabay simula sa pagkain.

Parang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi niya parin talaga titigilan si Allen kahit anong sabi ko.

Umiwas nalang ako ng tingin at nagsimula na ring kumain. Maya-maya ay tumayo si Kevin para magbanyo. Napalingon ako nang may basong inilapag sa harap ko. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ay nakita kong patay-malisyang bumabalik si Allen sa kaniyang upuan.

Napaisip ako. Ano nanaman kaya ang gimik ng lalaking to?

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya, na naputol lamang nang umupo na si Kevin sa gitna namin. Nag-usap silang dalawa kaya napatingin ako ulit sa baso ng blue lemonade sa harap ko. Doon ko napansin na may papel sa ilalim noon.

Can I talk to you? basa ko sa nakasulat.

Napatingin ako sa salarin na nakasilip din pala sa gawi ko. Kumakain si Kevin habang kausap si Fia kaya hindi niya kami napansin.

Umiwas nalang ako ng tingin. Linukot ko ang note saka ipinatong sa mesa. Isinabay ko nalang iyon sa mga basura pagkatapos kumain.

"Erika," rinig kong tawag ni Allen nang mailapag ko ang plato sa tray ng mga hugasan.

Hinarap ko siya. "Ano ba ang kailangan mo, ha?"

"The other night..."

Naputol ang sinasabi niya nang umakbay si Kevin sa kaniya. Napaayos din ako ng tayo.

"Allen, busy ka ba mamaya?"

Napatingin ako sa kanila. Para lang naman silang tropa na magka-akbay kung titingnan. Pero dahil kilala ko si Kevin, alam kong pumaparaan lang ito.

Nag-iwas ako ng tingin.

"B-bakit?" tanong ni Allen pabalik.

"I'm just wondering if you want to come with us."

Kumunot ang noo ni Allen. Kahit ako ay napatingin ulit sa kanila dahil sa sinabi ng best friend ko.

"Saan?"

"Gagala rito sa Makati bago umuwi sa QC. Sama ka?"

Napatingin ako kay Allen. Panlalakihan ko sana siya ng mata para sabihing huwag siyang o-oo pero hindi ko mahuli ang kaniyang mga mata.

Tumingin nalang ako kay Kevin, na lalong nagpainis na 'kin. Pinanlalakihan niya ako ng mata at sumisenyas kay Allen. Gusto niyang kumbinsihin ko si Allen na sumama. What the–

"Sure, I guess."

Tumigil ang mundo ko. Sabay kaming napatingin ni Kevin kay Allen.

Pinaparusahan ba nila ako?

~*~

Ang sama ng tingin ko kay Allen. Kaunti na lang, mabubutas ko na ang gitna ng noo niya.

Kanina, nang pumayag siya sa alok ni Kevin, ganito rin ang tinging ibinigay ko sa kaniya. Pero agad lang siyang umiwas ng tingin. Sakto ring lumapit sina Addy at Kid sa amin. Kinausap sila ni Kid habang ako naman ang nilapitan ni Addy. Inaya na niya akong bumalik sa kuwarto para maghanda sa activities.

Ngayon, tapos na ang closing program. Nagpapack na kami ni Addy ng mga gamit namin para umuwi.

"Hey," tapik niya sabay upo sa kama ko. Umangat naman ang tingin ko sa kaniya mula sa maleta na inaayos ko ang laman.

"It was really nice, meeting you," aniya.

Napangiti ako. "Likewise, Addy."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's keep in touch, ha. I'll add you sa FB."

Napatango ako. "Sure."

Then, Addy hugged me.

Maya-maya, narinig naming may kumatok sa aming pinto. Humiwalay na siya sa 'kin at pinagbuksan ang nasa labas. Kumaway si Kid mula sa bukana ng pintuan.

I waved back at him.

"Mauuna na kami," aniya.

"Teka, I'll just get my things." Naglakad si Addy pabalik sa higaan niya. Pumasok na rin si Kid para tulungan siyang buhatin ang kaniyang mga gamit.

Bago lumabas, yumakap ulit si Addy sa 'kin. "Awww, I'll miss you," aniya.

"Me too."

Pinanuod ko silang maglakad palabas.

"Oh, Erika, narito na ang sundo mo," ani Addy mula sa labas ng pinto. They said their final goodbyes, then disappeared in the hallway.

Kevin came in after them. "You ready?" he asked.

Umiwas ako ng tingin at saka nagfocus ulit sa mga gamit na inaayos ko. "Yeah. I'm ready to go home."

"We're not yet going home, Ikay. May pupuntahan pa tayo." Isinara niya ang pinto. Naglakad papunta sa kama ni Addy at saka naupo roon. "Allen will be waiting downstairs."

Itinigil ko ang aking ginagawa saka tumingin sa kaniya. "Kailan pa tayo nagkaroon ng planong gumala? Ha?"

He smiled sheepishly. "Kanina?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko. "Gumala kayong mag-isa n'yo. Uuwi na ako."

Pagkatapos kong mag-aayos, isinara ko ang maleta. Tumayo ako para siguruhing wala kaming naiwan sa terrace o sa banyo. Pero pinigilan ako ni Kevin.

"Hey..." he called, holding my wrist to prevent me from leaving. "Sandali. Galit ka parin ba?"

Napatingin ako sa kaniya. Nakanguso siya. At, sa tingin ko, dapat ay hindi na ako lumingon. Kasi, 'yang mga tingin niyang 'yan, 'yan ang nagpapalambot sa puso ko.

Hinila niya ako't niyakap mula sa likod. "Love, sorry na. I know you don't want me getting near Allen. Especially after I told you that I want to tell him about me."

Umiwas ako ng tingin. Where is he trying to get to?

"But trust me, I only want to be close to him."

Hindi ako sumagot. Kinalas ko nalang ang kamay niya sa pagkakayakap sa 'kin. "Bahala ka nga," sabi ko. I quickly went to the bathroom then to the terrace. When I'm sure that I didn't forget anything, bumaba na kami.

Kagaya nga ng sabi ni Kevin, naghihintay na si Allen sa lobby. Naglalaro ito ng games sa phone.

Naunang lumapit si Kevin sa kaniya.

"Alis na ba tayo?" tanong ni Allen.

"Kung ready ka na. Did you bring a car?" Kevin asked.

Tinago muna ni Allen ang kaniyang phone bago tumayo para harapin kami. "I didn't. Nakisabay lang ako kina Annie on the way here. Pinadala ko na rin sakanila 'yung iba kong gamit." Natigilan siya sandali saka tumingin sa labas. "But you do have a car, don't you?"

Ngumiti ng pagkalaki-laki si Kevin. "Oo naman. Tara?"

Kevin led the way, forgetting my presence, I guess. Kasi kung naalala niya, tinawag niya sana ako. But he just went out and asked Allen to follow. Allen looked at me and asked, "Let's go?"

Hindi ako sumagot. Nilagpasan ko lang siya at saka sumunod kay Kevin.

Nang marating ko ang parking lot, inilalagay na ni Kevin ang mga gamit namin sa likod ng kotse.

I waited by the passenger's seat. Allen awkwardly opened the door to the backseat. When Kevin's done, he went straight to the driver's seat.

O...kay. Mukhang walang magbubukas ng pinto ko ngayon. Nakasimangot akong pumasok sa kotse.

We went for merienda, na silang dalawa rin ang nag-decide. I found a vacant table for us while they ordered the food. Para nga silang nagdedate. I couldn't help but feel like a third wheel. Parang kahit wala ako rito, mag-eenjoy parin naman sila sa "date" na 'to.

Dapat talaga nauna na akong umuwi.

Dumating sila habang nagse-self-pity ako. Casual na tumabi si Kevin sa akin, habang alangan namang tumapat si Allen sa kaniya. Masaya parin silang nag-uusap habang inilalapag ni Kevin ang mga pagkain sa mesa. Pasalamat ko nalang siguro na hindi nila nakalimutang isabay ako sa order.

They're talking about volleyball, which I am not quite interested in. I jog, but I'm not sporty. Kevin is, pero hanggang TV lang siya since wala naman siyang kalaro. And obviously, nakahanap na siya ngayon.

"May court kami sa village," Allen shared. "We can play there," aya niya sabay tingin sa akin. "If you want."

Tumaas ang kilay ko dahil parang nagpapaalam siya sa akin sa paraan ng pagkakasabi niya. Naramdaman kong hinawakan ni Kevin ang kamay ko.

"Sure, we'd love to. Right, Love?" Lumingon si Kevin sa gawi ko, kaya napatingin din ako sa kaniya. He's expecting a reply from me.

"I'm not sure..." I admitted. "Hindi naman ako mahilig sa sports."

"Pero sasamahan mo naman ako, hindi ba?" he insisted while gripping my hand tighter.

"I can't promise," sagot ko sabay kalas sa hawak niya. I started eating despite their stares.

Maya-maya naman ay bumalik na sila sa pag-uusap saka pagkain. But Allen's gaze kept coming back to me.

Nag-arcade pa kami after kumain. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kami nandito. This is so childish.

Nagbasketball sila, na sobrang korni. I think they're having fun, though. Nasa isang gilid lang naman ako, natatakpan na ng mga babaeng nanunuod sakanila. Mukhang nagagwapuhan ang mga ito sa kanila. Kinikilig pa nga 'yung iba dahil worth it daw ang pagtambay nila rito.

Napailing nalang ako.

After one round, mukhang nag-aya pa si Kevin sa isang game. Hindi na yata ako naalala nito. Allen was the one who looked for me.

"Nandito ka lang pala," he said.

"Did you see me, Love?" tanong ni Kevin nang makita niya kami. He's beaming. And like always, I stopped and stared.

"Okay ka lang ba?" epal ni Allen, kaya napalingon ako sa kaniya. "Hindi ka ba nababagot dito?"

"Ano na ang sunod ninyong lalaruin?" I asked Kevin instead of answering Allen's questions.

"Ikaw ba, saan mo gustong pumunta," Allen butted in once more. Nakatitig ito sa 'kin nang lumingon ako.

I was taken aback. I pointed to myself, asking if he's talking to me.

Allen nodded in reply.

"K-kayo..." baling ko kay Kevin na nakatingin kay Allen. "Kung saan n'yo gusto."

"Tinatanong kita kung saan mo gusto," Allen insisted.

Napapikit ako. Na-realize ko kasing tumititig nanaman ako kay Kevin.

Naiinis akong napatingin kay Allen. "Paano kung gusto ko nang umuwi?" sagot ko. Tutal, kanina ko pa naman talaga gustong umuwi.

"Agad-agad?" sabay nilang react.

"Oh, bakit? Ako tinatanong ninyo, 'di ba? Ngayon, magrereklamo kayo."

Nagkatinginan sila. Parehong malungkot ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Pero sa huli, ako parin ang nasunod.

~*~

As soon as we arrived at the unit, Kevin started talking. While removing his shoes and replacing them with his fluffy pink slippers, he talked about Allen.

"And I know, you told me not to tell him about me," he continued. "I promise I won't tell him yet."

I looked at him. He seemed honest. Naririndi na ako but still, I remained quiet. I let him talk – no, blabber. I let him blabber.

"But I was only trying to see if I can find the love, which I am looking for, in him," he continued.

That's when I reacted. I think he forgot one fact in all of these. Baka nadadala nanaman siya at nakakalimutan na niya kung sino ako sa buhay niya. That I'm not only his best friend here. Our life is more complicated than his closetted situation.

"Baka nakakalimutan mong hindi ka single sa paningin ng iba, Kevin," sabi ko sabay ipit ng buhok ko. Hinarap ko siya't nagpamewang. "Baka nakakalimutan mong may girlfriend ka sa paningin ng iba. At baka nakakalimutan mong nandito ako."

Nangingilid na ang luha ko. Lagi nalang. Pilit ko itong pinipigilan kasi parang hindi naman kailangang iiyak ko pa ito kung ang alam ni Kevin ay magkaibigan lang talaga kami. Ang babaw ko naman nu'n.

"Alam ni Allen 'yun, Kevin," paalala ko sa kaniya. "Sana'y hindi mo nakakalimutan, Love."

I planned to retreat to my room. There, I'll pour out all of my tears. Wala eh. At the end of the day, Kevin will still hurt me. Pero heto ako, sticking up to him. I dug myself a hole beside his spot. Now, it's too high to climb out of.

I turned my back on Kevin after letting go of my last word, Love. Pinapaalala ko lang sa kaniya ang sitwasyon at ang realidad na meron kami. I wanted to remind him that, aside from being his best friend, I am also his girlfriend to everyone else. Hindi ganoon kadaling baguhin 'yun.

But before I was able to enter my room, Kevin caught my hand. He looked straight in my eyes and said, "What if I want to change that fact?"

And at that point, my tears flowed without my consent.

Continue Reading

You'll Also Like

712 73 13
First Installment of Tangents Series: My Gay Housemate The story of Celine and Arth ♡ A novelette Book Cover: Made from Canva
708K 21.7K 31
Perfectly In Love With My Gay Husband Written By: YooAckerman Prologue: Isang baklang boss na ubod ng sungit at pilit ginagawang lalaki ng kanyang pa...
1.6K 51 18
Isang araw, napagtanto ko na lang na pagod na ako sa buhay. Na gusto kong talikuran na lang ang lahat. Na gusto kong i-restart na lang ang aking buha...
1.7K 248 53
Liwanag, saya at pag- asa ang mga simbolong ipinapahiwatig ng bulaklak na mirasol. Matingkad ang dilaw na kulay ng mga talutot nito na mayroong kulay...