Just Married

By bluedust

9.8M 67.2K 13.3K

This is an ONGOING series. Copyright © 2012 by Bluedust. All Rights Reserved. No Softcopy | No Compilation |... More

PAUNANG DADA (CHARARAT)
Prologue~teaser
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10.1
10.2
10.3
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41
42
43
44
45
46.1
46.2
47
48
49
50
51
52
53

38

143K 825 132
By bluedust

Lumipas ang mga araw na halos di na kami nagkakakitaan ni Sander.  Pag-uwi ko tulog na siya, paggising ko naman nakaalis na siya. Mag-iiwan lang siya ng note sa ref. kung anong gagawin ko. Kesyo linisin ko yung banyo, ayusin yung sala at magputol ng damo. Maski sa sticky notes, nakakainis  siya. Walang ginawa kundi mag-utos, kala mo walang ibang kasama sa bahay eh. Ano ako hangin? Nagtataka din naman ako syempre kung saan siyang lupalop napapadpad. Pero habang dumadaan ang mga araw nasasanay na lang din ako sa ganitong set-up namin. Mas masaya nga eh! Walang nang-aasar, walang asungot at walang sumisira ng araw ko kaso sa bahay lang 'yun kasi pagdating sa school...

"Psst! Oi! Fangs!" tawag niya sa akin.

Ayan na naman. Kung ano-anong palayaw na naman ang tinatawag niya sa akin! Dumiretso lang ako sa paglalakad at di ko siya nilingon. Akala ko magiging tahimik na ang buhay ko dahil di ko na masyadong nakakasama si Sander pero mali ako...sobrang mali ako.

"Oi Babs!" sabi niya sabay hawak sa balikat ko para pigilan ako.

Aissh. Naabutan pa niya ako, nakakainis!

"Ano na naman?!" humarap ako sa kanya na halatang inis na inis. Nagsisisi ako kung bakit ko pa siya nakatabi! Nung nagsabog ng kamalasan sa pagkakaroon ng seatmate...sinalo kong lahat.

"Di ka namamansin. Sabay tayo." nakangiti niyang sabi.

"Eh nakakainis ka kasi eh! May pangalan ako Nathan at walang bayad na tawagin ako sa pangalan ko kaya pwede ba? Wag mo na akong badtripin!" pag-eexplain ko sa kanya.

Alam niyo kung anong ginawa niya?

Nakangiti lang siyang inakbayan ako.

"Tara na nga seatmate SAMANTHA ALEA SANTINEL" tapos hinila niya na ako papuntang classroom habang nakaakbay sa akin. Hindi nga akbay tawag dito eh! SAKAL! sinasakal niya ako!

"Bitiwan mo nga ako! Masakit ah!" reklamo ko.

Pero di niya ako binitawan hanngang makapasok kami ng classroom. Nagdadaldalan lang naman yung mga kaklase namin at ni hindi man lang nila ako tinulungan! Ang bait nila grabe! 

Pag-upo sa upuan, humarap siya sa akin.

"Ano na naman?!" inis na sabi ko.

"Pakopya assignment ^____^" 

Humarap ako dun sa katabi ko sa kanan at nakipagkwentuhan, Di ko siya pinansin. Aba! Bakit kasi di siya gumagawa ng assignment! Abuso siya ah!

Maya-maya ay may naramdaman ako...

may nangingiliti sa akin.

"Nathaniel ano ba! Tumigil ka na please!" pagsusumamo ko dahil tuloy pa rin siya sa pagkiliti sa akin sa tagiliran.

"Yieeee pakokopyahin niya na ako ng assignment..." asar niya.

"Ano ba! Ayoko nga sinabi eh. Waahhhh!!! Tumigil ka naaaaa" 

Tuloy pa rin siya. Aggghhh...nakakainis!

"Ayoko. Pakopyahin mo muna ako....wahahaha" pang-aasar niya habang kinikiliti pa rin ako.

"MR. YAP AND MS. SANTINEL, WHAT ARE YOU DOING?! TO DETENTION ROOM, NOW!" sigaw ni Mrs. Elise.  Professor namin sa English. 

Lagot!

--

Detention Room

"Kasalanan mo 'to eh! Ang epal epal mo kasi! Nakakainis ka!" sabi ko habang nakahalukipkip at nakatingin lang sa board.

"Sus! Eh kung pinakopya mo na kaagad kasi ako, di tayo mapupunta sa baduy na detention room na 'to! Sino ba kasi nagpauso nito? Ang baduy baduy, masteral na may ganito pa?Ano tingin nila sa'tin elementary students? Pshh..." sagot niya.

Sa kasamaang palad ay kasama ko ang tamad/batugan/walang matinong magawa sa buhay kundi bwisitin ako na si Nathaniel at nandito kami ngayon sa detention room. Isa lang itong ordinaryong room na walang kalaman laman. Mag-iistay kami ng isang oras dito. Anong gagawin namin, tutunganga? Tama siya eh, ang baduy talaga kasi bakit pati kami pwedeng magkadetention? Di na kami bata!

"Eh kasi bakit di ka gumagawa ng assignment mo! Ang tamad tamad mo!"  binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. Nasa magkabilang side kami ng room. Ako nakasalampak sa sahig, siya naman nakalean sa pader. Inis! Parang ayos lang sa kanya eh...cool na cool pa ang dating.

"Di ako tamad.  Masipag lang ako gumawa ng wala Fangs." sabi niya at may kinuha siya sa bulsa. Maya-maya lang pagtingin ko naka-earphones na siya.

"Psshh...kasalanan 'tong lahat ng kalabasang sitaw na Nathaniel na 'yan eh..." bulong ko tapos tinignan ko siya ng matalim. Hindi niya naman ako mapapansin kasi nakapikit na siya eh. Nakaupo na rin siya sa sahig habang nakalean sa pader. Mukhang pagod  na pagod.

Bumuntong hininga lang ako. Anong gagawin ko? Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at kinalikot ito hanggang sa mabored na lang ako. Kumuha ako ng papel at nagsimulang magsulat hanggang sa may maalala ako...

Sa sabado na ang birthday ni Shaun at wala pa akong nabibiling regalo para sa kanya!

Sakto, kakasweldo ko lang. Pupunta ako sa night market pagkalabas ko dito para makapili ng mareregalo.

"Fangs." 

"Ay regalong patola! Ginulat mo naman ako Nathan! Ano na namang kailangan mo ha?" pag-uusisa ko. Nakahawak pa yung kaliwang kamay ko sa dibdib dahil sa gulat.

Imbes na sagutin niya yung tanong ko ay kinuha niya yung kanang kamay ko..

"Uy  Nathan! Anong ginagawa mo sa kamay ko?" gulat na tanong ko. Pilit ko hinahatak yung kamay ko pero  mahigpit yung pagkakahawak ko.

"May asawa ka na."

 

"Ha? Anong klaseng tanong 'yan?" gulat kong sabi. Napalakas tuloy ang hila ko kaya nabawi ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Hindi 'yun tanong, sabi ko may asawa ka na." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"H-ha? H-hindi...ano...bakit mo naman nasabi?" nauutal na sagot ko. Di ko alam kung bakit pinagpawisan ako bigla. Para akong kinabahan na ewan.

"Eh kasi tignan mo." kinuha niya ulit yung kamay ko at itinaas hanggang sa maging kapantay ng mukha ko.

"May singsing oh." sabay turo sa palasingsingan ko. 

Tama. May singsing nga. Ang tanga ko T^T

"B-bakit? Kapag may singsing ba, k-kasal agad?" palusot ko. Halatang di ako sanay magsinungaling, nauutal ako eh.  Kasi naman bakit ang talino at napakaobservant niyang tao?

"Hmmm...ewan. Ewan ko....sa'yo. Depende. Minsan kasi peke." kibit-balikat niyang sagot tapos bumalik na siya sa kabilang side.

Ano? Anong sabi niya? Peke? Teka...bakit niya sinabi 'yun? Anong gusto niya iparating? Tatanungin ko pa sana siya kaso nakapasok na ulit yung earphones sa tenga niya. 

Maya-maya lang din ay may pumasok na teacher at sinabing pwede na kaming lumabas. Wala na namang klase kaya pwede na daw kaming umuwi. Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang sumabay sa akin.

"San ka punta? Uwi ka na?" tanong ni Nathan. 

"Ah, hindi. May dadaanan pa  kasi ako bago ako umuwi. Ikaw?" malumanay na sagot ko. Mukha namang di niya akoiinisin eh kaya di ko na siya sisigawan.

"Hindi pa. Ayoko pa umuwi, mag-isa lang naman ako sa pad ko eh. Tsaka wala namang pasok bukas kaya ok lang magpuyat ng todo-todo. Sandali nga lang, eh magmamadaling-araw na, ano namang dadaanan mo? Mag-isa ka lang?" pag-uusisa niya.

"Ah, dadaan ako ng Night Market. May bibilhin kasi ako at ayoko ng ipagpabukas, sayang din sa pamasahe. Teka nga, ba't ang dami mong tanong? Tsaka mag-isa ka lang sa pad mo? Bakit? Asan mga magulang mo?" tanong ko.

"Hahaha. Eh ikaw rin madaming tanong eh! Nakabukod na ako, gusto ko kasi independent ako sa buhay. Tara na nga, samahan na kita!" tapos nauna na siyang maglakad.

"Uy teka, wag na. Ok lang ako, wag mo na akong samahan." habol ko sa kanya.

"Fangs. Una, madilim. Pangalawa, mag-isa ka lang. Pangatlo, nakatira ka sa isang bansa hindi crime-free.  Sabihin mo nga sa akin, may balak ka ba talagang mag-parape o magpaholdap?" huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nasa gilid niya lang ako eh.

Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. 

"Wala. Tsaka isa pa malaki na ako at kaya ko silang ipatapon sa bermuda triangle kapag may gustong manakit sa akin. Isa pa, baka ikaw pa gumawa ng masama sa akin eh!" pang-asar kong sagot.

"Ouch! It hurts here you know!" sabay umarteng masakit ang puso niya. Natawa nga ako eh, taob si Ate guy sa walang himala.

"Tsk3. Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa akin Fangs. Tch. Ang sakit lang." tapos umarte pa siyang naluluha. 

"Hahahahaha, ito naman joke lang! Hahahah itigil mo na nga 'yan, para kang bakla." sagot ko habang tumatawa.

"Hahahaha. Ayos ba? Effective ba ang acting ko? Hahahaha. Hindi ko magagawa sa'yo yun kasi hindi pwede. Baka mamaya may lamay na para sa akin bukas kapag nirape kita at isa pa, di ka karape-rape. Nagdududa nga akong may papatol sa'yo eh." smirk.

"Nyenye. Ang sama mo!  Bahala ka nga diyan! Bakla!" 

Akala ko pa naman di niya na ako bubwisitin, maling akala nga naman. Ugh, nakakainis siya. Dapat magsama sila ni Sander eh, pareho ko silang ipapatapon sa bermuda triangle para matahimik na ang buhay ko.

"Uy joke lang! Ito naman napakasensitive, di mabiro." humabol siya sa paglalakad.

"Nakakainis naman kasi yung mga biro niyong mga lalaki eh. Below the belt na!" 

"Hahahaha. Oh sige na, sorry na po sorry na." 

Di ako umimik. Eh magsosorry tapos tumatawa? Yung totoo, seryoso ba siya?

"Uy....sorry na po pleasseeee. Sorry na...." pagsusumamo niya tapos umakbay na naman sa akin. Ang hilig nitong mang-akbay, hindi nga ata akbay eh, sakal!

"Oo na! Oo na! Bitawan mo lang ako, please!"

Ngumiti lang siya tapos binitawan na ako. Nauna siyang maglakad kaya sumunod lang ako hanggang nakarating kami sa parking lot.

"Sakay na." turo niya sa isang itim na Honda Civic.

Sumakay na ako sa may passenger seat tapos pumasok na rin siya sa loob.

"Sasakyan mo?" tanong ko.

Tumango lang siya. "Luma na 'to, ito lang ang dinadala ko kapag pumapasok ako para ok lang kahit manakaw." 

Inistart niya na tapos nagsimula ng magdrive palabas ng school. Bakit kaya ang yayaman nila? Ako kaya, kelan yayaman? Sana naman malapit na para makaalis na ako sa puder ng kinchay na chuping baklang Sander na 'yun. 

Nagdrive lang siya hanggang sa makarating kami sa isang night market. Kaso mukhang mamahalin namang yung mga tinda sa night market na 'to, mukhang pangmayaman eh. Mapapasabak ata sa gastusan ang bulsa ko ah.

"Uy Nathan, mukhang sobrang mahal naman ata ang mga bilihin dito, baka di keri ng buget ko!" bulong ko sa kanya.

"Ano bang bibilhin mo?"

"Regalo."

"Para kanino? Lalake o babae?" tanong niya ulit.

"Bestfriend ko. Lalake."

"Bestfriend mo lalake? Hah! Amazona ka talaga sabi ko na nga ba..." sabay iling ng ulo.

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Eto naman, joke lang. Halika, may alam akong shop." sabi niya at naglakad na kami papunta sa isang store.

"Mahalaga ba siya sa'yo?" tanong niya sa akin.

Mahalaga nga ba sa akin si Shaun? Gaano nga ba siya kahalaga?

"Sobra." nakangiting sabi ko.

"Hmmmm..."sabi niya habang tumatango,  

"alam ko na kung anong pwede mong iregalo."

--

Hinatid ako ni Nathan hanggang sa may kanto tapos nagpaalam na siya. Nagpasalamat naman ako sa kanya kasi siya ang tumulong sa akin sa pagpili ng regalo tapos natawaran niya pa yung saleslady kaya medyo mura yung bigay sa amin.

Habang masaya akong naglalakad papunta sa bahay ay may humintong kulay pulang kotse sa gilid ko. Bumaba ng konti yung  bintana ng kotse.

"Psst. Pichu, sakay na."si Sander.

Sumakay naman ako dahil nakakapagod din naman kung maglalakad pa ako. Sayang yung offer, minsan maging gentlemonster si Chupi.

"Mukhang masaya ka ata ah." nakangiti niyang sabi.

Nginitian ko lang siya.

"Para kanino 'yan?" tanong niya sa'kin sabay turo sa paperbag na hawak ko.

"Ah, para kay Shaun." tipid kong sagot. Bakit ganun, parang hindi si Sander yung kausap ko...parang may kakaiba. Ang awkward kasi lagi siyang nakangiti.

"Hmmmm...bakit? Siguro, sasagutin mo na siya pichu no..." mapang-asar niyang sabi pero nakangiti pa rin siya.

"Che! Ewan ko sa'yo, mang-aasar ka na naman eh..." pero napangiti ako kasi bumalik na yung mapang-asar na ugali niya. Ewan ko ba, kahit nakakainis yung mapang-asar na Sander, mas gusto ko pa rin yung ganun. Siguro, mas nasanay ako na nandiyan siya sa tabi ko para bwisitin, badtripin at inisin ako. Aminin ko man sa hindi, may parte sa sarili kong hinahanap hanap yung dating gawi namin ni Sander. Nakakamiss din yung kulitan kahit papaano.

"Masaya ka ba?" sabi niya sa akin tapos tinignan niya ako.

Masaya nga ba ako? Saan nga ba ako masaya? Kanino nga ba ako masaya?

Tumango lang ako.

"Ako rin eh." 

"Ayos na kami ni Yesha..." nakangiti niyang sabi.

Di ko alam kung bakit pero pagkasabi niya nun biglang bumigat yung pakiramdam ko. 

Parang may kumurot sa puso ko...

Masaya nga ba talaga ako?

--

Just Married Facebook Page: http://www.facebook.com/justmarriedonwattpad

Bluedust's Official Facebook Account: http://www.facebook.com/bluedustangpangalan

Continue Reading

You'll Also Like

870K 29.9K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
148K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
197K 10.6K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...