9

198K 1.1K 77
                                    

pagbalik niya may dala siyang 2 Ipad 2 O___O

Iba na talaga kapag mayaman. Hindi lang isa, dalawa pa! Gusto ko din ng Ipad :(( 

"Oh. Itype mo diyan yung rules at regulations na gusto mo tapos magpapalit tayo after para mabasa natin para kung may violent reaction ay mapalitan agad. Ok?" sabay abot sa akin nung ipad. Dahan dahan ko'tong tinanggap.

Oooohhhlala! Ipad! *o*  

"H-huh? Dito talaga sa Ipad? Wala ka bang laptop o  desktop computer man lang? Eh di ako marunong gumamit nito eh, baka masira ko pa wala akong pamalit."

"Ang engot mo naman. Swipe swipe at pagpindot na nga lang gagawin mo di mo pamagawa?  Walang desktop at laptop dito sa library. Nandun lahat sa technology room nitong bahay."


 "technology room? ano yun? may robot ba dun? Hala! siguro balak niyong iinvade yung earth gamit ang mga robots no? Naku! Masama yan. Dapat ireport agad kayo sa government. World domination pala ang balak mo.... ang sama mo!"

"Pinagsasabi mo?" sabi niya. Aba! Nagmamaang maangan pa! Napanuod ko na 'to sa tv!

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tinawagan ang 911 emergency. Grabe! Ang sama naman niya, gusto niyang sakupin ang mundo! Pipigilan ko siya bago mangyari yun.

"Hello? Hello po? eto po ba yung emergency? May gusto pong sumakop sa mundo! Opo! Tama po kayo ng narinig!" sabi ko dun sa taong sumagot.

Paikot ikot ako malapit kay Sander. Sinesenyasan ko pa siya ng lagot ka gamit ang hintuturo ko pero ngingiti ngiti lang siya.

Hindi ko namalayan na may sheet of paper sa lapag at dahil dun--

SH*T OF PAPER! NAGSWIPE AKO DUN SA FLOOR! in short nadulas ako...

at dahil malapit nga ako sa kay sander...

Napaupo ako sa kanya,,,

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon