37

146K 887 196
                                    

(picture on the right: NATHANIEL)

998....999...1000...

"Ugghhhhhh!!!" naiinis na ako! Nabilang ko na lahat ng tupa sa planeta ni Shaun the sheep pero di pa rin ako makatulog. Naglaslas na ako...

ng kuko..malapit na maubos yung kuko ko sa kakakagat ko dahil sa sobrang stress!

Kada ipipikit ko kasi yung mata ko, naaalala ko yung nangyari kanina tapos bibilis yung paghinga ko. Feeling ko maghahyperventilate ako ng wala sa oras. Kaya ayan, hanggang ngayon nakatingin lang ako sa kisame habang nakapatong yung dalawang kamay sa dibdib. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Daig ko pa yung may lbm eh! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?!

Ah tama! Naiinis ako kasi wala na yung first kiss ko! Aarrgghhh....kinuha ko yung unan at sinimulang kagatin.

Nakakainis!!! Kainis! Kainis! Kainis!

Napatingin ako sa alarm clock sa may side table ng kama ko.

Quarter to three na. Gusto ko ng matulog TToTT

Habang busy ako sa pag-iisip kung paano ako makakatulog ay bigla nagclick yung doorknob. Shoot! May tao?

Tumagilid agad ako at niyakap yung unan at nagkunwaring tulog. Ang sunod ko na lang na naramdaman eh may kung anong mabigat sa gilid ng may kama ko. Parang may umupo.

Kinakabahan ako kaya sumilip ako ng konting konti. Yung tipong mukhang tulog pa rin? Talent ko yun eh! Hmmm...nakatalikod pero pamilyar sa akin yung likod eh....at saka amoy pa lang...pabango 'to ni Sander eh! 

S-sander?!

Watokwa! Anong ginagawa niya dito? Napabalik ako sa pagkakapikit. Gusto kong humawak sa dibdib ko kaso di pwede, baka magulat siya. Bigla na namang bumilis yung pintig ng puso ko, ano ba kasing ginagawa niya dito? Kinakabahan ako. Di kaya...

HINDE! Hinde maaari! Tulog siya kanina eh...tulog siya. Sigurado ako dun! Alam ko kung kailan totoong tulog si Sander at kung kailan nagpepeke-pekean lang siya para mang-asar...at ramdam ko talagang tulog siya kanina...di ba? di ba tulog naman talaga siya nung nadulas ako? di ba? Tulog ba talaga siya? Ha? Naguguluhan na ako...nararamdaman ko na pinagpapawisan ako kahit naka-aircon. Kinakabahan talaga ako, siguro kung pwede lang malaglag yung puso, kanina pa nasa sahig yung akin sa sobrang kaba.

Bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba nandito siya? Dahil ba sa nangyari kanina? Bakit ba napaparanoid ako? Ano ba kasing ginagawa niya dito? Binabagabag niya na nga yung isip ko tapos yung presensya niya pa...gusto ko na tumakbo palayo.

Sammy. Concentrate! Umakto kang normal, para ka ng baliw!

Just MarriedWhere stories live. Discover now