45

124K 1.3K 670
                                    

Dedicated to my Bebe Blue ♥ Hi Baby Khaye! Eto na oh! (Pasalamat kayo sa kanya, hahaha kundi siya nanalo sa pustahan namin hindi ako mag-uud XD)

How to pronounce my characters' names:

Alea (A-le-ya)    

Shaun (Shon)

Nathan (Ney-tan) 

Xeena Shael (Shi-na Shi-ya-el)

Kyzer (Kay-ser)

***********************************SAMMY'S POV*****************************

Pag-uwi ko sa bahay, wala si Sander. Haayyy, ano ka ba Sammy? Dapat nga matuwa ka dahil wala yung gunggong na 'yun dito ngayon eh! At least, walang mangugulo sa'yo, walang mananakit ng damdamin mo, walang magpapaiyak sa'yo...wala. Iyan na lang ang iniisip ko at pumasok na ako sa kwarto ko. Nakakalito, naguguluhan na ako pero..

bahala na... bahala na.

Nagising akong wala pa rin si Sander. Saan kaya tumuloy 'yun? Ligtas ba siya? Baka naman kung ano ng nangyari dun...

Hay ano ka ba naman Sammy! Bakit mo pa ba iniisip ang mokong na 'yun? Wag mo na siyang alalahanin ok? 

Minsan naiisip ko na sana bata na lang ulit ako, isang batang ang tanging pinoproblema lang ay kung bakit sinusundan siya nung buwan o bakit wala siyang candy samantalang yung katabi niya meron. Totoo pala no? Totoo pala na habang tumatanda ka, habang dumadagdag ang bilang ng edad mo ay dumadagdag din ang dapat mong isipin, dumadami din ang problemang dapat mong harapin at mga tanong na nais mong hanapan ng kasagutan.

Tatlong linggo. Tatlong linggo na kahit anino man lang ni Sander ay hindi ko nakikita. Mag-aapat na linggo na nga kung tutuusin. Bukas August 04 na, may isang buwan na rin pala nanunuyo sa akin si Parekoy. Hindi ko namalayang mabilis na lumilipas ang mga araw...totoo nga siguro yung kasabihang, "time flies when you're happy". Aaminin ko, naging masaya naman talaga ako habang kasama ko si Shaun, unti-unti ko din namang natutuhang magustuhan siya ulit at handa naman akong bigyan siya ng pagkakataong mahalin ako pero...pero hindi ko alam kung bakit minsan nakakaramdam ako na parang may kulang. Feeling ko nga may nakakalimutan ako palagi eh...pero di ko naman maalala. Nakakainis lang kasi feeling ko may kulang palagai, parang may mali, parang dapat may kailangan akong gawin, dapat may maalala ako pero wala.

Humiga ako ng kama at pinikit ang mata ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga bagay-bagay, ano ba kasi talagang meron at nagkakaganito ako? Nababalisa ako na ewan. Kinuha ko yung cellphone ko at sinimulang kalkalin hanggang sa mapunta ako sa phonebook ko. Pindot lang ako ng pindot pababa hanggang mapatigil ako sa isang pangalan...

Sander (Chupi)

Matagal kong tinitigan yung screen ng cellphone ko..Sander...kamusta na kaya siya? Ilang beses na rin akong nagtangkang tawagan siya at tulad ngayon, may pwersa na namang nagtutulak sakin para pindutin yung call button pero pinipigilan ko ang sarili ko...bakit ko naman siya tatawagan? Dahil asawa ko siya? at di normal sa mag-asawa na wala man lang balitaan sa isa't isa ng halos isang buwan? na magkagalit ng ganoong kahabang panahon? O dahil...

Hindi! Hindi! Inalis ko agad ang idea na 'yun sa isip ko. Ako? Namimiss ang damuhong 'yun? As in, namimiss ko siya? Parang....di naman.

Just MarriedWhere stories live. Discover now