36

147K 838 217
                                    

****************************************SANDER'S POV******************************************* 

"Peke yung kasal namin ni Sammy." Seryoso kong sabi.

Mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Di maipinta yung mukha niya sa nalaman niya eh.

"Teka...ano?P-peke? Pero B-bakit? P-paano?"naguguluhan niyang tanong. Halatang di siya makapaniwala at parang yung utak niya eh nagsi-syntax error.

Huminga ako ng malalim.

at unti-unting ngumiti.

"JOKE LANG ^_____^v" masigla kong sabi.

Wahahahaha. Yung mukha ni Yesha unti-unting nagbago. Kitang-kita mong asar na asar siya.

"Nakakaasar ka alam mo yun?!" sigaw niya. Hahahaha nakakatuwa talaga 'toh asarin. yung mata naniningkit eh.

"Naniwala ka naman? Hahahaha hanggang ngayong yesha uto-uto ka pa rin! Wahahahha--

*pak!*

"ARAY! BAKIT MO AKO BINATUKAN?!" napasigaw tuloy ako't napahawak sa batok ko ng wala sa oras. Ang sakit eh!

"Ewan ko sa'yo! Di nakakatuwa yung joke mo! Psshh makaalis na nga! Nakakainis ka eh!" akmang tatayo na siya kaso pinigilan ko yung braso niya.

"ANO NA NAMAN?!" napalingon siya dahil sa pagpigil ko sa kamay niya.

"Wag ka na magalit...eto naman di na mabiro...sorry na...wag mo muna akong iwan dito." malumanay kong sabi.

Nagpaawa effect pa ako para maniwala si Yesha sa sorry ko.

Umupo rin naman siya ulit sa tabi ko.

"Ikaw naman kasi eh! Wag ka ngang magjojoke ng ganun! Di kaya nakakatuwa...nabuga ko pa yung iniinom ko. Sayang tuloy yung mocha frappe, favorite ko pa naman 'yun!" pagmamaktol niya.

"Sus di ka na nasanay...wag ka na magtampo ok?" hinarap ko yung mukha niya sa akin.

Tumango lang siya.

"Good." tapos ginulo ko yung buhok niya.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon