30

172K 1K 167
                                    

************************SANDER'S POV****************************

Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng bahay...

"Uwaahhh...grabe Chupi! Regalo ba talaga sa atin 'to ni momsie?! Waaahhhh grabe ang laki at ang ganda!" automatic na taong bundok na naman siya eh.

Sabi ko naman sa inyo eh! Dapat talaga 'I married a taong bundok' na lang ang title nito.

"Tapos may mga gamit na agad...waahhh...nakakatuwa naman 'to! Oy Sander di ka ba natutuwa ha?!" pangungulit niya.

"Pshhh...caveman." bulong ko.

"Ha? Anong sabi mo?"


"Wala! Sabi ko bingi ka!"

"Tss.Alam mo ang sungit mo! Siguro magmemenopause ka na! Wahahaha Gurang!" pang-aasar niya.

Habang nililibot namin ang bahay, no! Scratch that.

"Panget ka kasi!" me.

"Ewan ko sa'yo!" her.

 Ganyan! Puro ganyan lang ang nangyari. 

Walang katapusang asaran. Eh may sapak naman ata kasi 'tong babae na 'to! Napakaingay! sarap Ang sarap pasakan ng tinapay sa bibig para manahimik.

Pero wrong move ata kapag pinasakan siya ng tinapay kasi paniguradong kakainin niya lang din yung tinapay, hahaha!

"WOOOOOOW!" 

*O* -ganyan! Siguro kung may mas malaki pang letter O...ganun kalaki yung bibig niya!

"Sander! Sander! Tignan mo may dagat oh!"

after 1 minute...

"Sander! Sander! tignan mo may seashells oh!"

after 1 minute ulit...

"Sander! Sander! Tignan mo may *Insert kahit anong bagay here*!"

Paulit-ulit! Dinaig pa ang sirang plaka, nakakarindi! Sa loob ng 30 minutes na paglilibot, natutulili na ang tenga ko kaya iniwan ko muna siya at nag-ikot mag-isa.

Binuksan ko lahat ng pinto pero isa lang ang nakita kong kwarto maliban sa guest room...

Isa lang ang kama?

>:)

Dali dali akong pumunta kay sammy at dinala siya sa itaas.

"Sammy! Sammy! Tignan mo isa lang yung kama!" ginaya ko yung tono, boses at way ng pagsasalita niya kanina.

Hahaha! Jackpot!

"ANO?!" 

Chineck pa talaga niya kung isa nga lang talaga yung kama. Hahaha sorry siya...

"Hala! Eh paano yun? Paano tayo matutulog?!" panic niyang tanong.

Tumabi ako sa kanya, as in tabing tabi, tapos hinila ko yung bewang niya papalapit sa akin...

"Eh di magkatabi..." at binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti.

BWAHAHAHAHAHA! GOT YOU PICHU! 

"Magkatabi pala ha..."

"TABIHAN MO MUKHA MO!" sigaw niya sa akin.

Just MarriedWhere stories live. Discover now