Maid For You (Completed) [Edi...

By noeliyours

119K 2K 41

Highest Rank Achieved: #3 Wattpad2019 Florentina San Jose having a simple life with a simple dream "to help h... More

MAID FOR YOU STORY
PROLOGUE
MUST READ!!!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
EPILOGUE
MFY SOUND TRACK/MESSAGE BY AUTHOR
MY OTHER STORIES
SPECIAL CHAPTER: Martina's Story
THANKYOU CHAPTER
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
AUTHORS NOTE 2021
Questions and Dedications

CHAPTER 21

2.6K 48 0
By noeliyours


AN: REMEMBER THE GIRL? Yung nakita ni Floren sa labas ng bahay ni Marlo? Makikilala niyo na siya.

Heart breaking scene I guess? Or another trying hard scene? Choss.

FLOREN'S POV

"BABY, Stay here. Babalik ako mamaya may kailangan lang ako asikasuhin sa Station 8" Nagmamadaling mag bihis si Marlo. Nakaupo lang ako sa kama niya at pinapanood siyang paro't parito.

Nakatanggap kasi siya ng message galing kay Mam Claire may emergency daw kaya mabilis siyang naligo at nagbihis ng pang alis.

"Pwede bang umuwi ako? Kukuha lang ako ng gamit tapos babalik ako kaagad" Sabi ko sa kanya. Napahinto siya sa pag bubutones ng polo shirt niya tapos malamlam ang mata na tumingin sa akin.

Lumapit siya at lumuhod kapantay ko tapos kinuha niya ang kamay ko at mahigpit yong hinawakan. He stared at me full of emotions.

"Promise me one thing baby?" Tumingin ako sa mata niya at pinisil ko yung kamay niya. Tapos bahagyang tumango at ngumiti.

"Promise. Ano yon?" Sabi ko. Bumuntong hininga siya at tumingala tapos tumingin ulit sakin.

"Promise me that you will never leave me instead you will be back here. You will be back to me" Puno ng emosyon na sabi niya habang nakatitig sa mata ko. Tumango ako tapos ngumiti.

"Promise" Tumayo siya at nag lean siya ng kaunti tapos masuyo akong hinalikan sa noo. Napapikit pa ako para madama yon.

"Thank you. Hurry magbihis ka idadaan kita sa inyo" Masuyong sabi niya.

Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto niya para pumunta sa kwarto ko. Kukuha at magbibihis ako ng damit na naiwan ko dito. Pagkatapos kong magbihis kinuha ko yung wallet at cellphone ko na dala ko kagabi at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko si Marlo na nasa may hallway ng kwarto ko dito sa bahay niya. Nakasandal siya sa pader at nakatingin sa cellphone niya hindi ko mabasa ang emosyon ng mukha niya kaya tinawag ko ang pansin niya. Mabilis siyang nag angat ng tingin at bahagyang ngumiti.

"Tara na? Baka hinihintay kana ni Mam Claire" Lumapit ako sa kanya. Tumango siya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

Tapos magkahawak kamay kaming lumabas ng bahay niya.







"SAAN KA GALING NA BATA KA HA? BAKIT DI MO SINASAGOT ANG TAWAG NAMIN?!" Bungad sakin ni Mama at hinampas ako ng walis tambo na hawak niya. Agad akong napadaing sa sakit.

"Aray mama sorry. Umuwi po ako sa bahay ng amo ko dahil nakita ko po siya kagabi sa party hindi na ako nakatext dahil nakatulog na po agad ako sa pagod" Pagsisinungaling ko. Nakita ko naman na kumalma si Mama sa buhay niya at napatango.

"Pasensya kana anak nag alala lang kami sayo miski si Vitto dumaan pa dito dahil akala niya umuwi kana mag isa dahil nakaramdam ka ng out of place sa lugar" Sabi ni Mama.

Bumuntong hininga ako at niyakap si mama habang nagsosorry pa din.

"Sorry ma hindi ko intensyon na pag alalahanin kayo. Tsaka umuwi po ako dito para kumuha ng damit babalik po agad ako sa bahay ng amo ko" Sabi ko at bahagyang lumayo kay Mama. Tumango siya at ngumiti.

"Okay lang anak. Pero kausapin mo si Vitto baka nagtatampo sayo yon nag alala siya sayo kagabi akala niya napano kana" Sabi ni Mama.

"Opo mama sila Perdot at Flora po ba pumasok na?" Tanong ko. Tumango si Mama.

"Sige na anak kumuha kana ng gamit mo nakakahiya naman sa amo mo" Nakangiting sabi ni Mama.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko para kumuha ng damit at towel maliligo muna ako bago ako bumalik sa bahay ni Marlo. Chi neck ko din ang cellphone ko lowbat na pala kaya chinarge ko muna tsaka ako lumabas ng kwarto.


HAPON NA ng makabalik ako sa bahay ni Marlo. Pag kababa ko ng taxi bubuksan ko na sana ang gate ng may nakita akong babaeng pamilyar sakin na nakaupo malapit sa bahay ni Marlo nakahiga siya sa kalsada sa gilid.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Agad ko siyang tinignan tumuwad ako para makita ko siya ng ayos.

"Miss? Okay ka lang? Miss?" Bahagya kong tinapik tapik ang pisngi niya. Inayos ko ang nakatabing na buhok sa mukha niya, nakaramdam ako ng pag alala ng makita kong namumutla siya. Siya yung nakita ko nung nakaraan na nakatingin sa bahay ni Marlo.

"Miss okay ka lang? Bakit nandito ka?" Pagsasalita ko hoping na maririnig niya ako.

Bahagya niyang minulat ang mata niya at nagulat ng makita niya ako pero kaagad din yon napalitan ng emosyon parang naiiyak siya.

Inalalayan ko siya para makatayo at napakapit pa siya sa braso ko. Nakakaawa ang lagay niya para siyang hindi kumakain. Napansin ko yung suot niya ito pa din yung suot niya nung nakita ko siya nung nakaraan pero madumi na ito ngayon. Gash anong nangyari sa kanya.

"Miss okay ka lang ba anong nangyari sayo?" Nagaalala kong tanong sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

"Hindi pa ako kumakain nagugutom na ako wala ako pera pambili ng pagkain" Naiiyak na pagsasalita niya. Kaagad umiral ang pagkamabuti ng puso ko at inakay siya papunta sa bahay ni Marlo.

"Ganon ba sige miss halika pumasok tayo sa loob wala naman ang amo ko. Papakainin muna kita" I nicely said.

"Sala-Salamat miss" Nanghihina niyang pagsasalita. Ngumiti lang ako at inakay na siya papasok ng bahay.



"SAAN ka galing Kristel? Bakit gutom na gutom ka?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa upuan sa harap niya.

Napatigil siya sa pagsubo at napataas siya ng tingin. Yung mata niya puno ng emosyon na hindi mo maintindihan kung ano.

"Galing ako sa probinsya. Pumunta ako dito sa Manila para magbakasakali at makahanap ng trabaho tapos naholdap ako nung nandito na ako lahat tinangay nila sakin wala natira sakin muntikan pa nila ako rape-pin buti nakapalag ako kaya nakatakas ako. Isang linggo na akong palakad lakad sa kalsada" Parang naiiyak niyang sabi. Nakaramdam ako ng awa sa kanya.

Inabot ko yung kamay niya at bahagyang pinisil yon tapos nginitian ko siya.

"Sige papahiramin muna kita ng damit ko tapos pera at pamasahe para makauwi sa inyo tsaka mo na lang ako bayaran pag okay kana. Kahit hindi mo na bayaran tulong ko na sayo yon" Sabi ko. Naging mailap ang mata niya pero tumango siya at bahagyang ngumiti.

"Sala--Salamat Floren. Napakaganda mo at napakabait mo" Mahina niyang sabi. Mahina akong natawa at ngumiti sa kanya.

"Wag mo na isipin yon. Sige na tapusin mo na ang pagkain mo tapos maligo ka"

NANG matapos maligo at magbihis si Kristel pinahiram ko siya ng jeans kong luma at isang blouse na color peach. Naabutan ko siya sa sala na nakatingin at nakatingala sa picture frame na malaki ni Marlo.

Napangiti ako mukhang fan din siya ng baby ko. Dami talaga non fan ako lang basher niya choss. Lumapit ako sa kanya para ibigay ang isang libo na ibibigay ko sa kanya.

"Kristel ito kunin mo na pasensya kana ayan lang ang nabigay ko sayo nagtitipid kasi ako e" Pagsasalita ko. Nagulat siya at napatingin sakin sumilay ang maganda niyang ngiti.

Ang ganda niya mukha siyang anghel.

"Salamat talaga Floren napakabait mo at---" Napahinto siya sa pagsasalita ng may biglang pumasok sa pinto at sumigaw.

"BABY IM HOME. ARE YOU HERE?" Nako patay nandyan na si Marlo. Ay hayaena ipapaliwanag ko na lang sa kanya kung bakit ako nagpapasok ng ibang tao. Tinulungan ko naman si Kristel e kaya hindi siguro siya magagalit.

Malaki laki ang ngiti niya ng makita niya ako ngumiti din ako pero agad yon nawala ng mapatingin siya kay Kristel na punong puno ng emosyon ang mga mata. Napatulala siya at bahagyang lumapit akala ko sakin siya lalapit pero parang may tumarak sa puso ko ng nilagpasan niya ako at kay Kristel siya lumapit.

Tumingin ako sa kanilang dalawa tahimik lang sila pero nakatitig sila sa isa't isa.

"Marlo" Parang naiiyak na sabi ni Kristel. Iintindihin ko sana siya kasi malamang idol na idol niya si Marlo at ngayon lang niya ito nakita pero biglang kumirot ang puso ko ng tawagin din siya ni Marlo.

"Kristel..." Pabulong na pagbanggit ni Marlo sa pangalan ni Kristel. Gusto kong umiwas ng tingin at umalis sa pwesto ko pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Lalo na ng yakapin ni Marlo si Kristel na parang sabik na sabik siya makita ito.

Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko feeling ko na suffocate ako at hindi ako makahinga habang nakatingin sa taong mahal ko na may kayakap na ibang babae na bakas sa kanila ang emosyon na sabik sila sa isa't isa.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mata ko at pinahidan ko yon pero patuloy pa din itong bumabagsak. Sa isang iglap para akong hindi nageexist sa buhay ni Marlo.

Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko at pumasok sa kwarto ko para magkulong. Napasandal ako sa likod ng pinto habang nakahawak sa dibdib ko at tuloy tuloy na umagos ang luha ko.

Narinig ko na nagring ang cellphone ko at mabilis akong lumapit sa kama ko at dinampot yon. Si Maureen pala.

Mabilis kong sinagot ang tawag habang patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko mula sa mata ko.

[Bes okay ka lang? Nasaan ka? Pupuntahan kita] Puno ng pag aalala na sabi ni Maureen sa kabilang linya. Nagtaka ako kung bakit alam niya na may pinagdadaanan ako ngayon.

Sasagot na sana ako ng magsalita siya ulit.

[Sabi ko na tama ako pinaglalaruan ka lang niyang amo mo! Napanood mo na yung interview niya diba? Bes sumagot ka!] May galit at concern sa boses ni Maureen.

"Anong? Anong interview?" Papiyok kong pagsasalita dahil sa sobrang pag iyak. Sari sari ng emosyon ang nararamdaman ko at ngayon nadagdagan pa ng pagtataka.

Saglit na natahimik sa kabilang linya si Maureen kaya lalo akong natakot sa kung anong interview ang sinabi niya.

[Hindi mo pa alam? Pero bakit umiiyak kana? Makakapag open ka ba ng messenger? Isesend ko sayo. Nag aalala na ako sayo bes. Pagkatapos ko isend yung video pupuntahan kita dyan umalis kana dyan sa bahay ng amo mo] Hindi pa ako nakakasagot ng patayin ni Maureen ang tawag.

Parang may sariling isip ang kamay ko at inopen ang wifi. Nang maconnect na ako sa wifi kahit sumisikip ang dibdib ko binuksan ko pa din ang messenger ko at bumungad sakin ang chat ni Maureen.

Binuksan ko yon. At sunod kong binuksan yung attachment na sinend niya.

Nagloading saglit at mabilis itong nagplay. Si Marlo yung nandon sa video nasa labas siya ng Station 8 at may tinatanong ang mga reporter.

"Marlo totoo ba ang kumakalat na video na naghahalikan kayo ni Ivory?"

"Marlo akala ko si Ivory yung kadate mo kagabi sa ball? Anong masasabi mo sa kumakalat na larawan niyo ni Ms. Florentina San Jose na katulong mo pala"

Napabuntong hininga si Marlo at nagsalita tapos samu't saring emosyon ang nasa mata niya habang nakatingin sa camera pero seryoso siyang sumagot.

"Florentina is just my maid and my fan too. Pinagbigyan ko lang siya na makasama ako sa ball because she's my fan and maid as well at dahil gustong gusto niya ako kasama and about Ivory she is my girl after all yung video na kumakalat totoo yon so yeah. I have to go" Sabi ni Marlo sa video.

Parang may tumarak sa puso ko at nabitawan ko yung cellphone ko. At napahawak sa dibdib ko bago bumuhos ng bumuhos ang luha ko.

FLORENTINA IS JUST MY MAID AND A FAN TOO

PINAGBIGYAN KO SIYA NA MAKASAMA AKO SA BALL

IVORY IS MY GIRL AFTER ALL

Parang sirang plaka na paulit ulit sa isip ko yung sinabi ni Marlo. At ang pinakamasakit pa nangyari to kanina lang.

Sinapo ang dibdib ko at unti unting napaupo sa kama. Parang milyong milyon kutsilyo ang sumaksak sa puso ko kulang na lang patayin ako nito. Tahimik akong umiyak ng umiyak habang nakaupo sa kama.

Bakit kailangan ako lokohin ng ganto? Bakit kailangan ko masaktan ng ganto?

Pinakalma ko ang sarili ko at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at nilabas lahat ng gamit ko. Nilagay ko sa bag pack ko at sa travelling bag na dala dala ko.

Habang nilalagay ko lahat ng gamit ko sa bag tumutulo ang luha ko at hindi ko na inabala ang sarili ko para punasan yon.

Pinulot ko ang cellphone ko na nabitawan ko kanina. Pinatay ko ang wifi at nakita ko ang text ni Maureen malapit na daw siya sa village nila Marlo.

Sinukbit ko ang bagpack ko at binuhat ko yung travelling bag ko at lumabas ng kwarto naabutan ko sa labas ng kwarto si Marlo at gulat siyang napatingin sa dala dala kong gamit at sa mukha ko na punong puno ng luha.

Sinubukan niyang tuyuin ang luha sa pisngi ko pero mabilis akong umiwas sa kanya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya at samu't saring emosyon na wala akong PAKEALAM.

"Floren I want to explain. Kristel is my ex-- and my ex maid....." Nadagdagan ang sakit sa puso ko ng sinabi niya na ex niya si Kristel.

Mapakla akong natawa na kinatigil ng mga salita niya.

"BAKIT KA NAG EEXPLAIN MARLO?! I'm just your maid and your fan too" Nakangisi kong sabi habang wala pa din tigil ang pag agos ng luha ko. Nagulat siya sa sinabi ko at halatang naguilty siya.

"I'll explain everything please give me a chance to explain-----" Mabilis ko siyang tinabig para makalabas ako. Sinundan niya ako hanggang sa makarating kami sa kusina tsaka niya hinablot ang kamay ko at mabilis niya akong pinihit paharap sa kanya at mahigpit niya akong niyakap.

Hindi ako yumakap pabalik pinaramdam ko sa kanya ang pagiging cold at wala kong pakealam. Tinulak ko siya ng malakas kahit nanghihina ako nagawa ko pa din siyang itulak.

Puno ng emosyon ang mata ni Marlo at tumingin sakin.. Para na din siyang maiiyak.

"Please Floren listen to me first there's an explanation about that----" Sinampal ko siya ng malakas kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"PARA YAN SA PAGPAPAASA AT PANLOLOKO MO SAKIN! TAMA NA MARLO. AYOKO NA! AYOKO NG MANIWALA SA KASINUNGALINGAN NA LALABAS DYAN SA BIBIG MO! Bakit nga ba naniwala ako sayo? Naniwala ako na kaya mo din akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo. Nakalimutan ko na artista ka pala at sanay ka sa mga scripted na eksena. Save your explanations ibaon mo na gusto mo isama mo na sarili mo para masaya" Sigaw ko sa kanya. Napataas siya ng tingin sakin at para siyang nasasaktan nakaramdam ako ng kaunting guilt pero hindi non mapapantayan ang sakit ng puso ko ngayon.

Nakatingin lang siya sakin na puno ng emosyon pero walang lumabas sa bibig niya. Mapakla akong natawa.

"KUNG WALA KA NG SASABIHIN! Aalis na ako. Tsaka na ako manghihingi ng autograph sayo! LECHE ka!!" Sigaw ko. At hindi ko na tinignan ang ekspresyon ng mukha niya. Mabilis akong lumabas ng kusina habang tuloy tuloy pa din ang pag agos ng luha ko.

Pagkalabas ko ng pintuan hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o ano ng di ako sundan ni Marlo palabas. Pinunasan ko ang luha ko at pinanatili na matapang ang mukha.

Nagpatuloy lang ako sa paglabas at saktong may tumigil na kotse sa harapan ng gate ni Marlo at binusinahan ako.

Malungkot akong napangiti ng makita ko na kotse yon ni Maureen. Papalabas na sana ako ng gate ng may malakas na kamay na pumigil sakin. Tinignan ko siya at parang sinakal ang puso ko ng makita ko na umiiyak siya na puno ng sakit at hinanakit.

"Floren please. Wag mo akong iwan hindi ko kakayanin please! Mababaliw ako" Umiiyak na sabi niya habang nagmamakaawa sa akin.

Pinilit kong tignan siya na walang emosyon. Tapos malakas kong binaklas ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"TAMA NA MARLO!" Pagkasabi ko non mabilis kong binuksan ang gate at lumabas tapos binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ni Maureen sa passenger seat at mabilis na sumakay don tapos sinara ang pinto.

Nung maayos na akong nakaupo kaagad yon pinaandar paalis ni Maureen. Tsaka ko lang pinakawalan ang iyak ko na kanina ko pa gusto ilabas. Sinapo ko ang dibdib ko kung saan nandon ang puso ko at umiyak ng umiyak.

Naramdaman ko ang isang kamay ni Maureen na hinawakan ang kamay ko at bahagya yong pinisil.

"Iiyak mo lang bes. Nandito lang ako para sayo" Puno ng pag aalalang sabi niya.

"Bes bakit ganto? Ang sakit? Normal ba to? Normal ba na maramdaman ko ang ganto kasakit sa puso ko? Joke ba to?" Sabi ko habang walang humpay ang pag iyak ko.

"Mahal mo na. Kaya ka nasasaktan ng ganyan dahil minahal mo ang isang taong walang ginawa kundi saktan ka" Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Maureen.


"Kung joke lang tong sakit ng nararamdaman ko hindi nakakatawa... Nagmahal lang naman ako at hindi joke yon"

Pagkasabi ko non humagulgol ako ng iyak. Lahat iniyak ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Para makatakas sa sakit na nararamdaman ko.

Sana nga makatakas ako sa sakit na nararamdaman ko na to.



END OF CHAPTER 21.

AN: Ewan ko kung masakit sa part niyo. Sakin kasi ang sakit sa part ko! Char.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 95 17
Unahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamah...
253K 3.8K 23
➜ When a cold mafia son Cyden Arakiel Salvador he had power, wealth, everything, specialy he is son of a mafia lord. Encounter cute woman who na...
80.3K 1.5K 23
Mahirap at masakit kapag dumating sa punto na may ibang mahal na ang taong mahal mo. Isang sakripisyo ang pagpapaubaya. Ano nga ba ang kahihinatnan...
3.1K 92 20
Rank Achieved: #20 in Popular PROLOGUE "Drew I'm bored." I rolled my eyes at Lyra. She's my bitchfriend. Anyway I'm Drew Martini. 16. Graduating Hig...