Maid For You (Completed) [Edi...

By noeliyours

119K 2K 41

Highest Rank Achieved: #3 Wattpad2019 Florentina San Jose having a simple life with a simple dream "to help h... More

MAID FOR YOU STORY
PROLOGUE
MUST READ!!!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
EPILOGUE
MFY SOUND TRACK/MESSAGE BY AUTHOR
MY OTHER STORIES
SPECIAL CHAPTER: Martina's Story
THANKYOU CHAPTER
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
AUTHORS NOTE 2021
Questions and Dedications

CHAPTER 19

2.7K 62 0
By noeliyours


AN: May eksena pa si Vitto. Wag niyo siya kalimutan. HAHAHAHA.


FLOREN'S POV

PAGKATAPOS ko makausap si Marlo nung isang araw hindi na ulit siya nagtext or tumawag. Wednesday ngayon kaya halos 3 days na naman siyang walang paramdam.

Anong meron sa 3 days? Bakit ayun yung favorite days niya. Tss. Nahihiya naman ako mauna magtext or tumawag dahil alam ko na busy siya.

Nakita ko sa IG ni Flora na lumipad na siya papunta sa Singapore nung Sunday kasama si Scarlet at yung iba pang kasama nila sa movie.

Ang sweet ng picture nila ni Scarlet na nakapost sa IG. Hindi ko napigilan magselos pero anong laban ko kay Scarlet? Ang ganda ganda ng isang yon. Samantalang ako? Never mind na lang.

"Ate! May bisita ka!!!" Sigaw ni Perdot sakin. Nandito kasi ako sa kwarto at naglilinis. Si Flora kasi masyadong malinis sa kwarto note the sarcasm please.

Sino na naman yung bisita na yon? Bakit ayaw sabihin ni Perdot kung sino? Tss! Lumabas na lang ako ng kwarto at muntik na ako matisod ng makita si Vitto na nakaupo sa sofa.

"Vitto? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kaya napatingin siya sakin at ngumiti.

Ang pagkakaalam ko nakalipat na si Vitto sa condo niya. Hindi ko na siya nakausap simula nung pumunta siya sa bahay ni Marlo.

Ngayon lang ulit. Alam ko naman na busyng tao si Vitto at sino ba naman ako para pag aksayahan niya ng oras at panahon. Charot.

"Floren kamusta kana?" Tanong niya habang nakangiti. Ka-gwapo talaga nito.

Umupo ako sa isang sofa paharap sa kanya tapos ngumiti.

"Okay lang naman? Bakit ka nga pala pumunta dito?" Tanong ko. Ngumiti ulit siya.

"I just want to asked if you are free tonight?" Tanong niya habang nakatingin sakin. Umiling iling ako.

"Hindi naman. Bakit anong meron?" Curious kong tanong. Huminga muna siya ng malalim tapos tumingin sa mata ko.

"Can you be my date for tonight? It's ah BALL for a Cause. Pag bumili ka ng ticket for the ball makakatulong ka sa mga batang walang pamilya at ulilang lubos" Sabi niya. Woah? Ball for a cause? Feeling ko ang susyal ng party na yon kaso hindi ako bagay don.

"And don't worry for the ticket. Ako na ang bumili ng para sa ating dalawa, please Floren I want you to be my date" Pinagdikit pa niya ang dalawang palad tapos nagpuppy eyes pa siya kaya natawa ako. At tumango na lang.

"Okay sige sige na. Pero bakit ako yung inalok mo makadate? Wala ka bang ibang chiks? Yung mas bagay sayo" Nakataas na kilay na tanong ko. Kumunot naman ang noo ni Vitto.

"Remember? I'm courting you? Pambawi na din sa hindi pagpaparamdam sayo. Baka isipin mo wala akong kwentang manliligaw. Kaya I offer you this, tsaka gusto kita makasama" Seryosong pagsasalita niya.

Naisip ko si Marlo? Busy naman siya e nasa ibang bansa naman siya. Hindi naman siguro siya magagalit pag sumama ako kay Vitto? Tsaka hindi naman kami-- ouch. Tsaka for charity naman mapapunta wala naman sigurong masama don.

"Sige na nga pero ano bang sinusuot sa mga ganon? Para makahiram na agad ako sa kaibigan ko---" Hindi pa ako tapos magsalita ng sumagot na si Vitto.

"No need to worry. Ako ang bahala" Kinindatan pa ako ni Vitto.







EXACTLY 5:30 pm sinundo ako ni Vitto sa amin pinaalam niya din kay Mama at sa dalawa kong kapatid na siya na din maghahatid sakin pauwi. Actually 7 pa daw ang start ng ball kailangan daw maaga kasi aayusan pa daw ako ang dami alam ni Vitto tss!

Pumayag naman si Mama kasi nga alam nila nililigawan ako ng isang to.

Hanggang ngayon wala pa din text si Marlo. Magse-7 o clock na.

Nagtext ako sa kanya kanina. Kinamusta ko lang siya pero hanggang ngayon di pa din siya nagrereply.

Kasalukuyan akong inaayusan ng stylist ng pamilya ni Vitto, mabait si Edna na nagaayos sakin gandang ganda pa nga siya sakin Pero mas maganda naman siya.

Nandito kami sa condo niya at masaya ako para kay Vitto kasi sobrang ganda ng condo niya.

"Why are you sad beautiful lady? Cheer up" Biglang pagsasalita ni Vitto na nasa may hamba ng pintuan nakapamulsa siya at ang gwapo niya sa suot niyang long sleeves na puti at cute na necktie. Bakit cute? Kasi yung necktie niya may design na emoji.

Bumagay kay Vitto naging pang manly yung emoji. Haha. Tapos nakasuot siya ng slocks na putos na hapit na hapit sa katawan niya ang gwapo gwapo ni Vitto pero bakit mas gwapo pa din si Marlo sa paningin ko?

"Hindi ako malungkot di lang ako sanay na inaayusan ako" Natatawa kong sabi. Nakatitig lang siya sakin habang nakangiti.

"You look different, you look beautiful" Sabi niya habang nakatulala pa din sa mukha ko. Napairap naman ako.

"Sus bolero sige na dun kana malapit na ako matapos" Pagtataboy ko sa kanya. Natawa naman siya at tumango.

"Okay I'll wait for you beautiful" Nakangiting sabi niya tapos lumabas na at sinara yung pintuan ng kwarto.

Pinaplantsa ni Edna ang buhok ko pero hahatiin niya yon sa gitna at iipitan niya ng banat yon na mababa sa likod. Napatingin ako sa salamin pangalawang beses ko pa lang tinignan ang sarili ko sa salamin.

Nagulat pa nga ako kanina dahil akala ko ibang tao pero narealize ko ako pa din to dahil sa mga maliliit kong nunal sa leeg.

Ibang iba ang itsura ko ngayon nagmukha akong tao. Char!

Tinapos na ni Edna ang buhok ko at naipitan na din para daw bumagay sa long dress na susuotin ko. Ngumiti pa siya at napapalakpak nung pinatayo niya ako at pinaharap sa kanya.

"Ang ganda ganda mo lalo Floren! Gash! Proud of my self" Tuwang tuwa na sabi ni Edna. Natawa ako.

"Ikaw talaga. Magaling ka lang talaga mag make up no" Sabi ko.

"Alam mo Floren kahit anong galing mo sa pag me-make up kung hindi natural na maganda yung inaayusan mo wala din. Osiya tara na isuot na natin yung dress mo" Excited niyang sabi. At bahagya niya akong hinila sa walk-in closet na nasa guest room.

Pinahubad niya sakin ang bath robe na suot ko at tinulungan niya ako magsuot ng long halter dress na color red na kitang kita ang dibdib ko pero kery lang flat chested naman ako kaya wala akong cleavage. Hahahaha! Ang ganda ng dress bumagay sa shape ng katawan ko.

Napatingin ako sa malaki kong taling na nasa gitna ng dibdib ko. Takaw tingin yon. Pero hindi naman seductive kasi nga hindi naman ako nabiyayaan ng malaking hinaharap.

Ako na ang flat chested! Hmp.

Nang maayos na ni Edna ang dress ko pinasuotan niya na ako ng silver stiletto na 2 inches ang taas. Kery naman.

Tapos manghang mangha siya na nakatingin sakin kumikislap pa ang mata niya habang nakatingin sakin.

"Ang ganda ganda mo Floren jusko! Mas maganda ka pa sa mga artista" Kanina pa ako pinupuri nito. Napatawa ako ng mahina.

"Thankyou Edna ang galing mo e" I said while smiling. Nagngitian muna kami bago niya ako niyaya lumabas binigyan niya ako ng purse na paglalagyan ko ng cellphone at wallet ko na katerno ng suot kong dress.







"HOY VITTO! Kanina ka pa nakatitig baka matunaw na ako nyan" Parang timang tong si Vitto nakatitig sakin habang nagdadrive papunta don sa hotel. Mamaya mabangga pa kami nito mumultuhin ko talaga siya pag nateggi ako tapos siya safe! Tss.

"I can't stop my self from staring you. You look gorgeous and stunning" Sabi niya habang nakatingin na naman sakin. Napairap ako ng pabiro.

"Pang sampung beses mo ng sinabi yan. Oo na kaya magfocus kana sa pagdadrive at baka mabangga pa tayo!" Natatawa kong sabi. Napatawa siya at napailing iling tapos tumingin na siya sa daan.

Luckily nakarating naman kami sa Hotel ng safe. Napahigpit ang hawak ko sa balikat ni Vitto dahil first time ko magpupunta sa gantong kabonggang hotel.

Nang makapasok kami sa function hall na pagdadausan ng party. Nalilo ako sa laki ng function hall at sa dami ng tao. Gash! Nilibot ko ang paningin ko at napangiti ng makita ko ang karamihan sa nandito ay artista. Grabe ang bongga naman ng party nato.

Napatingin ako kay Vitto na hinawakan ako sa bewang para alalayan ako. Napangiti siya at ngumiti din ako.

Hindi ako sanay sa gantong party pero mas hindi ako sanay sa atensyon na pinaparamdam sakin ng mga tao. Hinahagod nila ako ng tingin habang naglalakad kami ni Vitto para humanap ng upuan, yung iba parang namamangha, yung iba naman nakataas ang kilay.

Lumapit ako kay Vitto at bumulong.

"Ang awkward naman dito Vitto di ako sanay na hinahagod ako ng tingin ng mga tao" Mahinang natawa si Vitto. At lumapit sa tenga ko para bumulong.

"Ang ganda mo daw kasi" Pasimple kong siniko ang tagiliran niya kaya natawa siya at bahagyang lumayo sa akin.

Nang makakita kami ng pwesto ni Vitto. Uupo na sana ako ng may mahagip ang mata ko na pamilyar na tao o sa madaling sabi pamilyar na tao na laman ng isip at puso ko.

Parang sinaksak ang puso ko ng makita ko si Marlo na kasama si Ivory. May kausap sila malapit sa buffet table at ang saya nilang dalawa, si Ivory ay nakasabit sa braso ni Marlo at sobrang dikit nila sa isa't isa.

Ang sakit ng puso ko! Lalo na nung napatingin siya sakin at nagulat na nandito ako parang may gustong sabihin yung mga tingin niya sakin at nagiba ang ekspresyon ng mukha niya nung nakita niya si Vitto sa tabi ko. Na nakahawak sa bewang ko.

Tapos walang emosyon na tumingin siya sakin at nagiwas ng tingin tapos hinawakan si Ivory sa bewang at parang wala lang sa kanya na nakita ako. Nang iinit na yung mata ko pero pinigilan ko ang luha ko.

"Don't cry here. Ayoko maging kawawa ka ng dahil sa kanya" Napatingin ako kay Vitto na nasa tabi ko pa pala. Tapos inalalayan niya ako para makaupo kami.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pilit na ngumiti kay Vitto. Ngumiti siya sakin at inabot ang kamay ko at bahagya yong pinisil.

Akala ko ba wala pa siya dito? Kaya pala siya hindi nagpaparamdam dahil magkasama pala sila ni Ivory. May pamiss-miss pa siyang nalalaman! Kung akala niya uuwi ako ng luhaan at nasasaktan. Pwes! Neknek niya.

Pero ang sakit! Sobrang sakit.

(AN: Play. GUSTO KITA by: Angeline Quinto eto yung song na naiimagine ko sa chapter nato hahaha)



MARLO'S POV

NAPIPILITAN man pero pinakisamahan ko si Ivory just for this night. Ayoko na ng gulo. Kaya pumayag na ako na samahan siya sa Ball for a cause. May invitation din ako natanggap mula sa Ball.

Kauuwi ko lang kaninang umaga at dumiretso ako sa Station 8 ng pumunta sa dressing room si Ivory na nagbabanta na naman. I coldly said OKAY! Para matapos na.

Pero ang kinasama ng loob ko ng makita ko si Floren na kasama si Vitto! Shit! Bakit hindi ko naisip na pwede din pumunta sa gantong event si Vitto at isama si Floren. Ang tanga ko. At hindi ko pa sinabi na nakauwi na ako dahil sunod sunod ang schedule ko ngayong araw.

Hindi na ako nagawang tapunan ng tingin ni Floren simula nung nakita niya ako na kasama si Ivory. Habang ako naman ay pinagmamasdan siya mula sa malayo.

Hindi ko magawang ngumiti dahil alam ko na hindi okay kay Floren na nakita niya ako ngayon dito. Matapos ko siyang sabihan ng I MISS YOU makikita niya ako na kasama ang babaeng naissue sakin. Fcklife diba?!

Pero yung puso ko hindi napigilan mapangiti dahil ang ganda ganda ng baby ko ngayon. Fck! I never imagine that she will be more beautiful like this. Gustong gusto ko siya agawin ngayon kay Vitto, yakapin at halikan.

Pero nanatili ako sa pwesto ko ngayon dahil ang daming sikat na personalities na nandito halos lahat kilala ako. Ayoko ng issue okay lang sana kung ako lang ang maiissue pero kung pati si Floren mapapagusapan. I can handle my self even though it's hard. Fck!

"So Marlo how's your trip to Singapore?" Tanong ng isa sa sikat na director na kasama ko sa table. I smiled at Direk Francisco.

"Fan and awesome Direk" I simply said. Ngumiti at tumango si Direk. Tapos tumingin siya kay Ivory na may kaplastikan na isa sa sikat na artista sa kabilang network.

Tapos tumingin ulit sakin si Direk Francisco.

"So you and Ivory Cruz together huh? Kailangan ko na ba kayo papirmahin ng kontrata?" I smiled and we laugh.

"It's my pleasure Direk!" Sabi ko. At napatingin kay Floren na tumayo at lumakad palabas ng function hall. Hindi siya sinamahan ni Vitto dahil may kausap si Vitto na ibang tao. Mabilis akong tumayo at nagpaalam sa mga kasama ko na magre-rest room lang.

Bago ako sumunod kay Floren tumingin muna ako kay Ivory na mukhang hindi ako napapansin dahil busy pa din siya sa pagkukwentuhan. Mabilis akong lumakad palabas ng function hall.

Nakita ko si Floren na naglalakad sa kanang bahagi ng hallway mabilis ko siyang sinundan at tinawag. Luckily walang tao dito dahil busy sila sa loob ng function hall.

Nakita ko na napahinto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon sakin. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

"Floren? Look at me please" Nagmamakaawa kong sabi. Hindi siya lumingon at mabilis niyang inagaw ang kamay niya na hawak ko.

Mabilis siyang lumakad palayo. Napasabunot ako at mabilis siyang sinundan. Imbes na rest room siya dumiretso nag iba siya ng way dahil ramdam niya na sinusundan ko siya.

"Baby please talk to me!" Tawag ko sa kanya habang hinahabol pa din siya. Gusto kong magalit pero may kasalanan din naman ako kaya kasama siya ngayon ni Vitto.

Nang makarating kasi sa pathway ng garden ng hotel. Finally huminto din siya sa paglalakad at tinutok yung suot niyang stiletto sa sahig. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinatak siya paharap sakin.

Muntikan pa siyang matumba dahil sa pabiglang paghatak ko sa kanya pero mabilis ko siyang inalalayan sa bewang. Tinignan ko siya pero siya umiwas ng tingin sakin.

"I just want to explain---" Hindi niya ako pinatapos magsalita dahil malakas niya akong tinulak dahilan para mapabitaw at mapalayo ako sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama at magsasalita na sana pero napatigil siya at napatingin sa stiletto niya.

"Wrong timing tong heels nato bwiset!" Inis na bulong niya sa sarili pero rinig ko naman. Gusto ko matawa kasi ang cute niya sa part na yon pero wag na lang dahil galit siya sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko napigilan mapangiti ng bahagya niyang tinaas ang paa niya at hinubad yung suot niyang stiletto tapos binitbit yon. Napatingin siya sakin at inirapan niya ako.

Tapos tumalikod siya sakin at paika-ikang naglakad na naman palayo. Napailing ako at mabilis na sinundan siya hinila ko siya sa braso paharap at mabilis na pinangko siya na parang sako ng bigas.

Umirit siya at pinagsusuntok yung likod ko pero hindi ko siya pinansin at naglakad papuntang parking lot.

"Marlo ano ba ibaba mo ako! Uuwi na ako dahil inistorbo mo ang pag ihi ko. Bumalik ka na don kay Ivory na kadate mo" Inis niyang sabi sakin habang nakapangko pa din siya sa balikat ko na parang sako ng bigas.

"No! Hindi ka uuwi. Mag uusap tayo!" Matigas kong sabi habang naglalakad pa din. Pasalamat ako dahil walang tao sa paligid.

"Wala tayong dapat pag usapan. Tsaka si Vitto ang kasama ko baka hinahanap na ako non" Hindi ako nagsalita dahil sa inis at selos. Patuloy pa din niya akong sinisigawan at sinusuntok sa likod pero hindi ko siya pinansin.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Pinindot ko yung remote ng kotse ko na nakasabit sa sinturon ko at mabilis na binuksan ang pintuan at sinakay si Floren na tuloy tuloy pa din sa pang aaway sakin.

Umikot ako para makasakay sa driver seat at mabilis kong pinindot ang locked ng kotse para hindi makababa si Floren.

"Buksan mo ang pinto Marlo! Hindi ako sasama sayo!!!" Patuloy niya sa pag wawala at pagsisigaw at pilit na binubuksan yung pinto. Natawa ako kaya mabilis siyang humarap sakin at sinamaan ako ng tingin.

"WAG MOKONG PAGTAWANAN! HINDI KA NAKAKATUWA!" Sigaw na naman niya sakin. I smirked at humarap ako sa kanya.

"In count of 3 dapat itikom mo na yang bibig mo dahil naririndi na ako kanina ka pa ha. Porket hindi ko pinapansin ang pang aaway mo sakin patuloy ka pa din sa pagsigaw. Baka nakakalimutan mo na amo mo ako" I playfully said.

"WALA AKONG PAKEALAM KUNG AMO KITA! MAGRERESIGN NA AKO!!!" Sigaw niya ulit. Napangisi ako at nagsimulang magbilang.

"One" Napairap si Floren.

"PALABASIN MO NA AKO!!! MARLOOOO HINDI AKO SASAMA SAYO!!" Sigaw niya ulit. Napangisi ako.

"TWO" Naiinis na napasabunot si Floren sa buhok niya na kinatawa ko ng mahina. She looks cute when she is mad and irritated.

"MARLO BUKSAN MO NA KASI SABI ANG PINTO----" Mabilis kong tinawid ang distansya ng mukha namin sa isa't isa. At siniil ng halik ang mga labi niya kaya napahinto siya at parang nawala sa sarili ng halikan ko siya.

Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko at mas lalo ko pang nilapit ang mukha niya sa mukha habang mapusok ko siyang hinahalikan.

I gently cupped her neck and kiss her softly. Napangisi ako ng maramdaman ko na unti unti niya ng tinutugon ang halik ko. Napahawak siya sa balikat ko habang tinutugon ang halik ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ni Floren at pinasok sa bibig niya ang dila ko. Bahagya kong sinipsip ang dila niya kaya narinig ko ang mahinang pag ungol niya.

I kiss her gently and sweetly. I miss her. Kinagat ko ulit ang pang ibabang labi niya gamit ang ngipin ko kaya naitulak niya ako palayo.

"ARAAAY! Manghahalik na lang mangkakagat pa ng labi!" Pulang pulang sabi niya kaya natawa ako at pinisil ang magkabila niyang pisngi. Hinalikan ko siya ng isa sa labi at bumulong.

"I MISS YOU BABY" I honestly said. Natigilan si Floren saglit pero kaagad siyang nakabawi at tinarayan na naman ako lumayo siya sakin at sumandal sa upuan.

"MISS MO NEK NEK MO! Ihatid mo na ako samin ngayon na" Mataray niyang sabi.

"NO! I will not let you go home unless you talk to me" I strictly said. Mabilis siyang lumingon sakin at tinaasan ako ng kilay.

"SINO KA PARA DIKTAHAN AKO? At sa mga bagay na gusto kong gawin?!" Sigaw niya sakin. Hindi ko napigilan ang emosyon ko.

"YOUR MY MAID AND IM YOUR BOSS! Respect me!!" Sigaw ko pabalik. Natigilan siya pero kaagad din nakabawi.

"IM RESIGNING! AYOKO NA NAPAPAGOD NA AKO----" Napasuntok ako sa manibela at mabilis na tumingin sa kanya.

"BULLSHIT! FLORENTINAAA!! I WILL NOT LET YOU RESIGN!" Sigaw ko sa kanya kaya natahimik siya. Mabilis kong sinuksok ang susi ko sa engine ng sasakyan at inistart yon. Pinaandar ko palikod ang kotse at mabilis na pinaharurot yon palabas ng hotel. Habang mahigpit pa din ang hawak ko sa manibela.

Narinig ko siyang nagsalita ng mainahon.

"Marlo please iuwi mo na ako sa amin. Hindi ako makapag isip ng tama pag kasama kita" Napatingin ako sa kanya hindi siya nakatingin sakin sa labas siya nakatingin.

Tumingin ako sa daan bago magsalita...

"Sa tingin mo ako nakakapag isip ng tama pag kasama ka? Mas lalo ako Floren. Pero pag hindi kita kasama halos mabaliw na ako kakaisip sayo. Kaya hindi ko hahayaan na umalis ka sa bahay ko! I will not let you resign and leave me" I possessively said. Narinig kong napabuntong hininga siya.

"Napapagod nako makipagtalo sayo bahala kana sa buhay mo" She said.



I WILL NOT LET YOU LEAVE ME MY FLOREN.

END OF CHAPTER 19.

AN: SHIT! Ang galing ko patapos na! Char. Ang sweet ni Marlo may pagka possessive nga lang pero yaan niyo na gwapo naman. Haha.

Questions and Reactions sa napapadaming kissing scene. Bwahahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 91 20
Rank Achieved: #20 in Popular PROLOGUE "Drew I'm bored." I rolled my eyes at Lyra. She's my bitchfriend. Anyway I'm Drew Martini. 16. Graduating Hig...
290K 6.5K 44
Status: [SOON TO BE COMPLETED] Isa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip mag...
1.5K 103 21
He is her savior and knight in shining armor, he's always there whenever you need someone to rely on but what if... He's actually her stalker?? A 10...
20.8K 460 23
KNOWN AS: THE CEO'S MAID/THE CEO As a call center agent, they have the job to help customers with their inquiries and answer their question. And for...