Maid For You (Completed) [Edi...

By noeliyours

119K 2K 41

Highest Rank Achieved: #3 Wattpad2019 Florentina San Jose having a simple life with a simple dream "to help h... More

MAID FOR YOU STORY
PROLOGUE
MUST READ!!!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
EPILOGUE
MFY SOUND TRACK/MESSAGE BY AUTHOR
MY OTHER STORIES
SPECIAL CHAPTER: Martina's Story
THANKYOU CHAPTER
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
AUTHORS NOTE 2021
Questions and Dedications

CHAPTER 7

3.1K 62 1
By noeliyours



FLOREN'S POV

NAKAKAINIS na talaga si Marlo Del Rosario ano bang ginawa ko sa kanyang kasalanan at iniinis niya ako ng ganto?! Pabalibag kong sinara ang pintuan ng kwarto ko at nilock yon. Gusto ko na umuwi samin! Pero hindi pwede hindi pa pwede dahil kailangan ko pa ng trabaho na to at magtatagumpay si Marlo sa kung ano man binabalak niya sakin hindi ako papayag. Hindi ako magpapatalo sa kanya! Hinding hindi talaga. Over my dead gorgeous and sexy body. Kung aasarin niya ako at iinisin pwes ganon din ang gagawin ko sa kanya. Hindi porket celebrity siya ay pwede na niya ako ganon ganonin. Ano akala niya sakin? TALUNAN? Ipagdadasal ko na lang na sana bumalik na sa pagtetaping si Marlo para matahimik na ang buhay ko.

Pero ang totoo kinabahan talaga ako kanina akala ko makukuha na ni Marlo ang first kiss ko ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko konting usod na lang mahahalikan niya na ako. Pero ang loko pinagtitripan lang pala ako napapikit pa ako. Pahiya ako don ng very light.

Lumapit ako sa kama ko at umupo don. Narinig ko na tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama. Kinuha ko yon at tinignan kung sino yung natawag. Si MAMA. Sinagot ko naman agad yon.

Para akong maiiyak pero pinigilan ko "Ma? Hello bakit gising ka pa?" Tanong ko.

[Naalala kita anak e napaginipan kita. Okay ka lang ba dyan? Bakit gising ka pa din?] Hindi ako iyakin pero pag dating kay Mama mababaw ang luha ko. Tumingala ako para hindi ako mapaiyak.

"Ma ano ka ba okay lang ako no. Ginagawa ko maigi ang trabaho ko dito okay naman po. Katatapos ko lang po kasi maglaba" Pagsisinungaling ko. Pinilit ko siglahan ang boses ko para hindi na mag alala sakin si Mama. I miss her.

[Ganon ba anak? Mabuti naman kung ganon. Miss na kita anak. Anak kung hindi mo kaya ang trabaho kung meron ka man nararamdaman na kakaiba pwede ka naman magresign. Magtulungan na lang tayo sa carinderya] May tumulong luha mula sa mata kong traydor pero mabilis ko yung pinunasan.

"Ma wag kayo mag alala ha? Kaya ko! Ako pa? Mana ako sayo. Wag moko alalahanin. Sige na ma matulog kana ako din tutulog na napagod ako ngayong araw e"

[Siya sige anak. Mag ingat ka dyan tawagan mo ako kung ano't anuman. Mahal kita Ate ko ang panganay ko] Napangiti ako at may tumulo na naman na luha sa mata ko.

"Mahal din kita Mama ko! Miss you po" Sabi ko at tinigil ko na ang tawag. Mahirap na baka diko na matiis at umiyak na ako kay Mama.

Humiga ako sa kama ko. At tumingin sa cellphone ko na ang wallpaper ay kaming apat nila Mama kuha ito nung birthday ni Mama nung sinurprise namin siya nila Flora at Perdot. Sobrang saya namin dito. Napangiti ako bago hinalikan ko yung picture.

Hindi ako susuko. Para kela Mama.







---

"FLORENTINAAAAAAA! Ano ba? Sabi ko bilisan mo!" Inip na sigaw sakin ni Marlo.

"Eto na po sir" Sigaw ko. Nagbihis kasi ako pinapabili kasi ako ng alak at mga pulutan etc. ng amo ko dahil may get together daw sila ng tropa niya dito mismo sa bahay niya. Dami niyang alam no?

Iniipit ko ang buhok ko ng lumabas ako. Nasa may kusina si Marlo at nakakunot ang noo na nakatingin sakin. Buhat buhat niya yung pusa niyang mabalbon na may pangalang BLUE pero BROWN naman. Kaya pala blue ang tawag ni Marlo kasi blue yung mata nung pusa oh edi wow! At hinihimas himas pa niya yung balahibo non. Nang matapos ko ipitan ang buhok ko lumapit ako sa kanya.

Nakasuot ako ng pantalon na pinutol ko para maging tokong. Tapos t-shirt na maroon na may print na tulips sa gitna.

"Ang kupad mo kumilos. Oh ito ang credit card ko. 30,000 ang laman nyan malalaman ko naman ang halaga ng pinamili mo o kung may ninakaw ka na pera dyan. But I don't care" Inabot niya sakin ang credit card niya. Dami niya sinasabi. Tsee! Tapos may inabot pa siya sakin na limang 100 bali 500 yon. "Eto pamasahe mo" Huh? Pamasahe? 500? Ang laki naman.

"Sir ang laki naman ng pamasahe ko 500? Saan ba ako pupunta? Sa batangas po ba?" Echos ko. Kumunot naman yung noo niya. "Wag ka pilosopa alam kong magtataxi ka kulang pa nga yan e" Parang siguradong sabi niya.

"Sir sorry pero kaya ko po mag tricycle at jeep mas tipid po yon no. Pero sige sir in case of emergency ibabalik ko po yung sukli wag kayo mag alala" Sabi ko. Tinignan ako ng maigi ni Marlo bago tinaas niya ang isa niyang kilay.

"Whatever! Hurry up! Dapat bago maglunch nandito kana magluluto ka pa" Inabot niya sakin yung listahan ng mga ipapabili niya. "Yes sir. Sir wala ba kayong cash dyan? Di ako sanay gumamit ng credit card e baka mawala ko pa" Sabi ko naman. Napairap muna siya at may binulong bulong pa.

"Wait for me here" Masungit na sabi niya at nagmarcha paalis ng kusina habang bitbit pa din yung pusa niyang panget char. Habang hinihintay ko si Marlo pumasok naman si Vitto sa dining room kagigising lang ata niya. Kyaaah! Yung buhok niya magulo pa tapos nakatshirt lang siya ng puti at boxer na itim. Napatingin siya sakin at napangiti pa.

"Good morning Floren. Aalis ka?" Tanong niya. "Good morning Sir Vitto. Opo eh mag gogrocery ako hinihintay ko lang po si Sir Marlo" Sabi ko naman.

"Hindi mo sinabi sana maaga ako gumising para nasamahan kita bibili din kasi ako ng motor ngayon" Sabi niya. Magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot si Marlo hindi niya na buhat yung pusa niya. Nakakunot ang noo niyang tumingin samin ni Vitto.

"Eto na yung cash. Bilisan mo kumilos" Masungit niya ulit na sabi. Lumapit ako sa kanya para kunin yung cash na inaabot niya tapos padabog niyang kinuha sakin yung credit card niya! Oh saksak mo sa baga mo at abs mong anim. Tsee! Pogi. Choss.

"Sige sir gora na aketch" Pabakla kong sabi nakita no pa na kumunot ang noo ni Marlo pero binigyan ko lang siya ng sweet smile of mine. Mehehe. Tumingin muna ako kay Vitto na nagkakape na sa may island counter ang gwapo niya talaga. Saktong nakatingin din siya sakin kay papaalam na ako sa kanya.

"Sir Vitto gora muna aketch! Byeee" Sabi ko natawa naman siya at tumango. "Okay bye ingat Floren" Tapos nagwave pa siya.

Tumango ako habang nakasmile at lumayas na sa pamamahay ni Marlo aka Blue Ang Panget Na Pusa. Choss. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin pero ramdam ko na nakatingin siya sakin. Hindi ako assuming no nakatingin talaga siya sakin pero hindi yung tingin na inlove siya sayo yung tingin na nagsasabing DUDURUGIN KITA! Hahaha. Char.








HABANG NAGLALAKAD ako papasok ng grocery. May nakita akong pamilyar na tao na may hawak na can beer na hindi pa bukas at mukhang may hinahanap pa. Nakakunot yung noo niya pero hindi nabawasan ang kagwapuhan ng isang to. Napangiti ako, hindi ko na sana siya papansinin dahil mukhang busy naman siya sa life kaya bayaena na siya dyan. Tsaka baka mabulyawan na naman ako ng amo ko. Bait bait pa naman non. Sigaw kaya ako dito? Sabihin ko "HOY YUNG IDOL NIYONG SI MARLO DEL ROSARIO AMO KO NAPAKASUNGIT NON ANG SAMA SAMA PA NG UGALI PERO MAY ABS NAMAN SIYANG ANIM KAYA OKAY LANG--PERO SAMA TALAGA NG UGALI NON BATUHIN NIYO NGA NG KAMATIS!!!!" Pero joke lang no diko kery sumigaw ng ganon baka akalain pa baliw ako at palabasin ako ng grocery nato tsak sangkatutak na bulyaw na naman ang isasalubong sakin nung amo ko. Wag na lang next time na lang choss.

Kumuha na ako ng pushcart at pumunta na sa beer station para kumuha ng sangkatutak na beer. Teka? Parang may mali. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa listahan na inabot sakin ni Marlo. Ang dami naman nito! Baliw ba siya? Mag isa lang ako pero ang pinapabili niya sakin limang case ng Beer! Kinginang yan. Paano ko mabubuhat yon? Inis na inis kong tinulak ang malaking push cart. Kahit hindi ko alam kung paano ko mauuwi yon. Gora pa din.

Habang inaassist ako ng customer service may humarang sa dalawang mata ko. Waaaah! Sino to?! Kikidnapin niya ba ako? Igagang rape? Waaaah wag muna please hindi ko pa nabibili yung pinapabili ng amo ko. Pero wait ang bango naman ng kidnapper at rapist na to?

"Sabi ko na nga ba ikaw yan e" Sabi niya. Huh? "Oo ako nga sino ka ba?!" Inis na sabi ko. Tumawa siya waah pati yung tawa ang gwapo din. Tinanggal niya ang kamay niya sa mata ko kaya mabilis ako humarap sa kanya at ready na siyang sampalin pero napahinto ako. "RYLAAAAN?! Waaaaaah!!!" Sigaw ko sa tuwa dahil may sulusyon na ako kung paano ko mauuwi at mahahampas sa mukha ni Marlo ang mga pinabili niya sa akin. Napayakap pa ako kay Rylan. Niyakap naman niya ako pabalik tuwang tuwa siya akala niya siguro natutuwa ako na nakita ko siya. Choss! Syempre yon na din yon. Hehe.

Wait ang bango naman ni Rylan! Sniff sniff! Napatigil ako sa pag amoy sa kanya ng nagsalita yung customer service. Kaya napalayo ako kay Rylan at patay malisyang tumingin don sa customer service na kausap ko kanina. May isang malaking push cart sa likod niya na may lamang limang case ng beer.

"Mam ito na po ang pinapakuha niyo" Parang wala lang na sabi nung customer service. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Salamat" umalis na siya. Ako naman diko alam kung paano ko pagsasabayin itulak ang dalawang malaking push cart. Kingina talagang amo ko.

"Hey? Bakit ang dami mo naman pinamili? Tapos mag isa ka lang" Ayy nandito pa nga pala si Rylan. Pumunta siya sa harapan ko.

"Eh kasi utos yan ng amo ko diko naman alam na ganyan kadami ang case ng beer na pinapabili niya eh malay ko ba don?" Pageechos ko na lang. Tumango naman si Rylan tapos ngumiti. "Sige tulungan na lang kita tapos ako na maghahatid sayo" offer niya. Lumaki naman ang ngiti ko at tumango sa kanya. "Talaga? Thank you Rylan" Sabi ko. Ngumiti lang siya sakin. At siya na yung nagtulak ng isang malaking push cart.







MATAPOS ko pinamili ang mga pinabili sakin ni Marlo tama ng ako ang dami nga non halos hindi na magkasya sa kotse ni Rylan. Bwiset talaga yon. Mukha pala akong kawawa kung hindi ako nakita ni Rylan.

Tinuro ko ang daan papunta sa bahay ng amo ko kay Rylan. Kasalukuyan kaming bumabyahe papunta don.

"Grabe talaga amo ko buong grocery ata balak niya ipabili sakin!" Nakangusong sambit ko at pabagsak na sumandal sa upuan dito sa kotse ni Rylan. Natawa naman siya pero sa daan pa din siya nakatingin.

"Baka hindi lang niya napansin na napadami yung pinabili niya sayo" Sabi ni Rylan. Tama diko sasabihin sa kanya na si Marlo Del Rosario ang amo ko mahirap na. Tumango ako bilang pag sang ayon! Kfine. Char.

"Oo nga baka nga. Pero thank you pa din Rylan hinatid mo ako baka sa makalawa pa ako makauwi sa bahay ng amo ko kung hindi mo ako nakita kanina" Natawa na naman siya. Pansin ko si Mam Claire, Vitto at Rylan tawa ng tawa pag kausap ako. Masaya ba sila pag kasama ako? Char.

"Wait parang pamilyar tong village na pupuntahan natin" Napatigil sa pagtawa si Rylan at kumunot ang noo na tumingin sa village na pinasukan namin. "Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng gate ni Marlo kasi ayun yung turo ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya tapos tumingin sakin. Problema nito?

"Ano problema mo Rylan?" Takang tanong ko. "Sabihin mo sakin Floren si Marlo ba ang amo mo?" Huh? Bakit alam niya na bahay to ni Marlo? Fan ba siya? O press?

"Paano mo nalaman na bahay to ni Marlo? Fan ka ba niya?" Tanong ko. Napasabunot si Rylan sa buhok niya. At may binulong pero rinig ko naman "Stupid Zion!!! Bakit di niya sinabi na si Floren ang katulong ni Marlo?! Bwiset!" Rinig kong sabi niya. Huh? Sino si Zion?

"Huy Rylan? Kilala mo si ----" Bigla siyang lumingon sakin. "Hell yes! Marlo is one of my friend since highschool" Sabi niya pero kalmado siya ngayon parang concern siya sakin. Bakit kaya? Magsasalita na sana ako pero bumaba na siya at inisa isang ibaba yung mga pinamili namin. May mali kay Rylan? Ano kaya yon?

Tsaka sabi niya isa daw siya sa kaibigan ni Marlo so kasama siya mamaya? Bumaba na din ako at tinulungan ko na din si Rylan magbaba ng mga pinamili namin. Nakangiti na siya ngayon di kagaya kanina na parang alalang alala ang mukha...

Nagulat ako ng biglang lumabas si Vitto mula sa gate. Nakangiti siya nung lumabas kasi nakita niya ang kagandahan ko joke. Babatiin niya sana ako pero biglang nagsalubong ang kilay niya ng makita niya si Rylan na nakatalikod at may kinukuha sa loob ng kotse niya. Yung pinamili namin.

"AH HI SIR VITTO! Hehe" Agaw ko sa pansin niya tumingin naman siya sakin pero nakakunot naman yung kilay niya. Problema nito? "Sino yang kasama mo Floren?" Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Rylan. "Floren last na to----OH BRO? Vitto?" Baling niya kay Vitto. Nawala yung kunot ng noo ni Vitto pero seryoso naman yung mukha niya.

"Bakit kayo magkasama? Floren?" Baling niya sakin. Sasagot na sana ako ng bigla akong akbayan ni Rylan. Nakangiti siyang tumingin kay Vitto... "Manliligaw ako ni Floren bro" Napanganga ako sa sinabi ni Rylan bago tumingin sa kanya at binigyan siya ng tingin na anong-kaechusan-yan-rylan-look? Ngumiti lang siya sakin at kinindatan ako bago tumingin ulit kay Vitto na wala pa din emosyon ang mukha. Pero tumingin siya sakin at hinila ako palayo kay Rylan.

"Kanina ka pa hinihintay ni Marlo. Pumasok kana tutulungan kita magpasok ng mga pinamili mo" Seryoso pa din sabi ni Vitto. Ako naman napatango tapos tumingin kay Rylan na masama ang tingin kay Vitto pero nung tumingin siya sakin ngumiti siya. So ako naman ngumiti lang din.

"Rylan thank you sa pagsama at paghatid" Sabi ko sa kanya tumango siya. "Your welcome Floren see you later" Sabi niya. Wow? Pupunta din pala siya dito mamaya sabi ko na e. Siguro ang gagwapo ng mga tropa ni Sir Marlo. Mapapaligiran ata ako ng mga gwapo mamaya dapat pala tawagan ko si Angelou at Maureen charot lang. HAHAHAHA.

Tumango lang ako kay Rylan at napatingin kay Vitto na seryoso pa din ang mukha. Yumuko ako para kunin yung dalawang malaking eco bag na pinaglalagyan ng pinamili ko. Bago pumasok na sa loob. Pagpasok ko sa loob nakarinig ako ng tunog ng mantika na natalsik sa may kusina kaya dali dali akong pumasok sa kusina at nakita ko si Marlo na nasa harap ng kalan nagpiprito ata siya jusko! Hindi nga pala marunong to magluto. Dali dali kong nilapag sa island counter ang bitbit ko at lumapit kay Marlo na puro talsik ng mantika ang kamay.

"SIR AKO NA PO" Nagulat siya nung nakita ako pero hindi niya ako sinungitan. Kinuha ko sa kanya yung spatula na hawak niya at pinatay muna yung kalan. Hinila ko si Marlo sa may lababo para hugasan yung mga talsik niya ng mantika sa kamay hindi naman siya umangal. "Sir dapat hinintay niyo ako yan tuloy nasugatan kayo tsaka hindi po sinasagad ang pagbukas ng kalan" Sabi ko habang nakatingin sa kamay niya na hinuhugasan ko. Himala tahimik ata siya? Kaya tinignan ko siya nakatingin lang siya sakin. "Sir? Okay lang ba kayo?" Concern ko na tanong. Umiwas siya ng tingin at bahagya akong tinulak.

"Stay away from me!! Bakit kasi ang tagal mo?! Ang kupad kupad mo kumilos!!" Inis na sigaw niya. Nagulat ako pero hindi ako nagsalita. Tinapunan niya muna ako ng masamang tingin bago padabog na lumabas sa kusina.

Napatulala ako ng ilang segundo. Nagising lang ako sa diwa ko ng may humawak sa balikat ko. Si Vitto na alalang alala ang mukha na nakatingin sakin.

"Anong problema Floren?" Tanong niya. Mabilis akong umiling at ngumiti. Nakita ko na naipasok niya na lahat ng mga pinamili ko. Hindi ko na tinanong si Rylan pupunta naman siya dito mamaya. "Ah wala po Sir Vitto" Ngumiti siya at lumabas na naman yung dimples. Gwapo! Huhu.

"Okay okay pag may problema ka don't hesitate to say to me. Nga pala magpapaalam ako sayo" Sabi niya. Huh? Kahapon lang kami nagkakilala pero hindi ko namalayan na close ko na pala sa kanya parang safe ako pag kasama siya. "Huh? Uuwi na po ba kayo sa inyo Sir Vitto?" Tanong ko. Ngumiti ulit siya at umiling.

"I like but not really. May dahilan na ako para magstay dito" Nakatitig niyang pagsasalita.

"Ano naman po? Tsaka bakit po kayo magpapaalam?" Curious kong tanong. "Lilipat na ako sa condo ko sa Monday pero don't worry bibisita naman ako sayo" Sabi niya nakangiti na naman siya. Kaya napangiti ako at napatango.

"Anong lulutuin mo? Can I help?" Prisinta niya. "Marunong po ba kayo magluto?" Mangha kong sabi. "A little bit but you can teach me right?" Ngumiti ako at tumango.

"Balak ko sana magluto ngayon ng Chicken Curry. Tapos backed mac para mamaya. Tara luto na tayo maglalunch na e" Yaya ko sa kanya. Ngumiti siya tapos naglagay din siya ng apron. Ang gwapo niya at ang bait pa. Pero bakit kaya parang hindi sila okay ni Marlo? Parang may mali.






MARLO'S POV

"WOAW! I guess kumpleto tayo since nandyan na pala si Vitto" Sabi ni Zion kausap ko siya ngayon sa phone. Sumama agad ang mood ko ng marinig ko ang pangalan ng pinsan ko.

"Yeah! But mas okay na din sana kung hindi tayo kumpleto" I bitterly said. Kaya natawa si Zion. "Woaw chill my celebrity friend. Hindi naman ata manggugulo ang tarantadong yan takot na lang niya masumbong kay Tita" He said. Sana nga wala na naman siyang gawin sakin its been 3 years pero hindi ko pa din maiwasan na magalit sa kanya. Dahil don.

"I guess so" Sabi ko. "So how's Floren? Is she doing good or nah?" He asked. Naalala ko na naman yung eksena ko kanina sa kusina actually nahiya ako sa kanya kanina pero dinaan ko na lang sa inis at galit para hindi siya magduda sa kinilos ko kanina. Bigla kasing lumakas ang tibok ng puso ko nung hinawakan niya ang kamay ko at twing malapit siya sakin. Nagsimula to nung pinagtripan ko siya kagabi na hahalikan ko siya.

"She's annoying. At mukhang close siya kay Vitto sumisipsip ata siya" I said. Nainis din ako nung nakita ko kanina na nagluluto sila ni Vitto at masaya silang nagkukwentuhan kaya umakyat ako dito sa kwarto ko.

"Woaw excited nako makita siya. Well sinabihan ko na si Rylan tungkol dyan sa maid mo at excited siya mangprank ulit alam mo naman yon PRANK KING yon e" Natawa ako sa sinabi ni Zion. Yeah si Rylan Rivera ang PRANK KING ng tropa simula nung highschool hari na yan ng kalokohan buti ng tumino tino siya ngayon dahil sa lolo niya. Lolo's boy kasi yon. Hahaha.

"HAHAHAHAHA excited na din ako sa kung anong kalokohan na naman ang gagawin nyang si Rylan" I said while laughing natawa din si Zion. Lima kami sa tropa. Ako, Si Zion, Si Vitto, Si Rylan at Si Daveson. Actually madami kami pero kami lang lima yung kadalasan na magkakasama.

"Sige na bro I'll hang up now. May pupuntahan pa ako board meeting e" Paalam ni Zion. "Wait si Daveson nga pala?" I asked. "Pupunta siya pero may tatlong hearing daw siya ngayon HAHAHAHA. He said igoodluck daw natin siya sa GC" Natatawa na naman si Zion. Si Daveson ay ang Attorney sa magtotropa at siya din ang Personal Attorney ko. Magaling siya talaga wala pa siya naitatalo na kaso at luckily tropa ko siya. Napatango ako na parang nasa harap ko ang kausap ko. "Great! See you brod" I said before ended the call.

May narinig akong mahinang katok sa kwarto ko. Pupusta ako hindi si Vitto to dahil never naman yan kumatok sa kwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa pinto. Binuksan ko yon at kumunot ang noo ko nga makita ko si Floren sa labas ng kwarto ko.

"What do you want? Diba sabi ko wag ka pupunta dito sa taas hanggang diko naman inuutos?" Pagsusungit ko. Nginitian niya na naman ako ewan ko kung maiinis o matutuwa ako sa ngiti niya. "Sir kain na po sorry po pumunta po ako dito kasi po wala akong load hehe hindi ko naman po pwede kayo sigawan dahil baka di niyo po madinig" Weird na sabi niya. "Whatever! Go away. Oo bababa na ako" Sabi ko. Tumango siya at ngumiti na naman tapos tumalikod na siya at nauna na bumaba.

Kailangan ko talaga rendahan tong puso ko! Abnormal e.



END OF CHAPTER 7.

Continue Reading

You'll Also Like

253K 3.8K 23
➜ When a cold mafia son Cyden Arakiel Salvador he had power, wealth, everything, specialy he is son of a mafia lord. Encounter cute woman who na...
2.3K 95 17
Unahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamah...
50.7K 779 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
26.1K 521 13
A love to die for... and to live for... What if your one and only chance to live means the death of your one true love? Nang ma-comatose si Lance mat...