Just Like Before

By moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. More

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 43: Bye. I love you.

2.2K 37 14
By moisel

Sorry. Sorry. Sobrang bagal ng update. T________________T

Chapter 43

“Sir,” bati sa kanya ng isang naka-uniform na lalaki. Inabot ni Levi ang susi ng sasakyan niya. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba. Hinila ako ni Levi papasok sa bahay. Binati siya ng ilang katulong.

Mukhang naghahanda na sa pagtulog ang iba. Siguro ay bumangon lang sila para kay Royce. Oh,God! Royce!

“Where is he?” Tanong ni Levi sa isa sa kanila. Bahagya pa itong tumungo bago sumagot.

“Sa kwarto po, Sir.” Mukhang takot na takot siya. Lalo yong nakadagdag sa kaba ko.

“Ayos lang ba siya?”

“S-Sir… hindi po namin siya m-malapitan…”

“Alright. Kami na bahala. Matulog na kayo.”

Tumango ulit ito bago umalis sa harap namin. Nauna na kong tumaas sa kwarto ni Royce. Naaalala ko pa naman kung na’san ‘yon. Medyo bukas ang pinto. May iilang katulong na nasa labas. Parang hindi nila alam kung anong gagawin nila.

“Sir Levi!” Napatingin pa sa’kin ang tumawag kay Levi bago binaling ang atensyon sa likod ko. “Mabuti naman po at nakarating agad kayo. Si Sir Royce po…”

“Ako na ang bahala.” Narinig kong sabi ni Levi. Lumapit agad ako sa pinto ng kwarto niya. Madilim sa loob. Halos hindi ko na maaninag. Nakikita ko lang na may nakaupo sa kama niya. Sigurado akong siya yon. “Matulog na kayo.”

“S-Sir…”

“’Wag kayong mag-alala. Kasama ko ang girlfriend niya.”

Dahil don, napatingin agad ako sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila tapos medyo tumungo. Geez!

Umalis din agad sila tulad ng utos ni Levi. Dahan-dahan kong binuksan ng tuluyan ang pinto ng kwarto ni Royce. Hindi siya gumalaw. Nakaupo siya habang ang siko ay nasa hita. Tinakpan niya ng kamay ang mukha niya.

“Get out.” Narinig kong sabi niya. Gosh! He’s fine. Royce is fine. And he wants me out. Bumigat ang dibdib ko. Hindi niya ko kelangan dito. Bakit ba ko sumama kay Levi?

“C’mon,  Hailey. Lumapit ka. May kukunin lang ako sa baba. Hindi ka sasaktan niyan.” Bulong niya sa tenga ko. Tumango ako bago lumapit ulit. Lumabas ng kwarto si Levi.

Nasa gilid lang ako ni Royce.Natatakot na baka kapag gumalaw ako ay masigawan niya ko. Dahan-dahan akong umupo sa sahig. Sinilip ko ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang may sugat sa gilid ng labi niya. Hindi na ko nagdalawang isip. Tinanggal ko agad ang kamay niya sa mukha niya.

Nakita ko ang galit sa mata niya ng tumingin siya sa’kin pero napaltan din agad ‘yon ng takot nang makita ako.

A-Anong nangyari sa’yo?” Hinawakan ko ang mukha niya. May sugat siya sa pisngi at gilid ng labi niya. Hindi pa masyadong magaling ang sugat niya nung nagkagulo sa school tapos eto, meron na naman. Namumula ulit ang pasa niya at dumudugo naman ang kamay niya. Bakit hindi ko agad napansin yon?

Dali-dali kong hinanap ang switch ng ilaw. In-on ko agad yon bago lumapit ulit kay Royce. “Hailey…”

Hinila niya ko palapit sa kanya bago niyakap. Sabay kaming bumagsak sa kama niya. Pumwesto siya sa ibabaw ko. Tinago niya agad ang mukha niya sa leeg ko. Dun ko lang naamoy ang alak sa hininga niya. Dear!

“Royce, baka pumasok si—Royce!”

“I’m so lucky…” Tumitig siya sa’kin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Siguro sobrang pula na nito. Ramdam ko na. Argh! “To have you in my life… to hold you like this…”

“Ano yan? Farewell speech? Teka—ma—bigat ka, Royce.” Pinilit kong iiwas ang mukha ko sa kanya. Napatingin ako sa pinto. Nakasara yon. Natatakot ako na may biglang pumasok. Kahit wala kaming ginagawa, iba pa rin ang iisipin nila.

“Farewell speech? You want me to go? No way, Hailey. Dito lang ako sa tabi mo. Sa’yo lang ako.”

“Royce!—” Biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako don. Samantalang si Royce ay sa’kin pa rin nakatingin. Nagulat si Levi sa nakita niya. Maya-maya ay ngumisi siya bago nilapag ang compress at first aid kit sa mini table malapit sa pinto. Sinarado niya agad ito na parang walang nangyari. Iniwan niya kaming dalawa ni Royce!

“Wait, Royce. Gagamutin ko muna yang sugat mo.” Tinulak ko siya sa abot ng aking makakaya. Mabuti nalang at lasing siya. Hindi na siya nakapalag. Tumayo ako at kinuha yung first aid kit. Nang humarap ulit ako sa kanya, nakita kong nakatayo siya at pilit na lumalapit sa’kin.

Kumunot ang noo ko. Ano namang problema nito? Hindi siya makalakad ng tuwid dahil sa sobrang kalasingan.

“Royce, bumalik ka don.”

“Shh…” Mabilis siyang nakalapit sa’kin dahil maliit lang ang distance naming dalawa. Nilagay niya ang noo niya sa balikat ko. “Don’t leave me…”

“Andito lang ako.”

Tumingin siya sa’kin bago ngumiti. “I’m glad.”

Hindi ko maintindihan kung anong nasa isip niya. Dahil ba lasing siya o ayaw niya lang iparamdam sa’kin kung anong nararamdaman niya? Ang gulo. Alam kong may mali. Hindi naman siya maglalasing kung wala e. Imposible ring nag-away sila ng Mommy niya. Hindi naman siguro gagawin yon ni Royce, kababalik lang ng Mommy niya kaya dapat masaya siya.

Hindi na ko nag-isip pa ng kung anu-ano. Basta ginamot ko nalang ang sugat niya habang nakahiga siya sa kama niya. Pahirapan pa bago ko siya nabalik sa kama.

Hindi ko alam kung saan nagpunta si Levi. Pero nung pauwi na, pinahatid niya nalang ako sa driver. Siguro dahil may iba siyang ginawa?

Pagdating ko sa bahay, naabutan kong nag-aabang ang kapatid ko. Napatayo siya nang makita ako. Kumunot agad ang noo niya nung makita ako. Nakita kong napatitig siyang maigi sa mukha ko.

“What?!”

Lalong kumunot ang noo niya. Tinitigan niya kong mabuti. Inirapan ko siya bago siya nilagpasan.

“Kamusta si Kuya Royce?” Tanong niya. Sumagot ako nang hindi tumitingin sa kanya.

“Ayos lang. Lasing lang at mukhang napaaway.”

“Kaya naman pala…”

“What?”

“Mukhang napaaway din lips mo.”

Nanlaki ang mata ko. Kinuha ko ang kung anong makita ko bago binato sa kanya. Buti nalang at unan lang yon. Namula ang pisngi ko bago nagtatakbo papunta sa taas.

Kasalanan ‘to ni Royce! Arrrgh! Kapag naaalala ko ang ginawa niya habang ginagamot ko siya. Oh, dear!

Hindi ako makatulog nang maayos. Masyadong ginugulo ni Royce ang utak ko. Masama palang malasing yon. Tss.

“Ate! Anong petsa na?! Bumangon ka na dyan!” Sabay kalampag sa pinto ng kwarto ko.

“OO!” Pinilit ko pa ring bumangon kahit antok na antok pa ko. Nakita ko ang phone ko na umiilaw. Chineck ko agad yon at nakita ko ang 34 missed calls ni Royce. Namula ulit ang mukha ko. Geez!

Hindi ko pa nabibitiwan ang phone ko nang tumunog ulit yon. Royce… calling. Nanginginig pa ang kamay ko nang sinagot ko yon.

Bakit ngayon mo lang sinagot, Hailey?” He sighed. “I miss you. Gusto kita makita.”

“A-ahm, kagigising ko lang…” Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. “Nagkita na tayo kahapon… o-okay ka na ba?”

Tumahimik siya sandali sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako ulit pero naunahan niya ko. “N-nandito ka kagabi? Alam mo… Hailey… sorry…”

“B-bakit ka nagso-sorry?”

“Napaaway ako. Kagabi.”

“I k-know.”

“Hailey, ayos ka lang ba? Why are you stuttering?” Hindi ako nagsalita. Kalma, nerves. “Ayos na ko. Pero mapula pa rin ang labi ko—”

Kinagat ko ng madiin ang labi ko at napapakit din ng madiin. Argh!

“—baka dahil napaaway ako kagabi, pero okay na. Nag-alala ka ba?”

Hindi dahil nakipag-away ka! Hindi mo tinigilan ang lips ko kakahalik kagabi! Argh!

“Hailey?”

“Ahm, mukhang okay ka na naman. Kakain muna ako—”

“Kita tayo mamaya—”

“Sa Monday na! Bye!”

Binaba ko ang phone ko. Napasabunot ako sa sarili ko nang biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Sinagot ko agad yon nang hindi tinitignan kung sino ang caller.

“Na’san ang I love you ko?”

“Ha?” Royce naman eeeeh! “I love you…”

“I love you, too.” Tumawa siya. “Bye. I love you.”

Inend niya yung call. Tatayo na sana ako nang tumunog ulit ang phone ko. Sinagot ko agad yon.

“Hell—”

“I love you!”

Tapos biglang nawala siya sa kabilang linya. Napatingin ako sa screen ng phone ko bago napangiti. Ikaw na, Royce. Ikaw na talaga.

Nawala na sa isip kong itanong kung bakit siya naglasing dahil sa pinaggagagawa niya. Mas mabuti na rin sigurong hindi niya malaman ang ginawa niya sa’kin kagabi. Habang ginagamot ko siya, ayaw akong tantanan. Hihigitin ako bago hahalikan. Malaki ang sapi. Grr.

Kahit gustung-gusto niyang makipagkita sa’kin ay hindi pa rin natupad yon. Palagi silang umaalis ng Mommy niya. Hindi na ko nagtatanong kung saan sila pumupunta. Time nila yon ng Mommy niya.

Maaga akong nag-ayos nang Monday na. Back to normal na ulit. At isa pa, gusto ko ring makita ang boyfriend ko.

“So, kina-gwapo mo yan?” Inirapan ni Nami si Levi. Umirap din si Levi sa kanya. Napangiti ako bago binalik ang tingin ko sa hawak kong handouts.

Hindi na ko nakapagbasa ng advance para sa subject namin kaya ngayon ko palang ginagawa habang hindi pa naman nagsstart ang klase namin.

“Bakit ba kasi nandito ka?! Hindi naman Entrep klase dito ah?” Pinisil ni Nami ang braso ni Levi.

“Muscles yan.” Hinampas siya ng malakas ni Nami na siyang nagpatawa sa kanya. “Binabantayan ko lang si Hailey. Baka manlalaki.”

“Aynako! Lahat na ng dahilan mo! Umuwi ka na!”

Napailing nalang ako bago pinagpatuloy ang pagbabasa. 5 minutes bago magstart ang class ay dumating na ang prof namin. Umalis na rin si Levi. Napatingin ako sa pinto nang bigla yong bumukas. Pumasok ang nakangiting si Dana.

“Good morning, Ma’am!” Bati niya bago bumaling sa’ming mga kaklase niya. Nung makita niyang nasa dulo ako ay lumapit siya. “Good morning, guys!”

“Good morning! Mukhang maganda gising ah?”

“Yes.” Ngumisi siya. Tumingin siya sandali sa’kin bago kay Nami ulit. “Sobrang ganda…”

Nag-iwas nalang ako ng tingin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
101K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
756K 16.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...