Bite The Bullet | Vicerylle

By Trinkernathy

771K 19.4K 4.7K

"Will you accept this rose?" – Vice | Love is a risk. More

Bite The Bullet | Vicerylle
The Game
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
SAY WHAAAT?
Epilogue
Special Chapter 1: Behind The Scenes
Special Chapter 2: Last Year
Special Chapter: Forever With You

Chapter 11

18K 435 58
By Trinkernathy

It’s a brand new week! When Karylle got back the house nung gabi na tinakas sya ni Vice, she got grilled by Team A and Anne, pero she managed to make them believe na may emergency lang syang inayos, kaya hindi na rin sya kinulit pa ng mga kasama. The fact that she cooked them an amazing breakfast the next day helped to distract them. Eversince Cristine left the house ay naging mas peaceful ang bahay, nag lie low muna kasi sina Marian at Karen, lumalabas lang sa kwarto nila kapag kakain, mag susunbathing or kapag may kailangang scenes ang camera crew.

Monday came which means may 3 dates na naman to look forward to throughout the week. The first date card of the week arrived after kumain ng breakfast ang mga girls. Karylle was asked to read the card. As usual, nakaupo na naman sa living room ang mga girls at hinihintay si Karylle.

“First date card of the week is…” pag umpisa ni Karylle at binuksan yung envelope, nung nabasa nya na yung nakasulat sa card ay nag look up sya to look at the girls who were all anxiously waiting, “One on one date.”

Pansin sa mga mukha nung girls yung tuwa nung malaman na isa sa kanila ang maaring masolo si Vice. “It’s for…” nung nakita ni Karylle yung name ay napangiti sya, “Iza,” she winked at her friend before hearing a mixture of cheers and groans from the other girls.

“Sabi dito, “Grow old with me, love Vice.” Karylle closed the card bago ito inabot kay Iza. Tumayo si Iza para tanggapin yung yakap na inoffer ni Karylle. Nagsi-alisan din naman yung ibang girls at tanging Team A at si Kaye na lang ang natira sa living room.

“Yes naman, we’re happy for you Iza!” sabi ni Maja at tumayo para yakapin si Iza.

“Weh?” sabi ni Toni, “Walang plastikan na ha, I hate you right now. Syempre this is my inggitera side talking—“ tumayo si Karylle next to Toni at tinakpan ang bibig nito playfully.

“We’re happy for you Iza.” Sabi ni Karylle in behalf of the group.

“Sa’kin yung next one on one, nararamdaman ko na.”

“Ha, you wish Angel.” Sabi ni Maja at nag cross arms, “Akin yun… Nararamdaman kong sinusulat na ni Vice yung pangalan ko sa date card na yun right this minute.”

Habang nag aasaran naman ang Team A ay pinapanood lang sila ni Kaye with a smile on her face. Tinabihan ito ni Karylle sa sofa, “Kamusta pala yung date mo with Vice last week?”

“Best first date ever.” Kaye answered simply.

Ngumiti si Karylle, “Talaga?”

“Ang daming dynamics ng personality nya eh, napapansin mo rin ba? Yun bang kaya nyang maging frank pero at the same time hindi sya nakakainis?”

“Yeah, I know what you mean.” Karylle smirked habang nag look away na parang napaisip.

“Hindi ko naman alam kung paano sya with other girls, pero feeling ko naman may something kami eh… I hope he feels the same way.”

Napalunok si Karylle and smiled a little, “Yeah.”

“May 9 weeks pa, kung aabot ako syempre, pero sana.”

Tumango na lang si Karylle habang nag kwento pa si Kaye.

//

Later that day, kakaahon lang ni Karylle from the pool after mag swimming ng solo dahil gusto nyang i-clear ang utak nya. Napansin nyang may babaeng nakahiga sa isa sa mga pool chairs, naka white bikini ito at huge sunglasses. Kinuha ni Karylle yung towel from the side of the pool at nagpatuyo, all the while ay lumalakad sya palapit sa babae.

“Kanina ka pa ba dito?”

Nag shrug yung babae at tinaas yung shades nya, “Medyo.”

Pinaikot ni Karylle yung tuwalya sa may leeg nya at umupo sa katabing pool chair. She cleared her throat at tumingin palayo dahil nag iisip sya ng sasabihin nya sa babae.

“Malalim siguro iniisip mo no?” sabi ng babae sabay pag upo nito.

Karylle snorted, “Mukhang ikaw din naman, Anne.”

“You’re right.” Ngumiti na lang si Anne at tinitigan si Karylle na parang binabasa nya ang mukha nito.

“Si Vice na naman iniisip mo, noh?” tanong ni Karylle with a sly smile.

“Parang sya hindi.” It was Anne’s turn to snort.

“I owe you a confession pala… I mean kayong so called ‘Team A’.” Anne said using quotation hand signals when she said “Team A”.

“Hindi, I respect your privacy.”

“No, K, it will eat me alive kapag di ko nasabi sa iba tong side ko.”

“Side mo?”

“He never listened to me.” Anne shrugged with a sad smile kaya naman naging seryoso na rin yung mukha ni Karylle.

“Hindi ba sabi mo ikaw yung nanloko?”

“Physically? I didn’t cheat on him. Never…”

“I don’t get it.” Kunot noong sabi ni Karylle.

“I became too obsessed with my work… Yung to the point na hindi kami nagkita for 6 months kahit na ang lapit lapit lang ng bahay namin sa isa’t isa. My work became my life. Work became my Vice. I cheated on him with my work.” Umiling si Anne habang inaalala nya yung mga panahon na yun. “Vice, bless him, he really tried to make things work, but I pushed him away because I was thriving too hard for my career…”

“I wouldn’t call that cheating… Siguro communication problems, oo pa.”

“I’m not done, mas may malala pa… When we finally saw each other, it was during one of his business parties, nandun yung isa sa mga bestfriends nya noon, si Vhong… Most nung gabi na yun, si Vhong lang ka-hang out ko, syempre kasi he was busy socialising with his colleagues diba? And ayoko din naman na pilitin syang ubusin yung oras nya sa’kin, kasi wala akong karapatan na hingin sa kanya yung bagay na hindi ko naibigay sa kanya…” napatingin sa baba si Anne kaya naman mas lalong na-awkwardan si Karylle kasi hindi nya alam paano i-comfort ito.

“Then, as the night carried on, nalasing kami ni Vhong kasi hindi ko naman na-realize na dahil sa pagkalungkot ko nung gabi na yun ay ginawa kong solusyon ang alcohol. Si Vhong naman, nagmamagandang loob lang kaya dinamayan na rin ako.”

“You cheated on him with his bestfriend?!” gulat na reaksyon ni Karylle.

“I told you, I didn’t physically cheat on him,” tiningnan sya ni Anne sa mata, “He thought na something happened between me and Vhong kasi I woke up in his hotel room.”

“Sure ka? Nakainom ka girl… Paano mo alam kung—“

“Karylle, it’s my body… I would know. At isa pa, Vhong slept on the couch…”

“Eh bakit nya inassume na you cheated on him?”

“I think naipon na lang lahat ng galit nya sa’kin eh… Sobrang naging dami ng pagkukulang ko sa kanya as a girlfriend, siguro way out na lang din nya na isipin na may nangyari sa’min para makakalas na sya sa’kin.” Kinuskos ni Anne ang mga kamay nya sa mukha nya ng matapos syang magsalita.

“Did he break up with you there and then?” curious na tanong ni Karylle.

“Ako yung nakipag break.”

“Oh this gets better.” Medyo hysterical na sabi ni Karylle dahil hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Anne.

“He’s too much of a good guy to break my heart, kahit na ilang beses kong binreak yung sa kanya… Masakit at ayoko man, but I had to break up with him. Alam ko naman na ayaw nya na, pero hindi lang nya talaga kayang gawin. I did it for him kasi mahal ko sya K eh.” Dahil dito ay napaluha na si Anne ng konti which made Karylle move para bigyan ito ng comforting hug.

Anne pulled away at pinunasan yung luha sa cheeks nya before giving a sad smile to Karylle, “Trust me… There is no way you can hold onto someone that wants to go.”

“It’s not all bad, having a broken heart, I mean. It proves na we have tried for something.” Karylle offered a genuine smile to Anne.

//

Pagkatapos mag jogging ni Karylle kasama sila Iza, Angel, Solenn and Anne ay nag ready na si Iza for her one on one date with Vice. Naging tahimik naman sa bahay nung umaga hanggang tanghali dahil solo-solo muna ang mga babae. Karylle stayed in the library kasama ang rest of Team A na sila Angel, Toni at Maja. While ang Team B na sina Karen at Marian ay natutulog sa may poolside. Ang Team C naman na sila Georgina, Liz, at Solenn ay nagluluto sa may kusina. The rest of the girls ay nasa room ng mga ito.

//

Pagdating ni Iza sa place kung saan nya imemeet si Vice, nakita nya itong nag hihintay sa kanya sa labas ng isang salon studio. Inoffer ni Vice ang kamay nya kay Iza bago sila pumasok sa loob ng salon.

“Magpapagupit tayo?” natatawang tanong ni Iza, to which Vice just smirked.

Nang makapasok sila sa salon ay nilead sila nung mga stylist sa sarili nilang room kung saan may dalawang upuan na nakaharap sa back to back na salamin, para hindi makita ng isa ang itsura ng isa. Pinaupo ni Vice si Iza sa upuan nito which is opposite his chair na nasa likod ng malaking salamin.

“This is not an ordinary date,” natatawang sabi ni Vice at tinuro yung mga prosthetics na gagamitin nila for the day.

“Gagawin mo kong Lola?!” gulat pero natatawang sabi ni Iza.

“Ako din o,” sabi ni Vice at inabot yung panot na pang grandfather na wig na nasa may vanity table nya at sinuot ito, “Ano, game ka ba Lola Iza?”

Hindi napigilan ni Iza na tumawa sa itsura ni Vice, tumango na lang sya kaya naman umupo na si Vice sa chair nya behind the mirrors na nag seseperate sa kanila ni Iza. The stylists talked them through kung ano ang gagawin sa kanila bago sila nag start.

//

Bumaba si Karylle ng kusina para kumuha ng glass of water, pero naabutan nya sina Marian at Karen na kumakain kaya naman nagmadali sya sa gagawin nya. Hindi naman sya nakatakas sa dalawa dahil lumapit sa kanya si Marian para kumuha din ito ng iinumin mula sa fridge.

“Teka Karylle…”

Nakatalikod na si Karylle at ready na sanang umalis eh, pero dahil sa tinawag sya ni Marian ay hindi na natuloy ang quick escape nya. She rolled her eyes, “Here we go.” She said to herself before turning back around to face Marian.

“Binili mo talaga yung sinabi sa’yo ni Anne?”

“Why the hell were you listening to our conversation in the first place?”

Lumapit na rin si Karen at tumayo beside Marian, napaatras naman ng konti si Karylle dahil hindi talaga sya mahilig sa mga confrontations, and yung scene na yun, it was starting to feel and look like a confrontation.

“Eh nagkataon kasi na papunta kaming pool nun, pero hindi namin tinuloy dahil nag d-drama si ex-jowa… Yun nakinig na lang kami sa drama ni ate.” Natatawang sabi ni Marian.

Umiling si Karylle dahil sa diring diri na sya sa ugali nung dalawang babae, she turned around to walk out.

“Paawa effect lang yun sa’yo dahil we all know na isa ka sa biggest threat namin ngayon pa lang.” sabi ni Karen habang binibigyan ng death glare si Karylle.

Karylle turned around to face them, “Utang na loob, kung hindi nyo kayang linisin yang mababaho nyong ugali, pwede bang just mind your own business?”

//

Matapos ng eventful na araw nina Vice at Iza na pag d-dress up as Lolo and Lola for the day, in which they managed to prank a few people sa park na pinuntahan nila at nag picnic, dumiretso na ang dalawa para magpalit to get ready for their dinner date. Simple but elegant na black dress ang suot ni Iza while Vice wore a white shirt underneath his maroon jumper and dark faded jeans. They were casually chatting whilst eating their food on a rooftop ng isang building.

“Advice ko lang sa’yo ha, tungkol dyan sa family crisis mo… Follow what your heart wants. Gawin mo kung ano magpapasaya sa’yo, hindi yung ididikta sa’yo ng magulang mo o kahit sino.”

Napangiti naman si Iza dahil sa pagkabait ni Vice, “Vice, thank you.”

“Oo, sabihin na natin na malaki yung utang na loob mo sa kanila dahil pinalaki ka nila ng tama, binigyan ka ng magandang buhay, pero kung hindi ka naman sasaya buong buhay mo, what’s the point, diba?” nag sit forward naman si Vice at tinilt ng bahagya ang ulo nya to the side, “Ang kayamanan nasa puso ng isang tao yan, wala sa wallet.”

“They raised me to be this perfect girl, Vice… Tinanggap ko naman na hindi posible yun, pero sa libro ng daddy ko, walang imposible.”

“Imposible naman talaga, pero for me, you’re close to it…” Iza blushed, “Alam mo kung bakit?” Vice reached for her hand, “Maganda ka Iza… Sexy, matalino, mabait, genuine… At ang pinaka gusto ko sa’yo, you know and accept your flaws… Alam mong hindi ka perfect, and believe me, no one is. Hindi mo naman dapat mahalin kasi ang isang tao dahil sa perfect sila, dapat mahalin mo sila in spite of the fact na they’re not.”

“Damn it, Vice.” Nasabi na lang ni Iza at tinago yung mukha nya from Vice dahil sa naiyak na lang ito bigla. Tumayo naman agad si Vice from his seat at lumuhod in front of Iza sabay pagpull nya dito palapit sa kanya to give her a hug.

“Para sa’yo yung rose sa table.” Bulong ni Vice kay Iza habang kinocomfort nya it.

//

“Ah, Jam?” sabi ni Vice at hinabol yung isa sa production crew nung papasok na ito ng kotse kasama si Iza para makauwi na ng mansion.

“Bakit Vice?” tanong ni Jam at sinarado muna yung pinto nung kotse nung nakitang dumungaw si Iza.

“May ipapaabot lang sana ako.” May dinukot na papel si Vice sa bulsa ng jeans nya, maliit na papel lang ito na nakatupi para maitago yung message na nakasulat dito. Nilagay nya ito sa palad ni Jam nung walang nakatingin sa kanila.

“Ano ‘to?”

“Pakibigay kay Karylle pag uwi nyo.” sabi ni Vice at umalis na lang bigla.

//

Sa mansion naman, kakatapos lang basahin ni Karen yung date card para i-announce kung sino ang makakasama sa group date na magaganap the next day. Ang mga kasama sa group date ay sila Karen, Angel, Toni, Kaye, Ruffa, Liz, Solenn, Anne, Georgina, and Karylle.

Date card message: Maka 3-points kaya kayo sa puso ko? ;) Love, Vice.

Ang mga hindi naman na nakasama sa groupdate na sina Marian at Maja ay tulad ng dati, mixed emotions dahil baka or baka hindi sila mapasama sa next date.

Paalis na sana sa lounge ang mga girls para maghiwa-hiwalay na to do their own businesses ng dumating si Iza.

“Uy, you’re back na pala.” sabi ni Karylle na katatayo lang.

“How was your date?” interesadong tanong ni Georgina with a smirk.

Nilabas ni Iza yung rose na tinatago nya sa likod nya at ngumiti na lang to show how she’s feeling.

“Congrats girl!” sabi ni Maja sabay nakipag beso kay Iza.

“Karylle?”

Lumingon si Karylle, pati na rin yung iba sa mga girls nung marinig nilang matawag si Karylle ng isa sa mga production crew.

“Yes, Miss Jam?” tanong ni Karylle habang lumalapit kay Jam na nakatayo sa may entrance ng lounge.

Dinala naman sya ng konti ni Jam papalabas sa lounge para hindi makita ng ibang girls yung ibibigay nya dito. Kinuha ni Jam yung papel na galing kay Vice mula rin sa bulsa nya at inabot ito kay Karylle.

“Hindi ko alam kung ano yan, pero wag mo na lang ipahalata sa kanila, baka magka riot pa dito.”

“What is it?” tanong ni Karylle na bubuksan na sana yung papel, pero pinigilan sya ni Jam.

“Basta galing kay Vice. Mamaya mo na lang buksan, baka madamay pa ako, bawal yang ganyan ganyan dito.”

“Oh…” ang nasabi na lang ni Karylle bago nya ibulsa yung papel at nagpa thank you kay Jam.

//

Matapos makipag kwentuhan kay Iza kasama ang ibang girls sa lounge ay nag excuse na si Karylle para umakyat sa kwarto nito. Since nasa baba pa naman si Anne, umupo na lang sya sa kama nya at kinuha yung binulsa nyang papel na galing daw kay Vice.

“Diyos ko naman, akala ko ba kung ano na.” sobrang relieved na sabi ni Karylle ng mabasa ang simpleng “thank you for the other night :)” na nakasulat sa papel. Itatabi na sana ni Karylle yung papel ng makita nyang may nakasulat pa sa likod nito.

Nanlaki ang mga mata ni Karylle ng makita yung cellphone number na nakasulat sa kabilang side ng papel.

Napakamot ng batok si Karylle habang tinitingnan yung number na nakasulat sa papel, pilit nya ring pinipigilan yung ngiting gustong mag form sa labi nya, “Bakit mo ako ginaganito, Vice?” 

//

A/N: Hopia like it. :D Shoutout to fandinako! Thanks for all the support and my new reading list hehe ;)

Continue Reading

You'll Also Like

52.7K 1.9K 52
Isang Vball player na nakatama sa ulo ni Bessy ng dyossa niya. Dahil sa isang maling spike, naging daan ito upang makilala ni Glai si Rhi . Si Rhian...
98.1K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
240K 6.4K 73
I left her for fame. For money. I didn't imagine I'd be bumping into her again. With someone else (?)
299K 7.3K 72
This is a crazy story of two people who used to be best friends before a disaster happens. Will this turn to be a beautiful disaster? This is differe...