Incoming call from: HELL

By EijeiMeyou

28.6K 976 232

☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging na... More

Incoming call from: HELL
1Hell
2Hell
3Hell
5Hell
6Hell
7Hell
8Hell
9Hell
10Hell
11Hell
12Hell
13Hell
14Hell
15Hell
16Hell
17Hell
18Hell
19Hell: It ends here!

4Hell

1.5K 59 20
By EijeiMeyou

Nero’s POV

Pagpasok ko sa dorm ay naligo na agad ako. Hassle ang araw na ito.

“Hoy, Nero,” nabosesan ko si Vince, kumatok siya sa pinto ng banyo.

Nagsa-sabon pa ako nun, “buset ka talaga, Vince. Bakit ba?”

“Lowbat yata ang cellphone mo. Kanina pa may gustong tumawag pero nagsha-shut down naman.”

“Lol. Kaka-charge ko lang ng cellphone ko kaninang umaga. Umalis ka na nga, di ako makapag-concentrate dito eh!”

“Gago ka, pre. Hindi naman yung lumang cellphone mo ang sinasabi ko eh, yung touchscreen! Sige na, maligo ka na nga at may bibilhin pa ako sa labas.”

What the?!

Di ba, itinapon ko lang sa basurahan ng school yung cellphone? Paanong bumalik yun?! Imposible!

Dali-dali akong naligo.

Pagpasok ko sa kwarto ay tinignan ko agad ang kama ko. Wala naman dun ang cellphone.

Sinunod ko ang desk ko. Wala pa rin.

Ginagago lang siguro ako ni Vince.

“Hoy, anong hinahanap mo?”

Paglingon ko sa pinto ay nakita ko si Zoe, “wala, sabi kasi ni Vince, may gusto raw tumawag sa cellphone ko eh wala naman.”

“Haha. Yun ba? Hayun, sa sala, chi-narge ko na. Di ko alam na mahilig ka pala sa massacre ha.”

“Pinakialaman mo ang mga pictures?!”

“Highblood ka naman, ayaw mai-back eh. Nag-stick yata sa gallery. Cellphone mo naman yun, kaw na lang ang mag-ayos.”

Umalis na siya sa pagkakasilip sa pinto. Nagdamit na ako at malalaki ang hakbang na nagpunta sa sala.

Nanduun nga ang cellphone. Nakacharge. How come eh wala namang charger ang cellphone ng mapulot ko?

-ring ring-

May tumatawag na naman. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi.

“Nero...”

Shit na malupit.

Alam kong nasa likuran ko sila dahil naninindig ang baahibo ko sa batok at parang namanhid pa ang likod ko.

“Nero... sagutin mo...”

Shit talaga!

“Lumayo kayo sa akin!”

Bigla akong lumingon.

Nakita ko si Zoe na natatawa sa akin. “Pre, naka-drugs ka ba?”

“Ahehe,” nakisabay na lang ako sa pagtawa niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Umalis na siya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nasa likod lang pala ni Zoe sina Christine at yung lalake kanina pa! Natakpan lang ni Zoe kaya hindi ko nakita! May tinuturo sila... ang cellphone.

Kahit natatakot ako, pinuntahan ko ang cellphone. Naupo ako sa sofa.

Di pa rin nawawala sina Christine at parang hinihintay na sagutin ko un.

“Ahem... he-hello?” tumingin ako sa gawi nina Christine, nawala na siya---dun sa kinalalagyan nila---nasa tabi ko na sila at nakikinig na sa usapan namin ng babaeng nasa cellphone.

“Yes, who’s there?”

Napapikit ako.

Isang babaeng nag-da-drive, may katabi pero di ko sila mamukhaan, magkatabi sila. Yung nasa passengers seat ang siyang nakikipag-usap sa cellphone tapos yung nagda-drive naman ay siyang nakikinig lang.

Sa harapan ng kanilang sasakyan ay may tricycle at sa unahan pa ay may motor na may sidecar na nagdadala ng mga alambreng may tusok-tusok.

Biglang nag-overtake ang tricycle, nawalan ng control, bumangga sa poste ng meralco, nawala sa focus ang babaeng nagda-drive ng kotse, gumewang-gewang, bumangga sa likod ng motor na may side car. Nabasag ang windshield ng kotse...

Bumulwak ang dugo sa dibdib ng babaeng nasa driver’s seat dahil tumusok sa katawan niya ang mga alambreng may tusok-tusok. Nasugatan lang naman ang babaeng nakikipag-usap sa cellphone.

“Hello?”

“Ah, sorry...”

---peep peep---

May naririnig akong busina ng sasakyan sa background ng babae. Ibig sabihin, ngayon mangyayare ang mga nakita ko lang kanina.

“Nasa kalye ka ba? Ikaw ba ang nag-da-drive?” tanong ko agad. Mas mabuti ng makasiguro.

“You’re a li’l bit weird but yeah, nasa kalye ako with my friend and no, I’m not driving. Why?”

Hayyy... buti naman! Sa nakita ko, hindi yung babaeng nakahawak ng cellphone ang mamamatay kundi ang katabi niya. Ang driver... pero dapat ko pa rin silang patigilin muna para mas sigurado. “Pwede bang mag-park muna kayo? I mean, wag na munang tumuloy sa pupuntahan niyo---“

“Haha. Funny. Di pwede eh, nagmamadali kasi kami. Tapos sino ka ba? Maybe you need my friend, sorry pero nagda-drive sya. By the way, she owns this phone.”

What the heck! That’s it! Kaya naman pala yung babaeng nasa likod ng manibela ang mamamatay kasi siya ang may-ari ng cellphone na gamit ng babaeng kausap ko ngayon!

---screech---

---screams---

---busy tone---

Shit!

Agad kong tinanggal sa tenga ko ang cellphone, tinignan koi yon. Nasa gallery agad iyon ng “DONE” at may picture ng abbae kung saan maraming alambre ang nakatusok sa dibdib at lalamunan niya. She’s choking with blood! Her name’s ‘Marj Leonis’.

Nag-shut down ang cellphone.

Sa screen ng cellphone may nagrereflect, parang naging salamin ang screen nun...

May babae sa likuran ko...

Hindi si Christine...

Si Marj!

And blood is flowing from her throat... dumadaloy patungo sa likuran ko!

Dali-dali akong tumayo at sumiksik sa gilid ng sofa. Lumalapit sila sa akin... nanlalaki ang mga mata tapos nakalahad ang mga palad nila sa akin. Ayokong maniwala sa nakikita ko! Hindi totoo to!

Nag-on ulit ang cellphone tapos may tinawagan ulit.

Ayoko ng sagutin yun.

Tinapon ko na yun! Tinapon ko na ang cellphone na iyon! Bakit pa nagbalik!

"Nero..."

Hayan na naman ang mga nakakatakot na boses nila... parang pinaghalo-halong boses ni Kamatayan! Parang galing sa hukay at hinhila ang kaluluwa ko pasama sa kanila.

"Hello? Hello? Sino to?"

Biglang may sumagot sa cellphone kahit di ko naman pinipindot!

No choice ako kundi kunin yun.

"Sino to?"

"Nero, ikaw ba yan?"

Biglang tumigil sa pagfa-function ang utak ko at parang lumaki ang ulo ko pagkarinig sa boses ni Vince.

"Pre! Nasaan ka?!"

"Hayan! Nami-miss mo agad ako?"

Tang ina! Nakuha pa niyang magbiro!

Nakita ko si Vince mula sa bintana sa loob ng dorm. Naglalakad siya, medyo malayo pa siya sa dorm.

"Dalian mong maglakad!"

Kulang na lang ay sigawan ko siya sa bintana.

Nakasilip pa rin ako dun.

BANG! Takbuhan. Putok ulit ng baril!

Napailing ako. Mula lang sa utak ko ang putok na iyon. Pero alam kong para kay Vince yun.

Tinanggal ko ang charger ng cellphone at agad na tumakbo palabas ng dorm para salubungin si Vince. "Tangina talaga! Dalian mo!"

"Haha, ano ka----"

---BANG!!!---

Napatigil na lang ako sa paglapit kay Vince at napakurap-kurap ng eksaktong tumalsik sa mukha ko ang dugo na mula sa nabutas na ulo ni Vince. Humandusay siya sa kalsada, butas ang noo pero nakamulat ang mga mata na nakatutok pa sa akin.

May mga nagtakbuhan tapos may ilang putok pa ng baril.

Segundo ang lumipas at may mga tao ng lumapit sa amin at nilayo ako sa lugar na iyon. Nabibingi ako.

May malamig na kamay na nakadantay sa balikat ko na di ko alam kung kanino.

Maya-maya ay hinimas himas na ng kamay na iyon ang balikat ko.

Hanggang sa bumigat ng bumigat ang paghimas niya.

Nilingon ko kung sino kahit na wala pang pumapasok sa utak ko.

"VINCE?!?!"

***

Author: I don't know what to do with this story. Nakakaloka kasi. Parang ayoko ng ituloy. Haha tinatakot na ako ng mga kaibigan ko kapag tumatawag sila sa cellphone, sasabihan nila akong na-imagine daw nilang may mumu sa tabi ko na character ng story na ito. Uwaaahh! Ayaw na! XD

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 99.6K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
14.5K 493 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]