Titibo-tibo (COMPLETED)

Par majestingg

16K 2K 37

COMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa b... Plus

Titibo-tibo
Prelude
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chaper 2

Chapter 18

265 51 0
Par majestingg

#Titibotibo18 Layas

"Happy New Year!"

Sabay-sabay na bati ng mga kapit-bahay namin nang makarating kami sa bahay galing simbahan. Siyempre, kilala naman nila ako na walang modo kaya hindi ko sila pinansin at dumeretsong pumasok.

Agad akong nahiga sa kama ko nang makaakyat ako ng kwarto ko. Wala akong ganang magpuyat. Hindi rin naman ako pinapansin ni Papa. Ewan ko ba do'n, bigla-bigla na lang naging gano'n. Ano kayang problema?

Inopen ko na lang ang account ko sa twitter. Napansin ko agad ang nag-iisang message notification ko. Nakaka-curious lang dahil wala namang masyadong nagd-dm sa akin. Sino kaya 'to?

Nakita kong nasa message request iyon. Kaya nang maibuksan ko iyon ay nagtaka ako kung sino ba itong nag-message sa akin dahil hindi ko naman siya kilala, ni pamilyar. Ini-stalk ko naman ito ngunit ako pa lang ang nag-iisang following niya at wala pa siyang follower. Hindi rin nakalagay sa profile niya kung kailan siya nag-join. Aba, paano ako nakilala nito?

KING @kered_gge: hi

Hala? Manlaladi ba 'to?

KING: Kumusta?

demi: okay lang naman.

KING: Kumain ka na ba?

Napaikot na lang ang mata ko sa tanong niya. Sino ba 'tong gunggong na 'to? Hindi ko kayang sagutin 'to. Ibang tao ang gusto kong magtanong sa 'kin niyan. Hindi 'tong King na 'to!

Hindi ko na lang iyon ni-replyan. E, sa hindi ko alam kung ano bang isasagot ko, e. Wala pa naman akong masyadong alam sa mga ganito, iyon bang lalaki na ang kumakausap sa akin, hindi tulad noon na puro babae. Nakakamiss din pala.

"Demi! Sila Gelo do'n kailangan ng resbak!" agad akong napabangon sa sigaw ni Joseph na kararating lang sa kuwarto.

"Ano?" gulat na tanong ko.

"Pumunta ka na do'n! Kailangan ka nila!" patalon-talon niyang giit.

Tumayo naman ako agad saka mabilis na tumakbo, ngunit napatigil naman ako sa hagdan nang mapagtanto kong hindi na pala ako pwede sa ganoong bagay. Paano kung mas lalo siyang magalit sa akin? Pero at the same time, paano naman iyong mga kaibigan ko? Kahit namang mga hayop iyon, ayaw ko ring silang mawala. Mga kapatid ko iyon sa ibang nanay.

Kapag hindi ko sila tutulungan, tiyak na magagalit sila sa 'kin. Galit na nga si Papa, ayaw ko namang pati mga kaibigan ko e magalit sa akin. Mahal ko tatay ko pero hindi na siguro mawawala sa akin ang pagka-tigas ng ulo ko... kaya tutulong ako.

Pagdating ko kung saan ang gulo ay agad kong sinunggaban ng suntok ang isa sa mga kalaban namin.

"Sino ba 'tong mga gagong 'to?!" sigaw ko sabay suntok sa kung sino man 'tong kasuntukan ko.

"Kasalanan na naman 'to ni Gelo!" boses iyon ni Imboy.

"Gago, hindi!" sagot naman ni Gelo.

"Putangina, new year na new year!" ani Joel.

Maya-maya ay kanya-kanya kaming takbuhan nang makarinig kami ng pito. Dumeretso agad kami sa bahay nina Mark. Si Mark na mukhang bahay.

Agad siyang natawa nang makita niya ang pagmumukha naming anim. "What the fuck? Ano na naman bang pinanggagawa niyo?"

"Hoy, gago ka, Mark! Konti na lang iisipin kong bakla ka nga talaga!" inis na sambit ko.

"Tangina, new year na new year mga p're tapos ganito? May utak pa ba kayo?" sabi niya pa sa amin.

Gulat namang mukha ang nasaksihan namin sa nanay ni Mark. Agad kaming napayuko. "Oh, bakit ganyan mga itsura niyo?"

Kailangan ba talagang tatanungin muna kami ng mag-inang 'to bago kami papasukin sa bahay nila?

"Ay, jusko kayong mga bata, pumasok nga muna kayo at nang magamot ang mga sugat niyo."

Sumunod naman agad kami. Dumeretso akong salamin dahil mukhang masakit ang kaliwang mata ko at labi. Pagtingin ko, napamura ako nang makitang dumudugo 'yung gilid ng labi ko; mapula rin ang aking mata. The fuck! Siguradong iitim na 'to bukas! Wala na naman akong kawala kay Papa nito! Shit lang.

"Hina nga ng kalaban, dami ko namang sugat!" inis na sambit ko habang nakaharap pa rin sa salamin. "Saan niyo ba napulot 'yon?"

"Hindi ko nga alam, bigla-biglang nanununtok, e! Mga gago talaga. Siyempre napikon kami kaya sinuntok na rin namin," sagot naman ni Gelo.

"Bakit niyo pa ba ako tinawag? Hina naman pala, e!"

"Malay ba naming pupunta ka! Nagulat nga kami na bigla ka na lang sumulpot!" ani Joel.

"Oo nga! Baka malalagot kami sa tatay mo, nilagay ka na naman namin sa kapahamakan," dagdag pa ni Jimuel.

"Ay, wow. Concern! Palakpakan!" sarkastikong sagot ko.

"Fuck you."

Gaya noong pasko sa bahay ay ganoon lang din ang nangyari ngayon. Inuman lang at walang may gustong umuwi dahil pare-pareho kaming lagot nito sa mga magulang namin, lalong-lalo na ako na kagagaling lamang sa hospital.

"Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo!" napayuko ako sa sinabi ni Papa nang makauwi akong ganito ang itsura. Dagdag pa na alas singko na ng umaga ako umuwi kaya mas lalo silang nag-alala sa akin.

"Ano na bang pumapasok sa utak mo, ha? Gusto mo na bang mamatay?!" galit na sambit niya pagkatapos ay tumungo siyang kusina at bumalik na may dala-dalang kutsilyo. "Oh, ito! Patayin mo na ang sarili mo!" aniya pa saka pilit na ibinibigay ang kutsilyong ayaw ko namang kunin sa kanya.

Tumulo luha ko. Gusto kong sumagot sa mga sinasabi niya. Gusto kong sabihin sa kanya na: sige, kung iyon naman pala ang gusto mong mangyari sa sarili mong anak, patayin mo na lang ako. Pero hindi ako makasalita. Sobrang sakit...

"Tama na, Zacarias!" dinig kong ika ni Tiyang.

"Ano?! Kunin mo!" sigaw pa ni Papa.

Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko. Tumakbo ako palabas ng bahay. Tangina! Bakit ba nangyayari sa akin 'to?! Ilang beses naman akong umuwi nang ganitong itsura, pero bakit ngayon ko lang nakita si Papa na ganito? Alam ko naman kung gaano kahirap ang maging isang nag-iisang magulang, pero tangina. Mahirap din namang maging isang anak, ah!

Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Gustuhin ko mang kina Karen o sa mga tropa ko rito kaso ayaw kong makita nila ako. Sobrang gago pero gusto kong mag-alala ang pamilya ko kahahanap sa 'kin. Na sana mapagtanto nila kung gaano kasakit ang mga sinabi ni Papa!

Literal na sarili ko lang ang dala ko. Hindi ko na alam kung saan ba ako tutungo. Wala na akong pakielam kung nagmumukha lang akong tanga sa daan habang umiiyak. Hindi naman ako iyakin pero tangina, sobrang sakit pala kapag nanggaling mismo sa magulang mo. Ang hirap alisin 'yung damage sa puso.

Feeling ko ay naikot ko na ang buong lungsod sa kalalakad. Dito na ako umabot sa park. Paggabi na kaya medyo marami na rin ang mga tao. Umupo na lang muna ako sa tabi. Napabuntong-hininga ako sa sobrang pagod, physically and emotionally.

Tanginang new year 'to...

May isang matandang babae ang napatingin sa akin. Napansin kong kumunot ang noo niya. Ay, shet. Sana anghel 'to. Gutom na gutom na ako...

"Are you okay?" base sa tono ng kanyang pananalita at sa kanyang mukha ay mukha siyang Chinese.

Napatingin ako sa magkabilang gilid ko. Wala naman akong katabi kaya taka kong itinuro ang sarili ko kung ako ba talaga ang kinakausap niya. Tumango naman siya saka ngumiti. Maya-maya ay naupo siya katabi ko.

"You look so pale," aniya.

Ngumiti na lang ako dahil hindi ko magawang magsalita. Sobrang nanghihina na ako. Simula umaga ay wala pa akong kain. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Bukod sa gutom ay medyo may tama na rin ako sa inuman kaninang madaling araw. Tangina, wala pa rin pala akong tulog...

Nagsimula nang umikot ang paningin ko. Unti-unti na rin akong nawawalan ng pandinig. Nahihilo na ako. Hindi rin nagtagal ay nawalan na rin ako ng malay.

Hanggang sa panaginip ay hindi pa rin ako tinantanan ng mga sinabi sa akin ni Papa kanina. Naggising na lang ako nang may mga mainit na likido ang pisngi ko. Umiiyak pala ako habang walang malay...

Napansin kong nasa pamilyar na kwarto na naman ako. Nandito na naman ako sa hospital. Pero bakit walang tao?

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Hanggang kailangan kaya matatapos ang kadramahan kong 'to? Kulang na nga lang e maubos na 'yung luha ko kaiiyak ko.

Maya-maya ay may pumasok na matandang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya na 'yung matandang kumausap sa akin kanina sa park—Teka, anong oras na ba? Mukhang ang tagal kong natulog.

"Ow! How are you?" tanong niya nang mapansing gising na ako. Inilapag niya muna ang mga dala niyang pagkain at lumapit sa higaan ko. "According to your doctor, you were exhausted, that is why you collapsed," aniya sa kanyang intsek na asento. "By the way, where are your parents? You need them. Can you please give me their phone numbers so that I can contact them and tell that you were confined in the hospital?"

"I... I d-don't have... parents..." pagsisinungaling ko.

"Oh! I'm sorry! Uhm... guardians? Do you have a guardians?"

Umiling ako. "No."

"What?" gulat niyang sambit. "Where do you live, then?"

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano pa ako magsisinungaling. Aminado naman akong matigas talaga ang ulo ko pero hindi ko hilig ang magsinungaling. Bad liar ako, e. Nahuhuli agad.

"Uhm... H-How many hours did I... s-sleep?" naiilang na sambit ko dahil hindi naman ako gaanong magaling mag-ingles. Kaya hindi ko alam kung tama ba 'tong pinagsasabi ko.

"Seventeen hours."

Aw, shet. Akala ko pa naman kung gaano katagal. Mabuti naman kung gano'n.

"Do you want me to adopt you?" masayang saad niya na siyang ikinagulat ko.

"P-Po?"

"Do you want me—" Napatigil siya nang padabog na binuksan ng isang lalaking naka-sumbrero ang pinto. Otomatiko namang kumunot ang noo ko dahil baka naman ay na-maling pasok lang siya. Walang galang, padabog na ngang binuksan, pabagsak pang sinara. Hindi ba siya naawa rito sa matandang kasama ko? Mahirap na kaya kapag nagugulat sila.

"Xiexie," ani matanda sa lalaki saka napatayo.

Hindi ko alam pero bakit parang pamilyar 'tong lalaking 'to?

Inilapag ng lalaki ang dala niyang prutas saka mabilis na naglakad palabas. Napatingin naman ako sa matanda. Nakaramdam ako ng lungkot. Mukhang disappointed siya sa ginawa ng gagong iyon! Walang galang!

Ibinaling na sa akin ng matanda ang kanyang atensiyon. Ngumiti naman siya kaya nginitian ko na lang din siya. "Sino po ba kayo?" tanong ko.

Bumalik siya sa pagkakaupo. "I am Emma," sagot niya. "How about you?"

"Demi po," sabi ko naman. "Uhm... Nakakaintindi po ba kayo ng tagalog?"

"Oh, yes! Of course, of course!"

Buti naman. Bobo pa naman ako sa English. Bagsak pa nga ako sa Oral Com., e.

"Sino po ba 'yung lalaking pumasok kanina?" tanong ko.

"It was Jeric. My apo,"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. Jeric? Si Jeric ba 'yon?! Tangina. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit gano'n na lang iyong kinilos niya kanina! Walang galang talaga, ultimo lola niya e ginaganyan niya? Grabe, ha. Grabe!

"'Yung apo niyo po ba e basagulero?" tanong ko. Gago talaga. Kung alam ko lang na siya iyon baka hinampas ko na rin siya ng tubo!

Kumunot ang noo niya. "Pardon?"

"'Yung apo niyo po ba, basagulero?" ulit ko.

"I'm sorry, what is basagulero?"

Akala ko ba nakakaintindi 'to ng tagalog?! Hayop. Ano nga bang english ng basagulero?!

Isip...

"Troublemaker," sagot ko. Mabuti na lang nanonood ng dramas 'to si Joseph. Naalala ko kasi 'yung pinanood niya dati na about sa troublemaker. Mga gang din 'yun.

Malungkot siyang tumango. "If only I could turn him into good one... I don't know, he just changed into something I don't understand... Maybe because of her mother's death," aniya sa kanyang hindi naiintindihang accent.

Grabe namang mag-mourn 'to si Jeric! Kailangan talagang pumatay ng tao! Worst, isa pa ako sa gusto niyang patayin. Ano kayang meron sa akin? Nat-trigger siguro siya dahil mas magaling ako sa kanya. Lmao.

Pero tangina, hindi ko pa rin matanggap na nagkita ulit kami ng gagong Jeric na iyan.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

11.6K 1.1K 62
Si Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong da...
39.4K 1.2K 43
Samantha Fyrix Del Valle thought that having a cold heart and cold personality can isolate herself from the toxic surroundings. She act like a gangst...
133K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...