Love me harder

بواسطة YourPsychoGirl23

765K 6.9K 851

"I'm Hennessy Marveric Bonneville and i'am a rape victim." المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
AUTHOR'S NOTE
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70

Chapter 17

10.8K 110 6
بواسطة YourPsychoGirl23

Chad's

"Sa susunod kasi ay dalhin mo na ang kotse mo at sinasabi ko naman sa iyo sa delikado sa daan." Sabi ni nanay habang ginagamot niya ang sugat sa mukha ko.

Ang sinabi ko sa kanya ay napag tripan ako ng mga tambay na malapit sa opisina ko pero ang hindi niya alam ay si Jack Bonneville ang may kagagawa nito. Hindi ko naman siya masisisi. Maski ako ay gagawin ko din ito sa sarili ko.

Lahat ng sinabi ko ay walang ka totohanan. Habang sinasabi ko lahat ng iyon ay nadudurog ang puso ko pero wala akong magagawa dahil sa takot na may mangyari din sa pamilya ko.

Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. Sigurado akong sasabihin lahat ni Jack ang mga narinig niya kay Hennessy at makakarating ito kay Augustus. Bigo ako sa misyon ko at mawawala na ang kumpanya namin.

Mawawala na din ang babaeng mahal ko..

Si hennessy...

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na nararamdaman ang sugat sa mukha ko. Mas nasasaktan ako sa mga pwedeng mangyari. Nakapag usap na kami ni nanay at bukas na ang alis nila papuntang Japan. Mas maganda kung mag isa kong haharapin lahat ng ito at hindi na sila madamay pa.

Hindi muna ako papasok sa opisina ng mga dalawang linggo dahil sobrang napuruhan ang mukha ko. Sa totoo lang ay kaya ko naman labanan si jack, hindi ko lang ginawa kasi mas madadagdagan lang ang kasalanan ko kay hennessy.

Wala ako sa posisyon na ipaliwanag ang lahat kay Jack at panigurado ako na kahit naman sabihin ko ang totoo ay hindi niya ako papakinggan.

Dahil sa katangahan ko, mawawala na sakin lahat. Mawawala sa akin si Hennessy.

Pareho kami ni Lexus na hindi papasok sa opisina at nilusutan niya nalang si Augustus. Nangako siya na itatago niya ang nangyari kay Augustus kasi pag nag kataon ay pareho kaming malalagot. Gaya ng pamilya ko ay may utang din na pinag babayaran ang pamilya ni Lexus sa mga Simoune.

Tinititigan ko ang wallpaper ng cellphone ko. Si hennessy iyon at iyon yung time na mag ka hawak kami ng kamay sa kotse noong niyaya ko siya sa Mt. minahalin. Nasaktohang tumingin siya sa camera at iyon din yung time na dinahilan ko na na pindot ko ang flashlight dahil nasaktohan na may flash pala iyon nang kinuhaan ko siya palihim ng litrato.

"S-sana patawarin mo ko.." hindi ko nalang namalayan ang pag patak mg mga luha ko.

"Mahal na mahal kita.." pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili ko.

Kung kailan gusto ko ng baguhin ang masamang imahe at kung kailan ko na gusto bumawi kay hennessy ay saka pa nag ka gulo ang lahat. Ganito yata talaga ang tadhana, sadyang mapag laro.

—————————
Hennessy's

"Hay nako jack! Sinabi ko na't bawasan mo ang pagiging basagulero." Saway naman ni nanay kay jack nang makita nito na punit ang gilid ng labi ni jack.

Napakamot naman si jack sa ulo. "M-may ipinag tanggol lang ako nay.." sinabi niya at tumingin sa akin. Iyong tingin niya na yon ay hindi basta. Parang may sinasabi?

"Sino naman ang pinag tanggol mo?" Tanong ni nanay habang minamasahe ang paa ni Jack. Ayaw ng sino man sa amin na napapagod si nanay pero siya ang namimilit na pag silbihan kami.

"Basta 'nay sobrang halaga sa akin nuong babae na iyon.." jack said and the he looked away.

Napa ubo naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Jack? I thought he's gay? Bakit babae? "Anak, are you okay? Napano ka?" Tanong ni nanay.

Umiling nalang ako at sumenyas nalang ako na ayos lang.

Kagabi ay napag desisyunan ko na umuwi na dito sa mansion. Gabi na noon at bigla akong bumaba para kumuha ng tubig pero nakita ko si Jack amoy alak siya tapos may sugat siya sa labi kaya nag taka ako.

Lalo pa ako nag alala kasi yakap siya ng yakap sa akin kagabi. Hindi ko tuloy alam kung anong nangyari sa kanya at bakit siya nag kaka ganoon. Di ko naman matanong si Hero kung may pinag awayan ba silang dalawa ni Jack kasi ayaw ko mangialam sa kanilang dalawa baka kasi mangialam lalo si Hero sa amin ni Chad kahit hindi kami.

Umalis si nanay at may pupuntahan daw siya na importante. Hindi papasok si Jack sa trabaho dahil masama ang pakiramdam niya at di na din ako papasok kasi balak ko lang na samahan siya buong araw.

"J-jack, ano ba ang nangyari? Sino ang pinag tanggol mo?" I asked him. Napatingin siya sa akin at tumitig siya sa mga mata ko. Malungkot ang sinasabi ng mga tingin niya.

"Wala. Nalasing lang ako kagabi kaya napa away lang ng konti." Umiwas siya ng tingin. I can feel that he's not telling me the truth pero wala na ako balak na kulitin siya kasi baka kailangan niya ng space.

"C-close padin ba kayo ni Chad? I m-mean may mga lakad ba kayo netong mga susunod na araw?" Jack asked me.

"Wala naman. Busy yata iyon at hindi ako minemessage. Bat mo natanong?" Umiling siya at tumabi sa akin sa sofa. Niyakap niya nanaman ako.

Ano bang mayroon at ang sweet niya? "May nagawa ka bang kasalanan sa akin?" Tanong ko sa kanya at napa hagikhik ako.

"Wala, ano ka ba." Natawa naman siya sa tanong ko.

Habang yakap niya ako ay ramdam ko na parang ang bigat ng pag hinga niya. "J-jack are you hiding something from me?" I asked him.

Hindi naman sa pag ooverthink pero i can really feel that there is something wrong. Parang ang lungkot lungkot ng awra ng bahay simula kagabi.

"W-why would i h-hide something from y-you? At kahit naman mayroon ay mararamdaman mo iyon." Jack said at ngumiti siya sa akin.

Habang nanonood kami ng TV iniisip ko tuloy na kung pumasok ba ako ngayon sa opisina ay pupuntahan ulit ako ni Chad? Parang gusto ko kasi na kasama ko na siya lagi.

Tsaka napaisip rin ako sa sinabi ni chad na may bagay daw siya na kinuha ko daw kaya chineck ko iyong bag na dala ko nung umalis kami kasi baka may nadampot ako na gamit niya at na iuwi ko accidentaly pero wala naman akong nakita sa bag ko na hindi akin.

"Jack.." tawag ko sa kanya na busy parin sa panonood. "Hmm?"

"When did you knew na you're inlove with hero?" I asked him. Wala namang tao dito bukod sa mga kasambahay na abala sa pag lilinis ng pool at pag aayos sa kusina.

"Noong mag isa ako at siya lang lagi ang anjan para sa akin. You were in greece that time at wala akong magawa kundi sarilihin nalang lahat ng problema ko dahil bukod sayo ay wala na nakakaintindi sa akin." Sabi niya medyo mahina ang boses niya.

Naiintindihan ko naman siya. Kahit naman mag open up kami sa mga kuya namin, hindi nila kami ganoon maiintindihan lalo na si Kuya Morgan. Mas pipiliin nuon na sermonan kami kesa sa intindihin.

"Sobrang lungkot ko noon until he came at unti unti ay nahulog ako sa kanya. Walang babae o kung sino man ang nakapag patibok mg puso ko. Akala ko dati ay kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero habang tumatagal ay nararamdaman ko na mas malalim pa sa pag kakaibigan ang nararamdaman ko." Jack said. Nalungkot naman ako kasi hindi alam ng pamilya namin ang totoo.

"A-are you sure na y-you're gay? Hindi ka ba na huhumaling sa babae?" I asked him. Hindi naman sa hindi ako boto sa kanila pero kasi baka ay na coconfuse lang siya at hindi siya sigurado kung ano talaga siya. Medyo natulala siya at napaisip sa sinabi ko.

"H-hindi na ako nag kakagusto sa parehong lalaki at babae kasi para sa akin, si hero na lang ang nakikita ko." Mukhang mahal na mahal nya nga iyon at andito lang naman ako para suportahan silang dalawa.

"WHERE THE FUCK IS DAMSON GINZACH?!" Biglang pasok ni dad sa bahay at halatang kakagaling lang nito sa airport dahil may mga maletang dala ang mga kasambahay na naka sunod sa kanya.

Nag katinginan naman kami ni Jack at pareho kaming nag tataka kung bakit galit na galit si dad. "D-dad nakabalik ka na pa-pala sa pinas.." bati sa kanya ni jack at napatingin siya sa gawi namin.

"Nasaan ang kapatid niyo? Nasaan si Damson?!" Galit na sabi padin ni daddy. Sa aming mag kakapatid ay  si Kuya damon ang pinaka madalas na napapagalitan kaya medyo sanay na kami pero yung galit ni dad ngayon ay medyo iba. Mukhang galit na galit talaga siya.

Bumaba mula sa taas si kuya damon na papunas punas pa ng mata at halatang bagong gising lang ito kasi he's topless at naka boxer lang siya.

Nakita ko sa mga mata ni dad ang galit nang makita niya si kuya Damon at ramdam naman namin pareho ni Jack ang pag bigat ng pag hinga ni dad. Tinignan ko siya at tinanong kung anong mayroon pero nag kibit balikat lang din siya.

"Dad hinahanap mo ba ak—" hindi na natapos ni kuya Damon ang sasabihin dahil sinapak agad siya ni dad sa mukha. Napa tumba siya at kita sa mukha niya ang pag tataka.

Lumapit kami pareho ni Jack kay daddy para pigilan ito kasi akmang susuntukin niya ulit ito. Sakto naman ang pag dating ni nanay sa bahay at kita din sa reaksyon ng mukha niya ang pag tataka.

"You are such a disgrace in this family! Wala ka ng ginawang tama!"sigaw ni daddy at dinuro duro niya si kuya damon.

"Ano nanaman ang sinasabi ninyo?! Wala akong ginagawa at mag hapon lang akong tulog sa bahay!" Sinimulan niya na sigawan din si dad at tumayo na siya mula sa pag kaka handusay sa lapag.

"Damon, wag mong pag taasan ng boses ang tatay mo. Hon, anong nangyayari dito?" Sabi ni nanay at lumapit siya sa kinaroroonan namin.

"Itanong mo jan sa magaling mong anak!" Sigaw ni dad at grabe na ang pag titinginan nila ni Kuya damon. Ramdam ko na kinakabahan din si Jack gaya ko. Ano ba ang nangyayari?

"How many times do i have to tell you na wala nga akong katarantaduhang ginagawa!" Kuya damon shouted. Pumunta ako sa pwesto niya at niyakap siya. Naramdaman ko naman na humawak siya sa braso ko at parang sinasabi na magiging okay rin ang lahat.

"And now you're expecting us to believe in you?! Sa lahat ng katarantaduhang nagawa mo sa pamilyang ito ay wala ng maniniwala sayo!" Dad shouted at sinuntok ulit siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako.

Sa higpit ng yakap ko ay hindi na siya napa upo sa lapag pero ramdam ko na nasasaktan siya. Lalo akong napaiyak pero tahimik lang iyon at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni kuya damon at pilit hinaharang ang sarili ko para hindi na siya masaktan ni dad.

"Ano ba kasi ang problema ninyo?" Kuya damon tried to calm his self.

Umiiyak na si nanay at katulad ko ay nakayakap na din siya kay dad at pinipigilan ito lahat ng kasambahay namin ay pinabalik muna sa mga silid nila.

"Sa dami ng kahihiyan na binigay mo sa pamilyang ito ay ito ang pinaka hindi ko matatanggap! Isa kang kriminal!" Sigaw ni daddy at doon na napa hagulgol si nanay ng sobra.

"Saan nyo nanaman ba napulot ang binibintang ninyo sa akin?!" Sigaw ni kuya Damon at halatang nagulat din siya sa sinabi ni Daddy. Lalong humigpit ang yakap ko kay kuya.

Alam ko na hindi totoo ang mga sinasabi ni dad at nasasaktan ako para sa kuya ko. Saan naman nang galing ang mga lumabas sa bibig ni Daddy?

"A-ano? He-henry hindi kriminal ang anak mo! Ano ba ang sinasab—"

Hindi na natuloy ni nanay ang sasabihin nang napasigaw si dad. "He killed Yuan Yu! Ikaw ang nag papatay kay Yuan Yu!" Sigaw ni dad at akmang sasaktan ulit si Kuya Damon pero pumasok si Kuya martin at Kuya morgan at biglang pinigilan si dad. Mukhang takang taka din sila sa mga nangyayari.

"A-ano?! Bat ko naman ipapapatay si Yuan?! Yes may alitan kami pero i would never do something like that!" Depensa ni Kuya Damon sa sarili niya.

"H-hon, saan mo ba nakuha ang balitang iyan? Hindi kriminal ang anak mo." Sabi ni nanay at hinang hina na ang boses nito.

"Nakita yang anak mo sa CCTV footage at ikaw ang kasama ni Yuan bago siya dinakip! Pag ka hiwalay na pag ka hiwalay nyong dalawa at pag tawid nya ng kalsada ay may van na tumigil sa harap niya at pwersahan siyang ipinasok sa loob!" Sigaw ni dad. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Lahat kami ay hindi makapaniwala sa naririnig ko.

Nag buntong hininga nalang si Kuya damon at napayuko. Iniangat ko ang mukha ko at tinignan siya. He smiled at me pero alam kong nasasaktan siya at pilit lamang iyon.

"You never listen to me dad. Paniwalaan nyo ang gusto ninyong paniwalaan sa huli ay alam kong sa iba padin kayo maniniwala at hindi sa anak ninyo.." ngumiti ng kaunti si kuya at mahinahon na ang boses niya. Lalo akong nasasaktan sa pilit na mga ngiti niya.

"Ikaw ang hindi nakinig sa akin kaya nag kakaganyan ka na! I can't believe na aabot pa tayo sa ganito!" Agad nanaman niya sinapak si kuya Damon pero hindi na natinag ito.

Napa singhap at napa hikbi ako ng may nakita akong dugo na dumadaloy galing sa gilid ng mga mata ni kuya Damon pero hindi niya ininda iyon.

"Hindi na ako mag tataka kung isang araw ay layasan na kayo mg lahat ng anak ninyo.." sabi ni kuya damon at blangko padin ang ekspresyon nya. Akmang sasawayin dapat siya ni Kuya Morgan pero pinigilan ito ni Jack.

"Napaka bastos mo talaga! Hindi ko na papalagpasin ang—"

"Ano pa hinihintay ninyo? Ipakulong nyo na ako.." halos pabulong na nasabi iyon ni kuya dahil hinang hina na siya.

Lalo akong napa iyak at lalo kong hinigpitan ang kapit ko kay kuya Damon. Ayaw ko mag let go. Ayaw ko siyang i let go.

Si mommy ay bigla nalang natumba at nawalan nalang ng malay. Buti ay nasalo siya ni kuya martin at tumawag ng kasambahay para asikasuhin si mommy.

Gusto ko lapitan si nanay pero ayaw ko bumitaw kay kuya Damon. Sa lahat ng oras na napapagalitan siya, ako ang nag tatanggol sa kanya mula kay dad. Ihaharang ko ang sarili ko para hindi siya nasasaktan. Never na tiis ako ni dad sa mga ganoong bagay at sa ay hanggang dito ay hindi niya ako tiisin.

"See? Ayan ang epekto mo sa pamilya." Wika ni dad at itinuro niya si nanay na inaasikaso at inaakyat ng mga kasambahay at ng dalawa kong kuya.

Nakatulala nalang si kuya damon at namumutla siya. "Ipapakulong talaga kita and i'm disowning you from now on! Hinding hindi ko papayagan na isama mo ang apelyido mabulok sa kulungan!"

Lalo ako napa hagulgol nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ng mga police na pumarada sa harap ng mansion namin.

"Kuya, please wag. W-wala ka namang kasalanan diba?" Sabi ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako at hinalikan sa noo. Nakita kong pumatak ang luha niya at agad niya itong pinunasan. Sa tingin niyang iyon ay nakita ko sa mga mata niya na napagod na siya ipag tanggol at ipag laban ang sarili niya.

Kinausap ng mga police si dad pero wala na akong marinig. Si kuya damon nalang ang nakikita ko.

Lumapit ang mga police at binasa at pinakita nila ang warrant of arrest nila sa kuya ko. Hindi ako nakinig at kay kuya damon lang ako naka yakap ng mahigpit. I keep on saying na wag pero he whispered na "everything w-will be alright."

Nang poposasan na siya ay pinapakalas na ako ni dad mula sa pag kakayakap pero wala akong balak na kumalas.

Wala na akong ma iluha at wala na din akong lakas pero hindi ako bibitaw. Ayaw kong bumitaw.

"H-hennessy sige na, tama na. Magiging maayos din ako." Ipinakita nanaman niya sa akin ang ngiti niya. Yung ngiti niya na alam kong hindi totoo.

Kinalas ni kuya Morgan at Jack ang pag kakayap ko at wala akong nagawa kasi They are stronger than me.

Wala akong magawa kundi tignan ang kuya Damon ko na lumalabas ng Mansion. Gusto kong sumigaw at gusto ko siyang habulin pero hindi ako maka galaw mula sa kina tatayuan ko.

Lumingon siya sa akin bago sila tuluyang makalabas at nakita ko sa mga bibig niya na sinabihan niya ako ng "i love you.."

"Itatakwil ko sa pamilyang ito ang tutulong at lalapit sa lalaking iyon. Kalimutan ninyo na naging parte sa pamilyang ito ang Demonyong iyon." Sabi ni dad at tuluyan na umakyat sa taas.

Nang matapos ang lahat, naging malungkot at tahimik bigla ang buong bahay at andito kami sa sala at hindi padin maka alis mula sa kinatatayuan namin.

"Hindi ako makapaniwala na wala kayong ginawa." Sabi ko at halos pabulong iyon dahil sobrang nang hihina na ako.

Tumingin sa akin si kuya Martin. "Wala naman tayong magagawa. You heard what dad did just said at hindi tayo dapat mangialam." Kuya martin said pero alam ko at ramdam ko na labag iyon sa kalooban niya.

"What are we going to do now?" Jack asked pero nag salita si kuya Morgan.

"Sundin natin si dad. Iyon lang naman ang makakabuti para sa ating lahat." Kuya Morgan said.

Napatingin ako sa kanya. I look at him as if i'm disgusted of what he just said.

"K-kaya mo pabayaan ang kapatid mo? Mag pa ka kuya ka naman kahit minsan." Sabi ko at umalis na. Umakyat ako sa kwarto ko.

Hindi ako makapaniwala na mang yayari ito sa pamilya ko. Sobrang nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.

Ano pa ba ang mga mangyayari na makakasakit sakin? Ipag sabay sabay na lahat para isahang sakit nalang! I'm so tired of everything. It seems like this life is not worth living for.

Niyakap ko ang unan ko at umiyak nanaman. All i can do is cry at naiinis ako sa sarili ko.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

176K 13.2K 20
"YOU ARE MINE TO KEEP OR TO KILL" ~~~ Kiaan and Izna are like completely two different poles. They both belong to two different RIVAL FAMILIES. It's...
640K 13.7K 46
"Real lifeမှာ စကေးကြမ်းလွန်းတဲ့ စနိုက်ကြော်ဆိုတာမရှိဘူး ပျော်ဝင်သွားတဲ့ယောကျာ်းဆိုတာပဲရှိတယ်" "ခေါင်းလေးပဲညိတ်ပေး Bae မင်းငြီးငွေ့ရလောက်အောင်အထိ ငါချ...
138K 29.4K 45
Becca Belfort i Haze Connors, choć przez swoich znajomych zmuszani do spędzania razem czasu całą paczką, od dawna się nie znoszą. Dogryzają sobie prz...
3.3M 139K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...